“PAG dumating ang araw na 'yon, papakawalan na kita...” At least, sa plano ng daddy ni Knives, iyon ang daan na gusto niyang tahakin. He didn't even think of objecting, it's a matter of time. Tinakasan naman ng kulay ang mukha ni Lalaine, na para bang nakarinig siya ng hindi kapani-paniwalang bagay. Nakaramdam din siya ng munting kirot sa kanyang dibdib nang marinig ang katotohanang iyon. “K-Kung gano'n, ano naman ako para sa'yo? Ano ang katauhan ko kung mananatili ako sa tabi mo? Laruan mo? Babae mo? Alagang hayop?” “What do you mean?” tiim-bagang naman na tanong ni Knives, pilit nilalabanan ang iritasyon na nararamdaman. “Pwede nating i-discuss kung ano ang gusto mo.” Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lalaine. “Ang gusto ko ay respeto, na hindi dapat tratuhin bilang laruan...” Sandaling natigilan si Knives sa narinig, at saka mababa ang boses na nagsalita, “'Di ko naman intensyon na tratuhin ka bilang laruan.” “At ano naman ang katayuan ko? May pangarap
NANG makita ni Lalaine na muling uundayan ni Knives ng suntok si Elijah ay ihinarang niya ang sarili nang hindi nag-iisip sa maaaring mangyari sa kan'ya. Ang suntok ni Knives ay tila ba singbilis ng hangin at wala nang para para mapigilan pa. Namutla at natakot si Lalaine ng mga sandaling iyon kaya ang tanging nagawa na lang niya ay pumikit. Subalit napadilat ng mga mata si Lalaine nang maramdamang walang suntok ang tumama sa kan'ya. Napalunok pa siya nang makitang gahibla na lang ng papel ang pagitan ng suntok na iyon para lumapat sa kanyang mukha. “Get out of my way!” nanlilisik ang mga matang wika ni Knives sa babae at nakatiim-bagang. Namumutok ang mga ugat sa kanyang kamao sa pagpipigil na huwag tumama kay Lalaine ang suntok na pinakawalan niya para sa hayop na si Elijah. Nanginginig man sa ipinapakitang takot ni Knives, nanatili pa rin si Lalaine sa kinatatayuan at dumipa ang mga braso upang harangan ang lalaking nasa likuran niya. “Kung sasaktan mo ako, tatawag ako n
“MS. Lalaine, Mr. Dawson said to meet you tomorrow at the Regional Trail Court at 8AM.”Mabilis na tumipa si Lalaine ng ire-reply kay Mr. Miller. “Okay, pupunta ako, Mr. Miller.”Nang maibaba ang hawak na cellphone, pakiwari ni Lalaine ay sumikip ang kanyang dibdib. Ito ang gusto niyang mangyari noon pa man pero bakit pakiramdam n'ya ay biglang nagkaroon ng malaking puwang ang kanyang puso?Sandali munang nanatiling nakaupo si Lalaine at nakatitig lang sa kawalan bago tumayo at magpunta ng banyo para maligo.Habang rumaragasa ang maligamgam na tubig sa hubad na katawan ni Lalaine, mayroon siyang nalasahang pait sa gilid ng kanyang labi.Alam niyang hindi iyon mula sa tubig sa shower kundi mula iyon sa mapapait na salitang nagmula sa bibig ni Knives kanina.Sa mga mata nito, isa lang isang laruan at wala nang iba pa. Sa kabuting palad, hindi pa siya tuluyang nalulubog sa kumunoy. Ngunit ang mga naalala na ibinigay sa kan'ya ni Knives ay ang bagay na hinding-hindi niya makakalimutan sa
DAHAN-DAHANG bumaba ang bintana ng mamahaling sasakyan na iyon at lumitaw ang mapang-uyam na mukha ng gwapong lalaki na kilalang-kilala ni Lalaine.Si Benjamin.Bahagya nitong inilabas ang kalahati ng mukha sa bintana ng kotse nito at nakangising nagsalita, “Hey! Ano ang ginagawa ng Campus Crush ng St. Claire University dito sa Q.C?”Kaagad na kumabog ang dibdib ni Lalaine nang makita ang lalaki, saka napaatras siya ng ilang hakbang palayo sa kinaroroonan nito na may pag-iingat sa mga mata.“In all of places, lagi tayong nagkikita. Maybe this is called destiny?” ngising-demonyo na wika pa ni Benjamin nang hindi magsalita si Lalaine. “Saan ka ba papunta? Do you want me to drive you?”Mabilis namang napailing si Lalaine. “H-Hindi na kailangan,” nahihintakutang sagot niya.“Why? Nagkita na rin naman tayo dito, bakit 'di mo hayaang i-treat kita? Sagot ko na. Gusto mo ba bumaba pa ako d'yan?” pagpupumilit pa Benjamin kay Lalaine na noon ay bakas ang takot sa mga mata.Nang makita na papab
TINATAGAN ni Lalaine ang loob, hawak nang mahigpit ang pepper spray ay nag-spray din siya sa mukha ng mga ito dahilan para magkagulo ang dalawang bodyguard. Muli, mabilis na tumakbo si Lalaine patungo sa elevator pero pagdating niya roon ay dalawa na namang bodyguards ang nakabantay sa entrance niyon. Tila ba maingat na pinagplanuhan ni Benjamin ang lahat ng iyon.Dahil hindi makadaan si Lalaine sa elevator, sa fire exit siya kumaripas ng takbo. Kakaunti na lang din ang pepper spray niya at ang dalawa na huli niyang ini-spray-an nito at hindi masyadong napinsala kaya naman kaagad din siyang hinabol ng mga ito.At bago pa tuluyang makapanaog si Lalaine sa hagdan ay kaagad siyang nahawakan ng dalawang guard. Desperadong sumigaw si Lalaine para humingi ng tulong pero dahil arkilado ni Benjamin ang buong palapag na iyon kaya walang makaririnig sa kan'ya.Humahagulhol si Lalaine nang lapitan siya ni Benjamin na galit na galit. Pinagsisipa siya nito dahilan para mapaluhod siya sa sakit.“P
“ANG gusto ng pamilya ng biktima ay panagutin ang kaibigan mo sa nagawa niya at sampahan ng attempted murder.” Nanigas si Lalaine sa kinauupuan. Kakasuhan ng pamilya ni Benjamin ang kaibigan niya? Pero bakit? Inosente si Abby! Napatayo si Lalaine sa kinauupuan at masama ang loob na tumingin sa kausap na pulis. “Wala kaming relasyon ng hayop na Benjamin na 'yon. Sigurado akong peke ang mga ebidensya na ipinakita nila sa inyo. Si Benjamin ang laging nangha-harass sa'kin. Kasinungalingan ang mga sinasabi nila! Walang kasalanan ang kaibigan ko. Tinulungan lang niya ako! Inosente si Abby!” bulalas pa ni Lalaine. Kumunot naman ang noo ng pulis. “Kung gano'n, may ebidensya ka ba o kahit ano na magpapatunay na wala kayong relasyon ni Mr. Scott? Mayroong pictures at videos ang abogado ng mga Scott na magpapatunay na may relasyon kayo.” Hindi nakasagot si Lala5sa tanong na iyon ng pulis officer. Paano nga naman niya mapapatunayan na kasinungalingan ang sinasabi ng demonyong Benjamin na
SA INTEROGATION room sa Manila Police District, ay kasalukuyang ini-interview si Abby ng mga imbestigador.Namumutla ang mukha ni Abby at ang kanyang labi ay tuyong-tuyo at namamalat. Na-detained na siya ng isang gabi sa presinto at paulit-ulit siyang kinakausap ng mga pulis tungkol sa mga nangyari. Hindi maintindihan ni Abby ang lahat. 'Di ba't self-defense lang naman ang ginawa niya? Bakit kailangan niyang makulong sa kasalanang hindi n'ya naman sinasadya?Mayamaya pa'y pumasok sa interogation room ang isang lalaki na naka-suit and tie. “Good afternoon, Ms. Del Rosario. Ako nga pala ang abogado ni Benjamin Scott,” pagpapakilala nito kay Abby sabay lahad ng kamay.Nag-aatubili namang inabot ni Abby ang kamay ng abogado saka ngumiti ng pilit. “H-Hello po, Sir.”“Ganito, Ms. Del Rosario, ang aking kliyente na si Mr. Benjamin Scott ay kasalukuyang unconscious pa rin at malabo pa ang pag-asa na magigising siya. Ang sabi ni Chairman ay kausapin kita para maipaliwanag sa'yo ang sitwasyon
“MR. Knives Dawson...”Namumula at namamaga ang mga mata ni Lalaine nang tumingin sa lalaki na para bang isang kuting na inapi.Subalit nanatiling matigas si Knives, hindi niya pinansin ang babae at basta na lang nilampasan ng blanko ang ekspresyon sa mukha.Natigilan si Lalaine pero kinapalan na lang niya ang mukha at sumunod sa lalaki. Nang bumukas ang elevator nauna pa si Lalaine na pumasok sa loob dahil baka pagsarhan siya ng lalaki kapag nahuli siya.“Nagkakamali ka yata ng pinasukan, Ms. Aragon?” tanong ni Knives nang tumingin sa babae na madilim ang anyo.Hindi na pinansin pa ni Lalaine ang kahihiyan saka kagat-labing nagsalita. “I'm sorry Mr. Dawson dahil na-istorbo pa kita pero kailangan ko ng tulong mo.”“You know you're a nuisance, why did you still follow me here?” galit na tanong mo Knives na hindi man lang nagpakita nang maski kaunting awa para sa kaharap. “Get out!”Nakuyom ni Lalaine ang mga kamao na halos bumaon na ang kanyang kuko sa kanyang palad. “M-Mr. Dawson, kai
“OKAY, ladies and gentlemen. Let's give a round of applause to our guest speaker tonight. None other than our foundation's major sponsor, Ms. Keiko Inoue!”Nagpalakpakan ang lahat ng naroon habang ang paningin ay napako sa babaeng papaakyat sa entablado. Keiko looked so beautiful and elegant in her black halter dress and silver stilettos. Ang mga mata ng lahat ng naroon ay napuno ng paghanga mapalalaki man o mapababawi.Ngunit mayroon ding ilan na hindi maipinta ang mukha dahil sa labis na pagkagulat nang makilala kung sino ang babaeng nasa stage at nagpakilala bilang Keiko Inoue.Isa na roon si Gwyneth na imbitado rin sa nasabing event. Halos lumuwa ang mga mata nito habang nakatingin kay Lalaine. Ibang-iba na ang itsura at aura nito sa kanyang paningin, malayong-malayo sa Lalaine na kilala niya.“What the hell? Who the hell is she?” gigil na usal ni Gwyneth sa sarili habang nakakuyom ang mga kamao dahil sa matinding inis at pagkairita.“What's wrong, hija? Kilala mo ba ang babaeng '
AFTER eight years... “Sir Knives, nai-close na natin ang deal with Thompson Group. Our next client is from K Fashion Company. They want to build a branch here in the Philippines and they chose Grayson Construction to handle the project,” ani Liam habang panay ang pagpindot sa ipad na hawak. “K Fashion? The famous fashion company in Japan and America?" paniniguro ni Knives habang nakatutok ang mga mata sa laptop. “Yes, Sir,” ani Liam. “May schedule na ba ang appointment?” “Yes, Sir. The luncheon meeting is at Victoria's Restaurant, at exactly 12 PM.” “Okay, ikaw na ang um-attend, Liam. Mommy's death anniversary is tomorrow so I have to visit the cemetery,” ani Knives habang panay ang tipa. Tinatapos kasi niya ang output my blueprint para sa isang project. “Okay, Sir.” “By the way, mag-post ka ng job opening sa website natin. We need engineers, architects, and other skilled workers in the company. We need more people for incoming projects.” “Alright, Sir Knives,” sago
ISANG linggo... Dalawang linggo... Isang buwan... Anim na buwan... Siyam na buwan... Siyam na buwan na simula noong huling magkita si Knives si Lalaine. Siyam na buwan na rin siyang naghahanap sa asawa pero ni anino nito ay hindi niya makita. He searched almost the entire Philippines to find his wife but could not find a single trace that could point to her whereabouts. Para bang bigla na lang naglaho si Lalaine sa mundo. Na para bang hindi ito nag-exist sa kanyang buhay... Araw-araw siyang nagpupunta sa apartment nito para alamin kung bumalik na ito, pero katulad ng dati, isang abandonadong kwarto lang ang sumasalubong sa kan'ya. Halos maglumuhod na rin si Knives sa kaibigan nitong si Abby pero maski ito ay hindi alam kung nasaan ang kaibigan. Sobra na ring nag-aalala si Abby para sa kaibigan dahil ito ang unang beses na umalis si Lalaine ng ganoon katagal na hindi man lang siya kino-contact. Knives also always visits Mrs. Tupaz's office to ask if she has any news a
NASA isang fine dining restaurant si Gwyneth at ang kanyang daddy, kasama si Kennedy Dawson na ngayon ay father-in-law na niya. Naroon sila para i-celebrate ang kanilang pagiging isang pamilya.Gwyneth's joy knows no bounds because her long-time dream of becoming Knives Dawson's wife has finally come true. And even if he rejects her, there's nothing he can do because they're already married. “I hope you can change my stupid son, Gwyneth. Teach him to obey and listen to whatever I say,” pakli ni Kennedy sa kanyang daughter-in-law.“Of course, dad. I've known Knives since childhood so I know exactly what he's like. Don't worry, dad. I'll make sure to discipline that son of yours,” puno ng confidence na sagot naman ni Gwyneth.“'Glad to hear that,” anang Kennedy saka bumaling sa balaeng si Eric Chua. “Pasensya na Eric, pero maiwan ko na kayo. I'm a little tired. I need to rest,” paalam niya.“It's okay, Mr. Dawson. Masaya akong sa wakas ay naging isang pamilya na tayo,” anang Eric saka
“IMŌTO-CHAN! (Little sister!) Is that really you?!” Hindi kaagad nakakibo si Keiko nang salubungin siya ng kanyang Kuya Keiji. Literal na umiiyak ito nang yakapin siya nang mahigpit. “I miss you so much!” “Baby girl... I'm so glad that you're finally here,” saad naman ng Kuya Kairi niya na bagaman hindi kasinglakas umiyak ng Kuya Keiji n'ya, bakas naman sa namumula nitong mga mata ang pagpipigil ng luha. Kararating lang ni Keiko sa Tokyo matapos maasikaso ang lahat sa Pilipinas. Apat na oras din ang kanilang byahe at wala siyang gaanong tulog. Pero nang makita ang kanyang mga kuya ay para bang naglaho ang pagod at antok na nararamdaman niya. Nagyakap silang magkakapatid na kapwa may mga luha sa mga mata, samantalang si Kenji naman ay hindi na rin natiis at nakisama na sa mga anak. They were overjoyed because they were finally with Keiko, whom they had been waiting to see for so long. Matapos ang mahabang sandali na magkakayakap ay bumitiw rin ang mga ito. Marahang hinila ni
“HOW'S the patient, doc?”Nag-aalalang tanong ni Kennedy sa doktor na sumusuri sa kanyang anak. Isang linggo na itong walang malay simula noong matagpuan ito ni Gwyneth sa kalsada at duguan.“He's okay now. Wala na sa panganib ang buhay ng anak mo, Mr. Dawson. Natahi na namin ang mga internal organ niyang natamaan ng saksak. For now, he just needs to rest and we'll wait for him to wake up,” anang doktor.“Thank you so much, doc,” ani Kennedy na bahagyang nakahinga nang maluwang nang malamang wala na sa bingit ng kamatayan ang kanyang anak.“Thank you, doc,” sagot naman ni Gwyneth na naroon din sa kwarto at hindi umaalis sa tabi ni Knives. Although she feels guilty about what she did, she feels no remorse for what happened. Dahil alam niyang this time, tuluyan nang makikipaghiwalay ang hitad na si Lalaine Aragon at siya na ang magmamay-ari kay Knives.Ito na ang chance n'ya para maisakatuparan ang plano nila ng kanyang daddy. Tutal, botong-boto naman ang matandang hukluban na si Kenne
“GUSTO ko pong makita ang mukha ni...M-Mama...”Iyon ang unang salita na lumabas sa bibig ni Lalaine matapos nang mahabang sandali na magkayakap silang mag-ama at humahagulhol. Ngayon, mas kalmado na ang dalawa at kapwa nagpapahid na kanilang mga pisngi na nabasa ng luha.Marahang tumango si Kenji saka tumayo at tinungo ang cabinet at kinuha ang isang picture frame. Inabot nito iyon kay Lalaine at tila ilog na walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha nang makita ang larawan ng namayapang ina.“Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo, hija. "That's exactly what Amelia looked like when she was your age,” nakangiti pero malungkot na saad ni Kenji.Marahas hinaplos-haplos ni Lalaine gamit ng daliri ang larawan ng kanyang ina. Kay tagal siyang naniwala na si Nanay Ursula ang kanyang ina kahit na maraming nagsasabi na hindi sila magkamukha nito.Pero ngayon, habang tinititigan n'ya ang picture na iyon, walang duda na iyon nga ang kanyang ina. Kamukhang-kamukha n'ya ito lalong-lalo na sa mga
IKINURAP-KURAP ni Lalaine ang mata at tumambad sa kan'ya ang isang engrandeng kisame. At kahit bahagya pang nanlalabo ang kanyang paningin, alam niyang wala siya sa hospital o kaya naman sa Dawson Residence. Naroon siya sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kan'ya at unang beses lang niya nakita.Bumalikwas ng bangon si Lalaine nang biglang maalala ang mga nangyari. Bakit siya naroon? Anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon?Malinaw pa sa kanyang alaala ang lahat bago siya mawalan ng malay. Matapos makita ang eksenang iyon sa pagitan ni Knives at Gwyneth ay mabilis siyang tumakbo palabas ng nightclub. Hindi siya nagpatinag kahit napakalakas pa ng buhos ng ulan, sinugod niya iyon habang humagulhol.Tumakbo siya nang tumakbo na para bang mayroong humahabol sa kan'ya. Subalit bigla na lang umikot ang kanyang paningin, at bago pa siya nawalan ng malay ay isang lalaki ang sumalo sa kan'ya...Ang assistant ni Mr. Inoue!Luminga-linga si Lalaine sa paligid. Malakas ang kutob niyang naroon siya s
SA ISANG iglap, nawala si Lalaine sa paningin ni Knives. Gulong-gulo siya sa nangyari. Ano ba ang nangyari? Bakit nasa kwarto siya at kasama si Gwyneth? Ang huling natatandaan lang n'ya ay nagpapakalango siya sa alak kasama ang isang babae.Bumalikwas ng bangon si Knives at doon lang n'ya napansin na naka-brief lang pala siya. Si Gwyneth na nasa tabi niya at nakatakip ng kumot ay tulad din niyang walang suot na damit. Posible kayang may nangyari sa kanila ng babaeng ito?Imposible! Kahit lasing na lasing siya ay hinding-hindi n'ya papatulan si Gwyneth. Isinusumpa n'ya iyon. But why can't he remember what happened? Or maybe it was all just a ploy to break up things between him and Lalaine? Nanginginig sa galit na isinuot ni Knives ang pantalon at saka sinugod si Gwyneth noon na para bang walang kaalam-alam sa nangyayari. Nagdilim ang kanyang paningin kaya umibabaw siya rito at sinakal ng dalawang kamay ang leeg nito na para bang gusto na itong lagutan ng hininga. “What did you do to