"Teka... anong ibig sabihin nito?!" Galit na tanong ni Raven habang nakakuyom kamao. "Alexander, anong kalokohan na ito? Bakit siya ang papakasalan mo gayong ang kaibigan ko ang fiance mo? Paano ang kaibigan ko?! Ano, bitiwan mo ako, Freya, ano ba!" Angal ni Raven nang hilahin siya ni Freya palayo sa nagkukumpulang mga bisita.
"R-Raven, n-nakikiusap ako... gusto ko nang umuwi!" Garalgal ang boses na pakiusap ni Freya. Saka lamang kumalma si Raven nang makita ang kanyang luhaan at nakakaawang mukha. Wala pa ring patid ang kanyang pagluha, pati ang labi niya ay nanginginig sa matinding sakit. Ang kaninang masaya at maliwanag niyang aura ay napalitan ng hindi masukat na lungkot. "F-freya..." awang-awa si Raven na nakatingin kay Freya. Alam niya kung gaano kamahal ng kanyang kaibigan si Alexander. Simula ng mamatay ang magulang ni Freya ay sa lalaki na umikot ang buhay nito. Kaya alam ni Raven na sobra itong nasasaktan ngayon. Awang-awa na yumakap si Raven kay Freya para damayan ito sa walang kapantay na sakit na dinadanas nito. Parang binibiyak ang puso ni Freya sa bawat tibok nito, ang bawat hininga niya ay nagdadala ng matinding hapdi. Ang sakit ay nagmumula sa kanyang dibdib at kumakalat sa kanyang buong katawan, para bang sinusunog siya mula sa loob palabas. Umaasa si Freya na lilingon si Alexander habang siya'y papalayo, hahabulin siya upang magpaliwanag, ngunit hindi ito ginawa ng binata. Katulad kanina ay hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Walang pakialam ang lalaki sa nangyayari sa kanya. Hindi nito iniisip ang nararamdaman niya ng mga sandaling 'yon. At mas lalong nadagdagan ang sakit na dinadala niya dahil do'n. "Wala siyang pakialam sa akin! Wala maski katiting. S-Sobrang sakit, Raven, hindi ko yata makakaya ito!" Hagulgol ni Freya habang takip ang nanginginig na kamay sa mukha. "Gusto kong hilahin si Olivia palayo sa nobyo ko... gusto kong alisin ang nakakapit na kamay niya sa bisig nito... Gusto ko ring burahin ang kanyang ngiti niya dala ng labis na panibugho. P-Pero kung gagawin ko lahat ng iyon, mas magmumukha akong kaawa-awa at desperada sa paningin ng lahat..." Umiling-uling si Freya. "H-hindi... ayoko maging kaawa-awa sa harapan ng lahat. R-Raven, gusto ko ng umalis... u-umalis na tayo sa lugar na 'to... please..." Gusto man maglabas ng sama ng loob ni Raven sa nanakit sa kanyang kaibigan ay pinili niya itong alalayan upang umalis sa lugar. Nang makakita ng taxi ay agad niya itong pinara. "A-ahhh!" Sigaw ni Freya sabay hawak sa kanyang tiyan. Napanganga siya sa sobrang kirot at sakit nito. Parang may matulis na bagay na tumutusok, nag-aapoy ang sakit na hindi ko kayang tiisin. "Ahhh, ang sakit!" "F-Freya!!!" Bago mawalan ng malay si Freya ay narinig niya pa ang nag-aalalang pagtawag ni Raven sa kanya. Iyon ang huli niyang natandaan bago tuluyang mawalan ng malay. INALALAYAN ni Raven si Freya na maupo sa kama ng ospital. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ni Freya. Kung nabubuhay lang sana ang kanyang magulang, hindi niya mararanasan ang ganito. Ang ama ni Freya ay isa sa mga may mataas na posisyon sa Evans Industry noon, ang kanilang pamilya ay may malaking shares sa kumpanya, na siyang dahilan ng pagpayag ni Alexander na pakasalan siya. Labinglimang taong gulang si Freya nang magsimula siyang mahalin ang binata. Malinaw pa sa kanyang alaala nang una niya itong makita sa kanilang bahay noon, kausap ang kanyang ama. Simula noon, hindi tumigil si Freya sa pagmamahal kay Alexander. Walang ibang lalaking minahal ang dalaga o nakita na maaaring pumalit rito sa kanyang puso. Walong taon niyang minahal si Alexande ng sobra! Akala ni Freya ay handa itong tugunin at aralin na mahalin siya ng binata dahil pumayag itong pakasalan siya, ngunit nagkamali siya. Sa huli, sinaktan lamang siya ng lalaki, pinaasa at niloko. Pumikit si Freya at tumingala. Parang baha ang pagtulo ng kanyang luha. Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang paglapit ng mga labi ng dalawa. Para itong sirang plakang paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan. Bumuntong-hininga si Raven. Upang maibsan ang m lungkot ng kaibigan ay binuksan nito ang telebisyon. "Ay shit!" Napamura siya, imbis na mabawasan ang sakit na nararamdaman ni Freya ay lalo itong nadagdagan. Sa telebisyon, binabalita ang tungkol sa nalalapit na kasal ng dalawang tao. Lalo lamang bumuhos ang mga luha ni Freya sa sakit. Si Alexander, na kilala sa tawag na cold-heart, ay nakangiti ngayon at halatang masaya kasama ang babaeng ipinalit sa kanya, ang ex-girlfriend na si Olivia na nagbalik sa bansa, Mapait na ngumiti siya. Ang tanong, napalitan nga ba niya ang babae sa puso ng binata? O hinintay lang ni Alexander na bumalik ang unang babaeng minahal bago siya iwanan? Samo't saring emosyon ang umahon sa kanyang dibdib. "Argh, nakakainis! Bakit ang bilis kumalat ng balitang 'yan at ngayon ay nasa telebisyon na! Ganyan ba nila kagusto na mapag-usapan sila?!" Hindi maipinta ang mukha ni Raven habang nagsasalita. Mabuti pa ay patayin na niya ang telebisyon. Mas lalo lamang itong makakasakit sa kaibigan niya. "Nakakainis sila, lalo na si Alexander! Sana inisip man lang niya ang nararamdaman mo bago siya nagpalabas ng ganitong balita!" Galit na dagdag ni Raven. Akmang papatayin na nito ang telebisyon nang pigilan siya ng kaibigan. "Gusto ko pang manood." Natigilan si Raven nang makita ang malamig na ekspresyon ni Freya. Basa man ng luha ang mukha ng dalaga ay naroon ang matapang nitong emosyon. Ang mga mata nito, bagaman puno ng sakit, ay nakikitaan ng determinasyon. "F-Freya..." Nanatiling nakatingin si Freya sa telebisyon. Bawat palitan ng tingin at ngiti ni Alexander at Olivia ay nag-iiwan ng sugat at hapdi sa kanyang puso. Pero hindi siya magpapatinag. Hindi siya magiging biktima ng sakit na ito. Hindi siya magiging isang babaeng umiiyak at nagdadalamhati sa isang taong hindi karapat-dapat sa kanyang pagmamahal. "Wala naman magagawa ang pag-iyak ko 'diba? Magmukmok man ako o lumuha ng dugo ay hindi na matutuloy pa ang kasal naming dalawa. Hindi niya ako mamahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya." Hinaplos niya ang tiyan at may pait na ngumiti. "Hindi ko na sasayangin ang buhay ko upang mahalin ang maling tao. Kailangan kong magpakatatag para sa aking sarili at sa anak ko. Dapat noon ko pa ito ginawa. Matagal ko na sanang itinigil ang kahibangan kong mahalin din niya ako. Nasayang ang matagal na panahon ko sa pagtuon ng damdamin sa maling tao." Ang buhay na nasa kanyang sinapupunan ang pagkukunan niya ng lakas. "Gusto kong mabuhay nang hindi umiikot ang mundo ko sa kanya, Raven. Gusto kong mabuhay na tanging ang anak ko na lang ang inaalala. Ayoko na, suko na ako sa kanya. Suko na ako na mahalin siya. Magsisimula ako nang wala siya sa buhay namin ng anak ko. K-kakayanin ko... kakayanin naming dalawa..."Five years later... "Kailangan mong ayusin ang problemang 'to, Alexander! Huwag mong kalimutan na may obligasyon ka!" Pinilig ni Alexander ang ulo saka nilagok ang lamang alak ng hawak na baso. Paulit-ulit niyang naririnig ang boses na ‘yon sa kanyang isip. Ang boses ng kanyang madrasta, paulit-ulit itong nag-uutos at nagdidikta sa mga bagay na kailangan niyang gawin, na para bang isa pa rin siyang bata na kailangan pasunurin. Hindi maipinta ang mukha na nilibot niya ang tingin sa paligid. Nakakabingi ang ingay sa paligid, isa ito sa dahilan kaya hindi siya mahilig dumalo sa ganitong klase ng events. Maingay, nakakairita. Bilang CEO at tagapagmana ng Evans Industry, ang nangungunang kumpanya sa larangan ng Artificial Intelligence. May mabigat na obligasyon si Alexander na kailangan patunayan. Hindi lamang sa pamilya niya, kundi sa buong mundo. Kilala man bilang maraming napatunayan at narating, para sa kanya, kulang pa ang lahat ng natamo niya, gusto pa niyang umunlad. Lumapit
Hindi nagsalita si Alexander pagkatapos sabihin ni Freya iyon. Nanatiling nakapinid ang labi nito habang ang malamig na mata ay nakatingin sa kanya. Katulad noon, hindi mabasa ni Freya ang emosyon sa gwapo nitong mukha, o maging ang naglalaro sa isipan nito. Kaya hindi masabi ni Freya kung nagulat ba ito, o hindi sa ginawa niyang pagsagot. Pero sigurado siya sa isang bagay—hindi ang pagkikita nilang ito ang makakapagpalabas ng emosyon ng ex-fiance niya. Hindi ni Freya namalayan na nakakuyom na pala ang kamao habang nakikipaglaban ng tingin sa lalaking kaharap. Pinilit ng dalaga na tatagan at ipakitang hindi siya apektado sa muli nilang pagkikita. Subalit nagsisimula na siyang makadama ng sakit at galit. Lahat ng masasakit na alaala na dinulot ni Alexander sa kanya ay dumaloy na at rumagasa na parang tubig sa bilis. 'Galit ako sa kanya!' Sigaw ng utak niya. Naghahatid kay Freya nang inis ang katotohanan na kailangan ng Wilson Company ang kooperasyon ng Evans Industry upang mapagan
Nahahapong sumandal si Freya sa pintuan ng mapakasok sa kanilang bahay. Ang bigat ng dibdib niya... hindi naman niya gustong saktan si David, pero hindi rin naman niya gusto itong paasahin. Mas mabuti nang tapatin niya ito sa katotohanan kaysa ang paniwalain na kaya niyang bigyan ito ng pag-asa at lugar sa puso niya. Humiga siya sa kama pagkatapos maligo. Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang bumuntong-hininga. Bawat hininga ni Freya ay parang nagdadala ng mabigat na pasanin. Inaasahan naman niya na magkikita sila ni Alexander sa event, sa katunayan ay hinanda niya ang sarili na makaharap ang lalaki. Subalit hindi pala iyon gano'n kadali katulad ng inaakala niya. Totoo nga ang kasabihan na kahit ano pa ang gawing limoy sa sakit o nakaraan ay babalik at maaalala mo pa rin ito. Mapait na ngumiti si Freya ng maalala ang unang araw na nakita at minahal niya si Alexander... alaalang naging isang bangungot para sa kanya noon. NAPAHINTO SI FREYA SA PAGLABAS ng gate ng makitang may
Kanina pa nakatingin si Alexander sa telepono. Simula ng makauwi siya ay hindi siya mapalagay. Hindi siya dapat magpaapekto sa pagkikita nila ni Freya dahil limang taon na ang nakalipas simula nang natapos ang relasyon nilang dalawa pero heto siya, hindi mapakali simula ng makita itong muli. "Damn it!" Pinukpok nito pinukpok ang kamao sa mesa. Nakakadama siya ng pagkairita na hindi naman dapat. Ang curiosity ni Alexander na gustong malaman kung talaga bang may relasyon sila ni Mr. Wilson ay napakalakas. Nagtatalo ang isip at puso niya ngayon kung tatawagan ba ito o hindi. Gusto ng isip niya na hayaan na ang nakita, sinasabi din nito na hindi na mahalaga 'yon. Pero ang puso niya ay salungat sa gusto ng isip niya. Gusto nitong malaman kung tunay nga na may namamagitan sa mga ito at nagmamahalan ba talaga ang dalawa. Biglang naglaro sa kanyang isipan ang masayang pag-uusap ng dalawa... ang ngitian at yakapan nila. Malapit sila sa isa't isa at halatang palagay ang loob ni Freya sa lala
"Ihatid mo ako sa Wilson's Building, Ted. May kailangan akong pagbigyan ng mga prutas na 'to." Agad na utos ni Alexander rito nang makasakay nang sasakyan. Pinigilan ng matanda ang magpakita ng gulat ng makita ang hawak na box ng kanyang amo. Tumango siya at sumunod na lamang. "Yes, Sir." Sagot ni Ted bago pinaandar ang sasakyan. Panay ang taktak ni Alexander ng daliri sa kahon na hawak. Mukhang naparami ang binili niyang cherry para kay Freya. Samantala, hindi mapigilan ni Ted ang mapatingin sa rear view mirror upang tingnan ang amo. Sa loob ng limang taon ay ngayon lamang nakita ng matanda na muling ngumiti ang amo. "Narito na tayo, Sir." Tumingala si Alexander sa Wilson's Company. Ang kumpanyang ito ay itinatag lamang noong nakaraang taon, ngunit mayroon itong malaking potensyal para sa pag-unlad. Isa ito sa dahilan kaya gusto ng lalaki na makipag-cooperate sa kumpanya. Ngunit dahil nadala siya ng matinding damdamin, nag-alok siya na bilhin ito, na ikinasama ng loob ni Freya.
Kumunot ang noo ni Freya ng makatanggap ng mensahe mula sa yaya ng anak niya. May lalaki daw na naghihintay sa kanya sa opisina. Nabanggit pa ng babae na pamilyar ang lalaki. Sino naman kaya ito. Bumaling si Freya sa kanyang secretary at nagtanong after ng meeting. "Rina, may bisita ba ako pagkatapos ng tanghalian? Hindi ba wala akong appointment pagkatapos ng meeting na 'to?" Tumango agad ang babae at magalang na sumagot: "Opo, Ma'am, wala po kayong meeting, o anumang appointment pagkatapos ng meeting na ito. Pero may plano kayo ngayong araw na hindi pwedeng kalimutan. At iyon ang pangako ninyo kay Rose na mamamasyal kayo sa park ngayong araw." "Oo ng pala," natampal ni Freya ang noo. Muntik na niyang makalimutan ang pinangako niya sa pinakamahalagang tao sa buhay niya. Masyadong naging abala ang araw niya nitong mga nakaraang araw.m kaya wala na siyang panahon sa anak niya. Nang makita ni Rina sa ekspresyon ng amo ay agad siyang nagkomento. "Hindi dapat malaman ni Rose na nakal
"Ma’am Davis, siya ba ang ama ni Rose?" Usisa ni Rina ng makaalis na si Alexander. Pekeng ngumiti si Freya. "Hindi siya ang daddy ni Rose." Pagsisinungaling niya. Para sa kanya, wala nang ama ang anak niya. Ayoko nang masaktan si Rose balang araw. Iyon ang iniiwasan niyang mangyari. "Siya nga pala. Kapag pumunta siya dito uli sabihin mo na nasa meeting ako. Kung mapilit siyang maghintay sa akin, bahala ka nang magdahilan para maitaboy siya." Ang isang Alexander Evans ay gustong itaboy ng kanyang boss? Nagtataka man ay sumagot ng magalang ang secretary ni Freya. "Yes, ma'am." Bumuga si Freya ng hangin para gumaan ang kanyang dibdib. Hindi niya gustong humarap sa anak niya na mainit ang ulo. "I'll go ahead, Rina. Naghihintay na sa akin si Rose." Pagkatapos magpaalam ay umalis na agad siya. Pero bago makaalis ay nakasalubong niya si David. Nang makita ng binata ang mukha niya ay agad na nahalata nito na hindi maganda ang mood niya. "Nakita ko si Alexander sa labas ng building ngay
"Damn!" Napasabunot si Alexander sa buhok. Kaya dali-daling lumabas ang secretary nitong si Linda dahil sa takot na baka madamay sa init ng ulo ng amo niya. Ang mga papeles na nasa mesa at nagkalat, ang mga dapat na trabaho ay nakatambak. Alexander was depressed. Hindi siya makapag-focus sa kanyang trabaho. Tatlong araw na siyang ganito simula ng manggaling siya sa office ni Freya. Ilang beses na rin siyang tumawag sa babae, pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Nagpa-set na rin siya ng appointment pero bigo siyang makakuha dahil fully book ang schedule nito. Alexander knew that she is avoiding him, at hindi niya iyon matanggap. "What should I do?" He never asked himself what should he do next. Pero ngayon parang masisiraan na siya ng ulo. Hanggang ngayon ay tumatakbo sina Freya at Rose sa isip kanyang isip. Sinubukan niya itong alisin sa sistema niya subalit hindi niya ito magawa. Gusto niyang makita at makasama ang dalawa. Bumuga si Alexander ng hangin bago niluwagan ang su
“Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n
Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa
[Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo
Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg
Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim
“Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni
Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu
“Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel
Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k