Share

CHAPTER 48

LIHIM na lang na napabuntong-hininga si Knives. Who wouldn't agree with the jewel-like eyes looking at him and pleading? Kaya naman kahit labag sa kanyang kalooban ay napapayag siya.

“Listen to grandma,” ani Knives kay Lalaine na ikinalaki naman ng mga mata ng huli.

Matapos marinig iyon ay halos mapunit ang labi ni Lola Mathilde sa lapad ng pagkakangiti. Kaagad nitong inutusan ang mga kasambahay para ayusin ang kamang tutulugan ni Lalaine.

“Sige na Lalaine hija, sumama ka na kay Knives nang makapag-asikaso ka na,” saad pa ni Lola Mathilde na tila masayang-masaya ng mga sandaling iyon. Marahan pa siya nitong itinulak papaakyat sa magarbong hagdan ng mansyon.

Wala namang nagawa si Lalaine kundi magpatianod na lang sa gusto ng matanda. Aandap-andap siyang sumunod sa likuran ni Knives na tila wala namang pakialam na nangyayari.

Nang makarating sa tapat ng malaking pinto na yari sa narra ay nagtuloy-tuloy si Knives sa pagpasok sa loob, samanatalang siya naman ay naiwan sa labas ng pint
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status