“B-BUNTIS ako?” iyon ang hindi makapaniwala kong tanong nang pakawalan ako ng lalaking nagpakilala sa akin sa pangalang Marius.Hindi ko alam at hindi ko rin matukoy kung ano ang tumama sa akin. Dahil sa pagkakatitig ko sa mga mata ni Marius ay mayroong kung anong damdaming tila ba nagpabilis ng tibok ng puso ko.Napakaganda ng mga mata niya. Ang maiitim niyang mga mata. At habang nakatitig ang mga iyon sa akin ay hindi ko maikakaila ang tila ba nakakamagnetong enerhiyang humihigop sa lahat ng lakas ko.“Yes, and the baby is mine.”Iyon ang walang gatol niyang sabi.Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kaya naman hindi ko na rin napigilan ang tono ng pananalita ko. Pati na rin ang mga salitang namutawi sa bibig ko.“A-Anong sinabi mo? Bakit, sino ka ba sa buhay ko?” iyon ang magkakasunod kong tanong.Mabilis na gumuhit ang sakit sa mga mata ni Marius dahil sa sinabi kong iyon.Inisip ko at kailangan kong amining kahit papaano ay nag-alala ako. Nag-worry talaga ako na baka nasaktan ko
HINDI ko alam kung paano ko ipaliliwanag ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Parang naparalisa ang buong katawan ko. Hindi ako makakilos. Dahilan kaya nagkaroon ng pagkakataon si Marius upang mas higit pang palalimin ang halik na iyon.“Sam,” anas niya nang sandali niyang pakawalan ang mga labi ko. Sinunod niyang hinagod ng tingin ang aking mukha.Kinapa ko sa dibdib ko ang kahit maliit lang na disgusto sa kapangahasang iyon ng binata. Pero nabigo akong makita iyon. Sa halip ay pumunit pa ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi. At hindi ko napigilan iyon.“Your kiss tastes familiar,” ang hindi ko pa napigilang sabihin sa halos pabulong rin na tono. Katulad ng ginamit sa akin ng Marius.Hindi na nagsalita pa si Marius at sa halip ay mahigpit na lamang akong niyakap pagkatapos ng sinabi kong iyon. Hindi iyon ang unang beses na niyakap niya ako mula nang magising ako mula sa aking pagkaka-commatose. Pero masasabi kong ito na yata ang pinakapaborito ko sa lahat ng bagong ka
PASIMPLE kong itinulak palayo sa akin si Marius. Para akong natutunaw na ice cream dahil sa init ng halik na iginawad niya sa akin. At gawa nga ng katotohanang gusto kong bigyan siya ng pahiwatig na hindi magandang ideya ang gusto niyang mangyari ay nag-isip ako ng paraan. “Parang may narinig akong kumatok sa pinto,” pagsisinungaling ko. Nagtatanong ang mga matang pinakatitigan ako ni Marius. Pagkatapos ay kumilos siya saka tinungo ang pinto. Tahimik ko lang na pinanood ang paglapit ni Marius sa akin. Habang ginagawa niya iyon ay pansin ko naman ang papabilis na tahip ng dibdib ko. Kinakabahan ako at alam ko kung bakit. Bakit ko ba naman kasi nagawang itanong pa sa kanya kung papaano nabuo ang bata sa sinapupunan ko? Eh kung tutuusin alam ko naman kung ano ang sagot doon. At dahil nga sinasabi niya at inaangkin niya ang bata. Natural lang na may nangyari na sa amin. “Alam mo bang pinuno natin ng maiinit na tagpo ang bahay mo sa Baguio?” tanong niya sa akin. Agad na nag-init ang m
HINDI ako kaagad nakaimik matapos kong marinig ang inaming iyon sa akin ni Marius. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Parang hindi rin ako makapaniwala na sa kabila ng lalaking-lalaki nitong aura ay ang ayon nga rito ay hindi maipagmalaking bahagi ng kwento ng buhay nito. “Ganoon ba? Pasensya kana kung nagtanong at naging mapilit ako ah,” ang mga salitang iyon ang kusang nanulas sa mga labi ko. Ngumiti lang si Marius bago nangingislap ang mga matang humalik sa noo ko. “Okay lang iyon. Dapat nga matagal ko ng sinabi iyon sa iyo eh. Kaya hindi mo kailangang humingi ng sorry, okay?” aniyang banayad pang kinurot ang baba ko. Ngiti lang ang isinagot ko kay Marius sa sinabi niyang iyon. At dahil nga hindi na ako nagsalita ay siya ang muling nagbuka ng bibig para ipagpatuloy ang iba pa niyang gustong sabihin. “Ang totoo kasi niyan, hindi kasal ang mother at father ko. You know,” ani Marius na nagkibit ng mga balikat kasabay ng isang mabigat na buntong hininga. “Yeah?” sagot kong pinalalakas
“I DON’T THINK SO. Sa tingin mo pagkatapos ng ginawa mo sa kapatid ko eh papayag akong sumama siya sa iyo?”Wika ni Andrew na sinundan pa ang sinabi ng isang nakakalokong tawa.“Sa tingin ko ang bagay na iyon ay sa amin nalang ng kapatid mo,” iyon naman ang isinagot ni Marius.Umangat ang makakapal na kilay ni Andrew saka tinitigan ng matalas ang kaharap. “Maaaring hindi ko alam o wala akong idea sa totoong nangyari. Pero kapatid ko si Sam. At bilang kuya niya, tungkulin ko ang protektahan siya!” ang mariin nitong sabi.Sa puntong iyon ay mas higit pang naging malinaw kay Marius kung gaano kaseryoso ang nagawa niyang pagkakamali kay Sam.“Kung hindi dahil sa iyo, baka wala sa ganitong sitwasyon ngayon ang kapatid ko. Ipinagkatiwala ko siya sa iyo dahil bestfriend ka ng asawa ko. Pero nagkamali ako.”Muli, ang mariing isinatinig ni Andrew ang pumukaw sa malalim na iniisip ni Marius.“Pero mahal ko siya. Kaya gusto kong bumawi. Gusto kong itama ang pagkakamali ko,” iyon ang isinagot niy
ANG gwapong mukha ni Marius ang nabungaran ko nang magdilat ako ng mga mata. Nangungusap ang mga iyon habang nakatitig sa akin. Hindi ko rin napigilang kiligin. Halata kasi ang paghanga sa aura niya habang hinahagod niya ng tingin ang bawat anggulo ng mukha ko.“Sorry, nakatulog ako,” sagot ko saka mabilis na inayos ang sarili ko.Itinuwid ko ang pagkakaupo ko saka inayos ang nagulo kong buhok. “Halika na,” iyon ang narinig kong isinagot ni Marius habang nanatili ang pagkakatitig niya sa akin.Sa puntong iyon kumilos ako para kalasin ang pagkaka-buckle ng seatbelt ko. Pero pareho pala kami ng iniisip ni Marius.Magkapanabay naming hinawakan ang buckle ng seatbelt na gamit ko. Dahilan kaya aksidentent nagkadikit ang mga kamay namin. At totoong nasorpresa ako sa hindi maipaliwanag na agos ng kuryenteng nanulay sa bawat himaymay ng katawan ko.“Sorry.”Iyon ang narinig kong sinambit ni Marius nang marahil umabot sa pandinig niya ang marahas na singhap na pinakawalan ko.Hindi ako sumagot
KUNG gaano kaganda sa labas ang bahay, masasabi kong walang sinabi iyon nang makapasok kami ni Marius sa loob. Pakiramdam ko nagbalik ako sa panahon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil sa lahat ng nakikita ko. Walag TV sa sala pero may maganda at malaking grand piano. Lumang grandfather’s clock at marami pang antigong mga muwebles na nakapagpamangha sa akin. “Wow,” ang tanging nasambit ko habang malaya kong hinahagod ng humahangang tingin ang buong paligid. “Nagustuhan mo?” Ang tanong na iyon ni Marius ang narinig ko at tila ba lubid na humila sa akin pabalik sa kasalukuyan. Nilingon ko siya saka tiningala ng nakangiti. “I love it. I mean, I love everything about this house,” pagsasabi ko ng totoo. Sa pang-hindi mabilang na pagkakataon ay nakita kong muling nangislap ang maiitim na mata ni Marius dahil sa sinabi ko. Hindi ko maikakaila na may something talaga sa mga mata ng lalaking ito ang nagbibigay ng rason sa akin para mawala sa sarili ko tuwing nagtatama ang paning
Hindi ako tumanggi nang maramdaman ko ang paglalim ng halik ni Marius. Ang sarap niya talagang humalik. Kaya nga kahit hindi na ako magtanong alam kong ang pamamaraang ito ni Marius ang ginagamit niya sa akin kaya napapabigay niya ako.“Sam, miss na miss na kita,” ang mga salitang iyon ang narinig ko mula kay Marius. At sa paraan ng pagkakasambit niyq kahit hindi siya umamin alam kong iyon ang nararamdaman niya para sa akin. Ang ibig kong sabihin kahit, alam kong miss na miss na niya ako. At alam ko rin kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang pangungulila niya para sa akin.Nagbuka ako ng bibig para magsalita. Pero parang binigyan ko lang ng pagkakataon si Marius na muling angkinin ang mga labi ko.Sa pagkakataong ito naging mas pangahas si Marius. Kaya hindi na ako nagtaka nang magsimula ng maging mahirap para sa akin ang humingq. Dahil totoong hindi ako binigyan ng chance ni Marius na ibalik dito ang alab ng mga halik nito.Nadarang ako ng husto kaya sa paraang kaya ko ka