“SIYA nga pala, Lalaine. Alam mo na ba ang nangyari sa Benjamin na 'yon? Lahat daw ng buto at joints sa kamay n'ya ay binasag. At ayon sa doktor, wala na raw pag-asa na maibalik pa sa dati.”Nagulat si Lalaine sa balitang iyon. Naging baldado na ang mga kamay ni Benjamin? Si Knives kaya...ang may kagagawan nito? Sa isang iglap, tila isang kidlat na nag-flash sa isip ni Lalaine ang isang ideya. Ginawa kaya ni Knives ang bagay na iyon para ibunton kay Benjamin ang galit sa kan'ya?Ngunit mabilis ding napailing si Lalaine. Hindi ganoon si Knives. Kilala niya ito. Alam niyang ayaw nitong hinahawakan ang bagay na pagmamay-ari nito.Ang ginawa nito kay Benjamin ay isang babala. Lalo pa't para kay Knives, minarkahan na siya nito. Isa siyang bagay na pagmamay-ari nito, isang laruan.“Bruh, tanong ko lang. 'Yung lalaki kaninang may hawak ng phone mo, boyfriend mo ba siya?” mayamaya pa'y tanong ni Abby sa kabilang linya.“H-Ha? Boyfriend? Sinong boyfriend?” pagmamaang-maangan ni Lalaine kay A
KINABUKASAN, pagpasok ni Lalaine sa Debonair, isang masamang balita ang naulinigan ni Lalaine mula sa kanyang mga katrabaho.“Nabalitaan mo na ba? Biglang na-demote si Ms. Divine bilang directress,” ani Rose.“Really? Bakit daw?” tanong naman ni Amy.“I dunno. But they say, because she did something wrong at work,” tugon muli ni Rose sa kausap.“I see. By the way, nabasa mo ba 'yung message sa group chat? Bawal na raw mag-isang makikipagkita sa mga kliyente mga empleyado ng Debonair. Whether you are male or female, two people are needed to deal with the client, especially if it is outside the company,” pagbabalita ni Amy.“Alam mo tingin ko, simula nang mag-take over ang Dawson Group sa Debonair, mas nagkaroon sila ng pakialam sa mga employado. Mas naging concern din sila personal safety natin,” segundo naman ni Rose.“Dapat naman talaga. May customer din akong muntik na akong hipuan. Napakabastos,” anang Amy habang nakasimangot.“True. Nakita mo ba ang listahan ng mga banned customer
NAPAKUNOT-NOO si Lalaine nang makita ang inasal ni Knives. Kanina pa nangangawit ang bibig niya kakangiti pero parang wala na naman sa mood ang lalaki. Pero bakit kanina naman, nang makausap niya ito ay good mood ito? Nagtataka si Lalaine sa inasal ni Knives sa kan'ya kaya naman mabilis niyang isinara ang pinto at sinundan nito. “Mr. Dawson, maghugas ka muna ng kamay bago kumain,” ani Lalaine sa. Tumayo naman ito at dumiretso sa lababo para maghugas ng mga kamay. Isang puting towel ang lumitaw sa harapan ni Knives matapos niyang maglinis ng kamay. Inabot iyon ni Lalaine sa kan'ya at sinabing, “Magpunas ka ng kamay, Mr. Dawson. 'Wag kang mag-alala, bagong 'yan.” Walang imik na inabot ni Knives ang towel na iyon at nang matapos ay isang mapuputing kamay ang sumulpot kanyang harapan para kunin ang towel. Nilabhan muna ni Lalaine ang tuwalya saka isinampay, bago hinarap si Knives na noon ay nasa harapan na ng dining table. “Maupo ka muna, Mr. Dawson. Ihahanda ko lang ang pagka
HALOS mapugto ang hininga ni Lalaine dahil sa halik na iyon ni Knives, dahilan para marahan niyang maitulak ang lalaki sa dibdib. “H-Hindi...ako makahinga...” awat ni Lalaine sa lalaki. Pulang-pula na ang kanyang labi at bahagyang namamaga dahil sa halik na kanilang pinagsaluhan. Pinakawalan naman siya ni Knives na tulad niya ay hinihingal din . Tinitigan siya nito nang kay lalim na para bang may gusto itong alamin ng mga sandaling iyon. “Now tell me, para saan ang lahat ng ginawa mo ngayong gabi?” diretsang tanong ni Knives. If the woman says it's nothing, he won't believe her. Nakagat naman ni Lalaine ang pang-ibabang labi bago mahinang nagsalita, “P-P'wede bang ituloy ko ang pagtira rito sa apartment?” tanong niya na may halong pag-iingat. Maraming siyang review materials na kailangang aralin kaya kung doon siya sa Dawson Residence ay maaaring makita ito ng mga housekeeper. Ang review materials ang kailangan niya para makapasa sa exam at makapag-aral abroad, at dahil nagde
NANG sumunod na tatlong araw, pagkauwi galing sa trabaho ay inuubos lang ni Lalaine ang kanyang oras sa paghiga sa kama lalo pa't wala siyang trabaho na kailangang iuwi.Pakiramdam kasi niya ay pagod na pagod siya dahil sa ginagawa sa kan'ya ni Knives. Tila gustong-gusto nito ang pinaglalaruan siya nang higit pa sa pakikipagtalik.Sa isang banda, nagpapasalamat sun siya dahil napapayag niya ito sa gusto niyang mangyari. Kaya nang araw na iyon, naroon siya sa kanyang apartment at nagre-review lalo pa't nasa business trip din ang lalaki kaya mayroon siyang oras para makapag-aral.Sumapit ang Biyernes ng tanghali, nag-send ng text message si Lalaine kay Knives para itanong kung dumating na ba ito mula sa business trip. Ayon kasi sa kanilang usapan, weekends ay dapat siya tutuloy sa Dawson Family. At kung hindi pa ito nakakauwi, natural na hindi siya magpupunta roon.Buong tanghali ay hindi siya nakatanggap ang reply mula kay Knives kaya lihim niyang ipinagdasal na sana ay hindi pa bumali
“P-PLEASE...wag kang mamamatay...”Gusto pa sanang biruin pa ng kaunti ni Knives ang babae pero dahil sobra na ang pag-iyak nito kaya nag-aalinlangan siya.“Don't worry, 'di ako mamamatay,” sagot ni Knives na bahagyang napangiwi sa sakit dulot ng sugat na tinamo.“T-Talaga?” naninigurong tanong naman ni Lalaine habang humihikbi.“Sa tingin mo ba, makakausap pa kita ng ganito kung mamamatay na ako?” ani Knives na sumulyap sa babae.“N-Napanood ko kasi sa balita na may mga kaso na kahit malubha ang sugat, nakakapagsalita pa rin. P-Pero pagkatapos ng ilang sandali...namamatay,” puno ng pag-aalalang turan pa ni Lalaine.Knives wanted to laugh at what she said, but the woman's face showed that she was really worried, so he controlled himself. Ilang sandali pa'y narinig na niya ang sirena ng pulis na kaagad rumisponde sa nangyaring insidente.Samantala, si Leila naman ay kanina pa nasupil ng mga security guards at hawak na ng mga ito ang kamay ng babae. Nakuha na rin ng mga ito ang patalim
•••••••“HOW are you? May masakit ba sa'yo? Kung 'di mo kaya, umuwi ka na at magpahinga. I'll just call a private nurse,” ani ni Knives na may bahid pag-aalala sa babae.Natigilan si Lalaine sa kanyang narinig. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Bakit siya pa ang inaalala nito gayong ito ang may sakit na iniinda?Makalipas ang ilang segundo, umiling si Lalaine at sumagot. “A-Ayos lang ako. Wala namang ibang nakita sa examination.”Inunat ni Knives ang isang kamay at marahang hinaplos ang baba ni Lalaine gamit ang hintuturo. “May galos ka. 'Di mo pa ba 'yan nilagyan ng ointment?”Nag-init ang mukha ni Lalaine sa ginawang iyon ng lalaki kaya iniwas niya ang mukha rito. “G-Galos lang naman 'yan. H-Hindi na kailangan pa ng gamot.”Pinagmasdan ni Knives ang babae at umarko ang kanyang kilay nang mapansin namumula ang buong mukha nito. “You're blushing. Why? Is that how my touch affects you?”Mukha lang ng babae ang hinaplos ni Knives pero
•••••••MATAPOS ang dinner, abala si Knives sa pagbabasa sa laptop ng mga dokumento na ipinadala sa kan'ya ni Liam. Hindi n'ya naasikaso ang mga bagay na iyon dahil sa insidentemg nangyari. Kasalukuyan siyang nasa kama habang nakasandal sa headboard ang likod at may suot na salamin. Si Lalaine naman ay tahimik din na nagbabasa ng paborito niyang libro na isinulat ni Nicholas Sparks na ang title ay “A Walk To Remember.” Ilang beses na niya itong natapos basahin pero hindi pa rin siya nagsasawa, at lagi pa rin siyang napapaiyak sa napakagandang love story ni Landon at Jamie. Marahil dahil sa mga nangyari at sa pagod kaya mabilis nakatulog si Lalaine. Nang mapansin naman ni Knives na nahihimbing na ang babae, inabot niya ang switch para patayin ang ilaw at buksan ang lampshade. May isang oras din ang nakalipas, alas-onse na ng gabi nang marinig ni Knives na humahalinghing si Lalaine at tila nananaginip. Panay ang baling ng ulo nito sa kaliwa't kanan at ang mukha ay para bang takot na
••••••“BITIWAN mo ako, Elijah...” ani Lalaine na sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ito tinawag na kuya. Sinadya iyon ni Lalaine para mapaniwala n'ya ang lalaki, at isipin nitong nagseselos sa pakikig-usap nito kay Madam Faye.Nang marinig iyon ay kumabog naman ang dibdib ni Elijah lalo pa't kitang-kita n'ya sa mukha ng babae na nasasaktan ito at nagseselos dahil sa pagdating ni Faye sa eksena.“Ipahahatid na kita kay Lu Sy. Kumain ka at magpahinga. I just have business to discuss with this bitch,” nakangiting saad naman ni Elijah.“S-Sige...” sagot ni Lalaine saka inalalayan siyang tumayo ni Lu Sy.Parang gustong manakbo ni Lalaine ng mga sandaling iyon dahil sa labis na pandidiri at pagkasuklam sa lalaki pero dahil hindi pa magaling ang kanyang paa kaya mabilis na lang siyang naglakad kahit masakit iyon makalayo lang sa baliw na si Elijah.“About business, huh?” nanunuyang saad naman ni Faye nang tuluyang makaalis si Lalaine. Bakit, Flynn? Natatakot ka bang makita kung paano tay
“ISA iyan sa mga parusa para sa mga babaeng tumatakas sa lugar na ito. Hindi lang 'yon, bubuhusan ka rin ng asido sa mukha sa oras na mahuli ka...”Nangingilabot si Lalaine habang pinakikinggan ang mga sinasabing iyon ni Elijah. Hindi rin n'ya makayanang tingnan ang babaeng nasa loob ng salaming kwarto na pinagpapasa-pasahan ng maraming kalalakihan kaya inalis niya ang paningin dito.“Sa tingin mo, tatagal ka kaya sa lugar na 'to na wala ang tulong ko?” nakangising tanong pa ni Elijah. Kasabay niyon, isang loud speaker ang biglang tumunog at nangilabot si Lalaine nang marinig mula sa speaker na iyon ang nakakadurog pusong iyak at pagmamakaawa ng babaeng nasa salamin.Awtomatikong nanginig ang buong katawan ni Lalaine dahil sa narinig. Mabilis niyang tinakpan ng dalawang palad ang kanyang tenga subalit ang atungal ng babae mula sa kwarto ay para bang nanonood sa kanyang kaibutiran.Uminit ang sulok ng mga mata ni Lalaine habang nakapikit. Ang sakit-sakit ng kanyang puso dahil sa matind
•••••“I'M NOT crazy, Lalaine. I would have liked to wait for you to get better before I did this, but you're making me angry. Kaya kung ako sa'yo, mag-behave ka lang para hindi ka na masaktan pa...” “Ayaw ko! Hayop ka! 'Wag mo akong hawakan, nakakadiri ka!” sigaw ni Lalaine habang patuloy na nagpupumiglas. Pero dahil may sugat siya ay nanghihina pa kaya halos hindi naman iyon nararamdaman ng lalaki.Napangisi naman si Elijah habang patuloy na tinatanggal ang pagkakabutones ng suot ni Lalaine. “Kung 'di mo ako gusto, sino ang gusto mo? Si Knives Dawson?” puno ng pang-uuyam na tanong nito. “'Wag ka nang umasa. His first love and fiancé is back. You have no place in his life anymore, Lalaine...”Biglang nagbago ang reaksyon ng mukha ni Lalaine ng mga sandaling iyon.Samantala, tuluyan na ngang natanggal lahat ng demonyong si Elijah ang pagkakabutones ng damit ni Lalaine. Tumambad sa kan'ya ang maputi at makinis na balat ng dalaga. And even though it was covered with a white shirt as an
DAHAN-DAHANG iminulat ni Lalaine ang mga mata. Ang kisame na nasasabitan ng magarbong chandelier ay unti-unting naging malinaw sa paningin ni Lalaine. Puno ng karangyaan ang malaking bahay na iyon na unang beses lang na makita ni Lalaine simula nang mapunta siya sa Chína.Malayong-malayo iyon sa maliit at madilim na kwarto kung saan siya nakakulong noon, kaya alam niyang nasa ibang lugar siya sa pagkakataong iyon.Nagtangkang bumangon si Lalaine gamit ang isang kamay, subalit dahil nakalimutan niyang may malubhang sugat pala siya sa kaliwang paa ay malakas siyang mapadaing nang mapuwersa iyon.“Miss...” isang maputing babae na mukhang Chinese. Lumapit ito kay Lalaine ay maliksi siyang inalalayan. “Yóuyú shāngshì yánzhòng, nín hái bùnéng dòng (Hindi ka pa p'wedeng gumalaw dahil malubha ang sugat mo),” anang babae na hindi naman naintindihan ni Lalaine.Iwinasiwas ni Lalaine ang kamay saka alanganing ngumiti. “I don't understand Mandarin. Please just speak English,” pakiusap ni Lalaine
AT the CEO's Office.Nakatayo sa harapan ng French window si Knives at masamang ang mukha dahil sa ibinalita ng kanyang secretary. “What the fúck did you say?!” “Ms. Lalaine has lost contact,” pag-uulit ni Liam. “Ang huling nai-trace sa kan'ya ng team ay bumili siya ng ticket sa bus pauwi sa Tierra Nevada. Pagkatapos no'n, wala nang balita sa kan'ya, Sir.”Mariing naikuyom ni Knives ang mga kamao at halos magdikit na ang makakapal na kilay dahil sa pagkakakunot ng noo. “How about her mother? May balita ba kayo sa kan'ya?”Umiling naman si Liam. “According to the team, Mrs. Aragon has not been seen since she left Tierra Nevada. And no one knows where she is when we ask around to those who know her.”Nagdilim ang anyo ni Knives ng mga sandaling iyon, at hindi n'ya maipaliwanag kung bakit pero umahon ang pag-aalala sa kanyang dibdib. May nangyari kayang masama sa babae? O nagtago lang ito para mapigilan ang kanilang annulment?“Just keep searching. Find her no matter what.”“Alright, Si
“WELL, dahil sinubukan niyong tumakas, kailangan niyo itong pagbayaran...”Naikuyom ni Lalaine ang mga kamao habang galit na galit na nakatingin kay Elijah. “Gusto lang n'yang makauwi mula sa impiyernong lugar na 'to! Anong masama roon?!” umiiyak pa ring sagot ni Lalaine.“That's the problem, she wanted to go home so I killed her,” kaswal namang sagot ni Elijah na kung umasta ay para bang pumatay lang ng hayop. “Let's go, I need to treat your wound,” anyaya pa ng lalaki saka umastang aakayin pa si Lalaine.Pero sa halip na sumunod, Wala sa sariling hinablot ni Lalaine ang baril ng lalaki na nakasukbit sa baywang nito saka itinutok iyon kay Elijah.“Hindi ako sasama sa'yo!” sigaw ni Lalaine habang nanginginig ang kamay na may hawak ng baril. Humakbang siya paatras kay Elijah pero dahil malala ang sugat niya sa kaliwang paa kaya muli rin siyang natumba sa sementadong kalsada.Gumasgas ang kamay ni Lalaine sa mabatong kalsada nang itukod niya iyon, pero nanatili sa kanyang kamay ang mahi
PINAGMASDAN ni Lalaine ang masuyo at gwapong mukha ng lalaki. Maging mapuputi nitong ngipin ay kitang-kita kahit sa pinakamadilim pa yatang kapaligiran.Ang truck nito na may simbolo na isa ito opisyal sa lugar na pinaggalingan niya at ang red name tag na nakasukbit sa dibdib nito ay sumisimbulo kung ano ang katauhan ng lalaki nakatayo sa kanyang harapan. Hindi maaaring magkamali si Lalaine. Base sa itsura nito at lahat ng mga nakita niya, si Elijah...ay isa sa miyembro ng apat na taong nagpapatakbo ng impiyernong iyon...Ito ang taong hindi nakilala o nakita ni Veronica dahil madalang lang itong magpakita sa mga naroon, at tanging si Madam Faye at Madison lang ang nakakaalam sa tunay na katauhan ni Elijah Montenegro o kilala bilang “Flynn” sa lugar na iyon.Ito ang taong halos isamba na ni Lalaine dahil sa kabutihang loob...Ito ang lalaking pinagkatiwalaan ni Lalaine higit kaninuman...Ito ang taong mistulang anghel na bumaba sa langit at tinulungan at ginamot ang mga taong may saki
NAGKATINGINAN si Lalaine at Veronica sa isa't-isa. Si Veronica ang taong bumaril kay Madison. Kaninang madaling-araw, habang mahimbing na natutulog ang mga bantay ay palihim na pumuslit si Veronica sa kwarto ni Lalaine dala ang isang Calibre 45 na matagal na niyang itinatago. Ang baril na iyon ay nadampot n'ya nang minsang may patayin si Boss M na isa sa mga tauhan nito.Ang unang hakbang ng kanilang plano ay tiyempuhan si Madison na mag-isang gumagawa ng kahayupan sa live sex show. At pagkatapos niyon ay lalansiin ito ni Lalaine papasok sa kanyang kwarto at doon naman kikilos si Veronica para barilin ang lalaki.Nangislap ang mga mata ni Veronica. Nagkaroon siya ng pag-asa na makakatakas sa impiyernong iyon dahil successful ang unang hakbang ng kanilang plano— ang mapatay ang demonyong si Madison.Mabilis na dinampot ni Lalaine ang red name tag na nakasukbit sa baywang ni Madison dahil iyon ang gagamitin nilang gate pass para makalabas sa mga security doors. Mahalaga ang bagay na iyo
“ALAM mo ba kung bakit ganito ang mukha ko? Dahil nang una akong mapunta rito, katulad mo rin ako na gustong tumakas. Pero nahuli ako ni Madam Faye, bilang parusa ay binuhusan n'ya ng asido ang mukha ko...”Naaalala pa ni Veronica— ang piping doktor kung gaano kasakit ang ginawang iyon sa kan'ya ng demonyong si Faye nang minsan magtangka siyang tumakas. Iyon bang pakiramdam na sinusunog ka ng buhay at naaamoy mo pa ang sarili mong laman na naluluto.At alam ni Faye na isa si Veronica sa magaling na medical students sa kolehiyo kung saan ang nag-aaral ang babae. Kaya sa halip na patayin ay binuhusan lang nito ng asido ang mukha niya at nilagyan nito ng proteksyon ang mga mata niya nang sa gayon ay hindi madamay sa pagkasunog at mapakinabagan pa siya.Pagkatapos ng pangyayaring iyon na bumago sa buhay ni Veronica, tuluyan na niyang kinalimutan ang ideya ng pagtakas sa mala-impyernong lugar na iyon para na rin sa ikabubutu niya.Matapos malaman ang salaysay ng babaeng pipi ay matamang p