〰️
Natandaan ni Alexander ang address ng bahay ni Freya mula sa report na binigay ni Linda sa kanya, kaya madali para sa kanya na hanapin ito. Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng malaking bahay. Kumpara sa buhay nila noong magkasama sila, masasabi niyang malaki na ang pag-unlad ng buhay ni Freya ngayon. Nang mamatay kasi ang mga magulang ni Freya, naghirap siya dahil nawala ang lahat. Hindi maiwasan ni Alexander na mamangha kay Freya. Narating niya ang lahat ng meron siya ngayon dahil sa sariling talino at kakayahan. Tumiim ang bagang ni Alexander nang maalala ang mga magulang ni Freya. Ayaw man niyang aminin, ngunit isa siya sa mga dahilan kung bakit naranasan iyon ni Freya. Binigay ng mga magulang nito ang lahat ng shares sa kumpanya nila sa kanya, kapalit ng pagpapakasal nilang dalawa. Subalit ano ang ginawa niya? Sinaktan niya ang anak ng mga ito at hindi niya tinupad ang kanyang pangako. Naging duwag siya at naging gago. Pinili niyang saktan ito at hinayaang umiyak. Pumikit si Al
"Yes, Uncle!" Hindi napigilan ni Alexander ang mapangiti dahil sa nakakahawang sigla ni Rose. Pero agad din siyang kumunot ang noo nang marinig ang nakikiusap na boses nito. "Uncle, pwede po bang paki-gawa ng pabor? Please po?" Agad siyang napatayo at tinanong ang bata. Nag-aalala siya dahil sa boses ni Rose. Bumaba ito at parang problemado. "Bakit? May problema ba, Rose?" "Please, Uncle, pumunta ka sa school ko... please? Busy si Mommy kaya hindi siya makakapunta. Mahalaga po ito, Uncle. Sana po makapunta ka." Kahit hindi niya nakikita si Rose, nahuhulaan niyang nakanguso ito habang nagsasalita. At iyon ang nagpa-cute sa kanya sa kanyang imahinasyon. Napahawak si Linda sa dibdib sa gulat nang malakas na buksan ni Alexander ang pinto. "Kanselahin mo lahat ng appointment ko, Linda. May mahalaga akong pupuntahan." "Pero, Sir, ang Mommy mo gusto kang makausap— anong nangyari do'n kay Sir? Parang nag-iba ang kilos niya nitong nakaraan ah." Naibulalas ni Linda, nakalimutan na hawak ang
Sobra ang kaba na nararamdaman ni Freya nang bumaba siya ng kotse. Sino nga ba naman ang hindi kakabahan? Tumawag sa kanya ang prinsipal at sinabi na sinundo na daw ni Rose ang kanyang daddy. Wala si yaya dahil day off nito ngayong araw, at imposible rin naman na si David ang sumundo sa kanyang anak dahil nasa Hongkong ito ngayon. Wala siyang ibang kakilala na maaaring sumundo sa kanyang anak dahil nang mawala ang kanyang mga magulang at maghirap sila, parang bula na nawala ang lahat ng kanilang kamag-anak. Kumunot ang noo ni Freya nang makita ang pamilyar na pigura sa swing malapit sa homeroom ni Rose. Nagmadali siyang lumapit at mahigpit na niyakap ang bata. "Rose, ano ang ginagawa mo rito? Ang sabi sa akin ng prinsipal ay sinundo ka daw ng kung sino—" natigil siya sa ere nang makita si Alexander na prenteng nakaupo sa swing habang kumakain din ng ice cream. "Ikaw?! Ano ang ginagawa mo rito... at saka bakit kasama mo ang anak ko?" Kung ganoon, siya nga ba ang sumundo sa kanyang anak
"Freya, magsalita ka, ayos ka lang ba? Ano 'yong narinig ko? N-nadigrasya ka ba? My god, please sagutin mo naman ako, nag-aalala na ako," Hindi kayang sagutin ni Freya si Raven. Takot na takot siya habang nakatingin sa mga lalaking nakapalibot sa kotse niya. Lahat sila ay nakasuot ng kulay itim, nakatago ang kanilang mukha dahil nakasuot sila ng itim na Bonnet Mask. "Freya!" Nag-aalalang tawag sa kanya ni Raven. Hindi niya magawang alisin ang cellphone sa tapat ng tenga niya... nanginginig siya sa takot. Napapitlag ang katawan niya ng katukin ng isang lalaki ang salamin ng kanyang sasakyan. Ayaw man niyang buksan ito, wala siyang nagawa dahil may lalaking nakaupo sa hood ng kotse niya, may hawak siyang baril at nakatutok sa kanya. "Ang tagal mo naman magbukas ng bintana, miss. Wala naman kaming balak na masama sayo 'gusto ka lang namin kausapin." Sumenyas ito sa cellphone na hawak niya. "Tapusin mo na ang pakikipag-usap di'yan, dalian mo dahil sasama ka sa amin. Sabihin mo sa kausa
Dinala nila si Freya sa isang villa. Habang hila siya, panay ang palag niya. Ayaw niyang sumama sa kanila dahil natatakot siya na may masamang balak ang mga ito sa kanya. Gusto niyang tumakbo, ngunit nakatali na ang kanyang mga kamay at binusalan ang kanyang bibig para hindi siya makasigaw at makahingi ng tulong. Mukhang abandonadong gusali ang pinagdalhan sa kanya dahil napapalibutan ito ng mga nagtataasang talahib. "Wag ka nang pumalag, puta ka!" sigaw ng isang lalaki. "Uhmmp!" Nasaktan si Freya ng diinan ng lalaki ang hawak sa kanyang braso. Kinaladkad siya ng lalaki na parang isang bagay. Naiiyak siya sa sakit, pakiramdam niya ay mababali ang kanyang buto. Bakit ba nangyayari ito sa kanya? Wala naman siyang natandaan na may ginawan siyang masama sa kahit na sino. Hindi siya gumanti sa kahit na sino, hindi siya nanakit... bakit sinasapit niya 'to? Kapag nawala siya, paano na ang kanyang anak? Pagkatapos nilang itali si Freya sa upuan, nagawa pa nilang magtawanan habang nagkukwent
“BANG!” Malakas na putok ng baril ang narinig ni Freya kasabay ng tilamsik ng likido sa kanyang balat. Nakarinig siya ng magkakahalong boses... may nagsasabi na "ligtas na siya" at may nagsasabi din na "nakawala ang isa, habulin ninyo." Nanginginig si Freya sa takot... hindi niya magawang imulat ang kanyang mga mata dahil natatakot siya sa maari niyang makita. "Freya!" Narinig niya ang boses ni Alexander na tumatawag sa kanya. "A-Alexander..." Iyon lamang ang namutawi sa labi niya. Nanghihina siya, nanlalambot ang katawan niya, hindi na niya kayang tumayo pa... nang makita ni Alexander na pabagsak na siya ay mabilis siyang tumakbo para saluhin siya. "A...akala ko mapapahamak na ako... akala ko w-wala nang magliligtas sa akin, ahhh!!!!" Lahat ng takot, sakit ng kanyang dibdib ay pinakawalan niya lahat... humahagulgol siya sa dibdib ni Alexander habang yapos siya nito. "T-takot na takot ako... a-akala ko hindi ko na makikita ang anak ko!" Ayaw niyang makita ng ibang tao kung gaano s
"Ahhh! Tangina talaga... ang sakit!" Daing ni Oliver habang hawak ang kanyang balikat na may tama ng bala. Kinuha niya agad ang susi ng motor at pinatakbo iyon para makalayo sa lugar. "P*ta ang malas! May checkpoint sa buong lugar!" Nang may makitang tindahan ay nagtago siya sa gilid kasama ang kanyang motor. Nagsuot siya ng jacket para itago ang duguan na balikat. Kailangan niyang magtiis sa sakit, daplis lang naman ang tama niya kaya magagawa niyang magtiis ng hanggang limang oras. "Ahhh... hayop ka, Domeng, kasalanan mo 'to. Hindi ka nag-iingat kaya natunton tayo... dahil sa katangahan mo kaya kayo namatay ng mga kasama mo... inutil ka!" "Boy!" Tawag ni Oliver sa batang dumaan, mukhang bibili ito sa tindahan. "May alam ka bang paupahan sa lugar na ito? Yung malapit lang... hindi lalabas sa barangay na 'to." "Meron po, sa bandang likuran po!" "Samahan mo ako... bibigyan kita ng isang libo!" Alok niya sa bata. Alam niya na kapag may suhol mas madaling kikilos ang mga tao, mapabata
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakabaril ng tao si Alexander. Pero ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng matinding galit. Nang makita ni Alexander na hawak ng lalaki si Freya bilang hostage, nagdilim ang paningin niya sa sobrang galit. Nanginginig ang kalamnan niya, gusto niyang durugin ang lalaki sa mismong kamay niya at pagbayarin siya sa ginawa niya. Pero nang makita niya ang luhaang mukha ni Freya... ang takot sa kanyang mata... narealize niya na hindi lang siya galit. Ang mga kamay niya ay nanginginig dahil sa takot na baka mawala si Freya sa kanya. Natatakot siya na baka sa isang maling galaw niya ay malagay sa panganib ang buhay ni Freya. Nanginginig si Freya habang karga niya, damang-dama niya ang umaapaw na takot ni Freya... napakaputla ng mukha ni Freya, pati ang kanyang labi ay nanginginig pa... naririnig niya ang paulit-ulit na pasasalamat ni Freya kasabay ng pagbigkas niya sa pangalan ng kanyang anak. Napamura siya sa isip niya. Bigla niyang naalala ang na
Nanlaki ang mata ni Hazel ng makita na si Tita Freya ito kasama si Yassie. “S-see? Magkasama silq ngayon at n-niloloko nila ako! Tita, they’ve been cheating on me since Hazel came back… w-who knows, baka matagal na nila itong ginagawa sa akin!” Humahagulhol pa si Yassie ng iyak. Napaawang ang labi ni Hazel sa narinig. Nang tumingin siya sa mommy ni Frank ay may pagkadismaya itong nakatingin sa kanila, especially sa kanya. “Tita—“ Napahinto si Hazel sa pagsasalita ng humarang si Frank sa harapan niya. “You don’t have to explain yourself, baby. Wala tayong ginagawang masama.” Galit na dinuro ng binata si Yassie, na ngayon ay nagtatago sa likuran ng kanyang ina. “You bitch! Hiwalay na tayo, Yassie! At pwede ba, tigilan mo na ang pagpapanggap na buntis ka!” Napahawak sa ulo si Freya. Sinabi na nga ito sa kanya ng anak. Ngunit ginigiit ni Yassie na buntis ito. Sumasakit ang ulo niya. Sinong mag-aakala na mayron palang relasyon sina Frank at Hazel. All this time, inakala niya
“Mam, pasensya na ho. Pero hindi talaga kayo pwedeng pumasok,” Muling tiningnan ng security guard ang name list ang mukha ng nasa banning list. Nang masiguro, muli itong bumaling kay Yassie. “Pasensya na ho, pero sumusunod lang kami sa utos.” “Utos? By who?!” Sinubukan ni Yassie na agawin ang list, ngunit mabilis na iniwas ito ng security guard. “Huwag kayong mag eskandalo, mam. Kami din naman ay nagtataka kung bakit kasama kayo sa pina-ban sa amin ng security department. Kung may reklamo man kayo, huwag kayo sa amin magreklamo. Ginagawa lang namin ang mga trabaho namin.” Paliwanag nito. Kumuyom ang kamao ni Yassie. Nang ilibot niya ang tingin sa paligid, napansin niya na marami na ang nakatingin sa kanya. Dahil sa ingay na nilikha niya, umugong ang usap-usapan. “Nabalitaan niyo na ba? Hiwalay na daw sila ni Sir. Ayon nga sa usap-usapan, limang taon na silang hiwalay pero ngayon lang napatunayan iyon,” Wika pa ng babae. “Mukhang may bago na si Sir dati pa. Ang
Hindi na matutuloy ang kasal, pero bakit nasa balita pa rin ang tungkol dito? Hindi maitago ni Frank ang pagdidilim ng mukha. Nang mapansin nila Freya at Rose ang ekspresyon ng binata, nagkatinginan sila. Nang subukan na kunin ni Rose ang newspaper na nilukot ni Frank, mabilis na kinuha ito ni Mike at itinapon sa pinakamalapit na trash can. “Mabuti pa ay kumain na tayo, lalamig na ang pagkain.” Hinaplos ni Mike ang tiyan. “Kanina pa gutom ang mga bata… hindi sila uminom kahit gatas lang kanina. They wanted to eat with their uncle.” Ani Mike para alisin kay Frank ang atensyon ng asawa. Sa kalagitnaan ng pagkain ay hindi napigilan ni Freya ang ungkatin ang tungkol kay Yassie. Hindi na ito napigilan pa ni Alexander. “Frank, kailan mo balak na pakasalan si Yassie?” “Oo nga, Frank.” Segunda ni Rose. “Kung buntis siya, hindi niyo na dapat patagalin pa ang kasal niyo. Hello, wala kayang babae ang gustong maglakad ng malaki ang tiyan sa simbahan.” Lalong dumilim ang mu
Paano nangyari ito?! Hindi mapakali na palakad-lakad si Arcellie habang hawak ang report na nabasa niya. Nagtaka naman ang secretary na nakakakita sa hindi mapalagay na amo niya. PAGDATING sa restroom, nanginginig na naglabas ng sigarilyo si Aika sa kanyang bulsa. Itinigil na niya ang paninigarilyo. Nguniy kailangan niya ito, lalo na ngayon na masama ang loob niya. Matapang man siya sa harapan ng mommy niya, ngunit malayo iyon sa tunay na nasa loob niya. Natatakot siya para sa kanila ni Spencer. Kinuha ng dalaga ang cellphone at tinitigan ang wallpaper niya… ang kuha nilang dalawa ng binata. Wala naman talaga sa plano niya na gustuhin ito. Bukod sa hindi ito mayaman, malayong-malayo ito sa lalaking tipo niya. Masyadong mabilis ang pangyayari. Natagpuan niya ang sarili na unti-unting nagugustuhan ang lalaki. At ngayon nga ay wala na siyang balak bumitiw dito. “My god… ano ba itong nangyayari sa love life ko.” Akala niya ay si Hazel lang ang kakilala niya
“COZ!” Umalingawngaw ang malakas na boses ni Aika. Nang makapasok sa opisina ni Hazel ay nakiusyoso agad ito. “Nakita ko kanina na nanggaling dito si mommy. May sinabi ba siya tungkol sa inyo ni Frank?” Nang kumunot ang noo ni Hazel ay agad siyang nagpaliwanag. “Nakita ko kasi sa kwarto niya ang mga pictures niyong dalawa. Mukhang pinapasundan ka ni mommy, coz. Mag iingat ka.” “Sayo, hindi ko ba kailangan mag ingat?” Ngumuso ito. “Wow ha. Nag aalala na nga ako sayo tapos ganyan ka pa. Alam kong bitch ako at hindi na magbabago ang tingin sa akin ng ibang tao. But believe me, nakakapagod din maging masama.” Tinaasan niya ng kilay si Hazel. “Napapansin ko na palagi kang wala sa bahay. So, totoo nga ang hinala ko… kayo na ni Frank Evans?” Imbes sagutin ay inirapan lang ito ni Hazel. “Ang aga pa para maki-tsismis ka. Bakit hindi ka nalang bumalik sa station mo at magtrabaho. O kaya naman, asikasuhin mo ang ‘NOBYO’ mo na palagi mong nilalait kesa ang i-tsismis ako
“Yes, baby. No exes…” tumatawang sagot pa ni Frank. Pagkahatid ni Frank sa kanya ay agad din itong umalis. Mag aalas nueve na kasi. Ganon nalang ang gulat ni Hazel ng madatnan ang lolo niya sa loob ng opisina niya. “L-lolo, kayo pala.” Kabadong tumikhim siya at bumati dito at humalik sa pisngi nito. “Good morning, lolo. Pasensya na hindi na ako nakauwi kagabi,” Handa na sana siyang magdahilan ng magsalita ito. “Nabanggit ni Nita na nalasing ka sa bahay ng kaibigan mo at doon na natulog?” Bumuntong-hininga si Henry bago muling nagsalita. “Pasensya ka na, apo. Hind ko alam na maski ikaw ay nagdaramdam sa pag atras ni Steve sa kasal ninyo.” Kumunot ang noo ni Hazel. “Nasabi sa akin ni Arcellie na sa palagay niya ay nasaktan ka din sa ginawa ni Steve. Pagpasensyahan mo na ang lolo mo kung nag-isip ako ng hindi maganda.” Napipilan si Hazel. Sinabi ng tita Arcellie niya iyon? Pero bakit? “Hayaan mo, Hazel. Ginagawa ko ang lahat para matuloy ang kasal ninyo.
Pagod na pagod na sumubsob si Hazel sa kama. Kanina palang habang kinakain ni Frank ang pagkakaba-e niya ay nilabasan na siya… ilang beses ma siyang nilabasan kaya pakiramdam niya ay nanghihina na siya. Naramdaman niya si Frank sa likuran niya na sinasaid ang katas papunta sa sinapupunan niya. “Uhmm…” napaung0l na naman siya ng mayamaya ay nagsimula na naman itong gumalaw. Mukhang balak ni Frank na totohanin ang sinabi kanina. “GOOD MORNING, BABY!” Bati ni Frank kay Hazel. Lumapit siya sa nobya at hinalikan ito sa pisngi at pagkatapos ay sa labi. “I cooked breakfast for us. Come on,” “Uhmm,” tanging sagot ni Hazel. Naramdaman niya ang pag angat ng katawan niya sa higaan. Kinarga siya ni Frank hanggang sa makarating sila sa dining table. Namumula ang pingi na tinakip niya ang kamay sa mukha. “Don’t worry, si Aling Fatima lang ang hinayaan kong magserve ngayon para hindi ka mahiya.” Turan ng binata ng mabasa ang nasa isip niya. Sinong hindi mahihiya, tshirt lan
Natigilan si Hazel ng may maalala siya. “My god! Nakalimutan kong sabihin kay Aling Nita na umalis ako!” Sa pagmamadali ng dalaga ay nakalimutan niyang mag-imporma sa matanda. Bahagyang natawa si Frank. “Bakit kasi tumakas ka? Paano kapag nalaman ito ng lolo mo? Tiyak na magagalit siya.” “Kung hindi mo ako pinag-alala, hindi sana ako pupunta dito ngayon.” Nakangusong sagot ng dalaga. “Kasalanan ko pa pala?” Nang tumango si Hazel at muling natawa si Frank. Napa-hmm, si Hazel ng hapitin ng mahigpit ni Frank ang bewang niya. Damang-dama niya ang pagdikit ang kanilang mga katawan. “Frank—“ hindi na binigyan ng pagkakataon na magsalita ng binata ang nobya. Sinakop ng labi niya ang malambot na labi nito. Pati ang mukha ni Hazel ay hinawakan niya para palalimin ang kanilang halikan… bahagya pang kinagat-kagat ni Frank ang malambot nitong labi. Hindi niya maiwasan na manggigil. “F-frank,” tumingala si Hazel, namumungay ang mata niya, bahagya din namumula ang pisngi n
Natataranta na lumapit si Frank sa dalaga, ngunit malamig na nagsalita siya. “I’m asking you, Frank. Is she the reason why you came home earlier?” Napalunok ng laway na tumango si Frank. Walang dahilan para magsinungaling siya sa nobya. “Is it bad, or bad news for me… makaka-apekto ba ito sa relasyon natin?” Nanlaki ang mata ni Yassie sa narinig, “Relasyon? M-may relasyon na kayo?” Madilim ang mukha na tumingin si Hazel dito. “Zip yoor mouth, Yassie. Hindi ikaw ang kinakausap ko,” bumaling siya sa nobyo, “tell me, Frank… masasaktan ba ako this time?” Lumunok ng laway si Frank bago umiling. Sa lamig ng tono ng pananalita ni Hazel, alam niya na nagpipigil lamang ito ng galit. “Masasaktan ba ako this time, Frank?” Ulit ni Hazel sa malamig na tono. Umiling si Frank, ngunit hindi nakaligtas sa mata ni Hazel ang pagdaan ng takot sa mga mata nito. “You bitch! Kaya pala hindi ka na magpapakasa dahil tuluyan mo nang inahas sa akin si Frank! Napakalandi mo! Walang hiya ka!”