Share

Remembering the Cold
Remembering the Cold
Author: MyMischievous_M

SIMULA

SIMULA

I can’t believe this! Sinong mag-aakala na sa loob ng sampung taon ay makikita kong muli si Magnus? My ex-boyfriend! Ang akala kong masayang biglaang bakasyon dito sa Polillo Island kung saan sinundan namin ang aming kaibigan na si Astrid ay ang siyang magtatagpo sa aming landas ni Magnus?

Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sobrang tagal na rin simula noong huli kaming nagkita at hindi naging maganda ang huli naming tagpo. Hanggang ngayon malinaw pa rin ang lahat sa mga alaala ko. Ang sakit, pait at hirap na dinanas ko ay nakaukit pa rin sa puso ko. Pero sa loob ng sampung taon sinigurado ko na nakatago ang lahat ng damdaming ‘yon. Dahil alam kong mananatiling alaala na lang sa akin si Magnus.

But why am I here now? Why is Magnus here now? Ano ba talagang plano ng tadhana sa aming dalawa? Bakit pa kami muling pinagkita gayong marami na ang nagbago sa aming dalawa?

Masayang nakasakay sa jet ski ang mga kaibigan ko na nakilala ko sa Legazpi, Albay. Hindi ako marunong mag jet ski dahil hindi rin naman ako marunong lumangoy. I have a Thalassophobia, a fear of the ocean or other large, deep bodies of water.

“So… you’re friends with Levi’s girlfriend…” I swallowed hard when I heard his voice. He’s standing next to me habang pinagmamasdan namin ang nagsasaya kong mga kaibigan. Kung pwede ko lang itulak ang mga ito sa dagat at lunurin ginawa ko na! Sila ang dahilan kung bakit naiwan ako dito ngayon kasama si Magnus! At teka nga lang? Bakit ba siya nandito pa? Marunong naman yata siya mag jet ski ah? Bakit hindi na lang siya makisaya sa mga kaibigan ko?

Nanatili akong tahimik. Hangga’t maaari ayaw kong makabuo ng conversation sa kanya. Ayaw ko siyang makausap. I heard him chuckled mockingly. Talagang pinigil ko ang sarili na wag lumingon sa kanya.

“You’re mute now?” may pangungutya sa kanyang tono. Huminga ako ng malalim. Ayaw ko siyang makausap. Tapos na ang lahat sa amin sampung taon na ang nakakalipas. Para makaiwas napagdesisyonan kong umalis na lang doon. Ngunit bago pa ako makaalis isang matigas na kamay ang humawak sa aking braso pabalik sa aking kinatatayuan. Dumaloy ang kakaibang kuryente sa buo kong katawan nang maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang kamay sa aking balat.

Dahil sa kanyang pwersa ay tumama ako sa kanyang dibdib! Mabilis ko siyang naitulak at hinigit ang aking braso sa kanyang pagkakahawak!

“I-I have nothing to say to you!” damn it! Pinagsisisihan kong nagsalita pa ako dahil halatang nanginginig ito!

“Really?” his voice turned cold. My breathing hitched when he closed our distance. Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata. Nanatili sa kanyang malapad na dibdib ang aking mga mata. Hindi ko kayang tumingin sa kanya dahil pakiramdam ko tuluyan ng babagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan simula nang muli ko siyang makita.

No. Estella. Don’t cry. Tapos ka na sa pag-iyak dahil sa lalaking ‘to. I won’t cry for him anymore.

“You have nothing to say… Estella?” the way he calls my name feels so nostalgic. Rumagasa sa akin ang mga alaala ng nakaraan. His sweet voice and the way I like it when he calls my name. Damn it!

“Bitawan mo ako!” pinilit kong ayusin ang aking boses para hindi ito manginig. But his hold didn’t loosen sa halip mas lalo pa itong humigpit at nilapit ako sa kanyang katawan! Mabuti na lang masyadong busy sa pagsasaya ang aking mga kaibigan sa pagjejet ski kaya hindi nila napapansin ang nangyayari sa amin dito ni Magnus!

“Not until you tell me…” he leaned closer to my ear and continued, “…the reason why you left me after… you… gave your virginity to me…” labis ang pagpintig ng puso ko dahil sa kanyang sinabi. My hands immediately pushed him hard but he won’t get off!

“Tell me… why… you left leaving just a note that you’re breaking up with me?” ramdam na ramdam ko ang poot sa kanyang boses. Nanginig ang tuhod ko. Pakiramdam ko pagkatapos nito ay hinding hindi na ako makakatakbo palayo.

“I-It’s been 10 years, Magnus! I know you’ve moved on! Kaya… hindi mo na kailangan pang malaman ang dahilan! Let’s just be happy for what we become right now!” I told him. Natigilan ako nang iangat ng isa niyang kamay ang aking baba dahilan ng pagtatama ng aming mga mata. His gray eyes made my knees wobbled. It is the same eyes I used to stare at 10 years ago. I can’t believe I am staring it again, it’s just it’s different right now. Kung noon ay puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata sa tuwing tumitingin sa akin, ngayon ay puno ito ng poot at galit.

Galit na umuukilkil sa aking puso at damdamin. Galit na kailanman ay hindi ko inaasahan na ibabato niya sa akin. Because he is Magnus Rhoswen Kallin, a handsome bachelor, successful and everyone likes him. Impossibleng hindi niya pa rin nakakalimutan ang lahat.

“No…” he uttered gritted. I swallowed hard but it was becoming difficult to swallow. I feel like something is blocking my throat because of the nervousness I am feeling. “You made me a fool, Estella. So… you have to pay for it…” he added darkly. Mas lalo akong nanghina sa sinabi niya. Sa bawat salita niya pa lang para na akong tinutusok ng maraming karayom.

Binitawan na niya ang aking braso. Pero hindi ko na kayang makatakbo. Pakiramdam ko nakapako na ako sa buhangin habang tumatama ang maliliit na alon sa aking mga paa mula sa dalampasigan. Tumalikod na si Magnus ngunit bago siya umalis ay malinaw kong narinig ang kanyang mga huling salita.

“Hinding hindi mo na ako mapapaikot, Estella. Magbabayad ka sa pag-iwan mo sa akin. Tandaan mong… mahal akong… maningil,”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status