LIHIM na lang na napabuntong-hininga si Knives. Who wouldn't agree with the jewel-like eyes looking at him and pleading? Kaya naman kahit labag sa kanyang kalooban ay napapayag siya. “Listen to grandma,” ani Knives kay Lalaine na ikinalaki naman ng mga mata ng huli. Matapos marinig iyon ay halos mapunit ang labi ni Lola Mathilde sa lapad ng pagkakangiti. Kaagad nitong inutusan ang mga kasambahay para ayusin ang kamang tutulugan ni Lalaine. “Sige na Lalaine hija, sumama ka na kay Knives nang makapag-asikaso ka na,” saad pa ni Lola Mathilde na tila masayang-masaya ng mga sandaling iyon. Marahan pa siya nitong itinulak papaakyat sa magarbong hagdan ng mansyon.Wala namang nagawa si Lalaine kundi magpatianod na lang sa gusto ng matanda. Aandap-andap siyang sumunod sa likuran ni Knives na tila wala namang pakialam na nangyayari. Nang makarating sa tapat ng malaking pinto na yari sa narra ay nagtuloy-tuloy si Knives sa pagpasok sa loob, samanatalang siya naman ay naiwan sa labas ng pint
A FEW moments later, Knives came out of the bathroom with a towel covering his lower body. His medium length wavy hair was still dripping down to his body which added to his sexiness and masculinity. Hindi makatingin si Lalaine sa lalaki ng mga sandaling iyon kaya nakayuko lang siya sa sbathrobe na ihinanda ng mga kasambahay para sa kan'ya. “L-Lalabhan ko muna ang damit ko,” nauutal na wika ni Lalaine sa lalaki. Nahihiya kasi siyang ipalaba pa sa mga kasambahay ang damit niya dahil bisita lang naman siya doon at hindi siya ang amo ng mga ito. Tumayo na si Lalaine para lumabas ng kwarto subalit napakunot-noo siya dahil hindi niya mapihit ang doorknob. Mukhang naka-lock iyon mula sa labas ng pinto. Natulala si Lalaine. ‘Si Lola Mathilde ba ang nag-lock ng pinto ng kwarto? Pero bakit?’ tanong ni Lalaine sa kanyang sarili. Muli niyang pinihit ang seradura ngunit ganoon pa rin iyon. Naka-lock pa rin ang pinto at hindi niya mabuksan ito. Pumalatak naman si Knives mula sa kanyang lik
ILANG sandali ring nakatingin lang si Knives kay Lalaine hanggang sa walang anu-ano'y halikan siya ng lalaki. Nanlalaki ang mga mata ni Lalaine at tinangka niyang magpumiglas subalit hindi umubra ang lakas niya rito. “A-Ano ba—”Hindi na naituloy pa ni Lalaine ang sasabihin dahil sakop na ng lalaki ang buo niyang bibig na para bang ayaw siyang pagsalitain nito. At dahil nakadagan sa kan'ya ang lalaki kaya ramdam ni Lalaine naghuhumindig nitong pagkalalaki.Si Knives naman ay tila tuluyan nang nawala ang kontrol sa sarili. Naging mapusok ang paraan ng kanyang paghalik na para bang sa paraang iyon niya inilalapit ang init na nararamdaman. Dahil naman nahihirapan na si Lalaine sa pwesto nilang dalawa ng lalaki at sa pagiging agresibo nito ay lalong nagpumiglas si Lalaine. Hindi nga siya pumayag na maging babae nito, pero ano itong ginagawa niya? Bakit hinahayaan niya si Knives na gawin ang gusto nito sa kan'ya? Tila naman walang balak si Knives na ihinto ang ginagawa kahit alam niyang
WALANG babalang ipinasok ni Knives ang malalaking kamay sa loob ng bathrobe na suot ni Lalaine saka marahang pinisil ang pinong balat ng babae at saka hinaplos. Nang mapagtanto naman ni Lalaine ang intensyon ng lalaki ay nanlaki ang kanyang mga mata sa takot at sinubukan itong itulak paalis sa kanyang ibabaw.“H-Huwag, ayaw ko...” anas ni Lalaine na pilit itinutulak ang lalaki at namumula ang mga mata sa pagpatak ng kanyang luha.“If you don't want to do it, just behave and don't move,” tugon naman ni Knives sa mahina at namamaos na tinig.Bago tuluyang maunawaan ni Lalaine ang ibig sabihin ng lalaki ay kinalas na nito ang strap ng suot niyang bathrobe at pinaulanan siya ng mainit na halik mula sa kanyang leeg pababa. Pakiramdam ni Lalaine ay pulang-pula ang kanyang pisngi dahil sa kahihiyan ng mga sandaling iyon.Sandaling huminto si Knives sa ginagawa at pinagmasdan ang babae na bahagyang basa ang pisngi dahil sa mga luha. Hindi malaman ni Knives kung bakit bigla siyang nakaramdam
NAPUTOL ang paglalakbay ng isipan ni Lalaine nang marinig niyang tumunog ang cellphone na hawak niya. Balak niya kasi sanang tawagan ang rehabilitation center at tanungin kung kumusta ang kanyang kapatid. Hindi kasi siya natuloy sa pagpunta kagabi dahil sa inimbitahan siya ni Lola Mathilde sa mansyon.Kaagad binuksan ni Lalaine ang cellphone at nakita niyang si Ma'am Cathy iyon, ang may-ari ng art shop kung saan siya umi-extra paminsan-minsan para mag-drawing. Ayon dito, naipasok na raw nito sa bank account niya ang commission fee na nakuha niya mula sa huli niyang drawing.Suma-sideline siya sa shop ni Ma'am Cathy bilang taga-drawing ng kung anu-ano na gustong i-request ng customer. Halimbawa, couple drawing o di kaya naman ay alagang hayop, family portrait, at kung anu-ano pa. Sa bawat isang drawing ay kumikita siya ng five hundred to one thousand depende sa laki ng larawan, at kada buwan kung sahurin niya iyon kaya malaki-laki rin ang perang ipinadala sa bangko niya.Nang maisip ni
BAHAGYANG itinikom ni Lalaine ang kanyang labi bago sinabing, “H'wag kang mag-alala Mr. Dawson, naiintindihan ko lahat ang sinasabi mo.” Matapos sabihin iyon ay kinuha ni Lalaine ang kanyang ATM card na naglalaman ng lahat ng pera na kanyang naipon para ipangbayad sa utang niya sa lalaki. “Ito ang one hundred thousand pesos. Salamat sa pagtulong mo sa'kin,” ani Lalaine sabay lapag ng card sa car seat. Matapos sabihin iyon, hindi na hinintay pa ni Lalaine na sumagot ang lalaki. Kaagad siyang lumabas ng sasakyan at mabilis na naglakad papasok sa restaurant. Naiwan naman si Knives na nakatingin sa ATM card na iniwan ni Lalaine. Kumunot ang kanyang noo nang maisip kung saan ito kumuha ng ganoon kalaking pera. Could it be that some man gave it to her? Nang maisip ni Knives na maaari ngang bigay ito ng isa sa mga lalaki ay napatiim-bagang siya at nakakuyom ng kamao sa hindi malamang dahilan. ——— Nang sumunod na araw, naging abala si Lalaine. Matapos masibak sa trabaho si Ms. Emma ay
“BRO, the employees in your new company are quite bold," nakangising puna naman ni Knox kay Knives na noon ay tahimik na sumisimsim ng wine. Dinig na dinig kasi nila ang boses ng kanyang mga empleyado na kanina pa maingay.Nang tumayo si Lalaine ay pinagmasdan ito ni Knives, dahilan para sundan din ng tingin ni Knox kung sino ang tinitingnan ng kanyang kaibigan.“Is she the waitress from the club last time?” kunot-noong tanong ni Knox habang pinagmamasdan ang pamilyar na babae.Nang hindi sumagot ang kaibigan ay tiningnan siya ni Knox nang may pagdududa. “Bro, are you interested in her?” tanong pa niya.“That table was occupied by Debonair employees,” sagot ni Knives na ang ibig niyang iparating ay hindi lang si Lalaine ang kanyang pinagmamasdan ng mga oras na iyon.“Really? Sa bago mong kompanya nagta-trabaho ang little girl na 'yan?” hindi makapaniwalang tanong pa ni Knox habang sinusundan ng tingin ang babae na paakyat ng balcony.“She's an intern.”Kipkip ang cellphone, naglakas-l
NANG makababa ng balcony, isang pamilyar na pigura ang nakasalubong ni Lalain, at awtomatikong sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang makita kung sino iyon. “Kuya Elijah?!” gulat na bati ni Lalaine sa lalaki. Sa dinami-daming lugar, hindi niya inaasahang pati sa resort na iyon ay makikita rin n'ya ito.“Lalaine!” gulat ding bati nito, “What are you doing here?” tanong pa ni Elijah sa dalaga na hindi maitago ang kasiyahan sa mukha nang makita ito.“Meron kaming company outing,” sagot naman ni Lalaine. Pansamantala niyang nakalimutan na mayroong matatalim na mata ang pinanonood sila mula sa malayo.Bago pa tuluyang makasagot si Elijah ay sumigaw na ang katrabaho ni Lalaine na si Kate at tinukso siya. “Iba talaga pag maganda! Daming kakilala!”Namula naman ang mukha ni Lalaine saka mabilis na umiling. “S-Si Kuya Elijah, kaibigan ko,” nahihiyang pakilala ni Lalaine sa mga ito.Nagsipagbatian naman ang mga ito kay Elijah, isa na roon si Ms. Ayah na na-star struck yata nang makita ang guwa
••••••••BITBIT ang kape, walang lingon-lingon na mabilis na naglakad si Lalaine paalis sa lugar na iyon, at kulang na lang ay liparin niya ang kalsada palayo sa dalawang tao. Hindi rin maintindihan ni Lalaine kung bakit ba siya tumatakbo ng mga sandaling iyon. Basta ang alam lang niya ay gusto niyang makaalis na sa lugar na iyon dahil parang sinasakal siya.Meanwhile, Knives' gaze fell on the petite woman walking quickly away. And although she was far from him and had her back turned, he knew who it was.Hanggang sa pinukaw ng kasamang babae ni Knives ang kanyang atensyon. “Mr. Dawson, are you listening to me?”Hindi sumagot si Knives, sa halip ay mabilis siyang tumalikod at iniwan ang babaeng kasama. Tumawid siya sa kabilang kalsada kung saan naka-park ang kanyang sasakyan at sumakay doon. Minaniobra niya ang kotse patungo sa direksyon kung saan dumaan si Lalaine.Tulala naman habang naglalakad si Lalaine patungo sa direksyon kung saan naka-park ang company car ng Debonair. Mabigat
••••••• “I DIDN'T see it, bro. Ang intern sa department ni Dr. Montenegro ang nagpakalat ng tsismis na 'yon. She saw her this morning and thought she was here to see Dr. Montenegro...” Nakasimangot na tumitig si Lalaine sa lalaki at masama pa rin ang loob sa pag-aakusa nito. Matapos naman marinig ni Knives ang sinabi ni Eros ay nakaramdam siya ng guilty. “It's my fault. Don't be angry,” hinging-paumanhin ni Knives sabay kamot sa ulo. Hindi naman basta-basta mapapalagay ang loob ni Lalaine sa paghingi ng paumanhin ng lalaki. Ni hindi nga niya alam kung apology ang ginawa nito o ano. Hindi n'ya basta mapapatawad ang ginawa nitong pamamahiya sa kan'ya kanina. Nang makita naman ni Knives na galit pa rin ang babae ay hinawakan niya ito sa baba at bahagyang pinisil. “How about I give you compensation? Anong gusto mo? Tell me.” Sandaling nag-isip si Lalaine nang may maalala. “Si Ms. Divine, mabait siya sa'kin at hindi n'ya ako pinababayaan sa Debonair. P-Pwede bang mo siyang parusahan
PAGKALABAS na pagkalabas ng kwarto ni Elijah, ang kaninang elegante at dalisay na anyo niya ay biglang naging malamig. Walang mababasa sa emosyon sa mukha ng butihing doktor habang binabaybay ang daan patungo sa kanyang opisina.When he reached his office, he immediately went in and locked the door. He took out his old model cellphone from his pocket and dialed.Nang kumonekta ang tawag, kaninang walang emosyon niyang anyo ay biglang naging mabangis. Ang boses naman niyang kadalasan na malumanay ay maging nakakatakot.“Sino ang nagsabi sa'yong kumilos kang mag-isa?” tanong ni Elijah sa kabilang linya.“Baby, don't be angry. 'Di naman sa hindi ka namin ma-contact, nababahala lang kami. Don't worry, nilinis na namin ang lahat,” sagot ng boses babae sa kabilang linya.“Nilinis?” ani Elijah na napangisi. “The drugs you gave to Leila Mendoza were contraband. Paano kung matukoy nila kung saan nanggaling ang gamot?” Tumawa ang babae sa kabilang linya. “Ano naman kung malaman nila kung saan
••••••“NAKIPAGKITA ka sa Elijah Montenegro na 'yon kanina...”Kumunot ang noo ni Lalaine dahil sa itinuran ni Knives. “S-Sino naman nagsabi sa'yo na na nakipagkita ako sa kan'ya?” “Kung gano'n, bakit may usap-usapan sa buong hospital tungkol sa inyong dalawa?”Hindi lubos maintindihan ni Lalaine ang sinasabi ng lalaki, kaya naman mabilis siyang bumaba ng kama para sana takasan ito. Subalit mabilis siyang nahawakan ni Knives sa pulsuhan at malakas na hinila, dahilan para mapasubsob siya sa dibdib nito.“A-Ano bang ginagawa mo?” tanong ni Lalaine habang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Nagtangka siyang tumayo mula sa ibabaw nito subalit mahigpit siya nitong hinapit sa kanyang baywang.“Where are you going? Umiiwas ka ba sa tanong ko?” ani Knives na inilapit ang bibig sa kanyang punong-tenga.Mistulang may gumapang sa kilabot sa buong katawan ni Lalaine dahil sa mainit na hininga nitong dumampi sa kanyang tenga. “A-Ano ba kasi ang sinasabi mo? W-Wala akong alam,” muling pagtan
°°°°°°“WHEN you recover, I will arrange a blind date for you with the young daughters of wealthy families in Luzon. You choose your bride.”Nagtatlong-guhit ang noo ni Knives nang marinig ang sinabing iyon ng kanyang daddy. Bakas sa mukha niya ang matinding pagtutol habang nakatingin sa matanda.“Dad, 'di ba sinabi ko na sa inyong gusto ko munang mag-focus sa kompanya? Wala pa ako sa mood makipag-blind date,” pagtanggi ni Knives sa sinabi ng ama.“Hijo, titulo lang naman ang pagpapakasal. Kung ayaw mo sa kan'ya, maaari mo siyang gawing dekorasyon lang sa bahay. With our family's status in society, every woman dreams of being part of our family, even if only as a decoration.”“Fine, I'll remember that,” sagot ni Knives sa kanyang daddy. “By the way, mukhang gustong-gusto mo ang babaeng 'yon, hijo?” pag-iiba nito ng usapan.Knives looked at his daddy with cold eyes. He didn't need to ask who he was referring to because he already knew who it was.“I don't mind if you want to play with
“BANNED sa Pilipinas ang drugs na 'to. This drug is only available in the U.S. Imposible na malaman natin kung sino ang source ng illegal drugs na 'yon. It was bought secretly by someone, so it will be difficult for us to find out who the drug dealer is," paliwanag pa ni Eros.“Hmm.” Iyon lang ang isinagot ni Knives sa kaibigan. Pinag-iisapan n'ya kung ano ang gagawin para matukoy kung sino ang dealer ng illegal drugs na iyon na ginamit kay Leila. He wasn't concerned about the woman, but about the drugs used in the incident, especially since they were illegal.Ilang sandali pa'y may kumatok na nurse sa pinto at sumungaw pagkatapos. “Doc Smith, kailangan namin kayo sa emergency room,” anang babaeng nurse.“Okay, susunod na ako,” sagot naman ni Eros sa nurse saka muling bumaling sa kaibigan. “Oh! Before I forget. There's a rumor going around the hospital that Doc Elijah Montenegro's childhood sweetheart is here. Nandito ba ang wifey mo para alagaan ka o para makita siya?” nakangising s
•••••••MATAPOS ang dinner, abala si Knives sa pagbabasa sa laptop ng mga dokumento na ipinadala sa kan'ya ni Liam. Hindi n'ya naasikaso ang mga bagay na iyon dahil sa insidentemg nangyari. Kasalukuyan siyang nasa kama habang nakasandal sa headboard ang likod at may suot na salamin. Si Lalaine naman ay tahimik din na nagbabasa ng paborito niyang libro na isinulat ni Nicholas Sparks na ang title ay “A Walk To Remember.” Ilang beses na niya itong natapos basahin pero hindi pa rin siya nagsasawa, at lagi pa rin siyang napapaiyak sa napakagandang love story ni Landon at Jamie. Marahil dahil sa mga nangyari at sa pagod kaya mabilis nakatulog si Lalaine. Nang mapansin naman ni Knives na nahihimbing na ang babae, inabot niya ang switch para patayin ang ilaw at buksan ang lampshade. May isang oras din ang nakalipas, alas-onse na ng gabi nang marinig ni Knives na humahalinghing si Lalaine at tila nananaginip. Panay ang baling ng ulo nito sa kaliwa't kanan at ang mukha ay para bang takot na
•••••••“HOW are you? May masakit ba sa'yo? Kung 'di mo kaya, umuwi ka na at magpahinga. I'll just call a private nurse,” ani ni Knives na may bahid pag-aalala sa babae.Natigilan si Lalaine sa kanyang narinig. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Bakit siya pa ang inaalala nito gayong ito ang may sakit na iniinda?Makalipas ang ilang segundo, umiling si Lalaine at sumagot. “A-Ayos lang ako. Wala namang ibang nakita sa examination.”Inunat ni Knives ang isang kamay at marahang hinaplos ang baba ni Lalaine gamit ang hintuturo. “May galos ka. 'Di mo pa ba 'yan nilagyan ng ointment?”Nag-init ang mukha ni Lalaine sa ginawang iyon ng lalaki kaya iniwas niya ang mukha rito. “G-Galos lang naman 'yan. H-Hindi na kailangan pa ng gamot.”Pinagmasdan ni Knives ang babae at umarko ang kanyang kilay nang mapansin namumula ang buong mukha nito. “You're blushing. Why? Is that how my touch affects you?”Mukha lang ng babae ang hinaplos ni Knives pero
“P-PLEASE...wag kang mamamatay...”Gusto pa sanang biruin pa ng kaunti ni Knives ang babae pero dahil sobra na ang pag-iyak nito kaya nag-aalinlangan siya.“Don't worry, 'di ako mamamatay,” sagot ni Knives na bahagyang napangiwi sa sakit dulot ng sugat na tinamo.“T-Talaga?” naninigurong tanong naman ni Lalaine habang humihikbi.“Sa tingin mo ba, makakausap pa kita ng ganito kung mamamatay na ako?” ani Knives na sumulyap sa babae.“N-Napanood ko kasi sa balita na may mga kaso na kahit malubha ang sugat, nakakapagsalita pa rin. P-Pero pagkatapos ng ilang sandali...namamatay,” puno ng pag-aalalang turan pa ni Lalaine.Knives wanted to laugh at what she said, but the woman's face showed that she was really worried, so he controlled himself. Ilang sandali pa'y narinig na niya ang sirena ng pulis na kaagad rumisponde sa nangyaring insidente.Samantala, si Leila naman ay kanina pa nasupil ng mga security guards at hawak na ng mga ito ang kamay ng babae. Nakuha na rin ng mga ito ang patalim