INISIP kong sumaglit sa ospital para sana magpatingin. Gusto ko kasing kumpirmahin ang kutob ko. Pero dahil bumuti na rin naman ang pakiramdam ko ay inisip kong baka mas maganda kung gagawin ko iyon nang kasama ang aking nobyo.“Mas maganda siguro anak kung kasama ko ang Daddy mo kapag nagpa-check ako. Para naman marinig niya mismo ang lahat ng pwedeng sabihin ng doktor,” iyon ang isinatinig ko sabay haplos sa flat ko pa rin tiyan.Napagdesisyonan kong puntahan nalang sa site ang nobyo ko. Gusto ko kasing sabay kaming kumain ng lunch.Mula sa aking pagkakahiga ay kumilos ako saka naligo na. Pants and shirt lang ang isinuot ko. Saka ako nag-rubber shoes. At dahil nga hindi naman malayo ay hindi na rin ako nagdala ng sasakyan.Agad akong binati ng mga empleyado sa site nang makilala nila ako. Malapit nang matapos ang café at hindi ko na mahintay ang finished product nito. Well, syempre hindi ko mapigilan ang maging masyadong proud dahil nga nobyo ko ang kasama sa mga gumawa niyon. Sa k
NAGSALUBONG ang mga kilay ni Marius.“Bakit nasa labas ng bahay ang maleta ko?” iyon ang awtomatikong tanong ng binata.Hindi niya gustong bigyan ng pansin ang posibilidad na nagsusumiksik sa kanyang isipan. Pero hindi niya maikakaila na deep inside, iyon ang totoong nararamdaman niya.Mabilis ang tahip ng kanyang dibdib.Malalaki ang mga hakbang siyang lumapit sa pinto saka pinihit ang knob. Pagkatapos, nang makumpirma na tama ang hinala niya ay agad siyang napamura.“Sam…”Mabigat at malalim ang buntong hiningang hinugot at pinakawalan ni Marius. Pagkatapos ay nanlulumong napaupo sa bench na naroon. Noon na rin nahagip ng paningin niya ang isang maliit na papel na nakadikit sa maleta. Kumilos si Marius at kinuha iyon.“I know what you did…”Sapat na ang mga salitang iyon para mapatunayan na totoo ang kanyang hinala. Alam na ni Sam ang lahat. Kung paano, iyon ang palaisipan sa kanya ngayon.Nagtaas-baba ang dibdib ni Marius.Masakit sa kanya ang lahat ng ito dahil kailangan niyang a
“PARTIAL amnesia. Meaning ‘yung mga huling nangyari sa kanya ang naapektuhan at hindi niya maalala. Posibleng bumalik, pero hindi natin masasabi kung kailan. Depende iyon sa pasyente.” Iyon ang naging simple subalit malinaw na pagpapaliwanag ng doktor kay Andrew kasama siya at ang asawa nitong si Lana. “Oh, Sam,” ani Lana na umiiyak pang yumakap sa kabiyak na agad rin namang umakbay rito. Mabigat ang loob na nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Marius. Pagkatapos noon ay tinangka niyang magbuka ng bibig para magsalita. Pero bago pa man niya nagawa iyon ay nauhan na siya ni Andrew. “Kailan namin siya pwedeng iuwi, dok?” tanong nito saka siya tinapunan ng matalas na tingin. Alam niya kung para saan ang titig na iyon. Warning look na parang ang gusto lang iparating sa kanya ay huwag siyang magtatangkang gumawa ng paraan para sumawsaw sa issue. Bagay na hindi gustong tanggapin ng kalooban niya. Hindi lang dahil nobya niya ang dalaga kundi dahil sa pagmamahal niya para rito. “
“B-BUNTIS ako?” iyon ang hindi makapaniwala kong tanong nang pakawalan ako ng lalaking nagpakilala sa akin sa pangalang Marius.Hindi ko alam at hindi ko rin matukoy kung ano ang tumama sa akin. Dahil sa pagkakatitig ko sa mga mata ni Marius ay mayroong kung anong damdaming tila ba nagpabilis ng tibok ng puso ko.Napakaganda ng mga mata niya. Ang maiitim niyang mga mata. At habang nakatitig ang mga iyon sa akin ay hindi ko maikakaila ang tila ba nakakamagnetong enerhiyang humihigop sa lahat ng lakas ko.“Yes, and the baby is mine.”Iyon ang walang gatol niyang sabi.Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kaya naman hindi ko na rin napigilan ang tono ng pananalita ko. Pati na rin ang mga salitang namutawi sa bibig ko.“A-Anong sinabi mo? Bakit, sino ka ba sa buhay ko?” iyon ang magkakasunod kong tanong.Mabilis na gumuhit ang sakit sa mga mata ni Marius dahil sa sinabi kong iyon.Inisip ko at kailangan kong amining kahit papaano ay nag-alala ako. Nag-worry talaga ako na baka nasaktan ko
HINDI ko alam kung paano ko ipaliliwanag ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Parang naparalisa ang buong katawan ko. Hindi ako makakilos. Dahilan kaya nagkaroon ng pagkakataon si Marius upang mas higit pang palalimin ang halik na iyon.“Sam,” anas niya nang sandali niyang pakawalan ang mga labi ko. Sinunod niyang hinagod ng tingin ang aking mukha.Kinapa ko sa dibdib ko ang kahit maliit lang na disgusto sa kapangahasang iyon ng binata. Pero nabigo akong makita iyon. Sa halip ay pumunit pa ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi. At hindi ko napigilan iyon.“Your kiss tastes familiar,” ang hindi ko pa napigilang sabihin sa halos pabulong rin na tono. Katulad ng ginamit sa akin ng Marius.Hindi na nagsalita pa si Marius at sa halip ay mahigpit na lamang akong niyakap pagkatapos ng sinabi kong iyon. Hindi iyon ang unang beses na niyakap niya ako mula nang magising ako mula sa aking pagkaka-commatose. Pero masasabi kong ito na yata ang pinakapaborito ko sa lahat ng bagong ka
PASIMPLE kong itinulak palayo sa akin si Marius. Para akong natutunaw na ice cream dahil sa init ng halik na iginawad niya sa akin. At gawa nga ng katotohanang gusto kong bigyan siya ng pahiwatig na hindi magandang ideya ang gusto niyang mangyari ay nag-isip ako ng paraan. “Parang may narinig akong kumatok sa pinto,” pagsisinungaling ko. Nagtatanong ang mga matang pinakatitigan ako ni Marius. Pagkatapos ay kumilos siya saka tinungo ang pinto. Tahimik ko lang na pinanood ang paglapit ni Marius sa akin. Habang ginagawa niya iyon ay pansin ko naman ang papabilis na tahip ng dibdib ko. Kinakabahan ako at alam ko kung bakit. Bakit ko ba naman kasi nagawang itanong pa sa kanya kung papaano nabuo ang bata sa sinapupunan ko? Eh kung tutuusin alam ko naman kung ano ang sagot doon. At dahil nga sinasabi niya at inaangkin niya ang bata. Natural lang na may nangyari na sa amin. “Alam mo bang pinuno natin ng maiinit na tagpo ang bahay mo sa Baguio?” tanong niya sa akin. Agad na nag-init ang m
HINDI ako kaagad nakaimik matapos kong marinig ang inaming iyon sa akin ni Marius. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Parang hindi rin ako makapaniwala na sa kabila ng lalaking-lalaki nitong aura ay ang ayon nga rito ay hindi maipagmalaking bahagi ng kwento ng buhay nito. “Ganoon ba? Pasensya kana kung nagtanong at naging mapilit ako ah,” ang mga salitang iyon ang kusang nanulas sa mga labi ko. Ngumiti lang si Marius bago nangingislap ang mga matang humalik sa noo ko. “Okay lang iyon. Dapat nga matagal ko ng sinabi iyon sa iyo eh. Kaya hindi mo kailangang humingi ng sorry, okay?” aniyang banayad pang kinurot ang baba ko. Ngiti lang ang isinagot ko kay Marius sa sinabi niyang iyon. At dahil nga hindi na ako nagsalita ay siya ang muling nagbuka ng bibig para ipagpatuloy ang iba pa niyang gustong sabihin. “Ang totoo kasi niyan, hindi kasal ang mother at father ko. You know,” ani Marius na nagkibit ng mga balikat kasabay ng isang mabigat na buntong hininga. “Yeah?” sagot kong pinalalakas
“I DON’T THINK SO. Sa tingin mo pagkatapos ng ginawa mo sa kapatid ko eh papayag akong sumama siya sa iyo?”Wika ni Andrew na sinundan pa ang sinabi ng isang nakakalokong tawa.“Sa tingin ko ang bagay na iyon ay sa amin nalang ng kapatid mo,” iyon naman ang isinagot ni Marius.Umangat ang makakapal na kilay ni Andrew saka tinitigan ng matalas ang kaharap. “Maaaring hindi ko alam o wala akong idea sa totoong nangyari. Pero kapatid ko si Sam. At bilang kuya niya, tungkulin ko ang protektahan siya!” ang mariin nitong sabi.Sa puntong iyon ay mas higit pang naging malinaw kay Marius kung gaano kaseryoso ang nagawa niyang pagkakamali kay Sam.“Kung hindi dahil sa iyo, baka wala sa ganitong sitwasyon ngayon ang kapatid ko. Ipinagkatiwala ko siya sa iyo dahil bestfriend ka ng asawa ko. Pero nagkamali ako.”Muli, ang mariing isinatinig ni Andrew ang pumukaw sa malalim na iniisip ni Marius.“Pero mahal ko siya. Kaya gusto kong bumawi. Gusto kong itama ang pagkakamali ko,” iyon ang isinagot niy
MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Lena pero mas pinagsikapan niyang huwag iyong pansinin. Sa madaling salita, minabuti niyang ignorahin ang lahat at piliting maging kalmado. “Hey,” ang lalaking katabi niya na ngayon ay nakaupo sa harapan ng manibela. Hinawakan nito ang kamay niya saka iyon itinaas at dinampian ng halik. “Everything will be okay,” anito sa kanya saka ngumiti. Simpleng ngiti ang pumunit sa mga labi ni Lena. Pagkatapos ay pinisil niya ang kamay ni Calum na hindi binitiwan ang kanya. “Kung sakali pala parang gusto kong maging kapitbahay ka nalang,” ani Calum na tumawa ng mahina bago nito pinatakbo ang bagong bili nitong SUV. Takang napalingon si Lena nang marinig ang sinabing iyon ng binata. “Seryoso ka?” tanong niya. Nangungusap ang mga matang sandali siyang sinulyapan ni Calum bago nito nakangiti pa ring sinagot ang kanyang tanong. “Mukha ba akong nagbibiro?” ang isinagot nito sa kanya saka siya kinindatan. Humaplos sa puso ni Lena ang ginawing iyon ng binat
NAKAGAT ko ang aking lowerlip nang simulan akong paulanan ni Marius ng hindi makataong kaligayahan gamit ang dila at bibig niyang sinusuyo ang aking bukana. At dahil nga nakatali ang dalawang mga kamay ko gaya ng hiningi ko sa kanya kanina na gusto kong gawin niya ay literal na wala na nga akong iba pang pwedeng gawin kundi ang tanggapin ang walang patumanggang ligaya na nagaganap ngayon sa buo kong pagkatao.“This is so good, mmmnnn—Sam,” ang mga sinasabi ni Marius habang nasa kalagitnaa siya ng pagkain sa pagkababae ko ay nakadagdag rin sa orgasmong nararamdaman ko.Suminghap ako. Nakikita ko kung paano niya panggigilan ang ginagawa niya sa hiyas na nasa pagitan ng aking mga hita. Pero alam kong hindi ito magpapaawat. Lalo na ngayon obvious ang panginginig ng buong katawan ko.Hindi ko naman talaga mapigilan ang magkaganoon. Kahit kung tutuusin ay pinipilit ko.Sinusubukan ko ng maging mahinahon at kontrolin ang lahat. Pero dahil nga yata goal ni Marius ang marinig ang pag-iingay ko
HINDI ko alam kung dahil ba sa ininom kong alak pero talagang hindi lang ang pakiramdam ko ang nag-aalab nang mga sandaling iyon. Pati na rin ang lakas ng loob ko. Dahil nang hindi ako makatiis, kinuha ko ang kamay ni Marius saka ko iyon inilagay sa hiyas na nasa pagitan ng aking mga hita. Bilang pagtugon sa ginawa ko ay magkakasunod ang paghingang pinakawalan ni Marius. Kasunod niyon ay ang biglaang pagbabago ng paraan ng paghalik niya. Napansin ko kasing bigla itong naging marahas. Kung tutuusin expected ko naman na ang tungkol sa bagay na iyon. Tungkol sa pwede niyang gawin. Pero sa kabila ng katotohanang ang lahat ng ginagawa ni Marius kadalasan ay inaasahan ko na, dumarating pa rin talaga sa point na nasosorpresa ako dahil nagbabago ang istilo niya. Kung hindi naman ay binibigla niya ako. “Ang init mo ngayon, Sam,” aniya sa akin nang simulan niyang paliguan ng maliliit na haliit ang mukha ko. Pababa sa aking leeg. “Oh, Marius, palagi naman akong mainit kapag nasa ganitong e
IYON ang unang pagkakataon matapos naming magkahiwalay ni Marius na nakasama ko siya sa isang passionate na inuman. Kaya naman pala gusto niyang dito kami sa kwarto niya ay may nakahanda na itong dalawang baso at isang espesyal na wine na nasa isang maliit at candlelit na mesa. Mula nang umalis ako sa bahay na iyon isang taon na rin mahigit ang nakalilipas ay ngayon lang ulit ako pumasok sa loob ng silid ni Marius. At iyon ang dahilan kaya medyo naiilang ako. “Gusto kasing maisayaw kita ng sweet kaya kita niyaya dito,” ani Marius na binuksan ang maliit nitong component sa loob kwarto. Ilang sandali pa at pumapailanlang na ang isang maganda at malamyos na love song. “Halika na,” aniya sa akin sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko iyon. “First and last yata nating ganito eh sa condo ko ano?” ani Marius na kinuha ang kopita na nasa maliit na mesa saka uminom ng wine. Ngumiti lang ako sa tahimik na pinagmasdan ang mukha niya. “Teka, alam kong gwapo ako eh. Pero huwag mo naman akong titi
MASAYA ako sa lahat ng nangyayari sa buhay namin ni Marius. Sa totoo lang wala na akong mahihiling pa dahil ang lahat ay umaayon sa mga gusto ko. Sa lahat ng pinapanalangin at pinapangarap ko.“Mabuti naman at happy ka. Kunsabagay, wala naman akong ibang pinangarap kundi ang makita kang masaya. Alam mo ba iyon ha? Sana lagi kang maging masaya kasi love kita,” ani Calum na kausap ko sa kabilang linya.Awtomatiko na ang matamis na ngiting pumunit sa mga labi ko. Nasa veranda ako noon ng kwarto ko. Palubog na ang araw at abala na si Manang Sela sa pag-aasikaso sa kusina habang si MJ naman ay nasa crib nito. Gising na gising at nakikipaglaro sa mga laruang nakabitin doon.“So, tell me, kumusta ka naman diyan sa Davao,” ang naisipan kong itanong nang manatiling tahimik si Calum na nasa kabilang linya.“Okay naman. Ang totoo malapit na akong bumalik ng Manila. Maybe this week,” sagot niya.Lalong umaliwalas ang mukha ko sa narinig. “Really? Saan mo gustong tumuloy? Doon ba sa bahay ko?”“Hi
“WOW,” ang tanging sinambit ni Calum. Tumango si Lena saka matamis na ngumiti. Deep inside nami-miss niya si Marius. Alam niya iyon at sigurado siya. At kung noon ang nakasaksak sa utak niya ay ang isang beses na namagitan sa kanilang dalawa, ngayon, nakatitiyak siyang ang malalim at magandang pagkakaibigan nila noon ang hinahanap niya. Iyon ang dahilan ng madalas na kalungkutan niya. Huli na nga lang siguro para sa kanya na mapagtanto iyon. At kung tutuusin, hindi niya iyon mare-realize kung hindi lang dahil sa ginawang ito ni Calum. Kung hindi lang dahil sa pag-uusap na ito.“Pero wala na siya,” iyon ang malungkot na pagtatapat ni Lena sabay lingon sa binata.Noon niya nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Calum dahil sa sinabi niya. “You mean, dead? Patay na ang bestfriend mo?” tanong-sagot ng binata sa tono na tila humihingi ng paglilinaw sa sinabi niya.Magkakasunod na umiling si Lena saka humugot at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Kahit ilang beses pa yat
ISANG amused na tawa ang pinakawalan ni Calum bago nito kinurot ng bahagya ang pisngi ni Lena.“Syempre tungkol sa iyo,” anitong naupo sa tabi niya saka siya inakbayan.Sa ginawang iyon ni Calum ay biglang nakaramdam ng tila kapaguran ang dalaga. Hindi niya alam kung para saan ang kapagurang iyon. Pero kung mayroon man siyang isang bagay na natitiyak, iyon ang ang kaligayahang bigla niyang naramdaman ngayon.“Alam mo bang ang kailangan lang nating dalawa ngayon ay isang mabuti at magandang usapan para magkaunawaan?” ang pagpapatuloy pa ni Calum.Hindi maunawaan ni Lena kung para saan ang sinasabi iyon ni Calum. Pero bigla ay parang nakita niya sa katauhan ng binata ang matalik niyang kaibigan. Walang iba kundi si Marius. Sa naisip ay muli siyang napaiyak.“Hey! Bakit na naman?” tanong ng binata saka mahinang tumawa.Hindi maunawaan ni Lena kung sa papaanong paraan hindi siya napipikon kahit pa tumatawa si Calum sa ganoong mga sitwasyon. Siguro kung ibang lalaki ito baka napikon
“KAUSAPIN mo ako, Lena,” giit nito sa tono na nakikiusap.Napabuntong hininga si Lena saka hinarap ang lalaki. Katulad ng inasahan niya, sinundan siya nito hanggang sa kanyang apartment. At dahil nga hindi niya gustong may makakita sa kanila ay minabuti niyang papasukin na ito.“Ano bang gusto mong pag-usapin natin, Celso?” tanong ng dalaga.“Ang tungkol sa atin. Sa ating dalawa, Lena. Hindi naman yata tamang ganito nalang ang lahat? Miss na miss na kit at gustong-gusto ko nang maranasan muli ang mga dati nating ginagawa,” anito sa kanya.Nakita ni Lena na humakbang si Celso palapit sa kanya. Natayo noon ang dalaga sa may mesa sa kusina. Habang ito naman ay nasa dalawang hakbang ang layo mula sa kanya.“Miss na miss ko na ang lahat ng ginagawa natin sa kubo, Lena,” anito sa kanya.Parang sinampal si Lena sa narinig. Pagkatapos niyon ay isang dry na tawa ang pinakawalan niya.“Sex? Iyon ang dahilan mo kaya nandito ka? Gusto mo akong ikama at nami-miss mo ang lahat ng bagay na hi
MABILIS na nagsalubong ang mga kilay ni Lena nang makilala ang lalaking nakatayo at nakatingin sa kanya sa di-kalayuan. Pauwi pa lamang siya galing sa kanyang shift. Kapuputok lang ng araw. At dahil sa ibang bansa ang kompanya na pinagtatrabauhan niya ay iba ang timezone sa Pilipinas.“Kumusta kana, Lena?” Nang makalapit sa kanya si Celso ay iyon agad ang naging pagbati nito sa kanya habang matamis na nakangiti.Titig na titig si Lena sa mukha nito. “Mabuti naman ako. Ikaw? Kumusta ka? Bakit ka nandito? Paano mo nalaman na dito ako nagtatraaho?” ang magkakasunod ko pang tanong.“Sa tiyahin mo,” ang maikli nitong sagot sa kanya.Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Lena. Kasama na rin doon ang labis na pag-aalalang biglang nabuhay sa puso niya. “May nangyari ba sa Tiya Lourdes ko?” hindi naitago ng dalaga ang magkahalong nerbiyos at takot sa kanyang puso.Noong ngumisi si Celso. “Wala, walang nangyari sa kanya. Pero sa sinabi mong iyon, mukhang meron na akong ideya ngayong kung paa