ANG madilim na anyo ni Knives ng mga sandaling iyon ay tila lalo yatang pinadilim pa ng dim lights na tanging liwanag sa lugar na iyon. Napaatras si Lalaine ng ilang hakbang sa takot saka pasimpleng luminga-linga upang maghanap ng malulusutan, subalit bigo siya. Ang tanging daan papalabas sa pasilyo ng mga comfort room ay hinaharangan ng lalaki. Walang pagpipilian si Lalaine, kailangan niyang makaalis doon kaya naman matapang niyang hinarap ang lalaki. “Pwedeng bang makiraan?” Sinikap ni Lalaine na maging magalang sa kaharap dahil wala na siyang lakas ng loob para subukin pa ang lalaki, hindi sa mga oras na iyon. Subalit sa halip na bigyan si Lalaine ng daan ay umabante pa si Knives upang mapalapit sa babae at saka itinukod ang dalawang kamay sa pader upang hindi makulong ang babae sa pagitan ng kanyang mga bisig. “How far have you done with that man?” tanong ni Knives sa babae. Napakalapit nila sa isa't-isa kaya nasasamyo ni Lalaine ang panlalaking pabango nito at amoy min
ITINAAS ni Lalaine ang kanyang kamay para sampalin si Knives subalit maagap na nasalo iyon ng lalaki at saka mahigpit siyang hinawakan sa pulsuhan."No woman has ever slapped me. Bakit 'di mo pag-isipan bago mo gawin?" nakangsing turan ni Knives sa babae.Umiiyak na binawi ni Lalaine ang kanyang kamay na hawak ng lalaki saka marahas na pinunasan ang kanyang labi. "Bakit gano'n na lang kadali para sa'yo ang basta humalik ng isang tao?" tanong ni Lalaine sa nanginginig na boses. Galit na galit si Lalaine sa lalaki dahil sa ginawa nito, pero sa isang banda ay nagpapasalamat siya dahil hindi nakita ni Elijah ang pangyayaring iyon dahil wala siyang mukhang maihaharap sa lalaki pag nagkataon.Nawala ang ngisi sa mukha ni Knives at tumalim ang mga mata nito nang makita ang ginawang pagpunas ni Lalaine sa sariling labi. "I'm just collecting what you owe me. Nakalimutan mo na ba?" tanong pa niya na bahagyang namamaos ang tinig.Namula ang mukha at punong-tenga ni Lalaine nang maalala ang sina
TULALA at walang imik si Lalaine sa kanyang desk habang iniisip kung ano ang mangyayari sa kan'ya. Tatlong araw pa lang siyang nagtatrabaho pero iyon na kaagad ang nangyari. Sinusundan yata siya ng kamalasan kahit na saan siya magpunta. Nang break time na at nilapitan si Lalaine ni Ms. Divine sa kanyang desk. Napansin kasi nito ang pag-iisip n'ya tungkol sa nangyari sa kompanya. “Lalaine,” pukaw nito sa kan'ya. Mabilis namang itinigil ni Lalaine ang ginagawa saka nakangiting hinarap ang kanilang team leader. “Ms. Divine, may kailangan po kayo?” magalang na tanong ni Lalaine. Nagulat si Lalaine nang akbayan siya ni Ms. Divine. “I know this internship is important to you, so don't worry because you won't be fired from the company because you're an intern.” Nang marinig iyon ay lalong mag-alala si Lalaine. “Pwede ko po bang malaman kung anong kompanya ang sumalo sa Debonair?” “What I know is that Dawson Group acquired our company,” sagot naman ni Ms. Divine. Tila huminto ang p
"ALAM mo ba kung ano ang nangyari kay Luke nang araw na umalis ka?" galit na tanong ni Lalaine sa kabilang linya saka sandaling lumabas sa cafeteria at nagpunta sa emergency exit door. "Ano'ng pinagsasabi mo? Kahit bantayan ko pa si Luke, hindi na s'ya gagaling. Tingnan mo nga ang kapatid mo? Lantang-gulay na s'ya. Ewan ko nga ba't nag-aaksaya ka pa na ipa-ospital 'yang batang 'yan," saad ng kanyang nanay na para bang kung sinong bata lang ang kanilang pinag-uusapan. Dahil sa mga narinig mula sa sariling ina ay tahimik na humikbi si Lalaine. Hindi lang yata siya sa trabaho malas, maging sa personal ay napakamalas din niya. Sino bang ina ang pagsasalitaan ng ganoon ang anak na nakikipaglaban para mabuhay? “Napakasama mo! Nanay ka ba talaga namin? Ano bang kasalanan namin sa'yo ni Luke, bakit ganito mo kami tratuhin?” puno ng hinahakit na wika ni Lalaine sa ina habang pigil ang iyak. Nag-iingat siyang baka may makarinig sa kan'ya na umiiyak sa emergency exit. Dahil sa sinabi ni L
ANG babae sa larawan ay maganda at mukhang sophisticated. Hawak nito ang mga bisig ni Knives habang masayang-masaya sa isa't-isa. Kung titingnan ay bagay na bagay ang mga ito. “And yes, kung makikita mo may pagkakahawig kayo ni Ms. Gwyneth ng mga mata,” dagdag pa ni Ms. Emma na hindi n'ya malaman kung papuri o panghahamak ang timbre ng boses nito. Dahil sa narinig ay pinakatitigan naman ni Lalaine ang mga mata ng babae, at tama ito. May pagkakahawig nga ang mga mata nila ng babaeng nasa larawan, pero mayroon ding pagkakaiba. Kung ang mga mata nito ay kumikislap at puno ng kumpiyansa, ang kanya naman ay kakikitaan ng takot dahil wala siyang tiwala sa sarili. “Pero bukod sa mga mata, malayong-malayo ang tulad mo kay Ms. Gwyneth,” pang-iinsulto pa ni Ms. Emma habang pinagmamasdan mula ulo hanggang talampakan si Lalaine. Para sa kan'ya, masyadong mapanlinlang ang inosenteng mukha nito. “You look like an innocent little girl, pero alam kong nasa loob ang kulo mo.” Wala namang maisag
SA OPISINA ng directress, inilapag ni Lalaine ang iced Americano na ipinabili ng babae, at nang tatalikod na sana siya para lumabas ay tinawag siya ni Ms. Emma.May kinuha si Ms. Emma na isang black folder ay inabot kay Lalaine. “Please bring this folder to Mr. Go after get off work this afternoon.”Ito ang unang pagkakataon na inutusan si Lalaine ni Ms. Emma na makipagkita sa isang kliyente kaya naman naisip niyang paghusayan ito. “Naiintindihan ko po, Ms. Emma.” Kinuha ni Lalaine ang folder sa directress ngunit bago umalis ay muli siyang pinigilan, “Wait, Ms. Aragon, the cost of this project is 8 million pesos so you have to be good at talking. Don't ever make Mr. Go angry,” paalala pa ni Ms. Emma kay Lalaine.Tumango naman si Lalaine sa kaharap. “I understand, Ms. Emma.”“Ms. Aragon, you have been for almost half a month, that's why I will arrange a client for you to follow up tomorrow. Galingan mo sa trabaho,” nakangiti pang dagdag nito.Kumislap naman ang mga mata ni Lalaine dah
MARAHAN namang hinaplos ni Mr. Go ang buhok ni Lalaine at sinabing, “Are you okay, hija? Masama ba ang pakiramdam mo?” kunwari pang tanong ng matanda habang nakangisi.Sa hallway kung nasaan ang VIP rooms, napadaan sa isang kwarto na bahagyang nakabukas ang pinto si Olivia. Wala naman siyang interes na maki-usyoso sa mga ito at kaya lang siya nagpunta doon ay para mag-unwind, subalit nanlaki ang kanyang mga mata nang makita na ang malanding si Lalaine ang nasa loob ng nakabukas na kwarto at may katabing matandang lalaki.Olivia grinned at what she saw. She was right in suspecting that this woman had a secret, and she would never forgive her for flirting with her fiancé. That's why she immediately took the cellphone from her luxury pouch and secretly took a picture of them.She sent the picture she took to her friends and said, “Look at this bitch. Tingnan niyo ang kasama, amoy lupa na! She's so disgusting!” saad niya sa chat message.Matapos mai-send ay muling ch-in-eck ni Olivia an
SA loob ng sasakyan, tinawagan ni Knives ang pinsang si Olivia. “What did you just send?” kunot-noong tanong n'ya. Natigilan naman si Olivia saka nagpanggap na walang alam. “What are you talking about? I didn't send anything,” maang niyang sagot sa kabilang linya. “Minsan lang akong magtanong, Olivia,” mariing sagot ni Knives na may halong pagbabanta. Nahintakutan naman si Olivia. Kilala n'ya ang pinsan kapag magalit kaya hangga't maaari ay ayaw niyang magalit ito sa kanya. “That's Lalaine Aragon, the girl who flirted with Benjamin. I saw her at the restaurant drinking with an old man." “Where are you?” “Victoria’s,” sagot ni Olivia pero dahil alam niyang hindi naniniwala sa kanya ang pinsan kaya kinumbinsi n'ya ito, “I told you, she is not a—” Hindi na tinapos pa ni Knives ang sinasabi ng pinsan, pinatay na niya ang tawag at saka kinontak naman ang kanyang secretary. Ilang segundo lang ay sumagot na ito. “Call Directress Emma!” utos niya rito. “Okay, Mr. Dawson!” sago