Share

CHAPTER 45

NANG matapos mag-shower ay lumabas na si Lalaine ng banyo, subalit nagtaka siya nang makitang wala na si Knives doon. Ipinasya niyang lumabas ng kwarto, at doon nakita niya ang lalaki na prenteng nakaupo sa sofa, magkakrus ang mga mahahabang binti at may kausap sa cellphone.

Nang makita siya ni Knives, kaagad siyang sinenyasan ng lalaki na maupo na mabilis naman niyang sinunod. Hindi maiwasan ni Lalaine na mapatingin sa lalaki ng mga oras na iyon.

Humahanga siya sa galing ng lalaking magsalita ng wikang English sa kausap nito sa cellphone. Kahit hindi sabihin, bakas sa lalaki ang pagiging aristokratiko sa kilos, salita, at pananakit.

Matapos naman patayin ang tawag, binalingan ni Knives ang tasa ng kape at lumagok bago hinarap ang babae.

“What do you want?” prangkang tanong n'ya kay Lalaine.

Napakunot-noo naman si Lalaine saka naguguluhang nagtanong sa kaharap. “Ano ang ibig mong sabihin, Mr. Dawson?”

Habang pinagmamasdan ni Knives ang babae, dumako ang paningin niya sa maputi nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status