SA loob ng sasakyan, tinawagan ni Knives ang pinsang si Olivia. “What did you just send?” kunot-noong tanong n'ya. Natigilan naman si Olivia saka nagpanggap na walang alam. “What are you talking about? I didn't send anything,” maang niyang sagot sa kabilang linya. “Minsan lang akong magtanong, Olivia,” mariing sagot ni Knives na may halong pagbabanta. Nahintakutan naman si Olivia. Kilala n'ya ang pinsan kapag magalit kaya hangga't maaari ay ayaw niyang magalit ito sa kanya. “That's Lalaine Aragon, the girl who flirted with Benjamin. I saw her at the restaurant drinking with an old man." “Where are you?” “Victoria’s,” sagot ni Olivia pero dahil alam niyang hindi naniniwala sa kanya ang pinsan kaya kinumbinsi n'ya ito, “I told you, she is not a—” Hindi na tinapos pa ni Knives ang sinasabi ng pinsan, pinatay na niya ang tawag at saka kinontak naman ang kanyang secretary. Ilang segundo lang ay sumagot na ito. “Call Directress Emma!” utos niya rito. “Okay, Mr. Dawson!” sago
TUMILAMSIK ang dugo sa mula sa kamay ni Knives mula sa pagkakakagat ni Lalaine. But he seemed not to feel the pain. With his palm in his mouth, he picked up Lalaine with one hand and walked out of the room. Sa pinto naman ay nakatayo si Mr. Go na duguan at basag ang ilong. Nanginginig ito sa takot ng mga sandaling iyon at tila basang sisiw. Nang makita at mamukhaan nito si Knives ay nagkakandarapa itong lumapit. “Mr. Dawson, please help me. I am Mr. Go, I signed a contract with Debonair worth eight million pesos. Please, help me. They will kill me..." pagmamakaawa pa ni Mr. Go.Kaya lang naman siya pumayag na pirmahan ang kontratra sa Debonair ay hindi dahil inakit siya ng malanding directress na si Emma, ginawa n'ya iyon para pabangohin ang pangalan niya kay Knives Dawson at magamit niya ang connection nito. Huminto sandali sa paglalakad ni Knives at nanlilisik ang mga matang tiningnan si Mr. Go. Hindi lang iyon, malakas din niya itong sinipa dahilan para muling magdugo ang bibi
“ASAWA ko, pakiusap, angkinin mo ako...”Mistulang tumigil ang paghinga ni Knives nang marinig iyon mula sa labi ni Lalaine. Ang lahat ng pagpipigil niya sa panunukso ng babae ay bumigay na. Tila may kung ano sa kaibuturan niya ang biglang kumawala at gustong manakmal ng mga sandaling iyon.“Ikaw ang may gusto nito...” namamaos na saad ni Knives saka hinila ang babae papalapit sa kanya at hinalikan ito nang marahas at walang pag-aalinlangan.Malalim ang halik na pinagsasaluhan ni Lalaine at Knives na para bang uhaw na uhaw sila sa isa't-isa. Ang kanilang mga laway ay nagsasalo at mga dilang naglilingkisan ay tila ba nagsasabing kay tagal nilang hinintay ang sandaling iyon. Ang kahungkagan na nararamdaman nila ay naibsan at napalitan ng hindi mailarawang kasiyahan.Naging mapangahas ang mga kilos ni Knives, walang pagpipigil, walang pag-aalinlangan. Hinayaan niya ang sariling tangayin ng nakababaliw at nag-aalab na apoy ng kanyang damdamin.Mabilis na kinarga ni Knives sa kanyang mga b
NANG matapos mag-shower ay lumabas na si Lalaine ng banyo, subalit nagtaka siya nang makitang wala na si Knives doon. Ipinasya niyang lumabas ng kwarto, at doon nakita niya ang lalaki na prenteng nakaupo sa sofa, magkakrus ang mga mahahabang binti at may kausap sa cellphone.Nang makita siya ni Knives, kaagad siyang sinenyasan ng lalaki na maupo na mabilis naman niyang sinunod. Hindi maiwasan ni Lalaine na mapatingin sa lalaki ng mga oras na iyon. Humahanga siya sa galing ng lalaking magsalita ng wikang English sa kausap nito sa cellphone. Kahit hindi sabihin, bakas sa lalaki ang pagiging aristokratiko sa kilos, salita, at pananakit.Matapos naman patayin ang tawag, binalingan ni Knives ang tasa ng kape at lumagok bago hinarap ang babae. “What do you want?” prangkang tanong n'ya kay Lalaine.Napakunot-noo naman si Lalaine saka naguguluhang nagtanong sa kaharap. “Ano ang ibig mong sabihin, Mr. Dawson?” Habang pinagmamasdan ni Knives ang babae, dumako ang paningin niya sa maputi nito
KINABUKASAN, pagpasok ni Lalaine sa Debonair ay nakasalubong niya sa lobby ng kompanya si Ms. Emma. Mayroon itong buhat-buhat na malaking kahon na naglalaman ng mga gamit nito at masama ang mukha habang nakatingin sa kan'ya.Bigla siyang hinatak sa braso ni Ms. Emma at galit na galit na sinabing, “Napakagaling mo, Lalaine Aragon!Nagmagandang-loob lang ako sa'yo pero siniraan mo ako!” Kunot-noo namang binalingan ni Lalaine ang galit na babae. “At ano naman ang ginawa ko para sabihin mong siniraan kita?” “If you hadn't slandered me to Mr. Dawson, he wouldn't have fired me. Ang kapal ng mukha mo!” sigaw pa ni Ms. Emma na nanlilisik ang mga mata.Natigilan naman si Lalaine sa narinig. Kanina lang umaga ay narinig niya mula sa kanyang mga kasamahan na ang taong may hawak ng project ni Mr. Go ay pinalitan. Ang matanda ay naospital dahil naparilisado ang kalahati nitong katawan, at ang kompanya nito ay pansamantalang pinamamahalaan ng isa sa mga tauhan nito.At bagaman alam niyang ang dir
HABANG naglalakad sa campus ng St. Claire para mag-report tungkol sa kanyang internship sa kanilang dean na si Mr. Lee ay nakasalubong ni Lalaine si Troy. Malapad ang pagkakangiti nito nang makita siya at para kay Lalaine, ay gwapo ito kapag nakangiti.“Hi, Laine! How are you?” nakangiting tanong ng binata sa kan'ya.Si Troy ay classmate lang niya sa isang subject na parehong tinatalakay sa kanilang kurso. Si Troy ay isang architecture student.Kimi namang ngumiti si Lalaine sa lalaki. “Okay lang naman. Ito medyo busy sa internship saka sa part-time job,” sagot naman ni Lalaine.Paglabas kasi ni Lalaine sa Debonair ay dumidiretso pa siya sa kanyang part-time job. Sa umaga naman ay pumapasok siya sa kompanya at nagre-report sa university twice a week.“Really? Saan ba ang internship mo?” “Sa Debonair Fashion.”Si Troy ay classmate lang niya sa isang subject, at ang kurso nito ay architecture kaya hindi sila madalas nagkikita para makapag-usap.“Wow! You're lucky. Isa ang Debonair na k
LIHIM na lang na napabuntong-hininga si Knives. Who wouldn't agree with the jewel-like eyes looking at him and pleading? Kaya naman kahit labag sa kanyang kalooban ay napapayag siya. “Listen to grandma,” ani Knives kay Lalaine na ikinalaki naman ng mga mata ng huli. Matapos marinig iyon ay halos mapunit ang labi ni Lola Mathilde sa lapad ng pagkakangiti. Kaagad nitong inutusan ang mga kasambahay para ayusin ang kamang tutulugan ni Lalaine. “Sige na Lalaine hija, sumama ka na kay Knives nang makapag-asikaso ka na,” saad pa ni Lola Mathilde na tila masayang-masaya ng mga sandaling iyon. Marahan pa siya nitong itinulak papaakyat sa magarbong hagdan ng mansyon.Wala namang nagawa si Lalaine kundi magpatianod na lang sa gusto ng matanda. Aandap-andap siyang sumunod sa likuran ni Knives na tila wala namang pakialam na nangyayari. Nang makarating sa tapat ng malaking pinto na yari sa narra ay nagtuloy-tuloy si Knives sa pagpasok sa loob, samanatalang siya naman ay naiwan sa labas ng pint
A FEW moments later, Knives came out of the bathroom with a towel covering his lower body. His medium length wavy hair was still dripping down to his body which added to his sexiness and masculinity. Hindi makatingin si Lalaine sa lalaki ng mga sandaling iyon kaya nakayuko lang siya sa sbathrobe na ihinanda ng mga kasambahay para sa kan'ya. “L-Lalabhan ko muna ang damit ko,” nauutal na wika ni Lalaine sa lalaki. Nahihiya kasi siyang ipalaba pa sa mga kasambahay ang damit niya dahil bisita lang naman siya doon at hindi siya ang amo ng mga ito. Tumayo na si Lalaine para lumabas ng kwarto subalit napakunot-noo siya dahil hindi niya mapihit ang doorknob. Mukhang naka-lock iyon mula sa labas ng pinto. Natulala si Lalaine. ‘Si Lola Mathilde ba ang nag-lock ng pinto ng kwarto? Pero bakit?’ tanong ni Lalaine sa kanyang sarili. Muli niyang pinihit ang seradura ngunit ganoon pa rin iyon. Naka-lock pa rin ang pinto at hindi niya mabuksan ito. Pumalatak naman si Knives mula sa kanyang lik
ISANG linggo...Dalawang linggo...Isang buwan...Anim na buwan...Siyam na buwan...Siyam na buwan na simula noong huling magkita si Knives si Lalaine. Siyam na buwan na rin siyang naghahanap sa asawa pero ni anino nito ay hindi niya makita. He searched almost the entire Philippines to find his wife but could not find a single trace that could point to her whereabouts. Para bang bigla na lang naglaho si Lalaine sa mundo. Na para bang hindi ito nag-exist sa kanyang buhay...Araw-araw siyang nagpupunta sa apartment nito para alamin kung bumalik na ito, pero katulad ng dati, isang abandonadong kwarto lang ang sumasalubong sa kan'ya.Halos maglumuhod na rin si Knives sa kaibigan nitong si Abby pero maski ito ay hindi alam kung nasaan ang kaibigan. Sobra na ring nag-aalala si Abby para sa kaibigan dahil ito ang unang beses na umalis si Lalaine ng ganoon katagal na hindi man lang siya kino-contact.Knives also always visits Mrs. Tupaz's office to ask if she has any news about Lalaine, but
NASA isang fine dining restaurant si Gwyneth at ang kanyang daddy, kasama si Kennedy Dawson na ngayon ay father-in-law na niya. Naroon sila para i-celebrate ang kanilang pagiging isang pamilya.Gwyneth's joy knows no bounds because her long-time dream of becoming Knives Dawson's wife has finally come true. And even if he rejects her, there's nothing he can do because they're already married. “I hope you can change my stupid son, Gwyneth. Teach him to obey and listen to whatever I say,” pakli ni Kennedy sa kanyang daughter-in-law.“Of course, dad. I've known Knives since childhood so I know exactly what he's like. Don't worry, dad. I'll make sure to discipline that son of yours,” puno ng confidence na sagot naman ni Gwyneth.“'Glad to hear that,” anang Kennedy saka bumaling sa balaeng si Eric Chua. “Pasensya na Eric, pero maiwan ko na kayo. I'm a little tired. I need to rest,” paalam niya.“It's okay, Mr. Dawson. Masaya akong sa wakas ay naging isang pamilya na tayo,” anang Eric saka
“IMŌTO-CHAN! (Little sister!) Is that really you?!”Hindi kaagad nakakibo si Keiko nang salubungin siya ng kanyang Kuya Keiji. Literal na umiiyak ito nang yakapin siya nang mahigpit. “I miss you so much!”“Baby girl... I'm so glad that you're finally here,” saad naman ng Kuya Kairi niya na bagaman hindi kasinglakas umiyak ng Kuya Keiji n'ya, bakas naman sa namumula nitong mga mata ang pagpipigil ng luha. Kararating lang ni Keiko sa Tokyo matapos maasikaso ang lahat sa Pilipinas. Apat na oras din ang kanilang byahe at wala siyang gaanong tulog. Pero nang makita ang kanyang mga kuya ay para bang naglaho ang pagod at antok na nararamdaman niya.Nagyakap silang magkakapatid na kapwa may mga luha sa mga mata, samantalang si Kenji naman ay hindi na rin natiis at nakisama na sa mga anak. They were overjoyed because they were finally with Keiko, whom they had been waiting to see for so long.Matapos ang mahabang sandali na magkakayakap ay bumitiw rin ang mga ito. Marahang hinila ni Keiji ang
“HOW'S the patient, doc?”Nag-aalalang tanong ni Kennedy sa doktor na sumusuri sa kanyang anak. Isang linggo na itong walang malay simula noong matagpuan ito ni Gwyneth sa kalsada at duguan.“He's okay now. Wala na sa panganib ang buhay ng anak mo, Mr. Dawson. Natahi na namin ang mga internal organ niyang natamaan ng saksak. For now, he just needs to rest and we'll wait for him to wake up,” anang doktor.“Thank you so much, doc,” ani Kennedy na bahagyang nakahinga nang maluwang nang malamang wala na sa bingit ng kamatayan ang kanyang anak.“Thank you, doc,” sagot naman ni Gwyneth na naroon din sa kwarto at hindi umaalis sa tabi ni Knives. Although she feels guilty about what she did, she feels no remorse for what happened. Dahil alam niyang this time, tuluyan nang makikipaghiwalay ang hitad na si Lalaine Aragon at siya na ang magmamay-ari kay Knives.Ito na ang chance n'ya para maisakatuparan ang plano nila ng kanyang daddy. Tutal, botong-boto naman ang matandang hukluban na si Kenne
“GUSTO ko pong makita ang mukha ni...M-Mama...”Iyon ang unang salita na lumabas sa bibig ni Lalaine matapos nang mahabang sandali na magkayakap silang mag-ama at humahagulhol. Ngayon, mas kalmado na ang dalawa at kapwa nagpapahid na kanilang mga pisngi na nabasa ng luha.Marahang tumango si Kenji saka tumayo at tinungo ang cabinet at kinuha ang isang picture frame. Inabot nito iyon kay Lalaine at tila ilog na walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha nang makita ang larawan ng namayapang ina.“Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo, hija. "That's exactly what Amelia looked like when she was your age,” nakangiti pero malungkot na saad ni Kenji.Marahas hinaplos-haplos ni Lalaine gamit ng daliri ang larawan ng kanyang ina. Kay tagal siyang naniwala na si Nanay Ursula ang kanyang ina kahit na maraming nagsasabi na hindi sila magkamukha nito.Pero ngayon, habang tinititigan n'ya ang picture na iyon, walang duda na iyon nga ang kanyang ina. Kamukhang-kamukha n'ya ito lalong-lalo na sa mga
IKINURAP-KURAP ni Lalaine ang mata at tumambad sa kan'ya ang isang engrandeng kisame. At kahit bahagya pang nanlalabo ang kanyang paningin, alam niyang wala siya sa hospital o kaya naman sa Dawson Residence. Naroon siya sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kan'ya at unang beses lang niya nakita.Bumalikwas ng bangon si Lalaine nang biglang maalala ang mga nangyari. Bakit siya naroon? Anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon?Malinaw pa sa kanyang alaala ang lahat bago siya mawalan ng malay. Matapos makita ang eksenang iyon sa pagitan ni Knives at Gwyneth ay mabilis siyang tumakbo palabas ng nightclub. Hindi siya nagpatinag kahit napakalakas pa ng buhos ng ulan, sinugod niya iyon habang humagulhol.Tumakbo siya nang tumakbo na para bang mayroong humahabol sa kan'ya. Subalit bigla na lang umikot ang kanyang paningin, at bago pa siya nawalan ng malay ay isang lalaki ang sumalo sa kan'ya...Ang assistant ni Mr. Inoue!Luminga-linga si Lalaine sa paligid. Malakas ang kutob niyang naroon siya s
SA ISANG iglap, nawala si Lalaine sa paningin ni Knives. Gulong-gulo siya sa nangyari. Ano ba ang nangyari? Bakit nasa kwarto siya at kasama si Gwyneth? Ang huling natatandaan lang n'ya ay nagpapakalango siya sa alak kasama ang isang babae.Bumalikwas ng bangon si Knives at doon lang n'ya napansin na naka-brief lang pala siya. Si Gwyneth na nasa tabi niya at nakatakip ng kumot ay tulad din niyang walang suot na damit. Posible kayang may nangyari sa kanila ng babaeng ito?Imposible! Kahit lasing na lasing siya ay hinding-hindi n'ya papatulan si Gwyneth. Isinusumpa n'ya iyon. But why can't he remember what happened? Or maybe it was all just a ploy to break up things between him and Lalaine? Nanginginig sa galit na isinuot ni Knives ang pantalon at saka sinugod si Gwyneth noon na para bang walang kaalam-alam sa nangyayari. Nagdilim ang kanyang paningin kaya umibabaw siya rito at sinakal ng dalawang kamay ang leeg nito na para bang gusto na itong lagutan ng hininga. “What did you do to
“NAGAWA mo ba nang maayos ang ipinatatrabaho ko?” tanong ni Gwyneth sa babaeng kaharap na si Maggie.“Of course! Nilagyan ko ng mataas na dosage ng drugs pampatulog ang drinks n'ya kaya sure akong kahit sampalin mo ang gagóng 'yan, 'di agad magigising,” nakangising sagot naman ni Maggie.“Okay, good,” ani Gwyneth sabay abot ng puting sobre na naglalaman ng pera. “'Wag na 'wag mong ipagkakalat ito, kundi papatayin kita,” pagbabanta pa niya sa babae.Umismid naman si Maggie. “Oo na,” aniya. “But in fairness, he's a hottie. Kung 'di mo lang bet ang lalaking 'yon, baka—”“Tatahimik ka o puputulin ko 'yang dila mo?” naniningkit ang mga matang ni Gwyneth sa kaharap.Kaagad naman nitong itinikom ang bibig at muwestra na parang zipper na isinasara iyon. “Umalis ka na. I still need to do something.”“Okay, bye bye!” nakangisi namang paalam naman ni Maggie habang ipinapaypay ang sobre na naglalaman ng malaking halaga ng pera.Napangiti si Gwyneth saka tumingin kay Knives na noon ay mahimbing a
••••••DUMIRETSO na ng uwi si Lalaine matapos maisara ang deal kay Mr. Inoue. Ang bilin kasi ni Mrs. Tupaz, sa oras na ma-aprubahan na ni Mr. Inoue ang gagawing project sa kompanya ay makakauwi na siya at bukas na lang siya mag-report sa trabaho.Dahil maaga pa, minabuti ni Lalaine na dumaan sa supermarket para bumili ng rekado sa lulutuin niyang Braised Pork ribs. Gusto niyang ipagluto si Knives kahit na alam niyang hindi maganda ang naging pagtatalo nila kagabi dahil nais niyang magkaayos silang mag-asawa.Nakapagdesisyon na si Lalaine. Gagawin niya ang lahat para matanggap ni Knives na anak nito ang kanyang ipinagbubuntis. Nasaktan man siya ng sobra dahil sa gusto nitong ipalaglag ang kanilang anak, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya para sa asawa. Isa pa, naniniwala siyang maaaring nagkamali lang ang doktor na sumuri sa asawa n'ya. Kaya ang balak n'ya ay kakausapin n'ya ito nang masinsinan at hihikayatin muling magpatingin sa ibang doktor. Bukod doon, imumungkahi din niya