BAHAGYANG itinikom ni Lalaine ang kanyang labi bago sinabing, “H'wag kang mag-alala Mr. Dawson, naiintindihan ko lahat ang sinasabi mo.” Matapos sabihin iyon ay kinuha ni Lalaine ang kanyang ATM card na naglalaman ng lahat ng pera na kanyang naipon para ipangbayad sa utang niya sa lalaki. “Ito ang one hundred thousand pesos. Salamat sa pagtulong mo sa'kin,” ani Lalaine sabay lapag ng card sa car seat. Matapos sabihin iyon, hindi na hinintay pa ni Lalaine na sumagot ang lalaki. Kaagad siyang lumabas ng sasakyan at mabilis na naglakad papasok sa restaurant. Naiwan naman si Knives na nakatingin sa ATM card na iniwan ni Lalaine. Kumunot ang kanyang noo nang maisip kung saan ito kumuha ng ganoon kalaking pera. Could it be that some man gave it to her? Nang maisip ni Knives na maaari ngang bigay ito ng isa sa mga lalaki ay napatiim-bagang siya at nakakuyom ng kamao sa hindi malamang dahilan. ——— Nang sumunod na araw, naging abala si Lalaine. Matapos masibak sa trabaho si Ms. Emma ay
“BRO, the employees in your new company are quite bold," nakangising puna naman ni Knox kay Knives na noon ay tahimik na sumisimsim ng wine. Dinig na dinig kasi nila ang boses ng kanyang mga empleyado na kanina pa maingay.Nang tumayo si Lalaine ay pinagmasdan ito ni Knives, dahilan para sundan din ng tingin ni Knox kung sino ang tinitingnan ng kanyang kaibigan.“Is she the waitress from the club last time?” kunot-noong tanong ni Knox habang pinagmamasdan ang pamilyar na babae.Nang hindi sumagot ang kaibigan ay tiningnan siya ni Knox nang may pagdududa. “Bro, are you interested in her?” tanong pa niya.“That table was occupied by Debonair employees,” sagot ni Knives na ang ibig niyang iparating ay hindi lang si Lalaine ang kanyang pinagmamasdan ng mga oras na iyon.“Really? Sa bago mong kompanya nagta-trabaho ang little girl na 'yan?” hindi makapaniwalang tanong pa ni Knox habang sinusundan ng tingin ang babae na paakyat ng balcony.“She's an intern.”Kipkip ang cellphone, naglakas-l
NANG makababa ng balcony, isang pamilyar na pigura ang nakasalubong ni Lalain, at awtomatikong sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang makita kung sino iyon. “Kuya Elijah?!” gulat na bati ni Lalaine sa lalaki. Sa dinami-daming lugar, hindi niya inaasahang pati sa resort na iyon ay makikita rin n'ya ito.“Lalaine!” gulat ding bati nito, “What are you doing here?” tanong pa ni Elijah sa dalaga na hindi maitago ang kasiyahan sa mukha nang makita ito.“Meron kaming company outing,” sagot naman ni Lalaine. Pansamantala niyang nakalimutan na mayroong matatalim na mata ang pinanonood sila mula sa malayo.Bago pa tuluyang makasagot si Elijah ay sumigaw na ang katrabaho ni Lalaine na si Kate at tinukso siya. “Iba talaga pag maganda! Daming kakilala!”Namula naman ang mukha ni Lalaine saka mabilis na umiling. “S-Si Kuya Elijah, kaibigan ko,” nahihiyang pakilala ni Lalaine sa mga ito.Nagsipagbatian naman ang mga ito kay Elijah, isa na roon si Ms. Ayah na na-star struck yata nang makita ang guwa
HINDI na tumanggi pa si Lalaine sa alok sa kan'ya ni Elijah dahil masamang-masama talaga ang pakiramdam niya ng mga oras na iyon. Nakahawak lang siya sa braso ng lalaki at akay-akay hanggang sa marating nila ang elevator. Meanwhile, those scenes were seen by Knox. He was just about to return to his hotel room because he forgot something, but he saw them looking sweet in the hallway. Knox frowned. If only Knives hadn't told him to delete the girl's Friendsbook account, he would have been her hug at that time. Nang matapos makuha ang pakay, kaagad ding bumalik si Knox sa pool kung nasaan si Knives at kaagad ikinuwento ang mga nakita. “Bro, I saw the intern in your company with a man and went to the room together,” nakasimangot na pagbabalita ni Knox sa lalaki. ——— Sa 18th floor ihinatid ni Elijah si Lalaine na noon ay masama pa rin ang pakiramdam. “Thank you, Kuya Elijah. Umalis ka na at unahin ang trabaho mo, magpapahinga lang ako,” wika ni Lalaine sa lalaki habang nakangi
“ANG isang daang libo na ‘yon ay galing sa perang ibinayad mo sa'kin para uminom, sa compensation na ibinigay ni Ms. Olivia, sa allowance ko sa scholarship, at sa part-time job!”Nagtalubong ang makakapal na kilay ni Knives nang marinig ang sinabi ni Lalaine. Kung ganoon kaya ito pumayag na uminom kapalit ng pera, pumasok ng kahit anong trabaho, at piniling magpabayad sa kanyang pinsan ay para maibalik nito ang perang hiniram sa kan'ya?But isn't it, the real reason she came to his grandma was because of money? Couldn't she just be pretending just to get bigger fish? Or maybe she found a man who's superior to him and she just doesn't want to talk about it?“M-Mr. Dawson, pwedeng bitiwan mo na ako?” nakikiusap na wika ni Lalaine sa lalaki. Gusto na niyang umalis sa kwartong iyon dahil hindi niya gusto ang nararamdaman sa t'wing malapit sila nito sa isa't-isa.“Mr. Dawson, tutal nabayaran ko na ang perang hiniram ko sa'yo noon, mas mabuti kung hindi na natin lalapitan ang isa't-isa,” an
“SA iyo na ang pera mo!”Sa halip na magalit ay ngumisi pa si Knives sa sinabing ‘yon ni Lalaine. Bakit ba nagpapanggap pa ito na ayaw ng pera? Samantalang 'yon nga ang dahilan kung bakit kinuha nito ang loob ng kanyang Lola Mathilde.“Don't want money? So, do you want to be a top designer? That is very easy to do, as long as you're obedient,” kaswal na wika ni Knives na parang wala lang dito ang sinasabi.Umahon ang matinding galit sa dibdib ni Lalaine. Okay lang sana sa kan'ya kung maliitin siya nito, subalit ang hindi n'ya mapapatawad ay ang insultihin ng lalaki ang pangarap niya niya na matagal niyang inaasam na matupad at ipinagdasal ng maraming taon.Ang kanina pa pinipigilang galit ni Lalaine sa kanyang dibdib ay biglang parang bulkang sumabog. Ubod-lakas niyang tinulak ang lalaki at saka itinaas ang kanyang kamay at malakas itong sinampal.“Walang hiya ka!” hinihingal na sigaw ni Lalaine habang pulang-pula ang mga mata sa pagpipigil na humagulhol. Lumagapak sa mukha ng lala
“H-HELLO, Ms. Divine?” kinakabahang tanong ni Lalaine sa bilang linya. Lihim niyang ipinagdasal na sana ay hindi masamang balita ang hatid ng kanilang directress.“How are you, Lalaine?” masigla ang tinig na tanong ni Ms. Divine sa linya.“Maayos na po ang pakiramdam ko, Ms. Divine,” sagot ni Lalaine na sinikap na huwag mautal upang hindi mahalata ng kanyang kausap ang kaba niya.“Good to hear that,” ani Ms. Divine na hindi pa rin magbabago ang tono, magsigla pa rin. “Anyway tumawag para itanong kung makakapasok ka na ba bukas? I badly need you here.”Tila nabunutan ng tinik si Lalaine matapos marinig ang sinabing iyon ni Ms. Divine. At isa lang din ang ibig sabihin niyon, hindi pa siya tinatanggal sa trabaho ni Knives.“Sa susunod na araw po, Ms. Divine, makakapasok na po ako,” kaagad na sagot ni Lalaine sa masiglang tinig.“Okay, good. Asahan ko ‘yan,” turan naman ni Ms. Divine at saka nagpaalam na rin dahil may meeting pa raw ito.Nang matapos ang tawag ang nag-isip isip naman si L
DAHIL bahagyang nakaawang ang bintana ng sasakyan ay doon sumilip si Leila na malungkot ang mukha. “Knives, won't you take me home—”“I still have a meeting to go to. Umuwi kang mag-isa,” malamig na tugon ni Knives sa babae.Leila clenched her fist. She went to his company on behalf of her daddy, but she did not expect that Knives Dawson would not even deal with her properly. Their respective families are old friends.Leila felt she was aggrieved and tears suddenly fell while looking at the man. “Knives, our families have been friends for a long time so why are you treating me like this?” puno ng hinanakit na tanong ng babae.Although Knives knew those tears were coming from a woman, he felt it was fake and disgusting. Ngunit kapag si Lalaine ang nakikita niyang umiiyak ay para siyang baliw na gusto itong yakapin.Nang muli niyang maalala ang pag-iwas ng tingin sa kan'ya ni Lalaine ay kumuyom ang kanyang kamao. In fact, dahil naglakas-loob itong sampalin siya ay naisip niyang pagba
TILA umaayon ang lahat para kay Knives at Keiko dahil sunod-sunod na magagandang pangyayari ang nangyayari sa kanilang buhay. Matapos tuluyang mawala sa kanilang landas si Mr. Zhou at Elijah, ay si Gwyneth at ang daddy naman nito ang sumunod na nahuli ng mga pulis.They discovered that Knives' mother died not from illness but from gradual poisoning caused by the drugs Gwyneth gave her. The Dawson and Chua families are close friends, which is why Gwyneth is also close to Knives' mom. Gwyneth took advantage of the woman's kindness, because her plan was to get her wealth. Even her being a kidney donor to Kennedy was just a show to win the old man's heart.Nagpapasalamat si Knives sa taong nagpadala sa kan'ya ng mga ebidensyang iyon. Hindi n'ya kilala kung sino ang may gawa nito pero malakas ang kutob niyang iyon ang doktor na kasabwat ni Gwyneth sa lahat. Marahil ay nakonsensya na ito sa mga maling nagawa kaya makalipas ang ilang taon na pagtatago ay gusto na nitong itama ang mga pagkaka
SA WAKAS ay pinayagan na rin si Knives ni Eros na makauwi at sa bahay na tuluyang magpagaling. However, Eros strictly instructed him not to force himself to work or do anything strenuous and to continue taking the medication. Masayang-masaya si Kaiser at Kaori nang sa wakas ay makita nila ang kanilang daddy na matagal nilang hindi nakasama. Pero dahil bawal pa kay Knives ay magkikilos ay kinausap niya ang mga anak na sa oras na magaling na siya ay saka sila maglalaro. Naintindihan naman kaagad ng dalawang paslit ang kalagayan ng kanilang daddy ay nangako ang mga ito na hindi kukulitin ang ama at magpapakabait.“I miss you po, daddy.” Yumakap pa si Kaori pagkasabi niyon sa kanyang daddy. Napangiti naman si Keiko nang marinig iyon habang pinanonood ang mga ito. Mukhang Mama's boy ang anak nilang babae.Si Kaiser naman ay tila nahihiyang lumapit sa kanyang daddy at nakatayo lang ito sa isang tabi. Kaya nang mapansin ni Knives ang anak ay tinawag niya ito at inakbayan. “How about you,
TATLONG ARAW nang nakabalik sa Manila sina Knives at Keiko pero dahil hindi pa mabuti ang lagay nito at ipinayo ni Eros na manatili pa sa hospital ang lalaki para ma-obeserbahan. Nungit kapag Wala namang nakitang problema ay maaari na rin itong umuwi sa bahay para doon magpahinga at magpagaling. Samantala, nakauwi na sa mansyon si Keiko, at kahit hindi man maganda ang pinagdaan n'ya ay sinikap niyang bumalik sa trabaho. Pero syempre, laking pasasalamat p rin niya kay Seiichi dahil nakakauwi siya ng ligtas at walang anumang galos sa katawan, dahil na rin sa tulong nito. Speaking of Seiichi, sa kabutihang palad ay natagpuan ito ng kanyang daddy at Kuya Kairi. Wala siyang kaalam-alam na nagpunta pala ang mga ito sa China para iligtas sila pero dahil wala na siya bago pa dumating ang mga ito ay si Seiichi na duguan ang naabutan nila roon. Nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng grupo ng kanyang daddy at kay Mr. Zhou, pero marahil dahil sinusundo na ito ni Satanas patungo sa impiyerno kay
SAKAY ng private plane, makakasamang bumalik si Knives at Keiko sa Pilipinas. Magkahawak-kamay silang magkatabi sa upuan at nakasandal sa isa't-isa. Hindi pa rin palagay ang loob ni Keiko nang malamang hindi natagpuan si Seiichi sa lugar kung saan siya dinala pero umaasa siyang nakatakas at ligtas ito sa mga oras na iyon.“Nag-aalala ka sa kan'ya?” masuyong tanong ni Knives kay Keiko habang nakayuko sa maamong mukha nito.Malungkot namang tumango si Keiko saka nag-angat ng paningin. “Iniisip ko kung saan siya nagpunta. Sana lang safe siya.” Bakas ang pag-aalala sa tinig nito kaya naman lihim na bumuntong-hininga si Knives. Malaki ang utang na loob niya kay Seiichi dahil ito ang may gawa kung bakit nakatakas si Keiko sa kamay ni Elijah at ni Mr. Zhou. Kaya naman lihim niyang ipinangako sa sarili na hinding-hindi siya titigil hangga't hindi nahahanap ng mga tauhan niya ang lalaki.“Don't worry, I know he's safe. Kilala mo ang kaibigan mo kaya kailangan mong magtiwala sa kan'ya,” ani K
“KNIVES, I'm sorry... If it weren't for me, you wouldn't have had an accident. I'm really sorry, it's my fault. Sobra akong nag-alala sa'yo. Akala ko mawawala ka na sa'kin...”Patuloy lang sa paghagulhol si Keiko habang nakasubsob sa dibdib ng lalaking minamahal, samantalang si Knives naman ay nakayakap sa babae at marahang hinahaplos ang mahaba nitong buhok.“Shhh...it's okay, baby. Look at me. I'm totally fine so you don't need to worry,” pang-aalo naman ni Knives sa babaeng walang tigil sa pag-iyak.Pero ang totoo, pinipilit lang niya ang sarili ng mga sandaling iyon dahil mula nang umalis siya sa hospital ay hindi na nawala ang pananakit ng kanyang ulo. Pakiramdam niya ay para itong binibiyak na hindi n'ya maintindihan. Eros has already told him not to push himself because it's only been about two weeks since his head surgery and it's not yet healed. According to his friend, it will take three to six months for his brain injury to fully heal.Nag-angat ng tingin si Keiko sa lalak
“I'M Knives Dawson...her husband. Kung nand'yan s'ya, pakisabi na 'wag na 'wag siyang aalis dahil pupuntahan ko siya...”Matapos marinig ang sagot ang lalaki sa kabilang linya, hinihingal na naupo si Knives sa hospital bed at nasapo ang ulong mayroon pang benda. Kung ang simpleng pakikipag-usap lang ay nahihirapan na siyang gawin, paano pa niya mapupuntahan si Keiko?“Knives, bro...” anang Eros na nag-aalalang nakatingin sa kaibigan. “Your wound hasn't healed yet. It's dangerous for you if you force yourself to leave,” paalala niya sa kaibigan. Hindi pa magaling ang ulo nito na naoperahan at aabutin pa iyon ng ilang buwan bago tuluyang maghilom. At bilang doktor, alam niyang makakasama rito kung pipilitin pa nitong kumilos. Higit sa lahat, hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa China. “Shut up!” ani Knives habang sapu-sapo ang sumasakit na ulo. “Kailangan kung puntahan si Keiko. 'Di ako mapapakali hangga't 'di ko nakikitang safe siya,” pagpupumilit pa ni Knives saka b
Several hours earlier...“DAD! Tumawag si Liam. Nahanap na sila kung saan nagtatago si Mr. Zhou. Nasa Guangzhou China sila at doon din dinala si Keiko at Gwyneth,” pagbabalita ni Kairi sa ama. Napatayo si Kenji sa narinig saka matamang tumitig sa anak na panganay. “Let's go! Puntahan natin ang kapatid mo at si Seiichi,” aniya na bakas ang determinasyon sa tinig.“Are you sure, dad?” naninigurong tanong ni Kairi sa kanyang daddy. “'Di biro ang mga tauhan ni Hiroshi Sato. Delikado, dad.”“Nakakalimutan mo na ba kung ano ako dati, anak? Tumanda man ako pero kaya ko pang lumaban,” wika ni Kenji sa anak. “Besides, ito na ang tamang pagkakataon para ipaghiganti ko ang mommy mo. Ako mismo ang papatay sa hayop na iyon!”Dahil sa mga sinabi nito, napagtanto ni Kairi na hindi na n'ya mapipigilan pa ang kanyang daddy. Kaya sa halip na tumutol ay sumang-ayon na lang siya sa gusto nito. Besides, naroon naman at hinding-hindi niya ito pababayaan.“Please, change your clothes and put on a bulletpro
“ANONG sabi mo? Hindi ikaw ang lalaking 'yon?” naguguluhang tanong ni Keiko at saka lumapit sa lalaki.“Yes. You heard right. He's my missing twin brother who was adopted by Mr. Zhou,” pag-uulit ni Seiichi.“K-Kaya pala iba ang kutob ko nang kausap ko s'ya. Feeling ko, ibang Seiichi ang kasama ko. 'Yun pala, tama ako ng hinala.” Nasagot na ang katanungan iyon sa isip Keiko. Kaya pala ibang-iba ito sa Seiichi na kilala niya dahil kakambal ito ng lalaki. Pero bakit hindi n'ya alam ang tungkol sa bagay na 'yon? Pero kahit gano'n, thankful pa rin siya dahil hindi si Seiichi na kaibigan niya ang gumawa ng bagay na iyon sa kan'ya. Dahil hinding-hindi n'ya talaga mapapatawad ang lalaki pag nagkataon.“Saka na muna ang pagtatanong, Keiko. Tumakas na tayo habang busy pa ang mga tauhan ng matandang 'yon,” ani Seiichi saka mabilis na hinila si Keiko palabas sa kwarto at maingat na binaybay ang mahabang hallway kung nasaan ang daan patungo sa exit ng mansyong iyon.Nang dalhin si Seiichi sa luga
TAHIMIK at maingat na pinasok ni Liam at Kairi ang isang three-storey building kung saan nagtatago si Hachi. Gamit ang hidden microphone at earpiece na nagsisilbing komunikasyon ng grupo ay hinalughog nila ang gusali. At dahil hindi inaasahan ng mga naroon ang kanilang pagdating ay nabulaga subalit sa halip na matakot ay kaagad na nagpaputok ang mga ito.“Team, sa second floor kayo. Kami naman ang aakyat sa third floor,” utos ni Liam sa mga tauhan sa kabilang linya.“Okay, Sir. Copy!” Si Kairi at Liam ay magkasama sa pagtungo sa ikatlong palapag ng gusali. Kabi-kabilaan na ang palitan ng putok na maririnig sa paligid, senyales na nagpang-abot na ang dalawang grupo.Maingat at maliksi ang kilos ng dalawang lalaki na para bang sanay na sanay na sa ganoong trabaho. Bawat sulok at kanto na kanilang nadadaanan ay masusi nilang ginagalugad habang ang iba pa nilang mga tauhan ay nakasunod sa kanilang likuran.Hanggang sa isang putok ng baril ang pumailanlang sa paligid na nagpatigil sa dala