Share

CHAPTER 35

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2024-09-25 15:08:19
ANG madilim na anyo ni Knives ng mga sandaling iyon ay tila lalo yatang pinadilim pa ng dim lights na tanging liwanag sa lugar na iyon. Napaatras si Lalaine ng ilang hakbang sa takot saka pasimpleng luminga-linga upang maghanap ng malulusutan, subalit bigo siya. Ang tanging daan papalabas sa pasilyo ng mga comfort room ay hinaharangan ng lalaki.

Walang pagpipilian si Lalaine, kailangan niyang makaalis doon kaya naman matapang niyang hinarap ang lalaki. “Pwedeng bang makiraan?”

Sinikap ni Lalaine na maging magalang sa kaharap dahil wala na siyang lakas ng loob para subukin pa ang lalaki, hindi sa mga oras na iyon.

Subalit sa halip na bigyan si Lalaine ng daan ay umabante pa si Knives upang mapalapit sa babae at saka itinukod ang dalawang kamay sa pader upang hindi makulong ang babae sa pagitan ng kanyang mga bisig.

“How far have you done with that man?” tanong ni Knives sa babae.

Napakalapit nila sa isa't-isa kaya nasasamyo ni Lalaine ang panlalaking pabango nito at amoy min
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
MB Con
like it next episodes pls
goodnovel comment avatar
aixanne06
𝚖𝚊𝚢 𝙼𝚢𝚜𝚘𝚙𝚑𝚘𝚋𝚒𝚊 𝚍𝚊𝚠 𝚜𝚢𝚊 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚞𝚝𝚊𝚔 𝚗𝚢𝚊 𝚖𝚊𝚛𝚞𝚖𝚒 𝚊𝚝 𝚙𝚊𝚗𝚊𝚢 𝚝𝚞𝚔𝚊 𝚔𝚊𝚢 𝚕𝚊𝚕𝚊𝚒𝚗𝚎 𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊 𝚗𝚊𝚗𝚍𝚒𝚛𝚒 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚐𝚔𝚊𝚝𝚊𝚘 𝚗𝚒 𝚕𝚊𝚕𝚊𝚒𝚗𝚎 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚖𝚊𝚔𝚊𝚝𝚞𝚔𝚊 𝚠𝚊𝚐𝚊𝚜! 𝚑𝚖𝚖𝚖 𝚔𝚗𝚒𝚟𝚎𝚜 𝚑𝚞𝚑?!
goodnovel comment avatar
Nhens BC
bakit gnun dk mkpg BSA n deretso need p mnuod ng ads
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 36

    ITINAAS ni Lalaine ang kanyang kamay para sampalin si Knives subalit maagap na nasalo iyon ng lalaki at saka mahigpit siyang hinawakan sa pulsuhan."No woman has ever slapped me. Bakit 'di mo pag-isipan bago mo gawin?" nakangsing turan ni Knives sa babae.Umiiyak na binawi ni Lalaine ang kanyang kamay na hawak ng lalaki saka marahas na pinunasan ang kanyang labi. "Bakit gano'n na lang kadali para sa'yo ang basta humalik ng isang tao?" tanong ni Lalaine sa nanginginig na boses. Galit na galit si Lalaine sa lalaki dahil sa ginawa nito, pero sa isang banda ay nagpapasalamat siya dahil hindi nakita ni Elijah ang pangyayaring iyon dahil wala siyang mukhang maihaharap sa lalaki pag nagkataon.Nawala ang ngisi sa mukha ni Knives at tumalim ang mga mata nito nang makita ang ginawang pagpunas ni Lalaine sa sariling labi. "I'm just collecting what you owe me. Nakalimutan mo na ba?" tanong pa niya na bahagyang namamaos ang tinig.Namula ang mukha at punong-tenga ni Lalaine nang maalala ang sina

    Last Updated : 2024-09-26
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 37

    TULALA at walang imik si Lalaine sa kanyang desk habang iniisip kung ano ang mangyayari sa kan'ya. Tatlong araw pa lang siyang nagtatrabaho pero iyon na kaagad ang nangyari. Sinusundan yata siya ng kamalasan kahit na saan siya magpunta. Nang break time na at nilapitan si Lalaine ni Ms. Divine sa kanyang desk. Napansin kasi nito ang pag-iisip n'ya tungkol sa nangyari sa kompanya. “Lalaine,” pukaw nito sa kan'ya. Mabilis namang itinigil ni Lalaine ang ginagawa saka nakangiting hinarap ang kanilang team leader. “Ms. Divine, may kailangan po kayo?” magalang na tanong ni Lalaine. Nagulat si Lalaine nang akbayan siya ni Ms. Divine. “I know this internship is important to you, so don't worry because you won't be fired from the company because you're an intern.” Nang marinig iyon ay lalong mag-alala si Lalaine. “Pwede ko po bang malaman kung anong kompanya ang sumalo sa Debonair?” “What I know is that Dawson Group acquired our company,” sagot naman ni Ms. Divine. Tila huminto ang p

    Last Updated : 2024-09-26
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 38

    "ALAM mo ba kung ano ang nangyari kay Luke nang araw na umalis ka?" galit na tanong ni Lalaine sa kabilang linya saka sandaling lumabas sa cafeteria at nagpunta sa emergency exit door. "Ano'ng pinagsasabi mo? Kahit bantayan ko pa si Luke, hindi na s'ya gagaling. Tingnan mo nga ang kapatid mo? Lantang-gulay na s'ya. Ewan ko nga ba't nag-aaksaya ka pa na ipa-ospital 'yang batang 'yan," saad ng kanyang nanay na para bang kung sinong bata lang ang kanilang pinag-uusapan. Dahil sa mga narinig mula sa sariling ina ay tahimik na humikbi si Lalaine. Hindi lang yata siya sa trabaho malas, maging sa personal ay napakamalas din niya. Sino bang ina ang pagsasalitaan ng ganoon ang anak na nakikipaglaban para mabuhay? “Napakasama mo! Nanay ka ba talaga namin? Ano bang kasalanan namin sa'yo ni Luke, bakit ganito mo kami tratuhin?” puno ng hinahakit na wika ni Lalaine sa ina habang pigil ang iyak. Nag-iingat siyang baka may makarinig sa kan'ya na umiiyak sa emergency exit. Dahil sa sinabi ni L

    Last Updated : 2024-09-27
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 39

    ANG babae sa larawan ay maganda at mukhang sophisticated. Hawak nito ang mga bisig ni Knives habang masayang-masaya sa isa't-isa. Kung titingnan ay bagay na bagay ang mga ito. “And yes, kung makikita mo may pagkakahawig kayo ni Ms. Gwyneth ng mga mata,” dagdag pa ni Ms. Emma na hindi n'ya malaman kung papuri o panghahamak ang timbre ng boses nito. Dahil sa narinig ay pinakatitigan naman ni Lalaine ang mga mata ng babae, at tama ito. May pagkakahawig nga ang mga mata nila ng babaeng nasa larawan, pero mayroon ding pagkakaiba. Kung ang mga mata nito ay kumikislap at puno ng kumpiyansa, ang kanya naman ay kakikitaan ng takot dahil wala siyang tiwala sa sarili. “Pero bukod sa mga mata, malayong-malayo ang tulad mo kay Ms. Gwyneth,” pang-iinsulto pa ni Ms. Emma habang pinagmamasdan mula ulo hanggang talampakan si Lalaine. Para sa kan'ya, masyadong mapanlinlang ang inosenteng mukha nito. “You look like an innocent little girl, pero alam kong nasa loob ang kulo mo.” Wala namang maisag

    Last Updated : 2024-09-28
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 40

    SA OPISINA ng directress, inilapag ni Lalaine ang iced Americano na ipinabili ng babae, at nang tatalikod na sana siya para lumabas ay tinawag siya ni Ms. Emma.May kinuha si Ms. Emma na isang black folder ay inabot kay Lalaine. “Please bring this folder to Mr. Go after get off work this afternoon.”Ito ang unang pagkakataon na inutusan si Lalaine ni Ms. Emma na makipagkita sa isang kliyente kaya naman naisip niyang paghusayan ito. “Naiintindihan ko po, Ms. Emma.” Kinuha ni Lalaine ang folder sa directress ngunit bago umalis ay muli siyang pinigilan, “Wait, Ms. Aragon, the cost of this project is 8 million pesos so you have to be good at talking. Don't ever make Mr. Go angry,” paalala pa ni Ms. Emma kay Lalaine.Tumango naman si Lalaine sa kaharap. “I understand, Ms. Emma.”“Ms. Aragon, you have been for almost half a month, that's why I will arrange a client for you to follow up tomorrow. Galingan mo sa trabaho,” nakangiti pang dagdag nito.Kumislap naman ang mga mata ni Lalaine dah

    Last Updated : 2024-09-29
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 41

    MARAHAN namang hinaplos ni Mr. Go ang buhok ni Lalaine at sinabing, “Are you okay, hija? Masama ba ang pakiramdam mo?” kunwari pang tanong ng matanda habang nakangisi.Sa hallway kung nasaan ang VIP rooms, napadaan sa isang kwarto na bahagyang nakabukas ang pinto si Olivia. Wala naman siyang interes na maki-usyoso sa mga ito at kaya lang siya nagpunta doon ay para mag-unwind, subalit nanlaki ang kanyang mga mata nang makita na ang malanding si Lalaine ang nasa loob ng nakabukas na kwarto at may katabing matandang lalaki.Olivia grinned at what she saw. She was right in suspecting that this woman had a secret, and she would never forgive her for flirting with her fiancé. That's why she immediately took the cellphone from her luxury pouch and secretly took a picture of them.She sent the picture she took to her friends and said, “Look at this bitch. Tingnan niyo ang kasama, amoy lupa na! She's so disgusting!” saad niya sa chat message.Matapos mai-send ay muling ch-in-eck ni Olivia an

    Last Updated : 2024-09-29
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 42

    SA loob ng sasakyan, tinawagan ni Knives ang pinsang si Olivia. “What did you just send?” kunot-noong tanong n'ya. Natigilan naman si Olivia saka nagpanggap na walang alam. “What are you talking about? I didn't send anything,” maang niyang sagot sa kabilang linya. “Minsan lang akong magtanong, Olivia,” mariing sagot ni Knives na may halong pagbabanta. Nahintakutan naman si Olivia. Kilala n'ya ang pinsan kapag magalit kaya hangga't maaari ay ayaw niyang magalit ito sa kanya. “That's Lalaine Aragon, the girl who flirted with Benjamin. I saw her at the restaurant drinking with an old man." “Where are you?” “Victoria’s,” sagot ni Olivia pero dahil alam niyang hindi naniniwala sa kanya ang pinsan kaya kinumbinsi n'ya ito, “I told you, she is not a—” Hindi na tinapos pa ni Knives ang sinasabi ng pinsan, pinatay na niya ang tawag at saka kinontak naman ang kanyang secretary. Ilang segundo lang ay sumagot na ito. “Call Directress Emma!” utos niya rito. “Okay, Mr. Dawson!” sago

    Last Updated : 2024-09-30
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 43

    TUMILAMSIK ang dugo sa mula sa kamay ni Knives mula sa pagkakakagat ni Lalaine. But he seemed not to feel the pain. With his palm in his mouth, he picked up Lalaine with one hand and walked out of the room. Sa pinto naman ay nakatayo si Mr. Go na duguan at basag ang ilong. Nanginginig ito sa takot ng mga sandaling iyon at tila basang sisiw. Nang makita at mamukhaan nito si Knives ay nagkakandarapa itong lumapit. “Mr. Dawson, please help me. I am Mr. Go, I signed a contract with Debonair worth eight million pesos. Please, help me. They will kill me..." pagmamakaawa pa ni Mr. Go.Kaya lang naman siya pumayag na pirmahan ang kontratra sa Debonair ay hindi dahil inakit siya ng malanding directress na si Emma, ginawa n'ya iyon para pabangohin ang pangalan niya kay Knives Dawson at magamit niya ang connection nito. Huminto sandali sa paglalakad ni Knives at nanlilisik ang mga matang tiningnan si Mr. Go. Hindi lang iyon, malakas din niya itong sinipa dahilan para muling magdugo ang bibi

    Last Updated : 2024-09-30

Latest chapter

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 310: “I want to see her.”

    “TALAGA bang ayaw mong tantanan ang dalawang 'yon, Gwen? She's no longer the Lalaine you knew before. Do you think she'll let you bully her?”Gwyneth glared at the man. Why does Eros always side with that slut when he's her friend? “Bakit ba lagi mo na lang kinakampihan ang hitad na 'yon, huh? In case you forgot, I'm your friend and not that bitch!” inis na bulalas niya sa lalaki.Bumuntong-hininga si Eros. Talagang napakahirap paliwanagan ng babaeng 'to dahil sarado lagi ang isip. “Bakit ba napakatigas ng ulo mo? Of course, I'm concerned about you because I'm your friend. But I won't tolerate your wrongdoings.”“Wrongdoings? Really?” nandidilat ang mga matang tanong ni Gwyneth. “Siya itong sinampal ako ng maraming beses! Tapos ako pa ang mali?” “Knives and I had a good relationship before that woman came! He even promised to marry me, didn't he? But everything went sour because of that bitch!” bulalas pa ni Gwyneth na nanlilisik ang mga mata sa galit.“But he never loved you and you

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 309: “Stolen Identity.”

    “WHAT if Knives dies, is there a chance you'll come back to me?”Napakunot-noo si Keiko sa sinabing iyon ng lalaki. “A-Ano bang sinasabi mo?” naguguluhang tanong niya. Pansin din niyang parang iba ang aura ni Seiichi ng mga sandaling iyon. May kakaiba sa mga mata nito habang nakatitig sa kan'ya na hindi niya mawari. Pakiramdaman niya ay ibang-iba ito sa Seiichi na matagal na niyang kilala. “Nothing,” umiling-iling na sagot ni Seiichi. “By the way, l pumasok ka na sa loob. I'll just wait for you outside,” dagdag pa nito saka tumalikod na.“Okay...”Hindi na pinansin pa ni Keiko ang kakaibang kilos na iyon ni Seiichi saka dumiretso na siya sa loob upang makita ang lalaking mahal. Naupo siya sa tabi nito at hinaplos ang mukha nitong bahagya nang tinutubuan bigote at balbas.“Gumising ka na, mahal ko. Miss na miss ka na namin. Hinihintay ka na namin ng mga bata...” masuyong wika ni Keiko saka kinuha ang kamay nito at hinalikan. Namuo ang luha sa kanyang mga mata pero pinigilan niyang pu

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 308: “What if Knives dies?”

    SI SEIICHI, binatilyo pa lang ay nasa poder na ni Kenji. Anak ito ng isa mga mga tauhan niya na napatay noong magkagulo sa pagitan niya at kalaban sa negosyo. As far as he knew, he had a brother, but he had never seen him. According to the information he had gathered, Mr. Zhou had adopted the young man and had no news of his whereabouts.Siya na ang tumayong ama-amahan kay Seiichi at sinuportahan niya ito sa pag-aaral hanggang kolehiyo. Mabait na bata ito ay kahit kailan ay hindi siya binigyan ng sakit ng ulo. Nang matapos ito ng masteral sa law ay ito ang naging corporate lawyer niya sa sariling kompanya. Matalino ito at magaling na abogado kaya naman wala siyang naging problema sa kanyang negosyo pagdating sa legal matters.Naging kaibigan din ito ng mga anak niya, lalong-lalo na si Kairi dahil halos hindi nalalayo ang edad ng mga ito. Bukod doon, sa iisang university sa abroad nag-aral ang mga ito kaya naman parang kapatid na ang turingan ng dalawa.Malaki rin ang tiwala ni Kenji k

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 307: “A Man He Knew Very Well.”

    “HOW'S my son, hijo?” Puno ng pag-aalala si Kennedy para sa anak nang makatanggap siya ng tawag mula kay Eros na nag-seizure ang kanyang anak. He knew that was very dangerous for someone in a coma because there was a high chance that their unconsciousness would last for a long time or could lead to death.“He's fine, Uncle Kennedy. His blood pressure went up, which caused him to have a seizure, but he was given medication right away, so his BP is back to normal,” ani Eros sa matanda.Nang marinig iyon ay nakahinga ng maluwang si Kennedy at saka lumapit sa anak at saka hinawakan ang kamay nito. Napakasakit sa kanyang puso na makitang nasa ganoong kalagayan ang kanyang anak. Samantalang siya itong marami nang kasalanang nagawa sa sariling anak at sa ibang tao ay hindi pa rin mamatay-matay.Lubos niyang pinagsisisihan na naging malupit siya sa anak. Masyado siyang naging manipulative kaya iniwan siya nitong mag-isa. Pero kahit ganoon, proud siya sa kanyang nag-iisang anak dahil kahit wa

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 306: "Hope.”

    KAHIT mahirap at napakasakit, sinikap ni Keiko na bumalik sa normal ang buhay. Isang linggo nang nasa hospital si Knives at katulad ng dati ay wala pa ring pagbabago sa lagay nito. Kahit parang dinudurog ang puso ni Keiko kapag naiisip ang lakaki ay pinilit niyang magpakatatag para sa mga anak. Pinilit niyang bumalik sa trabaho kahit madalas ay tulala lang siya at umiiyak lang siya mag-isa. At the mansion, she always pretends to be okay and smiles in front of her children, but the truth is that her heart feels like it's breaking because she's afraid that they'll be orphaned at a very young age. “Mom...are you okay? Why are you crying?” Nagbalik sa wisyo si Keiko nang marinig ang malambing na boses na iyon. Pagbaling n'ya ay nakita niyang si Kaiser ang nakatayo sa kanyang harapan at puno ng pagtataka ang gwapong mukha. Lalo sumasakit ang kanyang dibdib sa t'wing nakatingin sa anak dahil kamukhang-kamukha ito ni Knives. “No. I'm not crying, anak,” pagtanggi I Keiko saka umiling-ilin

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 305: “Plan.”

    “I-I WANT to marry, Knives. Gusto kong ayusin ang kasal namin as soon as possible...”Sa narinig ay napabulalas ng iyak si Abby dahil walang kasiguruhan kung magigising pa si Knives, pero heto ang kaibigan n'ya at handa pa ring pakasalan ang lalaki. Hindi n'ya kayang sabihin iyon sa kaibigan dahil alam niyang masasaktan ito kaya wala siyang nagawa kundi umiyak na lang para sa sakit na naranasan ng best friend niya.“A-Are you sure?” umiiyak pang tanong ni Abby.“Yes.” Buo na ang loob ni Keiko. Hindi n'ya alam kung paano pero gagawin niya ang lahat para ikasal sila ni Knives. At kung sakali mang dumating ang time na makalimutan siya nito dahil sa amnesia ay gagawin n'ya ang lahat para maalala muli nito.Hindi naman nakaligtas ang sinabing iyon ni Keiko sa pandinig si Kenji at Kennedy. Hindi maintindihan ni Kennedy kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabing iyon ng babae, pero isa lang ang alam niya—nahahabag siya kay Keiko ng mga oras na iyon.Samantala, sa kauna-unahang pagkakat

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 304: “I want to marry, Knives.”

    HALOS hindi na umaalis si Keiko sa labas ng Intensive Care Unit o ICU kung nasaan kasalukuyang mino-monitor si Knives. Napakasakit sa puso niyang makita ang lalaki na nakahiga sa kama at may iba't-ibang tubo na nakakabit sa katawan.Hindi pa siya nakakauwi sa mansyon kahit pilitin pa siya ng kanyang daddy at Kuya Kairi. Ni wala pa siyang tulog ay maayos na kain, at dahil sa bigat ng problemang kinahaharap ay halos hindi siya makaramdam ng gutom ng mga sandaling iyon. All she wanted to do was keep an eye on Knives because she was afraid of losing sight of him.Inabot na ng kinabukasan si Keiko sa hospital at dahil iyon din ang araw ng launching ng summer fashion edition ng K Fashion ay nag-decide siyang i-postponed iyon. Wala siyang pakialam kung malaki man ang nalugi sa kan'ya at maraming magalit na mga kliyente. Knives is the only thing that matters to her and she knows she can't feel at peace without him by her side. Hindi pa rin alam ng kambal ang nangyari sa kanilang daddy at hin

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 303: “Coma.”

    MULA NANG mag-umpisa ang operasyon kay Knives ay hindi umalis si Keiko sa labas ng operating room. Ubos na ang luha niya kaiiyak kaya tulala na lang siya ng mga oras na iyon habang nakatingin sa kawalan. Magang-maga na ang kanyang mata at magulo na ang kanyang itsura ng mga sandaling iyon pero wala siyang pakialam. Ang tanging mahalaga lang sa kan'ya ay makaligtas si Knives sa tiyak na kapahamakan.Mahal na mahal n'ya si Knives at hindi n'ya mapapatawad ang kanyang sarili sa oras na may mangyari masama rito. Kung kailan magkaayos na sila ay nagkaroon pa ng trahedya. Talaga bang galit sa kan'ya ang tadhana? Bakit sa t'wing masaya siya ay laging may karugtong na sakit? Hindi naman siya masamang tao. Hindi rin siya nanlalamang ng kapwa kaya bakit lagi na lang siyang pinaghihirapan?Samantala, tinawagan na ni Seiichi si Kairi at si Uncle Kenji para ipaalam ang nangyari at malamang ay papunta na ito sa hospital. Hindi niya iniwan si Keiko lalo pa't nang mga sandaling iyon ay nakatulala na

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 302: “It's Her Fault.”

    “I'M a friend of Knives Dawson, I'm Eros Smith. Don't be surprised, but you need to go to the hospital right now...”Sandaling hindi nakapagsalita si Keiko at hindi kaagad mai-proseso sa isip ang mga narinig. Na para bang pansamantalang humiwalay ang kaluluwa niya ng mga sandaling iyon.“Ms. Inoue? Are you there?” tanong pa ni Eros sa kabilang linya.Nagbalik sa wisyo si Keiko nang muling magsalita ang lalaki sa kabilang linya saka nanginginig ang mga kamay na nagsalita. “W-What happened to him?” “The car he was driving had an accident...”Hindi na naintindihan pa ni Keiko ang mga sumunod na sinabi ng lalaki dahil para siyang nabingi ng mga oras na iyon. Ang tanging malinaw lang sa kan'ya ay naaksidente si Knives at nasa hospital ito.Awtomatikong bumalong ang mga luha ni Keiko ng mga sandaling iyon. Wala sa sariling lumabas siya ng opisina at nagmamadaling sumakay ng elevator habang si Seiichi naman ay nakasunod sa likuran ng babae at nag-aalala para rito. “Hey! You need to calm do

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status