Share

6. Alaala

Nahahapong sumandal si Freya sa pintuan ng mapakasok sa kanilang bahay. Ang bigat ng dibdib niya... hindi naman niya gustong saktan si David, pero hindi rin naman niya gusto itong paasahin. Mas mabuti nang tapatin niya ito sa katotohanan kaysa ang paniwalain na kaya niyang bigyan ito ng pag-asa at lugar sa puso niya.

Humiga siya sa kama pagkatapos maligo. Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang bumuntong-hininga. Bawat hininga ni Freya ay parang nagdadala ng mabigat na pasanin. Inaasahan naman niya na magkikita sila ni Alexander sa event, sa katunayan ay hinanda niya ang sarili na makaharap ang lalaki. Subalit hindi pala iyon gano'n kadali katulad ng inaakala niya. Totoo nga ang kasabihan na kahit ano pa ang gawing limoy sa sakit o nakaraan ay babalik at maaalala mo pa rin ito.

Mapait na ngumiti si Freya ng maalala ang unang araw na nakita at minahal niya si Alexander... alaalang naging isang bangungot para sa kanya noon.

NAPAHINTO SI FREYA SA PAGLABAS ng gate ng makitang may kotseng huminto sa tapat ng kanilang bahay. Base sa brand nito ay alam ng dalagita mayaman ang sakay ng sasakyan na huminti.

Unang natuon ang mata niya sa kulay itim at makintab na sapatos ng lalaking bumaba. Nang mag-angat si Freya ng tingin, hindi napigilan ng dalagita ang mapaawang ang labi habang nakatingin sa mukha ng lalaking bumaba.

Napakagwapo ng lalaki!

Parang bituin ang kulay lupang mga mata ng lalaki na kumikislap sa kanyang paningin. Matapang ang features ng gwapong mukha ng lalaki, kahit sino ay mapapalingon sa angkin nitong kakisigan. Sa bawat paglakad at hakbang, sumisigaw ang malakas na awra at malakas nitong personalidad. Lalong lumakas ang dating ng lalaki...

Nagmamadali tumakbo si Freya pabalik sa loob ng kanilang bahay.

Panay ang sunod niya ng tingin sa lalaki hanggang sa makarating ito sa study room ng kanyang magulang.

Dinikit ng dalagita ang tenga sa pinto para pag-igihan ang pakikinig sa usapan ng mga iti. Gusto niya rin ang boses ng lalaki... malaki at buo, lalaking-lalaki ang dating. Narinig niya na pinag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa 'share'

Muntik nang mangudngod si Freya sa marmol ng biglang bumukas ang pinto. Mabuti na lang at nasalo ang dalagita ng matigas at malakas na braso.

"P-Pasensya na po!" Nagmamadaling siyang humiwalay sa lalaki at saka mabilis na tumakbo palayo sa sobrang hiya. Narinig pa ng dalagita ang tawa ng mommy at daddy niya habang papalayo siya.

Sumandal si Freya sa gilid ng pader ng makalayo sa rito. Hindi normal ang tibok ng kanyang puso. Mabilis at malakas ito, nagkakarerahan ito at dumadagundong sa bilis. Dahan-dahan siyang sumilip sa bintana para silipin ang lalaki.

Naglabas ng pakete ng sigarilyo ang lalaki, nagsindi at humithit ito at saka nagpakawala ng usok. Nang tumingin ito sa gawi ni Freya ay ngumiti ito habang napapailing.

'Parang sinasabi na... nakikita kita.'

Humawak si Freya sa dibdib, na ngayon ay para nang gustong kumawala sa katawan niya. "N-nginitian niya ako!" Masayang tili ng isip niya.

Simula ng araw na 'yon ay madalas ng magpunta ang lalaki sa bahay ng mga Davis. Nalaman ni Freya na ito pala ay si Alexander Evans, ang tagapagmana ng Evans Industry.

"Bakit hindi mo siya lapitan at kausapin, anak? Alexander is a good person, hindi mo kailangan matakot sa kanya." Nasa boses ng mommy ni Freya ang panunudyo habang nakatingin sa anak.

"N-nahihiya ako, mommy,"

Tumawa ang daddy at mommy ni Freya kaya napanguso ang dalagita. Agad naman nilang niyakap ang anak at sinabing, "Hayaan mo, anak. Pinapangako namin ng daddy mo na magiging masaya ka... makukuha mo ang bagay na gusto mo."

Tatlong taon ang lumipas.

Walang hinto sa pag-iyak si Freya habang nakatingin sa puntod ng kanyang magulang. Padilim na, mukhang bubuhos pa ang malakas na ulan upang sumabay sa mabigat na dinadala niyang sakit. Iniwan na siya ng magulang... namatay ang mga ito sa isang aksidente. Iniwan na siya ng mga ito... wala na sila para gabayan siya.

"D-daddy, M-mommy... bakit niyo ako iniwan?" humagulgol siya sa sakit. Hindi pa ako handang maiwan mag-isa pero ano ang magagawa niya? Wala na...

Basang-basa si Freya ng umuwi sa bahay, katulad niya sina Raven at David ay nagluluksa sa kanilang pagkamatay. Masakit din para sa kanila na mawala ang magulang ni Freya dahil naging malapit sila rito.

Malungkot niyang niyakap ang family picture nila kung saan masaya silang magkakasama at buo pa. "B-bakit kasi sabay ninyo akong iniwan? A-ang sabi ninyo h-hindi ninyo ako iiwan... ang sabi niyo mananatili kayo sa tabi ko hanggang sa makasal ako... hindi ko man lang nasabi kung gaano ko kayo kamahal... hindi ko man lang kayo nayakap..."

Napakasakit palang mawalan ng magulang.

"Freya, alam kong masakit ang pagkawala nila tito at tita. Pero huwag mong hayaan na lamunin ka ng lungkot. Hindi sila matutuwa na makitang nagkakaganito ka!"

Ilang araw nang hindi pumapasok si Freya. Walang ginawa ang dalaga kundi ang umiyak at damdamin ang pagkawala ng magulang niya. Hindi niya kayang mag-isa, nangungulila siya. Ngunit sa kabilang banda ay tama ang mga kaibigan niya. Hindi matutuwa ang mga magulang niya na makita siyang ganito.

Habang tinatabi ni Freya ang lumang mga kagamitan nila sa study room ay umagaw sa kanyang pansin ang isang brown envelope kung saan ay nakalagay ang pangalan niya.

Gano'n na lamang ang pagtulo ng kanyang luha ng mabasa ang nilalaman nito. Isa itong 'contract' tungkol sa pagbigay ng 'shares' ng kanyang magulang kay Alexander para makuha nito ang pwesto bilang CEO ng Evans Company at matalo ang iba pang kalaban nito sa posisyon. At ang kapalit... ang pagpapakasal sa kanya ni Alexander!

"Hayaan mo, anak. Pinapangako namin ng daddy mo na magiging masaya ka... makukuha mo ang bagay na gusto mo."

Naalala ni Freya ang sinabi sa kanya ng mga magulang bago pumanaw ang mga ito. Ito pala ang ibig nilang sabihin... na magiging masaya siya dahil makakamit niya ang gusto at pangarap niya...At si Alexander iyon... Alam pala ng kamyang magulang ang nararamdaman niya para sa binata.

"Mommy... Daddy..." Niyakap ng dalaga ang 'Contract' at umiyak. Naghahalo ang lungkot, pasasalamat at tuwa sa puso niya. Malungkot man siya sa pagkawala ng magulang niya. Nagpapasalamat naman siya dahil mahal na mahal siya ng mga ito at inisip ang makapagpapasaya sa kanya. "Hanggang sa huli ay ako pa rin ang iniisip niyo... talagang mahal na mahal niyo ako..."

MALUNGKOT NA ngumiti si Freya ng maalala ang magulang. Ginawa ng mga ito ang lahat upang makuha niya ang gusto niya at sumaya. Pero sa bandang huli ay masasaktan lang pala siya.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Izy Estolas Hontalba
update pls
goodnovel comment avatar
Neth Escañan Alberto
more chapter please ... Amen
goodnovel comment avatar
Evelyn Magno Garcia
Ang ganda ng kwento
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status