Share

KABANATA 8

KABANATA 8

Hindi ako makatulog sa gabing ‘yon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang pait sa sistema ko. Nababaliw na siguro talaga ako. Kung normal na lalaki lang si Magnus siguradong wala akong pakialam sa kahit anong isipin niya sa akin. Pero… bakit nga ba iba si Magnus sa lahat ng lalaking nakilala ko? Ano nga bang pagkakaiba niya sa ibang tao?

Kinabukasan ay matamlay na matamlay ako. Buti na lang nasa duty si Daddy kaya hindi kami magkasabay mag breakfast. Habang nasa byahe patungo sa school ay natanawan ko ang starbucks. Kung normal lang na mga araw ay hindi na ako magdadalawang isip na dumaan ngunit ngayon hindi ko mapigilan ang magdalawang isip. Bumuntong hininga ako.

“Ma’am, dadaan po ba tayo ng starbucks?” tanong ng driver ko. Napatitig ako sa kanya at tahimik na umiling. Hindi na muna siguro. Hindi ko alam kung kaya ko bang harapin si Magnus ngayon. Pero… ikatlong araw niya na ito sa community service kung papalagpasin ko ang araw na ‘to
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status