Hindi na niya pinatapos ang sinasabi ng matanda at agad na tumayo si Astrid para magtanong sa waiter kung nasaan ang kanilang cr.
Nang makapasok na siya sa loob agad niyang tinignan ang sarili sa salamin. Lalo siyang nagulantang nang makitang ibang muka ang makita niya. "Sino to?!" Malakas na sigaw niya at hinawakan ang salamin. "Patay na ba ako?! Hindi ko muka itong nasa salamin!" Mabuti na lamang at ang cr ng restaurant na ito ay pang isang tao lamang na gagamit. "Pero natulog lang naman ako? Paanong nangyari yun na ibang tao nako?!" Hindi makapaniwala sa kung anong nangyayari sa kanya ngayon. "Wala din si nanay dito, imposibleng pumayag yun na hindi siya kasama sa plinano niya?" Napasabunot siya sa kanyang sarili. Nasa lugar siya na hindi niya alam, hindi niya kilala ang kanyang kausap, at mukhang ang kanyang kaluluwa ay nasa katawan ng ibang tao. "Lord alam ko namang hindi ako ang favorite mo, pero bakit naman ganto ang nangyayari sa akin ngayon?" Nangingiyak na dasal niya. Sumilampak na lang siya sa malamig na lapag ng cr, walang pake kung marumihan ang kanyang suot. Matapos ang ilang segundo, saka niya naalala na may dala pala siyang puting handbag. Napaupo siya at tinignan agad ang laman nito. "Astria nga ang pangalan ng mukang ito." Bulong niya sa sarili niya nang may makita siyang id nito, kinalikot niya ulit ang handbag para hanapin ang cellphone nito. "Wala bang cellphone tong babaeng to?" Dismayado niyang saad nung wala siyang mahagilap na cellphone sa loob nito. "Ano nang gagawin ko? Hindi ko kilala kung sino man tong nasapian ko, hindi rin naman pwedeng magkulong lang ako dito! Jusko!" Napaupo na lamang siya sahig. Gusto niyang sumigaw para lang kumalma siya kaso baka mapagkamalan na siyang baliw kung gawin niya ito. "Bakit naman kasi sa dami ng tao sa mundo, ako pa yung marereincarnate na may mga alaala pa ng dating buhay ko." Alam niyang mamaya ay may kakatok na sa pinto ng cr, ngunit hindi pa niya magawang lumabas. Lalo na kung wala siyang kaalam alam sa sarili niya, sa lugar kung nasaan siya, at sa kanyang kasama na siguro ay umalis na, sa tagal ba naman niyang nakatambay sa loob ng cr na ito. Tumayo na siya at nag-simulang ayusin ang sarili. 'Tunay na napakaganda ng babaeng ito.' Manghang tinignan niya ang sarili sa salamin. "Buti na lang at nareincarnate ako bilang magandang babae." Banggit niya sa sarili niya, at hinaplos ang kanang pisngi niya. "Parang ang kapal naman ng muka ko nito.. Pero kung ito man plano ng Diyos para sakin, kailangan ituloyn ito ng maayos ano?" Mabilis na tinanggap ang pangyayari, at dahil wala rin naman siyang choice. Mabilis niyang inayos ang kanyang sarili, at nag retouch gamit ang mga make up na nasa loob ng bag. "Ano ba to! May make up, pero cellphone wala." Reklamo niya habang naglalagay ng mga kolorete sa kanyang mukha. May epekto naman pala ang pagiging pakilamera niya sa gamit ng kanyang nanay nung bata at teenager pa siya. Itinuwid naman niya ang mga lukot na parte ng kanyang bistida na kulay asul. Tinignan niya muli ang buong sarili niya sa salamin. Mabagal siyang umikot upang makita ng kabuuan pati ang kanyang likuran. "Ayan. Maayos na itsura ko." Sakto nang matapos siya, ay may kumatok ng tatlong beses. "Palabas na! Pasensya na po!" Agad niya na inayos ang mga kinalkal niyang gamit at binalik sa loob ng puting handbag. 'Andaming gamit, nagkasya sa maliit na bag na ito.' Pagtapos ayusin ang mga gamit niya, binuksan na niya ang pinto. Tumambad sa kanya ang isang waiter, siya siguro ang nagkakatok kanina. Nakaramdam ng konting hiya si Astrid, at napaisip na baka naririnig siya kanina nito nung nasa loob pa siya. Napaka lakas pa ng boses niya kanina. "Kanina pa po kayo inaaantay ng kasama niyo po." Maikling sambit sa kanya nung waiter pagkabukas niya ng pinto. Nginitian naman niya ito at tumango. "Thank you." Pagpapasalamat naman ni Astrid dito, at hinanap na ang pwesto nila kanina. Hindi naman ito kalayuan sa cr, kaya hindi na siya nahirapan na makita agad ang kausap niya kanina na nakaupo pa rin sa pwesto niya. Hindi agad siya umupo nung malapit na siya sa pwesto nila. Sapagkat bumungad sa kanya ang puno ng pag-aalala na mukha ng nakakatanda. Tumingala naman ang lalaki dahil nakaramdam ito na may nakatayo malapit sa kanya, at hindi nga siya nagkamali."Astria iha! Kamusta ka? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Agad namang tanong nito sa dalaga. Tumango naman si Astrid at ngumiti dito. "Opo. Gusto ko lang po humingi ng paumanhin sa iyo po sa inasal ko po kanina, pasensya po." Agad naman pinaupo siya ng lalaki. "It's okay iha. I understand na this could be overwhelming sayo, kaya I want to apologize din." Sambit nito kay Astrid, na agad naman nakapag palumbang ng kanyang loob. "Bago ang lahat, gusto ko lang din po itanong. Anong petsa po pala ang binanggit mo kanina, at anong sakit po ang sinasabe mo? Upang maunawaan ko naman po ang nangyayari." Nag-dalawang isip naman ang nakatatanda bago mag-salita. "Sigurado ka ba? Ayokong biglain ka na naman." Tumango agad si Astrid, kahit pa na may pag aaalinlangan pa, sinabi na lang din ni Timothy sakanya. "Bale ang magiging petsa ng inyong kasal ng aking anak ay January 15th, ayos lang ba sayo yun?" Tumango naman si Astrid. 'Kahit naman sabihin kong ayos lang, wala naman ako magagawa. Hindi
Walang nakuhang sagot pabalik si Timothy mula sa kanyang anak. Minsan talaga hindi na niya maintindihan kung paano niya ba pakikitunguhan ng maayos ang anak niya. "You won't even greet your own father?" Nakarinig siya ng malalim na pag-hinga nito. "You do know that I'm busy, and made that clear before you left to go to your appointment." Pag-susungit nito, mahinang natawa naman ang kanyang tatay. "Tapos tatawa ka lang diyan pagtapos mo akong istorbuhin sa ginagawa ko. Ano ba yang sasabihin mo?" Nakangiting umiiling si Timothy. "Sungit mo kahit kailan. Alam kong lalo mo din akong susungitan pag-narinig mo ang sasabihin ko." Tumahimik naman ito sa kanyang narinig. Inaaantay na ituloy ng kanyang tatay kung ano man ang mahalagang balita na sasabihin nito. Ngunit masama na agad ang kutob na nararamdaman nito sa kung ano man ang balitang yun. "Go on. Tell me." Pag-udyok niya. "Naka maskara ka na naman ba? I can't even comprehend properly what you're saying, it's muffling your voice
"Miss Astria! Ano pong ginagawa mo diyan? Halika hatid na po kita sa loob, nag aantay na din po si ate Bebang sa pinto upang samahan ka po papunta sa iyong kwarto." Napatingala naman si Astrid dito, at nakitang hinihingal pa ang driver. "Nako! Pasensya po." Agad na pag-hingi ng paumanhin ni Astrid dito. Ngumiti lamang ang driver sa kanya, at sinenyasan siyang sumunod. Pinagpagan niya ang sarili niya bago tumayo, mahigpit ang hawak sa handbag na dala niya. Pagkarating nga nila sa tapat ng pinto, may nag-aantay na babae sa kanila doon. May kaedaran na din ito, at napagtanto niyang baka ito ang sinasabing ate Bebang ng driver kanina. "Salamat Rigor sa paghatid kay Miss Astria sa pinto." Tumango naman ang driver na kasama niya, at nag-paalam na aalis na. Nung pababa na ito, saka naman siya tinawag ni Ate Bebang upang pumasok na sa loob, at agad na napamangha siya sa ganda ng loob ng mansion. "Base sa iyong kinikilos, batid ko po ay nakalimot ka na naman po Miss Astria?" Tumango nam
Maririnig ang mga matitinis na huni ng ibon, at sa loob ng mansion ng mga Santiago makikita naman si Ate Bebang na dali-daling umakyat papunta sa kwarto ng kanyang alaga. Malakas na kumatok ito, ngunit wala siyang nakuhang sagot kaya nag-pasiya na siyang pumasok sa loob at may importanteng biglaang lakad si Astria. "Miss Astria, gising ka na po." Pag-tawag niya dito. "Miss Astria, kailangan mo na pong gumising." Ngayon naman mahina niyang niyugyog ito, at nakita niyang paunti-unti na siyang nagigising. Agad na kumunot ang kanyang mga kilay nang maramdaman na ni Astrid ang liwanag. "Gising ka na po, kailangan mo na pong kumilos at mag-ayos." Pag-mamadali ni Ate Bebang sa kanya, dahil antok pa si Astrid mahina itong sumagot ng '5 minutes pa po ate' na malinaw na narinig ni Ate Bebang. "Nako! Hindi po puwede Miss Astria! Kailangan mo na pong kumilos at bibisita dito ang mapapangasawa mo po at si Mr. Miller na tatay niya!" Agad naman napabalikwas si Astrid sa kanyang narinig.
"So, you both agree with the date?" Tanong ni Timothy sa dalawa, nakikita man ang pag-aalinlangam ni Astrid tumango pa din ito. Ang kanyang anak naman ay naka-krus lamang ang dalawang braso, at kahit hindi nakikita ang mukha nito gawa sa suot niyang maskara, ramdam na nito ang irita. "Do I have any choice? None." Supladong sagot niya sa kanyang tatay. Matapos ang humigit isang oras na pag-papaliwanag tungkol sa kung bakit kailangan agahan ang kasal nila, nag-tagumpay naman siya. Napabuntong-hininga na lang ang matanda, ang importante ay napapayag niya ang dalawa. Samantalang si Astrid naman ay tahimik lang sa harapan nila, malalim ang iniiisip. Napansin naman ito ng matanda, at sumimangot. Hindi naman niya kagustuhan ang paagahin ang kasal nila, naiiintindihan niya na mahirap na bagay ang pinasubo niya sa kanila. "Pasensya na kayong dalawa kung nabigla ko kayo, ngunit kailangan ko itong gawin." Pag-hihingi paumanhin nito sa dalawa. Tumingin si Astrid sa binata, hindi
"Ate Bebang! Ayos na po ba lahat? Wala na po ba ako ibang nakalimutan pa?" Sigaw ni Astrid mula sa loob ng kanyang kwarto, bumukas namang pinto nito. Pumasok naman si Ate Bebang na may dala-dalang tinapay na may egg, at may halong mayonnaise ang palaman. "Opo, binaba na din po ni Kuya Rigor ang lahat ng bagahe mo po." Sagot ni Ate Bebang, at inabutan si Astrid ng dala niyang tinapay, ngunit may ginagawa pa ang dalaga kay nilapit na lang niya sa bibig nito at kumagat agad si Astrid. Ngayon ay nag-mamadali na siyang ayusin ang kanyang sarili, nalimutan niya na ngayong araw na nga pala siya lilipat sa bahay ng mga Miller. Anong oras na siya nagising kanina, at ngayon ay binibilisan na ang kanyang kilos, baka mamaya ay biglang dumating na ang pinapunta ng mga Miller na mag-susundo sa kanya. "Kumain ka na po muna, baka dumating na lang po bigla ang sundo mo at wala ka pang kain." Saad ni Ate Bebang, habang pinapakain pa din si Astrid ng dala niyang mga tinapay. "Kumakain naman
𝘈𝘴𝘵𝘳𝘪𝘥! 𝘕𝘢𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯?! 𝘈𝘴𝘵𝘳𝘪𝘥 𝘣𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘢𝘢𝘣𝘰𝘵 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘢?! 𝘒𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘱𝘢𝘮𝘣𝘢𝘺𝘢𝘥 𝘺𝘶𝘯 𝘯𝘨 𝘶𝘵𝘢𝘯𝘨! 𝘉𝘢𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘶𝘵𝘢𝘯𝘨! 𝘈𝘴𝘵𝘳𝘪𝘥, 𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘢?! 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘱𝘢𝘨-𝘵𝘢𝘨𝘶𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘢! 𝘈𝘚𝘛𝘙𝘐𝘋, 𝘞𝘈𝘓𝘈𝘕𝘎 𝘏𝘐𝘠𝘈 𝘒𝘈! 𝘈𝘕𝘖 𝘠𝘜𝘕𝘎 𝘗𝘐𝘕𝘈𝘎𝘒𝘒𝘞𝘌𝘕𝘛𝘖 𝘔𝘖 𝘚𝘈 𝘔𝘎𝘈 𝘒𝘈𝘐𝘉𝘐𝘎𝘈𝘕 𝘔𝘖 𝘕𝘈 𝘞𝘈𝘓𝘈 𝘈𝘒𝘖𝘕𝘎 𝘒𝘞𝘌𝘕𝘛𝘈𝘕𝘎 𝘐𝘕𝘈?! 𝘈𝘚𝘛𝘙𝘐𝘋! 𝘈𝘚𝘛𝘙𝘐𝘋! "Hoy." Napamulat si Astrid sa gulat. Hindi niya namalayan nakatulog pala siya, tumingin naman siya sa taong gumising sa kanya. Nawindang siya nang may makita siyang kulay brown na mga mata na nakatingin sa kanya mula sa dalawang maliit na butas ng maskara. Hindi niya inaaasahan na siya pa pala ang una niyang makikita pagdating sa destinasyon nila. "Tristan?" Paninigurado niya, nang makita
Hinayaan na lang niya ang sarili niyang paa na mag-lakad kung saan man siya dadalhin nito, ilang hakbang na lang ay malapit na siya sa pinto. Hahawakan na niya sana ang knob nung pinto, nang bigla itong bumukas. Nagulat si Astrid at napaupo sa sahig, ang bumungad sa kanya ay isang batang lalaki na mukhang nasa edad na 4-5 na taong gulang. Nagulat din ito ng makita niya si Astrid, kaya napaupo din siya sa sahig. "Ouch!" Pag-iyak niya, habang hinihimas niya ang kanyang pwet. "Theo! Nasaan kang bata ka?!" Isang pamilyar na boses naman ang nag-tatawag sa bata, kaya naman tumayo na agad ang bata. "Ate! Tago mo po ako!" Desperadong sigaw niya, at tumango na lang si Astrid kahit na hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Pumunta ito sa likod ni Astrid, kumapit sa likod ng damit niya, at tinago ang sarili niya. Napaestatwa na lang si Astrid sa kinatatayuan niya, hindi na iniiisip kung ano man ang itsura niya pag nakita siya ng nag-hahanap sa batang ito. Ang mahalaga magawa n
Agad na nag-iwas ng tingin ng lalaki, at umalis sa kanyang table. 'Hindi ako pwede mag-kamali. Siya nga yun! Ano nga ulit ang pangalan nung lalaking yun?' 'Kamag-anak pala sila ni Tristan? Pero bakit hindi siya kilala nito??' Maraming katanungan na naman ang pumasok sa maliit na kokote ni Astrid, at alam niyang ang makakasagot lang nito ay ang lalaki, kaya napag-isipan na niyang sundan ito at kausapin. Mula sa kanyang likuran, hindi pa niya napapansin ang nalalapit na lola ng kanyang asawa, kaya nung nakita nito na pag-tayo ng dalaga, binilisan ng matanda ang pag-lapit sa kanya. Bago pa makalayo si Astrid, kinalabit na agad niya ang dalaga, kaya napalingon ito sa likuran niya, at laking gulat niya nang makita ang lola pala ito ng lalaking kasama niya. "Hello, Mrs. Miller!" Agad na bati niya, at ngumiti ang matanda."Oh please, you can just call me however you want. Even mom is good. I'm sure you didn't have anyone to call one, so you can call me that." Matamis ang ngiti ng pinaki
Inangat agad ni Astrid ang sarili sa pagkakayuko, at inayos ang postura niya. "There. You look gorgeous, and a woman like you should be confident." At nginitian si Astrid, natutuwa na makitang paano nito iprisenta ang sarili. Kung kanina ay kabadong-kabado pa siya, tila nag-laho agad na parang bula yun. Dahil sa mga salitang nanggaling sa nakakatanda. 'Kailangan kong ipakita sa kanya ang gusto niya makita, kung gusto kong tumagal sa pag-papanggap ko bilang asawa nito. Lalo pa't ang iilang katanungan ko ay alam kong siya ang makakasagot.' "Thank you so much for the kind words. I almost forgot to show that I am confident due to the beautiful people I've met today." Mga bulungan ay biglang nag-bunga mula sa likod ng nakakatanda. Ngunit hindi siya nag-patinag, nanatili lang siyang tuwid ang likod, chin up, may ngiti sa mukha at nakatingin siya ng diretso sa mga mata nito. Maging si Tristan ay nagulat sa mabilis na pag-babago nito, na gawa ng ilang salitang pag-pupuri na nan
"Of course, Tristan! Enjoy yourselves!" Malaking ngiti na sabi ng nakakatanda, at tumango si Tristan. Sinabit ni Tristan ang kamay ni Astrid sa elbow ni Tristan. Mabilis na tinalikuran nila ang dalawa, at tinungo ang side kung nasaan ang mga pagkain. "Are you okay?" Bulong ni Tristan sa kanya, tahimik na tumango si Astrid. "Oo, thank you. Hindi ko alam ano dapat sasabihin kanina." "It's fine. Hindi rin sila matatapos kakatanong kung ikaw yung mag-sasalita kanina." "Edi wag na lang ako mag-sasalita buong party?" Napabuntong hininga si Tristan sa sinabi nito. "Of course not. Pipi ka ba para di mag-salita?" "Hindi. Pero ang hirap naman kasi pakisamahan ng mga tao dito." Tumango si Tristan sa sinabi nito, "That I could agree with at least." "Edi-" Hindi natapos ang sinabi ni Astrid nang sumabat agad ang kanyang asawa. "But that doesn't mean you won't talk." Sumimangot si Astrid sa nakuha niyang sagot, kaya bumitaw na si Astrid sa pagkakahawak niya sa braso ni Tristan,
Nang makapasok na sila, napanganga si Astrid nang makita ang loob. Alam niyang party ito ng mga mayayaman, ngunit ito ang unang pagkakataon na ay magiging parte nito. Napakalawak ng loob ng dome, isang napakalaking chandelier ang nasa gitna, maliwanag na nag-niningning. At dahil isang pabilog ang venue, napakalaking espasyo ang mayroon. Sa itaas na parte ay mayroong iilang bintana na paikot sa chandelier. Sa isang gilid makikita ang catering ng mga pagkaing handa para sa party, sa kabilang gilid ay makikita ang isang bar, sa sumunod na gilid ay isang photobooth, na mayroong nang gumagamit, katabi nito ay ang naglalalakihang mga speaker na napakalakas ng volume ng party music ay maririnig, ang soundwaves nito ay vumivibrate sa buong dome at sa gitna ay ang isang malaking bilog na lamesa. 'Tas itong party na ito ay para sa isang welcome party na ginanap lang para sa sarili niya?' Hindi makapaniwalang isip ni Astrid habang diretso ang tingin sa pinsan ng kanyang asawa na busy
Maliksi niyang iniwasan ni Ban ang mga lumilipad na bala sa kanyang direksyon, habang mabilis na nagpaputok pabalik ng mga bala. Tatlo sa mga ito ay natamaan sa balikat, paa, at kamay. Tahimik na natawa si Ban sa nakuha niyang reaksyon galing sa mga ito, at ngumisi. "I'll make sure to return all of you to your master how she usually likes, bloodied." Matapos sabihin ang mga katagang ito, sumugod siya sa kanyang mga kalaban, puno ng masayang ningning sa mata nito, nakatutok ang baril sa kanila. Sa loob ng limang segundo, bumagsak ang tatlo sa lapag ng malakas, at gaya ng sinabi ni Ban kanina, lubhang nagdurugo ang mga natamo nilang sugat galing sa lalaki. Nanginginig ang kamay ng isa sa mga na baril ni Ban na may malay pa, pilit na inaaabot ang baril na hindi kalayuan sa kanya. Ngunit napahiyaw ito sa sakit ng naramdaman niya nang maaapakan ang kamay niya. Diniinan pa lalo ni Ban ang pagapak niya, "Sorry. We can't have you shooting aimlessly anymore, don't you know how
𝘛𝘢𝘵𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘭𝘪𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘱𝘪𝘨𝘶𝘳𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨-𝘵𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨-𝘵𝘢𝘵𝘢𝘬𝘣𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘨𝘪𝘵𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘭𝘢𝘺𝘨𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥. 𝘚𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘰𝘳𝘰𝘰𝘯, 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨-𝘬𝘬𝘸𝘦𝘯𝘵𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘣𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘦𝘯𝘤𝘩 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘭𝘢, 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘤𝘩𝘪𝘬𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨. “𝘩𝘢!” “𝘔𝘢𝘥𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘢! 𝘛𝘪𝘮𝘦 𝘧𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘯𝘨𝘢 𝘦𝘩!“ “𝘋𝘢𝘭𝘪𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘯𝘢, 𝘓𝘶𝘤𝘢𝘴. 𝘉𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢 𝘱𝘢𝘶𝘸𝘪𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰.” 𝘗𝘶𝘯𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘢𝘴𝘢𝘳𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘪𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘰 𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘭𝘢𝘺𝘨𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯. 𝘔𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘥𝘶𝘭𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘭𝘢𝘺𝘨𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥, 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘯𝘢𝘯𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘳𝘰𝘰𝘯, 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘯𝘰𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘵𝘭𝘰. “𝘚𝘪?
“Julia.” Tipid na tawag ni Tristan dito. Tahimik na inikot ni Astrid ang mga mata niya sa kung nasaan sila. Nasa isang napakalawak na garden sila, nakapaligid ang mga lamesa at upuan sa iba't-ibang bahagi nito. Sa hindi kalayuan makikita ang isang malaking dome, mukhang dito gaganapin ang sinasabi ng asawa niya na masquerade ball, sa harap ng pintuan dalawang butler ang nakatayo, sa gitna nila ay may isang red carpet. Sa kanilang harapan ay isang napakagandang maputi na blondina, naka-pulang makinang na wrap-up dress, ang dibdib nito ay hindi gaanong natatago, at isang mahabang slit na umabot hanggang sa thighs niya, pinapakita ang maputi at makinis na balat nito. Napakaraming suot na gold jewelry, at high-heels na kulay gold din. Sa unang tingin alam nang isang mayaman ang babaeng ito, ngunit hindi halata na isang baliw na mahilig sa mga aktibidad na nag-aagaw buhay ang mga tao. Nasa likod niya ay iilan na mga taong nakapormal ang mga suot, at iilan din na hindi maintindihan a
Barilan, habulan, iwasan.Ayan ang naging byahe nila Astrid papunta sa party.Sa gitna ng kanilang byahe, bigla na lang may nag-paputok ng baril sa sinasakyan nila, at mabilis na kumilos ang dalawang lalaking kasama niya para lumaban.Andaming butas ng bintana ng likurang pinto, at harap na salamin ng sasakyan.Ilang mga bala ang natamo ng dalawang kasama niya mula sa kanina pa nilang pakikipagbakbakan sa mga taong nakasunod sa kanila.Dahil sa suot nilang mga balot na kulay itim, at itim na face mask na madalas makitang suot ng mga holdaper, hindi malaman ni Tristan kung sino ang nag-utos sa mga ito.Puno ng kaba ang itsura ni Astrid habang hinaharangan ang sarili sa upuan, takot na baka masalo niya ang isa sa mga bala na pinapuputok ng kotseng nasa likuran nila. “Sino ba yang mga yan?! Hanggang dito nakaabot sila!” “It must be one of Julia's schemes. Or the other subordinates of the spies from the airport.” Walang emosyong ani Tristan, habang dumungaw sa bintana at nag-paputok pab
“Tristan, this is what Astria is going to where! You should at least wear the same colored tie to match with her!” Nag-salubong ang kilay ni Tristan sa narinig niya.“No.” Tipid na sagot niya, habang inaaayos ang sarili.Madramang sumigaw si Astria, pinipilit ang lalaki na bagayan ang suot ng kanyang asawa.Kasalukuyan na silang nag-hahanda dahil dalawang oras na lamang at pupunta na sila sa masquerade ball na gaganapin ng pinsan ni Tristan.At dahil hindi kasama si Theo at Astria, maiiwan sila sa condo kasama ang mag-kapatid bilang mga taga-bantay nila.At si Luigi naman at ang kasama ng mag-asawa papunta sa ball.Isang makinang na purple elegant ruched side slit, off shoulder dress ang suot ni Astrid, ang kanyang buhok ay naka messy bun, na may mga ligaw ng hibla ng buhok niya na nakakulot sa gilid ng mukha niya.“Ang ganda mo, madam!”“You look stunning.”Sabay na pag-bibigay puri ng mag-kapatid, ‘Bakit kaya namumula tong si Ban? May sakit ba to?’ tinignan ng mabuti ni Astrid ang m