Share

5. Rejection

Penulis: SEENMORE
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

Hindi nagsalita si Alexander pagkatapos sabihin ni Freya iyon. Nanatiling nakapinid ang labi nito habang ang malamig na mata ay nakatingin sa kanya. Katulad noon, hindi mabasa ni Freya ang emosyon sa gwapo nitong mukha, o maging ang naglalaro sa isipan nito. Kaya hindi masabi ni Freya kung nagulat ba ito, o hindi sa ginawa niyang pagsagot. Pero sigurado siya sa isang bagay—hindi ang pagkikita nilang ito ang makakapagpalabas ng emosyon ng ex-fiance niya.

Hindi ni Freya namalayan na nakakuyom na pala ang kamao habang nakikipaglaban ng tingin sa lalaking kaharap. Pinilit ng dalaga na tatagan at ipakitang hindi siya apektado sa muli nilang pagkikita. Subalit nagsisimula na siyang makadama ng sakit at galit. Lahat ng masasakit na alaala na dinulot ni Alexander sa kanya ay dumaloy na at rumagasa na parang tubig sa bilis.

'Galit ako sa kanya!' Sigaw ng utak niya.

Naghahatid kay Freya nang inis ang katotohanan na kailangan ng Wilson Company ang kooperasyon ng Evans Industry upang mapaganda at umunlad ang kasalukuyang research na ginagawa nila. Dumagdag sa kanyang inis ang hindi nito pagtanggap sa nakalahad na palad ni David. Talagang magaspang ang ugali ni Alexander. Wala itong pagbabago.

"It nice to meet you too, Mr. Davis." Ani Alexander ng hindi tinatanggap ang kamay ni David, ang mata nito ay nakapako lamang sa babaeng kaharap.

Pinigilan ni Freya ang sarili na ikutan ito ng mata. Anong tinitingin-tingin ng lalaking 'to? Hindi ba ito tinablan sa sinabi niya kanina? Ibang klase talaga ang katigasan ng mukha nito.

"I believe you proposed a business corporation with our company. Are we going to discuss it now?" Hindi maitago ang galak na tanong ni David. Pareho nilang kailangan ang kooperasyon ng kumpanya ng isa't isa. Mabuti nang magkausap silang dalawa.

"Yes, a business proposal that anyone would accept, Mr. Davis." Sagot ni Alexander rito, ngunit nasa babaeng kaharap nakatingin ang matiim na tingin nito. "Simple lang ang gusto ko, Mr. Wilson. Let us buy the Wilson Company, bibilhin ko ito ng sampung doble."

Umakyat ang dugo ni Freya sa ulo sa narinig. Napakayabang talaga ng lalaking ito!

"Excuse me, Mr. Evans. Dugo't pawis at utak ang pinuhunan namin para maitayo ang Wilson Company kaya hindi namin ito ibebenta sa kahit kanino. At kung iyan lang ang pag uusapan natin, ang gusto mong pagbili sa Winston Company, tinatapos na namin ang usapang ito." She shot back politely at Alexander.

Bakas ang pagkagulat sa mukha nito. Mukhang hindi nito inaasahan na hindi lamang siya nobya ni David. Well, he's wrong. Ang desisyon niya ay mahalaga sa Wilson Company dahil sila ni David ay magkasosyo sa negosyo.

"Hindi namin ibebenta ang Wilson Company, at hindi rin namin kailangang makipag-corporate sa inyo. Sa tingin ko ay wala ng dapat pag-usapan pa dahil magkaiba ang gusto ng ating bawat partido." Sinadyang bumaling ni Freya kay David at malambing na tumingin. "Baby, I want to go home."

Pormal na nagpaalam si David, pigil na huwag mapakamot sa kilay. Ang hirap maipit sa dalawang batong nag-uumpugan. "Nice to meet you, Mr. Evans. While we appreciate the opportunity to discuss this proposal, it seems our companies have differing visions for the future. Aalis na kami."

Tinalikuran nila si Alexander at hindi na nilingon pa. Dama ni Freya ang malamig at nanunuot na tingin ng lalaki mula sa kanyang likuran. Arghhh!!! Ang makasama ang lalaki sa masikip na lugar na kagaya nito ay nakakasuka! Hindi na dapat pa mag krus ang landas nilang dalawa dahil alam niyang delubyo lamang ang hatid nito sa buhay niya

"Freya," hinila ni David ang kamay ni Freya na may hawak sa kanya. "You're shaking." Puna ng binata na may pag-aalala.

"A-ah... gano'n ba." Binawi ni Freya ang kamay sa binata. Kumuyom ang kamao ng dalaga. Tama si David, nanginginig siya.

"Ang kapal ng mukha ng Alexander na 'yon na tanungin ako kung sino ang kasama ko. Sino ba siya sa akala niya? Pati ang Wilson Company ay gusto nitong bilhin. Para ano? Ipamukha sa atin na mas mayaman siya?"

Nakakagalit ang kayabangan nito!

"Calm down, okay. Sa tingin ko ay nagbibiro lang siya kanina—"

"Biro?!" lalong nairita si Freya. "You don't know him well, David. Masama talaga ang lalaking 'yon. Hindi siya marunong magbiro. Alam rin niya kung paano mapapaikot ang mga tao sa palad niya... k-katulad ng ginawa niya sa akin noon." mapait siyang ngumiti. Muling nabuhay ang galit sa puso niya. "My answer is no, David. Hindi ako papayag na makipag-corporate sa kumpanya ng mga Evans!"

Napahilot sa sintido ang binata sa matigas na pagtanggi ni Freya.

Dahil nasira na ang gabi niya ay nagpasya siyang umuwi ng mas maaga. "Salamat nga pala kanina sa pagpapanggap na nobyo ko sa harapan niya, ha."

"You're always welcome, Freya. Pero bakit mo yun ginawa sa harapan niya? Ano ang dahilan?" Nagdududang tumingin si David kay Freya. "Don't tell me..."

"Kung iniisip mong may nararamdaman pa ako sa kanya ay nagkakamali ka. Gusto ko lang ipakita sa kanya na sumaya ako sa iba sa kabila ng ginawa niya sa akin noon. Na hindi lang siya ang lalaki sa mundo na minahal ko." maratay na sagot ni Freya na ikinatawa ng binata.

"Anong tinatawa-tawa mo di'yan? Totoo naman na naka-move on na ako sa kanya. Wala akong ibang nararamdaman sa kanya kundi galit. Kapag naalala ko ang ginawa niyang pananakit sa akin noon ay talagang kumukulo ang dugo ko."

Huminto ang kotse ni David sa harapan ng gate kung saan nakatira sila Freya nakatira.

"Thank you sa paghatid, David."

"You're always welcome, Freya. Ipahahatid ko na lang ang kotse mo rito sa driver bukas ng umaga." Bago bumaba si Freya ay pinigilan siya ni David sa kamay. "You know how much I love you, right? Alam mong gagawin ko ang lahat para sa inyo ni Rose. Kapag ako ang pinili mong mahalin, hindi kita sasaktan at mamahalin kita ng totoo. Hindi ako gagawa ng bagay na ikasasakit mo. B-bakit hindi nalang ako, Freya?" Puno ng pagmamahal at pagmamakaawa ang mga mata ng binata habang nakatingin sa babaeng mahal na mahal niya.

Iniwas ni Freya ang tingin. Dama niya ang sinseridad sa mga salita at tingin ni David. Subalit hindi niya kayang magmahal ng iba. Sinubukan niya noon ngunit nabigo siya. Siguro ay hindi pa ito ang tamang panahon para buksan ang puso niya sa iba.

"Bigyan mo lang ako ng pagkakataon na mahalin ka at makapasok sa buhay ninyo ni Rose. Nangangako ako na hindi mo pagsisisihan ito, Freya. Handa akong maging tamang lalaki para sayo." Katulad ng dati... nakikita ni Freya na sobra siyang mahal ng binata hindi iyon nagbago hanggang ngayon. Ibang-iba si David kapag nagseseryosong magsabi ng damdamin... malayo sa palabirong kaibigan na nakakasama niya palagi.

Bumuntong-hininga si Freya. Hindi ito ang unang beses na nagtapat sa kanya ang binata. College palang sila ay inamin na nito sa kanya ang tunay na damdamin. Ilang rejection na ang natanggap nito mula sa kanya subalit hindi pa rin ito sumusuko hanggang ngayon.

"I-I'm sorry, David... p-pero hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo." Nang hilahin ni Freya ang kamay ay nakita niya kung paano bumalatay ang sakit sa mukha nito. "Sige, mauna na ako sayo. Mag ingat ka sa pagmamaneho." Paalam niya bago bumaba. Sa kanyang pagpasok ay dama niya pa rin ang nakasunod nitong tingin sa kanya upang siguraduhin na makakapasok siya ng ligtas.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Mariel Lumbal
I love the story, it's great. binabasa ko rin ang mafia story mo, it's really great too. it's not boring. soon i will read your another story.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   6. Alaala

    Nahahapong sumandal si Freya sa pintuan ng mapakasok sa kanilang bahay. Ang bigat ng dibdib niya... hindi naman niya gustong saktan si David, pero hindi rin naman niya gusto itong paasahin. Mas mabuti nang tapatin niya ito sa katotohanan kaysa ang paniwalain na kaya niyang bigyan ito ng pag-asa at lugar sa puso niya. Humiga siya sa kama pagkatapos maligo. Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang bumuntong-hininga. Bawat hininga ni Freya ay parang nagdadala ng mabigat na pasanin. Inaasahan naman niya na magkikita sila ni Alexander sa event, sa katunayan ay hinanda niya ang sarili na makaharap ang lalaki. Subalit hindi pala iyon gano'n kadali katulad ng inaakala niya. Totoo nga ang kasabihan na kahit ano pa ang gawing limoy sa sakit o nakaraan ay babalik at maaalala mo pa rin ito. Mapait na ngumiti si Freya ng maalala ang unang araw na nakita at minahal niya si Alexander... alaalang naging isang bangungot para sa kanya noon. NAPAHINTO SI FREYA SA PAGLABAS ng gate ng makitang may

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   7. Cherry

    Kanina pa nakatingin si Alexander sa telepono. Simula ng makauwi siya ay hindi siya mapalagay. Hindi siya dapat magpaapekto sa pagkikita nila ni Freya dahil limang taon na ang nakalipas simula nang natapos ang relasyon nilang dalawa pero heto siya, hindi mapakali simula ng makita itong muli. "Damn it!" Pinukpok nito pinukpok ang kamao sa mesa. Nakakadama siya ng pagkairita na hindi naman dapat. Ang curiosity ni Alexander na gustong malaman kung talaga bang may relasyon sila ni Mr. Wilson ay napakalakas. Nagtatalo ang isip at puso niya ngayon kung tatawagan ba ito o hindi. Gusto ng isip niya na hayaan na ang nakita, sinasabi din nito na hindi na mahalaga 'yon. Pero ang puso niya ay salungat sa gusto ng isip niya. Gusto nitong malaman kung tunay nga na may namamagitan sa mga ito at nagmamahalan ba talaga ang dalawa. Biglang naglaro sa kanyang isipan ang masayang pag-uusap ng dalawa... ang ngitian at yakapan nila. Malapit sila sa isa't isa at halatang palagay ang loob ni Freya sa lala

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   8. Rose

    "Ihatid mo ako sa Wilson's Building, Ted. May kailangan akong pagbigyan ng mga prutas na 'to." Agad na utos ni Alexander rito nang makasakay nang sasakyan. Pinigilan ng matanda ang magpakita ng gulat ng makita ang hawak na box ng kanyang amo. Tumango siya at sumunod na lamang. "Yes, Sir." Sagot ni Ted bago pinaandar ang sasakyan. Panay ang taktak ni Alexander ng daliri sa kahon na hawak. Mukhang naparami ang binili niyang cherry para kay Freya. Samantala, hindi mapigilan ni Ted ang mapatingin sa rear view mirror upang tingnan ang amo. Sa loob ng limang taon ay ngayon lamang nakita ng matanda na muling ngumiti ang amo. "Narito na tayo, Sir." Tumingala si Alexander sa Wilson's Company. Ang kumpanyang ito ay itinatag lamang noong nakaraang taon, ngunit mayroon itong malaking potensyal para sa pag-unlad. Isa ito sa dahilan kaya gusto ng lalaki na makipag-cooperate sa kumpanya. Ngunit dahil nadala siya ng matinding damdamin, nag-alok siya na bilhin ito, na ikinasama ng loob ni Freya.

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   9. People changed

    Kumunot ang noo ni Freya ng makatanggap ng mensahe mula sa yaya ng anak niya. May lalaki daw na naghihintay sa kanya sa opisina. Nabanggit pa ng babae na pamilyar ang lalaki. Sino naman kaya ito. Bumaling si Freya sa kanyang secretary at nagtanong after ng meeting. "Rina, may bisita ba ako pagkatapos ng tanghalian? Hindi ba wala akong appointment pagkatapos ng meeting na 'to?" Tumango agad ang babae at magalang na sumagot: "Opo, Ma'am, wala po kayong meeting, o anumang appointment pagkatapos ng meeting na ito. Pero may plano kayo ngayong araw na hindi pwedeng kalimutan. At iyon ang pangako ninyo kay Rose na mamamasyal kayo sa park ngayong araw." "Oo ng pala," natampal ni Freya ang noo. Muntik na niyang makalimutan ang pinangako niya sa pinakamahalagang tao sa buhay niya. Masyadong naging abala ang araw niya nitong mga nakaraang araw.m kaya wala na siyang panahon sa anak niya. Nang makita ni Rina sa ekspresyon ng amo ay agad siyang nagkomento. "Hindi dapat malaman ni Rose na nakal

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   10. Pagsisinungaling

    "Ma’am Davis, siya ba ang ama ni Rose?" Usisa ni Rina ng makaalis na si Alexander. Pekeng ngumiti si Freya. "Hindi siya ang daddy ni Rose." Pagsisinungaling niya. Para sa kanya, wala nang ama ang anak niya. Ayoko nang masaktan si Rose balang araw. Iyon ang iniiwasan niyang mangyari. "Siya nga pala. Kapag pumunta siya dito uli sabihin mo na nasa meeting ako. Kung mapilit siyang maghintay sa akin, bahala ka nang magdahilan para maitaboy siya." Ang isang Alexander Evans ay gustong itaboy ng kanyang boss? Nagtataka man ay sumagot ng magalang ang secretary ni Freya. "Yes, ma'am." Bumuga si Freya ng hangin para gumaan ang kanyang dibdib. Hindi niya gustong humarap sa anak niya na mainit ang ulo. "I'll go ahead, Rina. Naghihintay na sa akin si Rose." Pagkatapos magpaalam ay umalis na agad siya. Pero bago makaalis ay nakasalubong niya si David. Nang makita ng binata ang mukha niya ay agad na nahalata nito na hindi maganda ang mood niya. "Nakita ko si Alexander sa labas ng building ngay

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   11. Move on

    "Damn!" Napasabunot si Alexander sa buhok. Kaya dali-daling lumabas ang secretary nitong si Linda dahil sa takot na baka madamay sa init ng ulo ng amo niya. Ang mga papeles na nasa mesa at nagkalat, ang mga dapat na trabaho ay nakatambak. Alexander was depressed. Hindi siya makapag-focus sa kanyang trabaho. Tatlong araw na siyang ganito simula ng manggaling siya sa office ni Freya. Ilang beses na rin siyang tumawag sa babae, pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Nagpa-set na rin siya ng appointment pero bigo siyang makakuha dahil fully book ang schedule nito. Alexander knew that she is avoiding him, at hindi niya iyon matanggap. "What should I do?" He never asked himself what should he do next. Pero ngayon parang masisiraan na siya ng ulo. Hanggang ngayon ay tumatakbo sina Freya at Rose sa isip kanyang isip. Sinubukan niya itong alisin sa sistema niya subalit hindi niya ito magawa. Gusto niyang makita at makasama ang dalawa. Bumuga si Alexander ng hangin bago niluwagan ang su

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   12. The caller

    Natandaan ni Alexander ang address ng bahay ni Freya mula sa report na binigay ni Linda sa kanya, kaya madali para sa kanya na hanapin ito. Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng malaking bahay. Kumpara sa buhay nila noong magkasama sila, masasabi niyang malaki na ang pag-unlad ng buhay ni Freya ngayon. Nang mamatay kasi ang mga magulang ni Freya, naghirap siya dahil nawala ang lahat. Hindi maiwasan ni Alexander na mamangha kay Freya. Narating niya ang lahat ng meron siya ngayon dahil sa sariling talino at kakayahan. Tumiim ang bagang ni Alexander nang maalala ang mga magulang ni Freya. Ayaw man niyang aminin, ngunit isa siya sa mga dahilan kung bakit naranasan iyon ni Freya. Binigay ng mga magulang nito ang lahat ng shares sa kumpanya nila sa kanya, kapalit ng pagpapakasal nilang dalawa. Subalit ano ang ginawa niya? Sinaktan niya ang anak ng mga ito at hindi niya tinupad ang kanyang pangako. Naging duwag siya at naging gago. Pinili niyang saktan ito at hinayaang umiyak. Pumikit si Al

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   13.Pabor

    "Yes, Uncle!" Hindi napigilan ni Alexander ang mapangiti dahil sa nakakahawang sigla ni Rose. Pero agad din siyang kumunot ang noo nang marinig ang nakikiusap na boses nito. "Uncle, pwede po bang paki-gawa ng pabor? Please po?" Agad siyang napatayo at tinanong ang bata. Nag-aalala siya dahil sa boses ni Rose. Bumaba ito at parang problemado. "Bakit? May problema ba, Rose?" "Please, Uncle, pumunta ka sa school ko... please? Busy si Mommy kaya hindi siya makakapunta. Mahalaga po ito, Uncle. Sana po makapunta ka." Kahit hindi niya nakikita si Rose, nahuhulaan niyang nakanguso ito habang nagsasalita. At iyon ang nagpa-cute sa kanya sa kanyang imahinasyon. Napahawak si Linda sa dibdib sa gulat nang malakas na buksan ni Alexander ang pinto. "Kanselahin mo lahat ng appointment ko, Linda. May mahalaga akong pupuntahan." "Pero, Sir, ang Mommy mo gusto kang makausap— anong nangyari do'n kay Sir? Parang nag-iba ang kilos niya nitong nakaraan ah." Naibulalas ni Linda, nakalimutan na hawak ang

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29

Bab terbaru

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   381.

    [Hazel] Nang dumating si aling Fatima at nakita ang ginagawa niya. Lumapit agad ito at pinigilan siya. Inagaw nito ang ginagawa niya. “Ako na di’yan, Hazel. Hindi mo trabaho ito,” “Aling Fatima naman, parang hindi naman ho ako sanay.” Nakangiting wika niya at tumulong parin sa kabila ng pagtutol nito. Habang nagliligpit, napansin niya na nakatingin sa kanya ang matanda. Kaya humawka siya sa pisngi niya at nagbiro. “Gumanda po ba lalo ako?” Tanong niya. Gusto lang naman niya na magpatawa. Pero nagulat siya dahil mukhang maluluha pa ito dahil namula ang kanyang mata. “Matagal ka ng maganda, Hazel. At hanggang ngayon ay wala kang pinagbago,” naluluhang sabi nito. “Aling Fatima naman. Paano po ako maniniwala kung iiyak ka. Binobola mo lang yata ako. Siguro inutusan ka ni Frank para bolahin ako,” imbis matawa, tuluyan na itong naluha. “Nagpapalasamat lang ako sa itaas dahil ligtas ka at buhay. Walang araw na hindi ko pinagsisihan na pinayagan kitang lumipat noon—“ niyakap it

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   380.

    Tinulungan ni Frank si Hazel na maghain pagkatapos magluto. Nakangiting pinagmasdan ng dalaga ang nobyo na naglalagay ng pagkain sa mesa. Pagkatapos nilang mag-usap kanina, tumahan din agad siya. Hindi niya kailangan matakot dahil nandiyan naman si Frank para protektahan siya. Malaki ang tiwala niya dito kaya naniniwala siya na balang araw ay lalabas din at malalaman nila ang totoo. Kumuha siya ng kutsara at sumandok ng luto niya. Lumapit siya sa nobyo at sinubuan ito. “Masarap ba?” nag-aral siya magluto ng iba’t ibang klase ng putahe sa ibang bansa kaya naman alam niyang hindi siya mapapahiya kay Frank. Hindi niya maiwasan ang mapangiti. Akala niya ay hindi na matitikman ni Frank ang luto niya noon, but look at them now. Magkasama na ulit silang dalawa. “Hmm, ang sarap… pero mas masarap ka pa rin,” pilyong sagot nito sa kanya. Namumula ang pisngi na kinurot niya ito sa tiyan. “Ewan ko sayo, bolero ka!” aniya kunwari, kahit ang totoo ay kinikilig siya. Nang makita nito ang n

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   379.

    Dahil sa nangyari, pinili ni Hazel na manatili muna sa bahay ni Frank. Bukod sa masama ang loob niya sa papa niya, gusto rin niyang ipahinga muna ang isip niya ngayong araw. Bukas nalang siya papasok at magpapaliwanag sa lolo niya. Yumakap sa likuran niya s aFrank. Napahagikgik siya ng maramdaman ang paghalik nito sa batok niya. “Ano ba, Frank, nakikiliti ako,” narito siya ngayon sa kusina at pinagluluto ito. Nag-request kasi ito sa kanya ng morcon beef kaya pinagluluto niya ito. “Hmm, hindi ko mapigilan na amuyin ka. Mas mabango ka kasi sa niluluto mo, baby.” malambing nitong sabi sabay halik ulit sa kanya. “Frank!” binitiwan niya ang hawak na sandok at tumatawang humarap dito. “Ang kulit mo talaga. Paano ako matatapos neto—” naputol ang anumang sasabihin niya ng sakupin ng labi nito ang labi niya. Kaya naman napailing nalang siya. Lumalabas talaga ang side nito na parang bata kapag silang dalawa lang ang magkasama. Nang bumitaw ito sa kanya ay tumitig sa kanya ang malamlam n

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   378.

    Nang dumilat si Hazel, tumambad sa kanya ang madilim na mukha ni Frank. Halatang nagpipigil lang ito ng galit.Iniwas niya ang tingin sa binata. Nahihiya siya dahil naabutan siya nitong umiiyak. Pero hindi niya mapigilan. Talagang nasaktan talaga siya sa mga sinasabi ng tao sa kanya at sa ginawa ng papa niya.Tanggap niya na mahalaga at mahal na mahal ng papa niya si Yassie. Pero kailangan pa ba na humantong sa pagpapahiya sa kanya para makuha ng mga ito gusto?Nang dumaloy ang luha sa mata niya, naramdaman niya ang mainit na hinlalaki ni Frank pinahiran ito.“M-masakit parin pala. A-akala ko kasi hindi na… akala ko sanay na ako, pero hindi parin pala. A-anak din naman niya ako, Frank… dugo at laman niya ako, pero kung tratuhin niya ako ay parang hindi niya ako kadugo… b-bakit ganung klase siyang ama?” Labas niya ng hinanakit habang impit na umiiyak sa dibdib nito.Hinayaan siyang umiyak ng binata… niyakap siya nito ng mahigpit at hinayaa

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   377.

    Dahil sa malakas na boses ni Yolly, nagsimulang magbulong-bulungan ang mga tao. Dahil laman si Hazel ng balita kamakailan lang, nakilala agad siya ng mga taong naroon. Nagsimulang maghisterikal si Yolly. “P-Pinalaki ka naman ng maayos! G-Ginawa namin ang lahat para palakihin ka ng maayos, tapos ito lamang ang igaganti mo sa amin? H-hindi mo na nga kami magawan ng maliit na pabor, pati ba naman si Frank ay aagawin mo sa ate Yassie mo? Paano mo ito nagawa, Hazel!” Agad na inalalayan ni Ian ang asawa ng umakto itong mawalan ng malay sa harapan ng lahat. “T-Tulong! Pakiabot ng tubig!” agad naman na lumapit ang staff ng restaurant at inabutan ng tubig si Ian. Nilibot ni Hazel ang tingin sa paligid. Ang lahat ng taong naroon ay nakatingin sa kanya ng may panlilibak… panghuhusga. Nang ibalik niya ang tingin kay tita Yolly ay napansin niya pagsilay ng ngisi nito sa labi, ngunit agad din na nawala. Galit na kumuyom ang kamao ni Haze

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   376.

    Pagkatapos ng pag-uusap nila ng mommy ni Frank. Marami siyang napatunayan—at isa doon, na talagang mahalaga siya sa mommy nito. Malayo ito sa papa niya na kahit mali ang kapatid niya ay kakampe parin ito dito. Samantalang si tita Freya, kinakahiya niya ang nagawa ng sariling anak. Kung ganito rin sana ang papa niya. Kung marunong din sana ito na maging patas sa kanilang mga anak. Bago sumakay ng sasakyan ay mahigpit na yumakap si Freya sa dalaga. “Iha, maraming salamat sa pagpapatawad mo sa anak ko. Pero payo lang. Sana pinahirapan mo muna siya,” “Tita naman!” natawa ito ng napanguso siya. “Aba, dapat lang iyon sa kanya, iha. Pagkatapos ng ginawa niya? Kung ako sayo sa posisyon mo ay pinahirapan ko sana muna siya.” Natatawang napailing nalang ang dalaga. “Sige na, iha. Aalis na ako… magkikita nalang tayo sa susunod.” “Bye, tita!” nakangit

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   375.

    “Sa susunod, wag ka na maglilihim sa akin. Naiintindihan mo? Kapag inulit mo ito ay hindi na ako sasama sa mga medical mission mo.” “Okay, love. I love you.” “Love you more!” yumakap ng mahigpit si Mike sa kanya, gumanti naman siya ng yakap dito. Ang kanilang anak ay nakangiwi na nakatingin sa kanila. “Tito Frank. Let’s go find, lola!” Nawala ang kaninang tensyon sa pagitan nilang lahat, bahagyang natawa ang binata. “Why? Hindi ba’t natutuwa ka na makitang sweet sila lolo at lola?” Ngumiwi ang paslit. “They are cute together because they are old… pero sila mommya at daddy… it’s gross!” “Aba’t!” bago pa makalapit si Rose at makurot ang pisngi ng anak, agad na itong binuhat ni Frank. Napabuntong-hininga si Frank ng makita ang masamang tingin ni Rose. Kanina lang ay malaki ang ngiti nito kay Mike… pagdating sa kanya, kulang nalang ay matumba siya sa sama ng tingin nito. “Ano ang plano mo, Frank?” tanong ni Rose sa binata. “Yes, Hazel is sweet and a good person. Nagaw

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   374.

    Sa tuwing pumupunta ito sa Law Firm nila ay sinisikap niya na magdahilan para ibigay ang kaso nito sa iba. Hindi niya masikmura na panigan ang baluktot na katwiran nito. At alam ni Rose na napansin na iyon ng babaeng ito. Nanlisik ang mga mata ni Yassie. Puno ng galit ang mga mata na tumingin siya sa kapatid ni Frank. Sa totoo lang, kung hindi ito kapatid ni Frank ay matagal ng nakatikim sa kanya ang babaeng ito. Noon pa, napansin na niya ang pangungutya sa mga tingin nito, at ramdam niya at nakikita ang tahasang pag-ayaw nito sa kanya. Ngayon na wala na sila ni Frank at buking na siya. Wala ng dahilan para makipag-plastikan sa babaeng ito. Malakas niyang tinulak si Rose palayo sa kanya at malakas na sasampalin niya sana ito, ngunit biglang may sumalo dito bago pa matumba sa malamig na semento, at may maagap na humawak sa pulso niya. “Subukan mong saktan ang asawa ko. I swear, masasaktan ka.” tiim-bagang na sambit ni Mike na kadarating lang. “You monster! I hate you! Inaway

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   373.

    “Bawiin mo ang sinabi mo, Frank!!!”Hindi pinakinggan ni Frank ang pagsisigaw ni Yassie, lumabas siya ng silid upang habulin ang ina. Ngunit natigilan siya ng makita si Rose, masama ang tingin nito sa kanya.‘Great. Mukhang hindi lang ang galit ng kanyang ina ang haharapin niya ngayon—kundi maging ang galit ng kanyang kapatid.’“Good luck, Frank. Sa palagay ko ay talagang ginalit mo si mommy sa pagkakataong ito.” Ani Rpse bago tinalikuran ang kanyang kapatid. Natampal ni Frank ang noo. Sa nakita niya kanina, mukhang tama ang kapatid niya. Nakikita lamang niya ang galit na ekspresyon ng kanilang ina sa tuwing nagagalit ito sa kanilang ama. Kanina habang nakatingin ito sa kanya. Nakita niya ang ekspresyon na iyon.Damn! Kasalanan ito ni Yassie.Pero mabuti na rin na nangyari ito. Tama si Hazel. Darating ang araw na malalaman ng lahat ginawa nila ni Yassie noon.“Frank! Bawiin mo ang sinabi mo!” Humabol si Yassie sa binata, nang maabutan ito, mabilis siyang kumapit sa braso nito. “Frank

DMCA.com Protection Status