“HINDI mo ba gusto? H-Hindi ba... gusto mo 'to? P-Promise... magiging masunurin ako...” Naningkit ang mga mata ni Knives dahil sa sinabi ng babae. Ipagpipilitan ba nito ang sarili sa kan'ya? Ilang sandali pa'y nabuksan na ni Lalaine ang buckle ng sinturong suot ni Knives. Nang maibaba nito ang zipper ng suot na slacks ni Knives ay ipinasok nito ang maliit na kamay sa loob ng pantalon. Napabuga ng hangin si Knives saka hinawakan ang kamay ng babae at galit na nagsalita. “Alisin mo 'yan!” “A-Ayoko!” mariing namang tanggi ni Lalaine kahil alam niyang kasuklam-suklam ang kanyang ginagawa pero nakikita niyang unti-unti nang bumibigay ang lalaki. Nabuhay na kasi ang pagkalalaki nito ng mga sandaling iyon. Galit si Knives sa kan'ya pero mas mainam na iyon kaysa malamig ang pakikitungo nito sa kan'ya. Ang ibig lang sabihin niyon ay may pag-asa siya na tulungan nito. Mayamaya pa'y biglang tumunog ang doorbell, at mula sa labas ng pinto ay nagtawag ang butler ni Knives. “Mr. Dawson,
KINABUKASAN, tinawagan ni Knives ang kanyang secretary at nag-utos. “Contact Chairman Scott and connect the call to me,” wika niya sa kabilang linya. Ilang sandali pa'y tumunog ang kanyang cellphone at naulinigan niya ang isang kalmado at eleganteng boses ng lalaki. “Mr. Dawson, what can I do for you?” “Uncle Henry, mas maliit na bagay sana akong gustong ihingi ng pabor sa'yo,” kalmado rin niyang turan sa kabilang linya. Si Henry Scott ay isang thirty-three years old, na matanda lang ng tatlong taon kay Knives Dawson. Bagaman mababaw ang samahan ng dalawang pamilya, mayroon namang matibay sa koneksyon ng mga ito pagdating sa business world. That's why Knives politely calls him 'uncle'. “Okay, magsalita ka,” tugon ni Chairman Scott. Hindi naman nagpaligoy-ligoy pa si Knives sa kanyang sadya at direktang sinabi na, “Sa tingin ko, mayroong misunderstanding sa kaso ng pamangkin mo. Gusto ko sanang maintindihan ng malinaw.” “Misunderstanding?” wika ni Chairman Scott na tila na-s
“AT KAILAN naman ako nangako na tutulungan kita?” tanong ni Knives na pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. “Pumunta ka sa'kin at nagmakaawa para tabihan kita sa kama.”Natigilan si Lalaine habang hindi makapaniwalang nakatingin sa lalaki. “I-Ikaw...” Hindi na madugtungan pa ni Lalaine ang sasabihin. Nang maisip niyang mabuti ang mga nangyari kagabi. Tama nga ito, wala naman itong sinabi na tutulungan siya. Siya lang ang nag-assume na ganoon ang ibig sabihin matapos may mangyari sa kanilang dalawa.Binalot ng kahihiyan si Lalaine saka basta na lang bumitiw sa pagkakahawak sa braso nito. Tumalikod siya sa lalaki at nag-walk out nang hindi nagsasalita. Masyado na niyang ibaba ang sarili kung magmamakaawa pa siya muli rito. Isa pa, pakiramdam n'ya ang naubos na ang lakad niya dahil sa ginawa kagabi.Hindi pa nakakalayo si Lalaine ay nahinto ito nang hawakan siya sa pulsuhan ni Lalaine at kunot-noong nagtanong, “Saan ka pupunta?”“Wag mo akong hawakan!” galit na wika ni Lalaine na para
MATAPOS ang mainit na pag-niniig, pakiramdam ni Lalaine ay napakalagkit ng kanyang katawan. At dahil good mood si Knives, ito pa mismo ang nagbuhat sa kan'ya papunta sa banyo upang maligo. Inabot din ng kalahating oras bago siya matapos sa paliligo. Nang lumabas siya, may nakahanda nang mga pagkain sa mesa. “Kumain ka,” utos sa kan'ya ni Knives at saka umupo sa wooden chair sa tapat niya. Puno ng masasarap at sari-saring pagkain ang mesa, at nang makita iyon ni Lalaine ay nakaramdam siya ng gutom. Ngunit nang maalala niya ang kalagayan ni Abby sa kulungan ay bigla siyang nawalan ng gana. Pinagmasdan niya si Knives na noon ay nagkakape habang nagbabasa ng kung ano sa hawak na MacBook. Pinakiramdaman muna niya ito bago nagsalita. “Uhm...ano...nakuha mo na ba ang CCTV footage?” Naningkit ang mga mata ni Knives nang itanong iyon ni Lalaine, at dahil natatakot siyang baka magalit ito at hindi siya tulungan ay kaagad din siyang nagpaliwanag. “N-Nag-aalala lang akong baka maapektuhan an
“SIYA nga pala, Lalaine. Alam mo na ba ang nangyari sa Benjamin na 'yon? Lahat daw ng buto at joints sa kamay n'ya ay binasag. At ayon sa doktor, wala na raw pag-asa na maibalik pa sa dati.”Nagulat si Lalaine sa balitang iyon. Naging baldado na ang mga kamay ni Benjamin? Si Knives kaya...ang may kagagawan nito? Sa isang iglap, tila isang kidlat na nag-flash sa isip ni Lalaine ang isang ideya. Ginawa kaya ni Knives ang bagay na iyon para ibunton kay Benjamin ang galit sa kan'ya?Ngunit mabilis ding napailing si Lalaine. Hindi ganoon si Knives. Kilala niya ito. Alam niyang ayaw nitong hinahawakan ang bagay na pagmamay-ari nito.Ang ginawa nito kay Benjamin ay isang babala. Lalo pa't para kay Knives, minarkahan na siya nito. Isa siyang bagay na pagmamay-ari nito, isang laruan.“Bruh, tanong ko lang. 'Yung lalaki kaninang may hawak ng phone mo, boyfriend mo ba siya?” mayamaya pa'y tanong ni Abby sa kabilang linya.“H-Ha? Boyfriend? Sinong boyfriend?” pagmamaang-maangan ni Lalaine kay A
KINABUKASAN, pagpasok ni Lalaine sa Debonair, isang masamang balita ang naulinigan ni Lalaine mula sa kanyang mga katrabaho.“Nabalitaan mo na ba? Biglang na-demote si Ms. Divine bilang directress,” ani Rose.“Really? Bakit daw?” tanong naman ni Amy.“I dunno. But they say, because she did something wrong at work,” tugon muli ni Rose sa kausap.“I see. By the way, nabasa mo ba 'yung message sa group chat? Bawal na raw mag-isang makikipagkita sa mga kliyente mga empleyado ng Debonair. Whether you are male or female, two people are needed to deal with the client, especially if it is outside the company,” pagbabalita ni Amy.“Alam mo tingin ko, simula nang mag-take over ang Dawson Group sa Debonair, mas nagkaroon sila ng pakialam sa mga employado. Mas naging concern din sila personal safety natin,” segundo naman ni Rose.“Dapat naman talaga. May customer din akong muntik na akong hipuan. Napakabastos,” anang Amy habang nakasimangot.“True. Nakita mo ba ang listahan ng mga banned customer
NAPAKUNOT-NOO si Lalaine nang makita ang inasal ni Knives. Kanina pa nangangawit ang bibig niya kakangiti pero parang wala na naman sa mood ang lalaki. Pero bakit kanina naman, nang makausap niya ito ay good mood ito? Nagtataka si Lalaine sa inasal ni Knives sa kan'ya kaya naman mabilis niyang isinara ang pinto at sinundan nito. “Mr. Dawson, maghugas ka muna ng kamay bago kumain,” ani Lalaine sa. Tumayo naman ito at dumiretso sa lababo para maghugas ng mga kamay. Isang puting towel ang lumitaw sa harapan ni Knives matapos niyang maglinis ng kamay. Inabot iyon ni Lalaine sa kan'ya at sinabing, “Magpunas ka ng kamay, Mr. Dawson. 'Wag kang mag-alala, bagong 'yan.” Walang imik na inabot ni Knives ang towel na iyon at nang matapos ay isang mapuputing kamay ang sumulpot kanyang harapan para kunin ang towel. Nilabhan muna ni Lalaine ang tuwalya saka isinampay, bago hinarap si Knives na noon ay nasa harapan na ng dining table. “Maupo ka muna, Mr. Dawson. Ihahanda ko lang ang pagka
HALOS mapugto ang hininga ni Lalaine dahil sa halik na iyon ni Knives, dahilan para marahan niyang maitulak ang lalaki sa dibdib. “H-Hindi...ako makahinga...” awat ni Lalaine sa lalaki. Pulang-pula na ang kanyang labi at bahagyang namamaga dahil sa halik na kanilang pinagsaluhan. Pinakawalan naman siya ni Knives na tulad niya ay hinihingal din . Tinitigan siya nito nang kay lalim na para bang may gusto itong alamin ng mga sandaling iyon. “Now tell me, para saan ang lahat ng ginawa mo ngayong gabi?” diretsang tanong ni Knives. If the woman says it's nothing, he won't believe her. Nakagat naman ni Lalaine ang pang-ibabang labi bago mahinang nagsalita, “P-P'wede bang ituloy ko ang pagtira rito sa apartment?” tanong niya na may halong pag-iingat. Maraming siyang review materials na kailangang aralin kaya kung doon siya sa Dawson Residence ay maaaring makita ito ng mga housekeeper. Ang review materials ang kailangan niya para makapasa sa exam at makapag-aral abroad, at dahil nagde
••••••••BITBIT ang kape, walang lingon-lingon na mabilis na naglakad si Lalaine paalis sa lugar na iyon, at kulang na lang ay liparin niya ang kalsada palayo sa dalawang tao. Hindi rin maintindihan ni Lalaine kung bakit ba siya tumatakbo ng mga sandaling iyon. Basta ang alam lang niya ay gusto niyang makaalis na sa lugar na iyon dahil parang sinasakal siya.Meanwhile, Knives' gaze fell on the petite woman walking quickly away. And although she was far from him and had her back turned, he knew who it was.Hanggang sa pinukaw ng kasamang babae ni Knives ang kanyang atensyon. “Mr. Dawson, are you listening to me?”Hindi sumagot si Knives, sa halip ay mabilis siyang tumalikod at iniwan ang babaeng kasama. Tumawid siya sa kabilang kalsada kung saan naka-park ang kanyang sasakyan at sumakay doon. Minaniobra niya ang kotse patungo sa direksyon kung saan dumaan si Lalaine.Tulala naman habang naglalakad si Lalaine patungo sa direksyon kung saan naka-park ang company car ng Debonair. Mabigat
••••••• “I DIDN'T see it, bro. Ang intern sa department ni Dr. Montenegro ang nagpakalat ng tsismis na 'yon. She saw her this morning and thought she was here to see Dr. Montenegro...” Nakasimangot na tumitig si Lalaine sa lalaki at masama pa rin ang loob sa pag-aakusa nito. Matapos naman marinig ni Knives ang sinabi ni Eros ay nakaramdam siya ng guilty. “It's my fault. Don't be angry,” hinging-paumanhin ni Knives sabay kamot sa ulo. Hindi naman basta-basta mapapalagay ang loob ni Lalaine sa paghingi ng paumanhin ng lalaki. Ni hindi nga niya alam kung apology ang ginawa nito o ano. Hindi n'ya basta mapapatawad ang ginawa nitong pamamahiya sa kan'ya kanina. Nang makita naman ni Knives na galit pa rin ang babae ay hinawakan niya ito sa baba at bahagyang pinisil. “How about I give you compensation? Anong gusto mo? Tell me.” Sandaling nag-isip si Lalaine nang may maalala. “Si Ms. Divine, mabait siya sa'kin at hindi n'ya ako pinababayaan sa Debonair. P-Pwede bang mo siyang parusahan
PAGKALABAS na pagkalabas ng kwarto ni Elijah, ang kaninang elegante at dalisay na anyo niya ay biglang naging malamig. Walang mababasa sa emosyon sa mukha ng butihing doktor habang binabaybay ang daan patungo sa kanyang opisina.When he reached his office, he immediately went in and locked the door. He took out his old model cellphone from his pocket and dialed.Nang kumonekta ang tawag, kaninang walang emosyon niyang anyo ay biglang naging mabangis. Ang boses naman niyang kadalasan na malumanay ay maging nakakatakot.“Sino ang nagsabi sa'yong kumilos kang mag-isa?” tanong ni Elijah sa kabilang linya.“Baby, don't be angry. 'Di naman sa hindi ka namin ma-contact, nababahala lang kami. Don't worry, nilinis na namin ang lahat,” sagot ng boses babae sa kabilang linya.“Nilinis?” ani Elijah na napangisi. “The drugs you gave to Leila Mendoza were contraband. Paano kung matukoy nila kung saan nanggaling ang gamot?” Tumawa ang babae sa kabilang linya. “Ano naman kung malaman nila kung saan
••••••“NAKIPAGKITA ka sa Elijah Montenegro na 'yon kanina...”Kumunot ang noo ni Lalaine dahil sa itinuran ni Knives. “S-Sino naman nagsabi sa'yo na na nakipagkita ako sa kan'ya?” “Kung gano'n, bakit may usap-usapan sa buong hospital tungkol sa inyong dalawa?”Hindi lubos maintindihan ni Lalaine ang sinasabi ng lalaki, kaya naman mabilis siyang bumaba ng kama para sana takasan ito. Subalit mabilis siyang nahawakan ni Knives sa pulsuhan at malakas na hinila, dahilan para mapasubsob siya sa dibdib nito.“A-Ano bang ginagawa mo?” tanong ni Lalaine habang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Nagtangka siyang tumayo mula sa ibabaw nito subalit mahigpit siya nitong hinapit sa kanyang baywang.“Where are you going? Umiiwas ka ba sa tanong ko?” ani Knives na inilapit ang bibig sa kanyang punong-tenga.Mistulang may gumapang sa kilabot sa buong katawan ni Lalaine dahil sa mainit na hininga nitong dumampi sa kanyang tenga. “A-Ano ba kasi ang sinasabi mo? W-Wala akong alam,” muling pagtan
°°°°°°“WHEN you recover, I will arrange a blind date for you with the young daughters of wealthy families in Luzon. You choose your bride.”Nagtatlong-guhit ang noo ni Knives nang marinig ang sinabing iyon ng kanyang daddy. Bakas sa mukha niya ang matinding pagtutol habang nakatingin sa matanda.“Dad, 'di ba sinabi ko na sa inyong gusto ko munang mag-focus sa kompanya? Wala pa ako sa mood makipag-blind date,” pagtanggi ni Knives sa sinabi ng ama.“Hijo, titulo lang naman ang pagpapakasal. Kung ayaw mo sa kan'ya, maaari mo siyang gawing dekorasyon lang sa bahay. With our family's status in society, every woman dreams of being part of our family, even if only as a decoration.”“Fine, I'll remember that,” sagot ni Knives sa kanyang daddy. “By the way, mukhang gustong-gusto mo ang babaeng 'yon, hijo?” pag-iiba nito ng usapan.Knives looked at his daddy with cold eyes. He didn't need to ask who he was referring to because he already knew who it was.“I don't mind if you want to play with
“BANNED sa Pilipinas ang drugs na 'to. This drug is only available in the U.S. Imposible na malaman natin kung sino ang source ng illegal drugs na 'yon. It was bought secretly by someone, so it will be difficult for us to find out who the drug dealer is," paliwanag pa ni Eros.“Hmm.” Iyon lang ang isinagot ni Knives sa kaibigan. Pinag-iisapan n'ya kung ano ang gagawin para matukoy kung sino ang dealer ng illegal drugs na iyon na ginamit kay Leila. He wasn't concerned about the woman, but about the drugs used in the incident, especially since they were illegal.Ilang sandali pa'y may kumatok na nurse sa pinto at sumungaw pagkatapos. “Doc Smith, kailangan namin kayo sa emergency room,” anang babaeng nurse.“Okay, susunod na ako,” sagot naman ni Eros sa nurse saka muling bumaling sa kaibigan. “Oh! Before I forget. There's a rumor going around the hospital that Doc Elijah Montenegro's childhood sweetheart is here. Nandito ba ang wifey mo para alagaan ka o para makita siya?” nakangising s
•••••••MATAPOS ang dinner, abala si Knives sa pagbabasa sa laptop ng mga dokumento na ipinadala sa kan'ya ni Liam. Hindi n'ya naasikaso ang mga bagay na iyon dahil sa insidentemg nangyari. Kasalukuyan siyang nasa kama habang nakasandal sa headboard ang likod at may suot na salamin. Si Lalaine naman ay tahimik din na nagbabasa ng paborito niyang libro na isinulat ni Nicholas Sparks na ang title ay “A Walk To Remember.” Ilang beses na niya itong natapos basahin pero hindi pa rin siya nagsasawa, at lagi pa rin siyang napapaiyak sa napakagandang love story ni Landon at Jamie. Marahil dahil sa mga nangyari at sa pagod kaya mabilis nakatulog si Lalaine. Nang mapansin naman ni Knives na nahihimbing na ang babae, inabot niya ang switch para patayin ang ilaw at buksan ang lampshade. May isang oras din ang nakalipas, alas-onse na ng gabi nang marinig ni Knives na humahalinghing si Lalaine at tila nananaginip. Panay ang baling ng ulo nito sa kaliwa't kanan at ang mukha ay para bang takot na
•••••••“HOW are you? May masakit ba sa'yo? Kung 'di mo kaya, umuwi ka na at magpahinga. I'll just call a private nurse,” ani ni Knives na may bahid pag-aalala sa babae.Natigilan si Lalaine sa kanyang narinig. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Bakit siya pa ang inaalala nito gayong ito ang may sakit na iniinda?Makalipas ang ilang segundo, umiling si Lalaine at sumagot. “A-Ayos lang ako. Wala namang ibang nakita sa examination.”Inunat ni Knives ang isang kamay at marahang hinaplos ang baba ni Lalaine gamit ang hintuturo. “May galos ka. 'Di mo pa ba 'yan nilagyan ng ointment?”Nag-init ang mukha ni Lalaine sa ginawang iyon ng lalaki kaya iniwas niya ang mukha rito. “G-Galos lang naman 'yan. H-Hindi na kailangan pa ng gamot.”Pinagmasdan ni Knives ang babae at umarko ang kanyang kilay nang mapansin namumula ang buong mukha nito. “You're blushing. Why? Is that how my touch affects you?”Mukha lang ng babae ang hinaplos ni Knives pero
“P-PLEASE...wag kang mamamatay...”Gusto pa sanang biruin pa ng kaunti ni Knives ang babae pero dahil sobra na ang pag-iyak nito kaya nag-aalinlangan siya.“Don't worry, 'di ako mamamatay,” sagot ni Knives na bahagyang napangiwi sa sakit dulot ng sugat na tinamo.“T-Talaga?” naninigurong tanong naman ni Lalaine habang humihikbi.“Sa tingin mo ba, makakausap pa kita ng ganito kung mamamatay na ako?” ani Knives na sumulyap sa babae.“N-Napanood ko kasi sa balita na may mga kaso na kahit malubha ang sugat, nakakapagsalita pa rin. P-Pero pagkatapos ng ilang sandali...namamatay,” puno ng pag-aalalang turan pa ni Lalaine.Knives wanted to laugh at what she said, but the woman's face showed that she was really worried, so he controlled himself. Ilang sandali pa'y narinig na niya ang sirena ng pulis na kaagad rumisponde sa nangyaring insidente.Samantala, si Leila naman ay kanina pa nasupil ng mga security guards at hawak na ng mga ito ang kamay ng babae. Nakuha na rin ng mga ito ang patalim