Share

"THE PLAN"

“ANONG sinabi mo?”

Natawa ako sa na-imagine kong posibleng itsura ng kapatid kong si Andrew matapos ang tanong na iyon. Nasa kabilang linya siya at sinabi ko sa kanya na boyfriend ko na si Marius. Bagay na nauunawaan ko kung bakit mahirap paniwalaan para sa kanya. Aware din naman kasi siya sa tila pagiging man hater ko noon.

“Bakit? Hindi mo ba siya gusto para sa akin?” tanong ko habang malapad ang pagkakangiti.

Katulad ng sinabi ni Marius kagabi. Alas siyete ng umaga siya bumiyahe paluwas ng Maynila. Pasado alas-onse na noon at ang totoo miss na miss ko na siya.

“Hindi naman sa ganoon. Pero hindi ba kailan mo lang naman nakilala si Marius?” sagot ni Andrew mula sa kabilang linya.

“Look who’s talking!” iyon ang sa halip ay naibulalas ko.

“Hey,” sabi ng kuya ko. Alam kong nakuha niya kung ano ang ibig kong sabihin. At alam ko rin na nakangiti siya nang mga sandaling iyon. “Magkaiba tayo ng sitwasyon, Sam. At isa pa, babae ka at lalaki ako,” giit pa niya.

Nagkibit lang muna ako ng balik
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status