Share

CHAPTER 39

ANG babae sa larawan ay maganda at mukhang sophisticated. Hawak nito ang mga bisig ni Knives habang masayang-masaya sa isa't-isa. Kung titingnan ay bagay na bagay ang mga ito.

“And yes, kung makikita mo may pagkakahawig kayo ni Ms. Gwyneth ng mga mata,” dagdag pa ni Ms. Emma na hindi n'ya malaman kung papuri o panghahamak ang timbre ng boses nito.

Dahil sa narinig ay pinakatitigan naman ni Lalaine ang mga mata ng babae, at tama ito. May pagkakahawig nga ang mga mata nila ng babaeng nasa larawan, pero mayroon ding pagkakaiba. Kung ang mga mata nito ay kumikislap at puno ng kumpiyansa, ang kanya naman ay kakikitaan ng takot dahil wala siyang tiwala sa sarili.

“Pero bukod sa mga mata, malayong-malayo ang tulad mo kay Ms. Gwyneth,” pang-iinsulto pa ni Ms. Emma habang pinagmamasdan mula ulo hanggang talampakan si Lalaine. Para sa kan'ya, masyadong mapanlinlang ang inosenteng mukha nito. “You look like an innocent little girl, pero alam kong nasa loob ang kulo mo.”

Wala namang maisag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status