Home / Romance / SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY / 2. Walang katapusang sakit

Share

2. Walang katapusang sakit

Sa loob ng marangyang at malawak na mansyon ng mga Evans, nagsiksikan ang mga bisita, pawang mga kilalang personalidad at mga mahahalagang tao sa bansa. Ang malaking bulwagan, na pinalamutian ng mga mamahaling kristal na chandelier at mga gintong estatwa, ay nagsisilbing perpektong lugar para sa pagtitipon. Ang mga pader ay natatakpan ng mga mamahaling pintura, habang ang sahig ay gawa sa makintab na marmol. Ang hangin ay puno ng halimuyak ng mga bulaklak, at ang musika mula sa isang live orchestra ay nagbibigay ng eleganteng ambiance sa lugar. Lahat ay naghihintay sa pormal na anunsyo tungkol sa nalalapit na kasal ng binata, ang kilalang anak ng pamilya sa bansa, ang mga Evans.

"Raven, gawin mo akong pinakamaganda ngayong gabi. Gusto kong hindi maalis ni Alexander ang tingin sa akin kapag nakita niya ako," pakiusap ni Freya kay Raven, ang kanyang matalik na kaibigan na siyang nag-aayos sa kanya ngayon upang mas maging maganda at kaakit-akit.

Mahinahon na natawa ang kaibigan si Raven at may panunudyong sinagot siya. "Huwag kang mag-alala, Freya, sigurado naman ako na ikaw ang pinakamaganda sa paningin niya kahit hindi ka mag-ayos. Saka kailan ka pa naging ganyan kaduda sa ganda mo? Nasaan na ang 'Freya' na mataas ang self-confidence pagdating sa mga bagay-bagay?"

Kinagat ni Freya ang labi upang pigilan ang pag-alpas ng ngiti sa labi. Tama si Raven. Hindi siya naging ganito kaduda sa sarili at taglay niyang ganda. May tiwala siya sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa at sa sarili niya, ngunit hindi pagdating kay Alexander. Kapag ito ang usapan, nawawala siya sa sarili at hindi makapag-isip nang tuwid. Ang epekto nito sa kanya ay kakaiba at hindi maipaliwanag ang eksaktong pakiramdam. Katulad ngayong araw... ang araw na ito ay nagmistulang kakaiba sa kanya. Sa sobrang saya niya, para siyang lumulutang. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Ang alam lang niya ay napakasaya niya at walang salitang makapaglalarawan ng kanyang emosyon. Ito na ang araw na matagal na niyang hinihintay: ang anunsyo tungkol sa kanilang nalalapit na kasal ni Alexander Evans. Ang thirty-year-old niyang fianće, ang CEO ng Evans Industry.

Nakangiting tiningnan niya ang repleksyon niya sa salamin. Suot ang V-neck black long dress, litaw ang maputi at makinis niyang kutis na kumikinang sa tama ng liwanag ng mga ilaw. Pinili niyang magsuot ng kulay itim dahil ito ang paboritong kulay ni Alexander. Gusti niyang sa kanya lamang ito titingin... gusto niyang sa kanya lamang ang atensyon nito buong gabi.

"Relax ka lang, Freya, okay? Tingnan mo ang sarili mo, anumang sandali ay para kang hihimatayin sa kaba. Ikaw ba talaga ang kaibigan ko?!" Napapangiti at napapailing na sabi ni Raven. "Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig." Tukso pa nito.

Tumingin siya sa salamin. Namumutla siya sa labis na kaba at saya. "Masisisi mo ba ako? Sino ba'ng hindi? Pangarap ko ito matagal na at ngayong araw ay magkakatotoo na." Sa salamin nakikita niya pa ang pagkinang ng kanyang mga mata dahil sa labis na kaligayahan.

Inalalayan ni Raven ang kaibigan na bumaba ng hagdan upang maghintay na sa ibaba. Nang makita ng ina ni Alexander si Freya ay umismid ito at inikutan ng mata ang dalaga. Bakas ang pagkadisguto sa mukha nito kasama ang kaniyang asawa.

Mahinang siniko ni Raven si Freya. "Wag mo nang pansinin ang magulang niya. Ang fiance mo ang intindihin mo. Na'riyan na siya!"

Nagliwanag ang mukha ni Freya. Pero ang kaligayahan sa puso niya ay parang kandilang nalusaw, kasabay ng pagkabura ng ang kanyang ngiti nang dumating si Alexander nang hindi nag iisa. The famous actress Olivia was draped in his strong arms. As they walked, a smile played on her lips, and they acted intimately in front of the crowd. Alexander's handsome face remained emotionless as he walked with Olivia. Dumaan ang binata ng hindi tinapunan ng tingin si Freya, nilagpasan siya ng lalaki na para bang isang hangin.

Sumikip ang dibdib ni Freya. Nanlalamig siya. Sa gitna, tumayo ang dalawa... sa mata ng babaeng kasama nito, si Olivia, ay nakabalatay ang walang katumbas na kaligayahan na kanina ay nasa kanya pa.

"Good evening, ladies and gentlemen," Alexander said, his voice flat and his expression emotionless. "Tonight, I have a joyous announcement to share." Kinuha ng binata ang kamay ng babae, hinalikan ito sa harapan ng lahat. "Olivia and I are getting married. We are thrilled to celebrate this special moment with all of you and look forward to sharing our love and commitment together." Pagkatapos ng anunsyo, si Olivia mismo ang tumingkayad upang halikan ang labi ni Alexander.

Hindi lang ang katawan ni Freya ang namanhid sa kanyang nakita at narinig, maging ang puso at isip niya. Kumalat agad sa paligid ang bulungan. Lahat ay nabigla dahil hindi si Freya, kundi si Olivia ang pinakilala ni Alexander sa lahat.

Siya dapat ang kasama ni Alexander... siya dapat ang nasa kanyang tabi... pumatak ang mga luha ni Freya. Sobra siyang nasasaktan... Sa gitna ng karamihan, nakikita niya ang mga nakangiting mukha ng mga tao na tila walang kamalay-malay sa sakit na nararamdaman niya. Ang kanilang mga tawanan ay parang mga karayom na tumutusok sa puso ni Freya, nagpapaalala sa kanya ng kanyang pagkapahiya at pagkabigo. Ang bawat tawa at pagbati ng lahat sa dalawa ay parang pangungutya sa kanya.

Ang sakit!

Ang mga kulay ng mga damit ng mga tao, ang mga nakangiting mukha, ang mga masayang pag-uusap, ang mga kulay ng mga bulaklak na nakapalibot sa kanya ay tila nagiging malabo, at ang mga tunog ng musika ay tila nagiging isang malakas na ingay... nabibingi si Freya sa matinding sakit. Kanina, nagbibigay kulay at kasiyahan lalo sa kanyang paligid ang mga magagandang kulay ng ilaw ng mga chandelier, pero ngayon ay para siya nitong binubulag... nanlalabo ang mata niya, wala na siyang makita... basta ang tanging nadarama niya nalang ay walang katapusang sakit. Hindi matanggap ng isip at puso niya ang nangyayari.

Pakiramdam niya ay tinraydor siya ng lahat.

Walang tigil sa pag agos ang luha ni Freya. Sobrang naninikip ang dibdib niya, hindi masukat na sakit ang nararamdaman niya. "B-bakit, Alexander?" Malinaw at maayos ang kasunduan nito at ng kanyang magulang. Nagkakaunawaan silang dalawa katulad ng normal na magkasintahan... kaya bakit ito ginawa ni Alexander sa kanya? Ano ang dahilan ng binata para ipahiya ako at saktan ng ganito sa harapan ng lahat?

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
subrang sakit naman freya sana maging malakas ka at hahabol din yan sayo c alex mag pakatarag ka at bumangon ipakita mo sa kanya ind ka kawalan hahabol din yan sayi freya subrang sakit
goodnovel comment avatar
Mariel Lumbal
stress agad ang hatid Ng lalaki sa babae. pero maganda ang storya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status