“I DON’T THINK SO. Sa tingin mo pagkatapos ng ginawa mo sa kapatid ko eh papayag akong sumama siya sa iyo?”Wika ni Andrew na sinundan pa ang sinabi ng isang nakakalokong tawa.“Sa tingin ko ang bagay na iyon ay sa amin nalang ng kapatid mo,” iyon naman ang isinagot ni Marius.Umangat ang makakapal na kilay ni Andrew saka tinitigan ng matalas ang kaharap. “Maaaring hindi ko alam o wala akong idea sa totoong nangyari. Pero kapatid ko si Sam. At bilang kuya niya, tungkulin ko ang protektahan siya!” ang mariin nitong sabi.Sa puntong iyon ay mas higit pang naging malinaw kay Marius kung gaano kaseryoso ang nagawa niyang pagkakamali kay Sam.“Kung hindi dahil sa iyo, baka wala sa ganitong sitwasyon ngayon ang kapatid ko. Ipinagkatiwala ko siya sa iyo dahil bestfriend ka ng asawa ko. Pero nagkamali ako.”Muli, ang mariing isinatinig ni Andrew ang pumukaw sa malalim na iniisip ni Marius.“Pero mahal ko siya. Kaya gusto kong bumawi. Gusto kong itama ang pagkakamali ko,” iyon ang isinagot niy
ANG gwapong mukha ni Marius ang nabungaran ko nang magdilat ako ng mga mata. Nangungusap ang mga iyon habang nakatitig sa akin. Hindi ko rin napigilang kiligin. Halata kasi ang paghanga sa aura niya habang hinahagod niya ng tingin ang bawat anggulo ng mukha ko.“Sorry, nakatulog ako,” sagot ko saka mabilis na inayos ang sarili ko.Itinuwid ko ang pagkakaupo ko saka inayos ang nagulo kong buhok. “Halika na,” iyon ang narinig kong isinagot ni Marius habang nanatili ang pagkakatitig niya sa akin.Sa puntong iyon kumilos ako para kalasin ang pagkaka-buckle ng seatbelt ko. Pero pareho pala kami ng iniisip ni Marius.Magkapanabay naming hinawakan ang buckle ng seatbelt na gamit ko. Dahilan kaya aksidentent nagkadikit ang mga kamay namin. At totoong nasorpresa ako sa hindi maipaliwanag na agos ng kuryenteng nanulay sa bawat himaymay ng katawan ko.“Sorry.”Iyon ang narinig kong sinambit ni Marius nang marahil umabot sa pandinig niya ang marahas na singhap na pinakawalan ko.Hindi ako sumagot
KUNG gaano kaganda sa labas ang bahay, masasabi kong walang sinabi iyon nang makapasok kami ni Marius sa loob. Pakiramdam ko nagbalik ako sa panahon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil sa lahat ng nakikita ko. Walag TV sa sala pero may maganda at malaking grand piano. Lumang grandfather’s clock at marami pang antigong mga muwebles na nakapagpamangha sa akin. “Wow,” ang tanging nasambit ko habang malaya kong hinahagod ng humahangang tingin ang buong paligid. “Nagustuhan mo?” Ang tanong na iyon ni Marius ang narinig ko at tila ba lubid na humila sa akin pabalik sa kasalukuyan. Nilingon ko siya saka tiningala ng nakangiti. “I love it. I mean, I love everything about this house,” pagsasabi ko ng totoo. Sa pang-hindi mabilang na pagkakataon ay nakita kong muling nangislap ang maiitim na mata ni Marius dahil sa sinabi ko. Hindi ko maikakaila na may something talaga sa mga mata ng lalaking ito ang nagbibigay ng rason sa akin para mawala sa sarili ko tuwing nagtatama ang paning
Hindi ako tumanggi nang maramdaman ko ang paglalim ng halik ni Marius. Ang sarap niya talagang humalik. Kaya nga kahit hindi na ako magtanong alam kong ang pamamaraang ito ni Marius ang ginagamit niya sa akin kaya napapabigay niya ako.“Sam, miss na miss na kita,” ang mga salitang iyon ang narinig ko mula kay Marius. At sa paraan ng pagkakasambit niyq kahit hindi siya umamin alam kong iyon ang nararamdaman niya para sa akin. Ang ibig kong sabihin kahit, alam kong miss na miss na niya ako. At alam ko rin kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang pangungulila niya para sa akin.Nagbuka ako ng bibig para magsalita. Pero parang binigyan ko lang ng pagkakataon si Marius na muling angkinin ang mga labi ko.Sa pagkakataong ito naging mas pangahas si Marius. Kaya hindi na ako nagtaka nang magsimula ng maging mahirap para sa akin ang humingq. Dahil totoong hindi ako binigyan ng chance ni Marius na ibalik dito ang alab ng mga halik nito.Nadarang ako ng husto kaya sa paraang kaya ko ka
Malakas ang singhap na pinakawalan ko nang sa mabilis na paraan ay nagawang angkinin ni Marius ang mga labi ko. Kasabay niyon ang ginawa niyang pagtulak sa akin sa likuran ng pinto. Mariin akong napapikit. Napakasarap ng halik ni Marius na unti-unting nagpawala sa sarili kong katinuan. Pakiramdam ko nga nang mga sandaling iyon parang hinahaplos ng pakpak ng ibon ang puso ko. Hindi banayad ang halik ni Marius. Kung tutuusin napakapusok niyon sa paraanh tila ba mauubusan na ito ng panahon.Kumapit ako ng husto sa leeg ni Marius. Feeling ko kasi kung hindi ko gagawin iyon ay matutumba ako gawa ng matinding panghihina ng mga tuhod ko. At parang alam rin naman niya kung ano ang pinagdadaanan ko nang mga sandaling iyon dahil mahigpit niyang hinawakan ang baywang ko para doon ako alalayan.“Sam, are you sure about this?” tanong pa niya nang sandali siyang bumitiw sa paghalik sa akin.Hindi ko na siya sinagot. Sa halip ay muli kong tinawid ang maliit na distansya ng mga labi namin para ipag
DALA ng pagod ay nakatulog ako. Sa pagkakataong ito, sa bisig ni Marius. Hindi naman nauwi sa kama ang ginawa namin kanina kung tutuusin. Pero inihiga rin naman niya ako sa maganda at malaki niyang four-poster bed na may malambot na kutson saka ako tinabihan roon. Kapwa kami walang saplot sa katawa. Kaya naman nang malingat ako at napansin kong medyo pagabi na ay bumangon agad ako saka isa-isang pinulot ang mga damit kong nagkalat kanina sa pa sa sahig. Alam kong pagod na pagod rin si Marius. Hindi iyon dahil sa nakakapagod na ginawa namin bago natulog. Kundi sa pagmamaneho. Hindi naman ganoon kalayo ang Bulacan sa Maynila pero dahil nga pirming nagbabantay rin si Marius sa akin sa ospital ay hindi rin kumpleto ang tulog nito. Sinimulan kong magbihis at pagkatapos ay nakangiting nilingon ang lalaking mahimbing pa rin na natutulog. Napakagwapo. Parang buhay na Adonis sa kung ako ang tatanungin. Marahil maraming beses ko na ngang sinabi ito. Pero ang totoo, kahit pa hindi maalala n
NAGING masaya ang hapunang iyon. Tatlo lang kami kung tutuusin pero nagawa naming punuin ng tawanan ang buong kusina na umaabot pa sa buong kabahayan.Tinulungan kong magligpit ng pinagkainan si Aling Lourdes.Sa totoo lang kahit iyon ang unang pagkakataong nakilala ko siya at nakasama ay talagang magaan ang loob ko sa kanya. At malakas ang pakiramdam ko na magkakasundo talaga kaming dalawa.Marami siyang ikinuwento sa akin tungkol kay Marius. Pero hindi ang mga babaeng pwedeng nagdaan sa buhay ng nobyo ko. Bagay na mas curious ako at gusto kong marinig mula sa ginang.“Hindi ba dito natutulog si Aling Lourdes?” tanong ko nang magkatabi na kaming nakaupo ni Marius sa isang mahabang bench na nasa veranda ng kwarto niya.Madilim na ang kalangitan noon. Maraming bituin at bilog na bilog ang buwan. Masarap mag-stargazing. At masarap gawin iyon kasama si Marius.“Hindi eh. May bahay siya, hindi naman malayo dito,” sagot ni Marius na hinawakan ang ulo ko saka iyon maingat na inihilig sa bal
HINDI naman ako nagkamali sa naisip kong iyon tungkol kay Marius. Wala na yata akong ibang alam gawin kundi ang umungol lang at kagatin ang lowerlip ko tuwing magkakaroon ako ng chance dahil pinakakawalan niya ang bibig ko. Nagpatuloy siya sa ginagawa niyang paglalaro sa dulo ng dibdib ko habang ako naman ay malayang tinatanggap lang ang lahat ng iyon. “Sam, hindi ko alam kung anong ginawa mo pero masyado akong hindi maka move on sa lahat ng ipinakita mo kaninang tangahalo,” aniyang yumuko saka ako muling siniil ng halik. Naidilat ko ang mga mata ko sa narinig. At doon na nga nagtama ang aming mga paningin. Parang may kung anong alaala na naman ang gumuhit sa gunita sa nang mapagmasdan ko ng husto ang tila ba maliliit na apoy na naglalaro at nagpapaligsahan sa mga mata ni Marius. Dahilan kaya lalo pa akong nakaramdam ng pagkadarang at pananabik. “Ohhhhhhh….” Ang tanging nasambit ko nang hindi ko matukoy kung nainip ba si Marius dahil matagal bago ako nakasagot. Pero dahil nga nanati
MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Lena pero mas pinagsikapan niyang huwag iyong pansinin. Sa madaling salita, minabuti niyang ignorahin ang lahat at piliting maging kalmado. “Hey,” ang lalaking katabi niya na ngayon ay nakaupo sa harapan ng manibela. Hinawakan nito ang kamay niya saka iyon itinaas at dinampian ng halik. “Everything will be okay,” anito sa kanya saka ngumiti. Simpleng ngiti ang pumunit sa mga labi ni Lena. Pagkatapos ay pinisil niya ang kamay ni Calum na hindi binitiwan ang kanya. “Kung sakali pala parang gusto kong maging kapitbahay ka nalang,” ani Calum na tumawa ng mahina bago nito pinatakbo ang bagong bili nitong SUV. Takang napalingon si Lena nang marinig ang sinabing iyon ng binata. “Seryoso ka?” tanong niya. Nangungusap ang mga matang sandali siyang sinulyapan ni Calum bago nito nakangiti pa ring sinagot ang kanyang tanong. “Mukha ba akong nagbibiro?” ang isinagot nito sa kanya saka siya kinindatan. Humaplos sa puso ni Lena ang ginawing iyon ng binat
NAKAGAT ko ang aking lowerlip nang simulan akong paulanan ni Marius ng hindi makataong kaligayahan gamit ang dila at bibig niyang sinusuyo ang aking bukana. At dahil nga nakatali ang dalawang mga kamay ko gaya ng hiningi ko sa kanya kanina na gusto kong gawin niya ay literal na wala na nga akong iba pang pwedeng gawin kundi ang tanggapin ang walang patumanggang ligaya na nagaganap ngayon sa buo kong pagkatao.“This is so good, mmmnnn—Sam,” ang mga sinasabi ni Marius habang nasa kalagitnaa siya ng pagkain sa pagkababae ko ay nakadagdag rin sa orgasmong nararamdaman ko.Suminghap ako. Nakikita ko kung paano niya panggigilan ang ginagawa niya sa hiyas na nasa pagitan ng aking mga hita. Pero alam kong hindi ito magpapaawat. Lalo na ngayon obvious ang panginginig ng buong katawan ko.Hindi ko naman talaga mapigilan ang magkaganoon. Kahit kung tutuusin ay pinipilit ko.Sinusubukan ko ng maging mahinahon at kontrolin ang lahat. Pero dahil nga yata goal ni Marius ang marinig ang pag-iingay ko
HINDI ko alam kung dahil ba sa ininom kong alak pero talagang hindi lang ang pakiramdam ko ang nag-aalab nang mga sandaling iyon. Pati na rin ang lakas ng loob ko. Dahil nang hindi ako makatiis, kinuha ko ang kamay ni Marius saka ko iyon inilagay sa hiyas na nasa pagitan ng aking mga hita. Bilang pagtugon sa ginawa ko ay magkakasunod ang paghingang pinakawalan ni Marius. Kasunod niyon ay ang biglaang pagbabago ng paraan ng paghalik niya. Napansin ko kasing bigla itong naging marahas. Kung tutuusin expected ko naman na ang tungkol sa bagay na iyon. Tungkol sa pwede niyang gawin. Pero sa kabila ng katotohanang ang lahat ng ginagawa ni Marius kadalasan ay inaasahan ko na, dumarating pa rin talaga sa point na nasosorpresa ako dahil nagbabago ang istilo niya. Kung hindi naman ay binibigla niya ako. “Ang init mo ngayon, Sam,” aniya sa akin nang simulan niyang paliguan ng maliliit na haliit ang mukha ko. Pababa sa aking leeg. “Oh, Marius, palagi naman akong mainit kapag nasa ganitong e
IYON ang unang pagkakataon matapos naming magkahiwalay ni Marius na nakasama ko siya sa isang passionate na inuman. Kaya naman pala gusto niyang dito kami sa kwarto niya ay may nakahanda na itong dalawang baso at isang espesyal na wine na nasa isang maliit at candlelit na mesa. Mula nang umalis ako sa bahay na iyon isang taon na rin mahigit ang nakalilipas ay ngayon lang ulit ako pumasok sa loob ng silid ni Marius. At iyon ang dahilan kaya medyo naiilang ako. “Gusto kasing maisayaw kita ng sweet kaya kita niyaya dito,” ani Marius na binuksan ang maliit nitong component sa loob kwarto. Ilang sandali pa at pumapailanlang na ang isang maganda at malamyos na love song. “Halika na,” aniya sa akin sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko iyon. “First and last yata nating ganito eh sa condo ko ano?” ani Marius na kinuha ang kopita na nasa maliit na mesa saka uminom ng wine. Ngumiti lang ako sa tahimik na pinagmasdan ang mukha niya. “Teka, alam kong gwapo ako eh. Pero huwag mo naman akong titi
MASAYA ako sa lahat ng nangyayari sa buhay namin ni Marius. Sa totoo lang wala na akong mahihiling pa dahil ang lahat ay umaayon sa mga gusto ko. Sa lahat ng pinapanalangin at pinapangarap ko.“Mabuti naman at happy ka. Kunsabagay, wala naman akong ibang pinangarap kundi ang makita kang masaya. Alam mo ba iyon ha? Sana lagi kang maging masaya kasi love kita,” ani Calum na kausap ko sa kabilang linya.Awtomatiko na ang matamis na ngiting pumunit sa mga labi ko. Nasa veranda ako noon ng kwarto ko. Palubog na ang araw at abala na si Manang Sela sa pag-aasikaso sa kusina habang si MJ naman ay nasa crib nito. Gising na gising at nakikipaglaro sa mga laruang nakabitin doon.“So, tell me, kumusta ka naman diyan sa Davao,” ang naisipan kong itanong nang manatiling tahimik si Calum na nasa kabilang linya.“Okay naman. Ang totoo malapit na akong bumalik ng Manila. Maybe this week,” sagot niya.Lalong umaliwalas ang mukha ko sa narinig. “Really? Saan mo gustong tumuloy? Doon ba sa bahay ko?”“Hi
“WOW,” ang tanging sinambit ni Calum. Tumango si Lena saka matamis na ngumiti. Deep inside nami-miss niya si Marius. Alam niya iyon at sigurado siya. At kung noon ang nakasaksak sa utak niya ay ang isang beses na namagitan sa kanilang dalawa, ngayon, nakatitiyak siyang ang malalim at magandang pagkakaibigan nila noon ang hinahanap niya. Iyon ang dahilan ng madalas na kalungkutan niya. Huli na nga lang siguro para sa kanya na mapagtanto iyon. At kung tutuusin, hindi niya iyon mare-realize kung hindi lang dahil sa ginawang ito ni Calum. Kung hindi lang dahil sa pag-uusap na ito.“Pero wala na siya,” iyon ang malungkot na pagtatapat ni Lena sabay lingon sa binata.Noon niya nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Calum dahil sa sinabi niya. “You mean, dead? Patay na ang bestfriend mo?” tanong-sagot ng binata sa tono na tila humihingi ng paglilinaw sa sinabi niya.Magkakasunod na umiling si Lena saka humugot at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Kahit ilang beses pa yat
ISANG amused na tawa ang pinakawalan ni Calum bago nito kinurot ng bahagya ang pisngi ni Lena.“Syempre tungkol sa iyo,” anitong naupo sa tabi niya saka siya inakbayan.Sa ginawang iyon ni Calum ay biglang nakaramdam ng tila kapaguran ang dalaga. Hindi niya alam kung para saan ang kapagurang iyon. Pero kung mayroon man siyang isang bagay na natitiyak, iyon ang ang kaligayahang bigla niyang naramdaman ngayon.“Alam mo bang ang kailangan lang nating dalawa ngayon ay isang mabuti at magandang usapan para magkaunawaan?” ang pagpapatuloy pa ni Calum.Hindi maunawaan ni Lena kung para saan ang sinasabi iyon ni Calum. Pero bigla ay parang nakita niya sa katauhan ng binata ang matalik niyang kaibigan. Walang iba kundi si Marius. Sa naisip ay muli siyang napaiyak.“Hey! Bakit na naman?” tanong ng binata saka mahinang tumawa.Hindi maunawaan ni Lena kung sa papaanong paraan hindi siya napipikon kahit pa tumatawa si Calum sa ganoong mga sitwasyon. Siguro kung ibang lalaki ito baka napikon
“KAUSAPIN mo ako, Lena,” giit nito sa tono na nakikiusap.Napabuntong hininga si Lena saka hinarap ang lalaki. Katulad ng inasahan niya, sinundan siya nito hanggang sa kanyang apartment. At dahil nga hindi niya gustong may makakita sa kanila ay minabuti niyang papasukin na ito.“Ano bang gusto mong pag-usapin natin, Celso?” tanong ng dalaga.“Ang tungkol sa atin. Sa ating dalawa, Lena. Hindi naman yata tamang ganito nalang ang lahat? Miss na miss na kit at gustong-gusto ko nang maranasan muli ang mga dati nating ginagawa,” anito sa kanya.Nakita ni Lena na humakbang si Celso palapit sa kanya. Natayo noon ang dalaga sa may mesa sa kusina. Habang ito naman ay nasa dalawang hakbang ang layo mula sa kanya.“Miss na miss ko na ang lahat ng ginagawa natin sa kubo, Lena,” anito sa kanya.Parang sinampal si Lena sa narinig. Pagkatapos niyon ay isang dry na tawa ang pinakawalan niya.“Sex? Iyon ang dahilan mo kaya nandito ka? Gusto mo akong ikama at nami-miss mo ang lahat ng bagay na hi
MABILIS na nagsalubong ang mga kilay ni Lena nang makilala ang lalaking nakatayo at nakatingin sa kanya sa di-kalayuan. Pauwi pa lamang siya galing sa kanyang shift. Kapuputok lang ng araw. At dahil sa ibang bansa ang kompanya na pinagtatrabauhan niya ay iba ang timezone sa Pilipinas.“Kumusta kana, Lena?” Nang makalapit sa kanya si Celso ay iyon agad ang naging pagbati nito sa kanya habang matamis na nakangiti.Titig na titig si Lena sa mukha nito. “Mabuti naman ako. Ikaw? Kumusta ka? Bakit ka nandito? Paano mo nalaman na dito ako nagtatraaho?” ang magkakasunod ko pang tanong.“Sa tiyahin mo,” ang maikli nitong sagot sa kanya.Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Lena. Kasama na rin doon ang labis na pag-aalalang biglang nabuhay sa puso niya. “May nangyari ba sa Tiya Lourdes ko?” hindi naitago ng dalaga ang magkahalong nerbiyos at takot sa kanyang puso.Noong ngumisi si Celso. “Wala, walang nangyari sa kanya. Pero sa sinabi mong iyon, mukhang meron na akong ideya ngayong kung paa