NABURO PA ANG mga mata ni Desmond kay Everly na para bang sa ibang babae siya nakatingin. Wala sa sariling napahwak siya sa kanyang baba. Patuloy na malakas na pinuri ang kabuohan nito sa harap ni Roscoe. May pagkakataon pa na tinawag din ito ni Desmond ngunit hindi napansin ni Everly. Nanatiling tahimik si Roscoe, hindi mapigilang makaramdam ng pagkadismaya habang nakikinig sa kaibigan. Sa tatlong taon mula nang ikasal sila, sa harap man niya o sa mahahalagang okasyon, palagi siyang nakasuot ng maayos at eleganteng damit, at hindi kailanman nagsusuot ng ganitong klase ng damit na kulang sa tela. Ni ‘di nga niya alam na may tattoo pala ang dati niyang asawa sa likod. Patunay na hindi niya kilala.“Sandali nga, hindi ka na ba niya mahal? Last time I checked, she was crazy in love with you. Ouch, man that's pretty frank. Kumusta naman ngayon ang nasakta mong pride? Paki-check nga, Roscoe...” A hint of annoying admiration flashed in Desmond's eyes. Ininom lang ni Roscoe ang kanyang alak
NAPATITIG NA ANG mga mata ni Everly sa lalaking patuloy ba kumakaladkad sa kanya palabas. Nang muli pang mapagsino ito ay hindi niya na maiwasang makaramdam pa ng kaunting pagkatulala. Ganun na ganun ang eksena noong isalba siya nito sa mga bully niya. Kinaladkad din siya ng lalaki at mahigpit na hinawakan ang kamay niya upang tumakas mula sa pagtugis ng mga taong malupit sa kanya. Kung mas masama ang pakikitungo ni Roscoe sa kanya noong mga panahong iyon at hindi iyo naging mabuti, baka hindi niya ito sobrang minahal ng ganito kalalim. Hindi niya ipinagpilitan ang sarili na pakasalan siya kahit na ang ibig sabihin noon ay ang maging suwail at makipag-away sa kanyang pamilya. Bakit siya ngayon nandito? Hindi ba at dapat ay nasa hospital ito? At ano na namang ginagawa niya? Ipinapahiya niya lang muli ang sarili niya! Nagseselos ba ang dati niyang asawa dahil nakikita niyang intimate siya sa ibang lalaki? Imposible naman iyon. Natawa na si Everly sa kaisipan niyang iyon. Binitawan
HINDI PA BA sapat na ipahiya siya ni Everly kanina nang tahasang sabihin nito sa nakakarami na mag-che-check in siya sa isang hotel na may kasamang ibang lalaki sa mismong harap niya?Ang isiping iyon ay lalo pang nagpagalit kay Roscoe na naging dahilan upang mas diinan niya ang paghalik na kanyang ginagawa. Kulang na lang ay dumugo ang kanilang labi sa diin noon.Bilang reaksyon sa ginawa ni Roscoe ay namilog ang mga mata ni Everly nang maramdaman na lumapat ang labi nito sa bibig niya. Hindi pa rin makapaniwala ang nandidilat niyang mga mata.Anong kabaliwan iyon ng dating asawa? Anong masamang espiritu ang sumanib sa katawan niya na kinailangan siyang halikan nito sa masakit na paraan? Bakit? Dahil naapakan niya ang ego niya? Hindi iyon ang halik na pinangarap niya!Tatlong taon na silang kasal at ni minsan ay hindi siya nito nagawang hawakan man lang, ngunit ngayon ay bigla na lang siya nitong hinalikan? Para saan? Para may patunayan lang ngayon?Madiin ang mga naging halik ni Ros
NGUNIT ANG PITONG taon na iyon ay hindi na karapat-dapat na banggitin pa kung tutuusin. Napasinghot na doon si Everly, hindi na napigilan na mangilid ang mga luha sa mata niyang hugis almond. Bakas na doon ang matinding lungkot na nakatago sa loob ng kanyang puso. Wala rin namang silbi pa iyon ngayon.“Roscoe, hindi ko nga rin alam kung bakit nabulag ako. Sobrang nabulag sa pagmamahal ko sa’yo.”Pinagmasdan ni Roscoe ang likod ni Everly na papaalis at muling binalikan sa isipan ang binitawan nitong mga salita na may panlalambot na sa kanyang mukha. Pagkatapos ay nanghihinang sumandal na siya sa pader. Ilang beses pang tumawa ng mahina si Roscoe ng walang humor. Para siyang sinampal ng babae. Hindi niya namamalayan na sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang mawawala sa kanya ang babaeng minahal siya nang halos pitong taon. Ang babaeng hindi siya sinukuan pero sinagad niya ang pasensya.“Nagbago ka na nga bang talaga, Everly?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya sa kanyang sarili.Muli
SA IKA-23RD floor ng The Oriental Hotel. Isang piging sa hapunan ang nagaganap. Sa labas ng malalaking bintanang mula sahig hanggang kisame ay tanaw na tanaw ang mataong tanawin sa gabi ng buong Legazpi. Tahimik ang Bulkang Mayon na para bang kumakaway sa lahat ng mga matang nagmamasid at humahanga sa kanya habang napapalibutan ng mga ulap doon. Ang malambing na tunog ng piano ay malayang pumapasok sa pandinig ng bawat bisita. Hinihele sila at dinadala sa kabilang ibayo ng lugar. Tamad na nakasandal si Everly sa bar habang gumagala ang mga mata, inip na inis ang nararamdaman niya habang iniikot-ikot ang laman ng red wine glass sa kanyang kamay. Panaka-naka ang pagmamasid niya sa paligid habang nakapaskil sa mukha ang mapang-akit na mga mata. Lantarang tinititigan siya ng mga lalaki sa venue na may mga hayok na mga titig, hindi ikinubli ang pagkagusto at paghanga sa kanya. Ang ilan pa doon ay mababakas sa mukha na gustong makipag-usap sa kanya, ngunit hindi matapang upang lapitan siya
“Hindi ka pa rin ba aamin na kasalanan mo ang mga nangyari doon kanina, Everly?!” Parang kulog na umalingawngaw ang sigaw ni Roscoe na kulang na lang ay mapatiran ng mga ugat sa kanyang leeg dala ng matindi niyang galit sa bawat sulok ng sala ng kanilang villa.“Huling-huli ka na. Itatanggi mo pa rin?“ kulang ang salitang dismayado para ilarawan ang galit ng lalaki sa kanyang asawa na may kasama ng pagkapahiya, “Marami ang nakakita sa’yo na halos lahat ng bisita. Hindi lang iisang tao! Kaya hindi kita magawang mahalin eh! Lalo pa ngayon, huwag kang umasa na makukuha mo pa ang atensyon at pagmamahal ko na inaasam mo nang dahil dito!”Napuno pa ng pagkadismaya ang mga mata ni Roscoe nang idugtong iyon. Parang nais na manakit nito ngunit hindi niya lang kaya na pagbuhatan ng kamay ang asawang si Everly.“Ubos na ubos na ang pasensya ko sa’yo. Magpakatotoo ka. Aminin mo ang kasalanan mo, at baka sakali pang magbago ang isip ko. Kung hindi mo gagawin iyon, mabuti pang mag-divorce na lang
MAHIRAP PILITIN NA mahalin ka ng isang taong ayaw sa’yo. Napatunayan iyon ni Everly. Sa katauhan ni Roscoe De Andrade; ang lalaking pinili niyang mahalin dahil ang buong akala niya ay masusuklian siya. Natigil sa pagbaha ng libo-libong isipin ang isipan ni Everly nang mag-ring ang cellphone ni Roscoe. Napatayo pa ito na agad naglaho ang galit sa kanyang mukha na para bang makikita ng tumatawag ang reaksyon niya. Sinundan siya ng tingin ni Everly. Sa katahimikan ng kanilang sala ay malinaw na narinig ng babae ang mahinang boses ni Lizzy na siyang tumatawag sa asawa. Namula na ang mata niya sa selos ngunit hindi iyon magawang makita ni Roscoe na hindi man lang tinatapunan ng tingin ang banda ni Everly matapos na damputin ang hinubad na coat. Hindi inalis ni Everly ang mga mata sa mukha ng lalaki.“Papunta na ako diyan, huwag ka ng matakot.”Bumilis ang hinga ni Everly. Nais ng mag-protesta. Nag-uusap pa sila at kailangan niya rin ang asawa. Pinatay ni Roscoe ang tawag. Isinilid ang cell
BAHAGYANG NANUYO ANG lalamunan ni Roscoe. Sumimangot siya para ipakita ang pagkadisgusto sa salitang binitawan ni Everly na alam naman niyang hindi nito magagawa. Binabantaan lang siya nito. Sa bandang huli, hindi pa rin nito magagawang lisanin ang kanilang villa at tuluyang iwanan siya. Dumilim na ang tingin niya sa asawa. Pinapainit na naman nito ang kanyang ulo, muli siyang nagsalita sa mas malamig at dismayado niyang boses upang ipakita na masama na naman ang timpla ng ugali niya sa inaasta nito. “Huwag mo nga akong paandaran na naman ng ganiyan, Everly. Ang mabuti pa ay magbihis ka at sumama ka sa akin sa hospital nang may silbi ka naman. Humingi ka ng paumanhin kay Lizzy para hindi na ako magalit pa sa'yo, keysa dada ka nang dada na para bang ikaw ang kawawa sa inyong dalawa!”Nakagat na ni Everly ang kanyang labi. Hanggang sa mga sandaling iyon ay si Lizzy pa rin ang mahalaga.Inalis ni Everly ang kanyang kahinaan at kinausap siya sa mas matalas na tono sa unang pagkakataon. A
SA IKA-23RD floor ng The Oriental Hotel. Isang piging sa hapunan ang nagaganap. Sa labas ng malalaking bintanang mula sahig hanggang kisame ay tanaw na tanaw ang mataong tanawin sa gabi ng buong Legazpi. Tahimik ang Bulkang Mayon na para bang kumakaway sa lahat ng mga matang nagmamasid at humahanga sa kanya habang napapalibutan ng mga ulap doon. Ang malambing na tunog ng piano ay malayang pumapasok sa pandinig ng bawat bisita. Hinihele sila at dinadala sa kabilang ibayo ng lugar. Tamad na nakasandal si Everly sa bar habang gumagala ang mga mata, inip na inis ang nararamdaman niya habang iniikot-ikot ang laman ng red wine glass sa kanyang kamay. Panaka-naka ang pagmamasid niya sa paligid habang nakapaskil sa mukha ang mapang-akit na mga mata. Lantarang tinititigan siya ng mga lalaki sa venue na may mga hayok na mga titig, hindi ikinubli ang pagkagusto at paghanga sa kanya. Ang ilan pa doon ay mababakas sa mukha na gustong makipag-usap sa kanya, ngunit hindi matapang upang lapitan siya
NGUNIT ANG PITONG taon na iyon ay hindi na karapat-dapat na banggitin pa kung tutuusin. Napasinghot na doon si Everly, hindi na napigilan na mangilid ang mga luha sa mata niyang hugis almond. Bakas na doon ang matinding lungkot na nakatago sa loob ng kanyang puso. Wala rin namang silbi pa iyon ngayon.“Roscoe, hindi ko nga rin alam kung bakit nabulag ako. Sobrang nabulag sa pagmamahal ko sa’yo.”Pinagmasdan ni Roscoe ang likod ni Everly na papaalis at muling binalikan sa isipan ang binitawan nitong mga salita na may panlalambot na sa kanyang mukha. Pagkatapos ay nanghihinang sumandal na siya sa pader. Ilang beses pang tumawa ng mahina si Roscoe ng walang humor. Para siyang sinampal ng babae. Hindi niya namamalayan na sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang mawawala sa kanya ang babaeng minahal siya nang halos pitong taon. Ang babaeng hindi siya sinukuan pero sinagad niya ang pasensya.“Nagbago ka na nga bang talaga, Everly?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya sa kanyang sarili.Muli
HINDI PA BA sapat na ipahiya siya ni Everly kanina nang tahasang sabihin nito sa nakakarami na mag-che-check in siya sa isang hotel na may kasamang ibang lalaki sa mismong harap niya?Ang isiping iyon ay lalo pang nagpagalit kay Roscoe na naging dahilan upang mas diinan niya ang paghalik na kanyang ginagawa. Kulang na lang ay dumugo ang kanilang labi sa diin noon.Bilang reaksyon sa ginawa ni Roscoe ay namilog ang mga mata ni Everly nang maramdaman na lumapat ang labi nito sa bibig niya. Hindi pa rin makapaniwala ang nandidilat niyang mga mata.Anong kabaliwan iyon ng dating asawa? Anong masamang espiritu ang sumanib sa katawan niya na kinailangan siyang halikan nito sa masakit na paraan? Bakit? Dahil naapakan niya ang ego niya? Hindi iyon ang halik na pinangarap niya!Tatlong taon na silang kasal at ni minsan ay hindi siya nito nagawang hawakan man lang, ngunit ngayon ay bigla na lang siya nitong hinalikan? Para saan? Para may patunayan lang ngayon?Madiin ang mga naging halik ni Ros
NAPATITIG NA ANG mga mata ni Everly sa lalaking patuloy ba kumakaladkad sa kanya palabas. Nang muli pang mapagsino ito ay hindi niya na maiwasang makaramdam pa ng kaunting pagkatulala. Ganun na ganun ang eksena noong isalba siya nito sa mga bully niya. Kinaladkad din siya ng lalaki at mahigpit na hinawakan ang kamay niya upang tumakas mula sa pagtugis ng mga taong malupit sa kanya. Kung mas masama ang pakikitungo ni Roscoe sa kanya noong mga panahong iyon at hindi iyo naging mabuti, baka hindi niya ito sobrang minahal ng ganito kalalim. Hindi niya ipinagpilitan ang sarili na pakasalan siya kahit na ang ibig sabihin noon ay ang maging suwail at makipag-away sa kanyang pamilya. Bakit siya ngayon nandito? Hindi ba at dapat ay nasa hospital ito? At ano na namang ginagawa niya? Ipinapahiya niya lang muli ang sarili niya! Nagseselos ba ang dati niyang asawa dahil nakikita niyang intimate siya sa ibang lalaki? Imposible naman iyon. Natawa na si Everly sa kaisipan niyang iyon. Binitawan
NABURO PA ANG mga mata ni Desmond kay Everly na para bang sa ibang babae siya nakatingin. Wala sa sariling napahwak siya sa kanyang baba. Patuloy na malakas na pinuri ang kabuohan nito sa harap ni Roscoe. May pagkakataon pa na tinawag din ito ni Desmond ngunit hindi napansin ni Everly. Nanatiling tahimik si Roscoe, hindi mapigilang makaramdam ng pagkadismaya habang nakikinig sa kaibigan. Sa tatlong taon mula nang ikasal sila, sa harap man niya o sa mahahalagang okasyon, palagi siyang nakasuot ng maayos at eleganteng damit, at hindi kailanman nagsusuot ng ganitong klase ng damit na kulang sa tela. Ni ‘di nga niya alam na may tattoo pala ang dati niyang asawa sa likod. Patunay na hindi niya kilala.“Sandali nga, hindi ka na ba niya mahal? Last time I checked, she was crazy in love with you. Ouch, man that's pretty frank. Kumusta naman ngayon ang nasakta mong pride? Paki-check nga, Roscoe...” A hint of annoying admiration flashed in Desmond's eyes. Ininom lang ni Roscoe ang kanyang alak
ANG PAMILYA GOLLOSO ay pareho pa rin ng dati, palaging puno ng saya at pagiging masigasig. Tama nga ang kasabihan na ang pamilya kailanman ay hindi magagawang talikuran ka kahit pa sabihin na nagawa mo silang saktan. Napagtanto ni Everly iyon ng mga sandaling iyon. Wala siyang anumang narinig sa kanila na masasakit na mga salita. Sa wakas ay naunawaan ni Everly na tanging ang tahanan lamang at sariling pamilya mo ang maaaring tumanggap ng kanyang mga flaws and imperfections. Sa pag-iisip nito, lalong naramdaman ni Everly na hindi siya naging matinong anak noon. Hindi na niya muling sasaktan ang mga nagmamahal sa kanya alang-alang sa mga taong hindi siya pinapahalagahan at minamahal gaya ni Roscoe.“Hayaan natin si Everly na magpatuloy sa pagbuo ng mga gamot!”“No, she must have inherited our family business.”“Hindi. Mas may future siya sa pagde-design.”Biglang nagtalo-talo pa roon ang tatlo kung sino ang dapat na sundin ni Everly sa kanila. Makahulugang nagkatinginan na si Everly at
PILIT NA TINATANGGI ng utak ni Roscoe na maniwala na magagawa iyon ng asawa sa kanya. Hinanap niya ito sa lahat ng lugar kung saan maaaring biglang lumitaw o matagpuan niya si Everly. Sa back garden, study room, projection room...hindi lang si Everly ang wala kahit saan, pati ang mga gamit niya ay wala na rin ang bakas sa mga lugar na iyon. Malinis din ang bookshelf sa study room sa mga medical books na madalas basahin ni Everly at doon niya iniimbak. Si Roscoe ay bihirang pumunta dito, ngayon lang iyon upang hanapin ang kanyang asawa. Kung wala ang presensya ni Everly, ang villa ay tila walang sinuman ang naninirahan doon. Bumaba si Roscoe sa unang palapag nang may mabibigat na mga hakbang at napansin niyang walang laman ang espasyo sa likod ng sofa. Nang makita niya ang nasirang malaking frame ng picture nila na itinapon sa basurahan, tumigil ang kanyang hininga. Gawa ba ito asawa niya?Matapos siyang pakasalan ni Everly, palagi siya nitong kinukulit na sumama sa kanya sa pamimili.
BIGLANG NAKARAMDAM ng pagkadismaya sa kanyang puso si Roscoe na para bang kapag nagtagal pa siya doon ay masabi niya kay Lizzy ang sinabi ni Everly, kung kaya naman humanap siya ng dahilan at paraan makaalis lang ng hospital. Hindi naman siya nagawang pagdudahan ni Lizzy sa tunay na rason. Nawalan siya ng ganang mag-stay doon kung puno ang isipan niya ng tungkol sa mga sinabi ni Everly.“May gagawin pa ako sa kumpanya. Puntahan na lang ulit kita dito mamaya.”Tumingin ulit si Lizzy kay Roscoe, at unti-unting nawala ang hinaing sa kanyang mga mata. Ibinaba niya ang kanyang ulo, at nagngalit ang kanyang mga ngipin sa galit nang biglang maisip niya na baka si Everly ang dahilan ng pag-alis. Ngunit agad iyon napalitan ng tuwa dahil imposibleng iyon nga ang mangyayari. ‘Everly, ano bang makukuha mo sa piling ng lalaking ni katiting ay hindi ka naman gusto? Wala.’Lumabas si Roscoe sa ospital at bago pa makalulan ng sasakyan ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kaibigan; Desmond Ji
WALANG EMOSYON NA tinanggal ni Everly ang suot niyang coat na naging dahilan upang ma-reveal ang itim niyang camisole. Nadepina pa noon ang mala-porselana niyang kulay ng balat at perpektong hubog ng katawan. Kapansin-pansin ang malalim na sugat na naghilom na rin naman sa likod at ibaba ng kanang balikat ni Everly. Nakatuon ang mga mata ni Everly as if pointing na doon niya gustong ilagay ang tattoo.“Ow—” natutop na ni Nolan ang bibig niya na para bang bago sa kanyang paningin ang peklat na iyon.Bago pa man makasagot si Everly, naagaw na ni Monel ang kanya sanang magiging litanya doon.“Masyado pa siyang bata noon kung kaya hindi pa gaanong magaling magdesisyon. Sa kamusmusan niya ay nakipagsapalaran siya at hindi alintana na masasaktan siya para lang iligtas ang walang utang na loob na lalaking ‘yun! Ayan ang naging resulta, nag-iwan ng bakas. Marapat lang talagang takpan ang peklat.”Naintindihan agad ni Nolan ang ibig sabihin ni Monel. Si Roscoe ang tinutukoy nito. Alam ng lahat