NAGING MAGULO PA at umingay ang buong hall na iyon nang ibaba ng mga tao ang kanilang hawak na wine glass at sumugod doon upang maki-usyuso sa mga kaganapan. Nais maki-usisa sa mga nangyayari. Kanya-kanya sila ng kuro-kuro at haka-haka kung ano ang nangyari kay Mr. Maqueda.“May tumawag na ba ng rescue o kahit sa 911?”“Kailan pa darating ang ambulansya?”“Oo nga, nasaan na ang ambulansya?!”“Kapag may masamang nangyari kay Mr. Maqueda, tiyak na malalagot ang lahat ng naririto sa pamilya niya! Kailangan niyang mailigtas sa lalong madaling panahon!” Nang-angat na ng kanyang paningin si Everly upang tingnan kung sino ang pasyente na tinutukoy ng mga taong nakapalibot na dito. Nasilayan niya ang isang matandang lalaki na sa tantiya niya ay nasa singkwenta na ang edad. Nakahiga ito sa malamig na sahig habang namumutla ang buong mukha. Walang kurap ang mga mata na animo ay natutulog na. Sinipat pa ni Everly ang oras sa kanyang pambisig na relo. Nasa fifteen minutes ang magiging drive patu
NABALING NA ANG atensyon ng lahat ng tao doon nang marinig ang boses ng sumigaw. Walang iba kung hindi si Lizzy lang naman iyon. Naitaas na ni Everly ang kanyang isang kilay. Malamang alam niyang doctor nga ito pero hindi naman ito magaling kung ikukumpara sa kanya. Ganunpaman, hindi niya pinupulaan ang husay nitong magsalba ng buhay. Kung anuman ang kalabasan ng gagawin nito, masaya siyang naligtas ang pasyente na sa mga sandaling iyon ay nasa bingit na ng kamatayan niya kung hindi pa magagamot.“Si Doctor Rivera, paniguradong mase-save na si Mr. Maqueda. Isa siyang heart surgeon!” bulalas pa ng isa na halatang nakilala ang babae, sikat nga din naman ito dahil mula sa kilalang pamilya kagaya niya.Nagtabihan ang mga tao upang bigyan si Lizzy ng daan. Hindi rin naman umalis doon si Everly upang panoorin kung ano ang gagawin ng dati niyang kaibigan. Hindi lang iyon. Gusto niyang makita kung anong action ang gagawin nito at baka mamaya ay sumablay at malagay pa sa panganib ang buhay ng
HINDI MAN GAANONG halata pero nangungutya na ang tono ng boses ni Lizzy na halatang proud sa kanyang ginawa. Wala namang pakialam doon si Everly, ang ikinakainis niya pa lalo ay binanggit pa siya nito na kulang na lang ay sabihin na mas doctor siya kumpara sa kanya kahit na mas magaling din siya.“Siya? No, thanks na lang. Kung ako ang pasyente, hindi ko ipagkakatiwala ang buhay ko sa kanya!”“Oo nga, baka sa halip na gumaling tayo ay mas lalo lang mapaagang mawala ang ating buhay.”Sinang-ayunan na rin iyon ng marami na muli pang ininsulto si Everly habang papuri naman kay Lizzy. Pinaglagpas na lang muli iyon ni Everly sa magkabila niyang tainga. Ika nga niya, wala siyang pakialam kung ano ang maging tingin sa kanya ng mga tanong naroroon. Hindi niya ipaglalaban ang pangalan. “Basta thae best ka Doctor Rivera, maganda na nga ang bait mo pa.”Nagsimula silang magpalakas kay Lizzy sa pagsasabi ng kung anu-anong mga papuri sa babae. Ipinagkibit-balikat lang na naman iyon ni Everly na k
BUMAGSAK ANG KATAWAN ni Lizzy sa sahig sa lakas ng pagkakatulak ni Everly sa kanya na kung hindi nasalo ni Roscoe ay malamang bumulagta na ito doon. Walang pakundangan na lumuhod na si Everly sa tabi ni Mr. Maqueda upang simulan ang planong gawin niya. Walang pasubali na tinanggal na niya ang necktie ng matanda at itinapon iyon sa gilid. Tinanggal ang ilang butones ng suot niyang polo. Napailing na lang doon si Lizzy habang namimilog ang mga mata sa gulat. Namula na ang mga mata niya ng tingnan si Roscoe na matamang nakaalalay sa kanya. Napapahiya pero nagustuhan ang pagiging alerto sa kanya. “Miss Golloso, anong ginagawa mo?”Ang lahat ay nagulantang sa ginawang iyon ni Everly sa pasyente.“Hindi nga siya magawang sagipin ni Doctor Rivera, siya pa kayang halatang walang kaalam-alam?!”“Kaya nga eh! Masyadong pabida! Kapag napahamak talaga si Mr. Maqueda...”“Kagalang-galang na tao si Mr. Maqueda, kaya bakit kailangang hubaran siya sa ganitong sitwasyon at sa harapan ng maraming tao
SINIMULAN NG HIPAN ni Everly ang dulo ng ballpen habang bahagyang dinidiinan ng isang palad ang dibdib ni Mr. Maqueda. Seryosong-seryoso ang mukha ni Everly habang ginagawa niya ang bagay na iyon. Ang tanging nasa isipan ay ang magkaroon ng malay ang pasyenteng kaharap. Ilang sandali pa ay muling gumalaw ang mga daliri ng pasyente na nagpagulantang sa mga naroon. Ang buong hall na napuno kanina ng mga panlalait kay Everly ay bigla na lang natahimik habang pinapanood pa rin ang ginagawa doon ng babae. Walang kurap na hindi makapaniwala ang kanilang mga mata dahil parang imposible iyon.“Tingin mo ligtas na si Mr. Maqueda?”“Marahil? Nagkamalay siya ulit eh. Parang nakatulong ang ginawa niya sa kanya.”“Kaya nga, mukhang na-underestimate natin ang kakayahan niya.”“Paano iyon naging posible? Si Doctor Rivera nga ay walang ibang magawa kanina, paano niya naisip na gawin iyon? Parang ang hirap pa rin paniwalaan na may lakas siya ng loob na gawin ang bagay na iyon.”“Hindi ko rin alam. Nap
HINDI NA DOON nagulantang pa si Roscoe na kahit anong alog ni Lizzy sa kanya para pansinin siya ay nakatingin pa rin siya kay Everly. Batid niyang Everly had always loved medicine. Marami na itong nabasang mga medical books and published many SCI papers kahit pa hindi niya ito gaanong pinag-uukulan ng pansin dati ay naaalala niya iyon. Her medical skills really shouldn't be questioned by anyone now. Ang dating asawa niya mismo ang nagpatunay sa mga tao kung ano ang kakayang mayroon siya at nakatago.“Roscoe...” muling kuha ni Lizzy ng atensyon ng lalaki ngunit parang bingi ito sa kanyang mga sinasabi.Taas ang noong luminga-linga na sa paligid ang mga mata ni Everly nang marinig niya ang sinabi ng doctor, bahagyang umindayog ang kanyang katawan dahil sa kanyang ngalay ng matagal na pag-squat niya kanina. Napaatras siya doon ng hindi mapigilan na halatang nawalan ng balanse ang katawan. Mayroon siyang hypoglycemia at hindi pa rin nakakapagpahinga pa nang maayos sa nakalipas na mga ara
HINDI INAALIS ANG tingin sa grupo ng lalaki na dinampot na ni Everly ang baso ng alak mula sa tray ng waitress na dumaan sa may gilid nila. Hindi mawala sa kanyang isip ang ginawang pagprotekta ni Roscoe kay Lizzy kung kaya naman nadagdagan pa ang galit niya. Nagseselos siya at alam niya na ang lahat ng iyon ay sa grupo ng mga kaharap nagagawang maibunton. Sa kanya niya nagagawang ibaling ang galit kahit pa pwede naman niyang paalisin na ang mga ito at palampasin na lang ang nangyari. Kaso ay hindi. “Anong gusto mong gawin namin sa'yo? Mag-sorry? Oh e ‘di sorry!” mayabang pang turan ng lalaki na mas nagpainit pa ng ulo ni Everly ng mga sandaling iyon, okay na eh papaalisin na sana niya ang mga ito.“No, ayoko na ng basta sorry lang. Nagbago ang isip ko. Deserve ko naman ang mas higit pa doon sa mga magagaspang niyong pinagsasabi sa akin kanina. Kailangan niyong pagbayaran ang katabilan ng dila niyo.” malumanay niyang wika sabay taas pa ng isa niyang libreng kamay. “Gusto kong lumuhod
PAGKASABI NIYA NOON ay pamartsa at taas ang noo na silang tinalikuran ni Everly. Nahawi ang mga tao na nakaharang at nakikiusyuso upang bigyan siya ng daan. Hindi nakaligtas iyon sa paningin ni Caleb na kanina pa pinagmamasdan ang ginagawa ng babae sa mga taong ayon sa napagtanungan niyang kasama sa venue ay binu-bully umano si Everly. Hindi man niya maintindihan ang litanya nito na sariling wika ang gamit, alam niyang tinuturuan lang nito ng lection ang balasubas na mga taong iyon at sobrang proud siya sa babae. Muli pa ay mas nadagdagan ang paghanga niya na nararamdaman mula pa noon kay Everly.“What a brave woman!” aniya na gustong pumalakpak pa kasunod ng papuri niyang iyon.Pagod na isinandal ni Everly ang kanyang likod sa pader ng elevator pagkapasok niya doon. Tumamlay ang kanyang mukha at lumamlam ang kanyang mga mata. Biglang nawalan ng buhay ang kanyang katawan ng wala ng nakakakita sa kanya. Inip na pinanood niya ang kulay pulang numero sa itaas ng elevator na patuloy sa pa
ILANG SEGUNDONG NAMANHID ang mukha ni Roscoe nang marinig ang huling litanya ng ina na hindi niya deserve si Everly. Parang siyang sinampal ng malakas doon. Kaliwa at kanan. Alam niyang sa kabila ng pagiging walang wedding ceremony nila ni Everly ay minahal ng kanyang ina ang kanyang asawa. Tahasan niya nga itong kinakampihan ngayon.“Ang daming mga bagay na sinakripisyo ni Everly para sa’yo. Tinalikuran niya pa ang kanyang pamilya para sa’yo. Napunta siya mula sa pagiging walang pakialam na babae sa kanyang pamilya hanggang sa magagawa na niya ang lahat ngayon. Ano ang nagawa niyang mali para makatanggap ng ganitong pakikitungo sa isang walang pusong lalaking tulad mo?!” singhal pa ng kanyang inang hindi na napigilan na mamalisbis ang mga luha sa mata.Napailing na doon ang Ginang na makailang beses inilagay ang kanyang sarili sa sitwasyon ng kanyang manugang. Oo, mahal niya naman ang kanyang anak pero mas may simpatya siya sa manugang. Napayuko na doon si Roscoe. Kung pwede lang sab
WALANG IMIK NA kinuha ni Roscoe ang kanyang first aid kit sa loob ng sasakyan upang lagyan ng bandaid ang kanyang dumudugong likod ng kamay. Nilingon niya si Alexis na wala pa ‘ring galaw ng sandaling iyon na nakatingin na sa kanya.“Ano? Hindi ka babalik sa loob at magbabayad ng bills ko?” “Pero Mr. De—” “Bumalik ka doon, hihintayin kita.” Walang nagawa si Alexis kung hindi ang bumaba at bumalik sa loob ng hospital upang e-settle ang inuutos na bill ng kanyang amo. Hindi naglaon ay bumalik na rin si Alexis. “Umuwi na tayo.” “Saan po tayo uuwi, Mr. De Andrade?” “Sa villa.” Walang imik na binuhay na ni Alexis ang makina ng sasakyan at patalilis ng umalis ng parking lot ng hospital. Pagdating sa villa ay ilang minutong tumambay lang sila sa harapan ng pintuan noon. Ini-enter niya ang password ng ng villa at nang magbukas iyon, iritable niyang nilingon si Alexis na masusing pinagmamasdan ang ginagawa niya.“Ibalik mo sa dati ang password.” aniyang hinila na ang pintuan at tuluyan
MABILIS NA KUMALAT na hindi na tumatanggap ang S Camp ng mga magpapakuha ng mga ulasimang-bato. Iyon pa naman ang inaasahan ng pamilya ni Lizzy na makakapagbigay sa kanila ng maraming halamang gamot na kailangan nila. Ngunit ngayon ay ini-announce nitong hindi na sila tatanggap dahil busy ang may-ari noon na si Lord S. May balita pang kumakalat na mismong si Lord S ay may planong magbigay ng regalo sa matandang Donya Kurita ng mga halamang gamot na kapag nangyari ay isang pagsubok. Bagay na hindi rin nakaligtas kay Lizzy na nasa hospital pa rin. “What the fuck! Bakit ayaw na nilang tumanggap ng order? Marami pa ang kailangan ng pamilya namin! Ni hindi ko nga kilala kung ano ba ang talaga ang tunay na hitsura ng halamang gamot na iyon? Nakakairita naman! Nakakainis!”Padabog ng binitawan ni Lizzya ng kanyang cellphone sa gilid ng kama ni Roscoe. Nakapikit ang mga mata ng lalaki na halatang nagpapahinga pa rin at nag-iipon ng lakas ng mga sandaling iyon. Hinawakan ni Lizzy ang isang br
DUMILIM ANG TINGIN ni Lizzy kay Everly. Huling-huli ang ginawa nitong pagsisinungaling sa kanya. Walang nagsabi sa kanya na naroon si Roscoe. Maging si Alexis ay hindi man lang siya tinawagan. Naroon siya dahil nagsumbong sa kanya ang taong binayaran niyang magbantay kay Roscoe para malaman niya kung ano ang mga ginagawa nito kapag hindi niya kasama. Napag-alaman niya pa na sinadyang puntahan ni Roscoe ang mansion ng mga Golloso kung kaya naman magkasama ang dalawa. Ipinagtataka na niya iyon na kung bakit siya ang pinuntahan nito sa halip na siyang naghihintay. “Thank you, Everly ha?” puno ng sarkasmong sambit ni Lizzy na puno pa rin ng pagbibintang ang mga mata. “Palaging ganito si Roscoe kapag naso-sobrahan ng inom.” anito pang parang hindi asawang nakasama ni Everly sa iisang bahay ang tinutukoy nitong lalaki, “Mabuti na lang at nakita mo siya, kundi baka kung ano pa ang nangyari sa kanya di ba?” Dama ni Everly na hindi tapat at bukal sa loob ang pinagsasabi sa kanya ni Lizzy. Al
AGARANG NILAMON NG konsensya ang kalooban ni Everly nang makita niyang maputla pa rin ang mukha ng asawa. Hindi na niya mapigilan pang mapabuntong-hininga. Aminin niya man ng tahasan o hindi, batid niya sa kanyang sarili na nag-aalala siya kay Roscoe. Makikita iyon sa galaw niya. Umayos na ng upo si Everly na nasa malapit ang upuan ng kama. Pinag-krus na ang dalawang braso sa tapat ng dibdib niya. Tinitigan pa ang mukha ni Roscoe na maputla pa rin. Nanatiling nakapikit ang mga mata nito na hindi niya malaman kung natutulog ba dala ng alak sa katawan niya o hindi. “Hindi dapat ako ang narito kung hindi si Lizzy…” bulong pa ni Everly na hindi na mapigilang iikot ang mga mata niya. Dumating ang nurse at may sinabi itong kailangangi-inject na gamot sa dextrose ni Roscoe. Napatayo na si Everly noon, bahagyang umatras patungo ng paahan ng kama ni Roscoe upang bigyan ng daan ang babae na binigyan niya ng ngiti. Walang kurap na pinanood niya ang ginagawang paghahanda ng nurse. Tinanggal niy
SA MGA SANDALING iyon ay parang mandidilim na ang mundo ni Everly sa pagkataranta at dapat na gawin habang sapo niya ang ulo ni Roscoe sa kanyang hita. Nahimasmasan lang siya nang maisip niyang wala na dapat siyang pakialam ngayon kay Roscoe. Binawi niya ang nakahawak niyang kamay sa ulo nito at hinayaan iyong ilapag niya ulit sa lupa. Puno ng pagtataka ng tiningnan siya ni Alexis na gaya niyang natataranta na rin kung ano ang dapat niyang gawin. Hangga't naroon si Alexis kasama nito magiging okay ang lahat, syempre hindi papayag si Alexis na may mangyaring masama sa kanyang ama. Ibinaba ni Everly ang kanyang mga mata, isinantabi ang kanyang mga alalahanin, tumayo at aalis na rin sana gaya ng plano niyang talikuran ang kanyang asawa. “Mrs. De Andrade!” nagmamadaling tawag ni Alexis, “Saan ka pupunta? Paano si Mr. De Andrade?!”Nilingon na siya ni Everly gamit ang kalmadong mukha na para bang hindi nag-alala sa kanya kanina.“Alexis, makinig kang mabuti. Masyado lang siyang maraming
ITUTULAK NA SANA si Roscoe ni Everly papalayo sa kanyang katawan dahil sobrang naiilang na siya, ngunit idiniin pa ng lalaki ang mga braso nito sa pader na pinipigilan siyang makawala. Namilog na ang mga mata ni Everly. Hindi makapaniwala na ginagawa iyon ni Roscoe sa kanya.“Roscoe, ano bang ginagawa mo? Bakit ginagawa mo sa akin ‘to? Gusto mo bang tumawag ako ng pulis at ipadakip kita dito? Ayusin mo nga ang galaw mo!”“Go on, Everly. I-report mo ako. Magpapunta ka dito ng pulis. Tawagin mo sila. Ipadampot mo na ako…” sulsol pani Roscoe na pilit pa rin siyang pinipikon.Not to mention na legal na kasal pa rin naman sila, kahit wala siyang ginawa kay Everly, gusto niyang makita kung paano hahawakan ng mga pulis ang kaso nilang mag-asawa. Iyon ang nagpapalakas ng loob ni Roscoe. Tiningnan ni Everly ang kanyang mga katangian na ipinapamalas at nakaramdam ng sobrang lungkot doon si Everly. Alam niyang hindi siya mahal ni Roscoe kaya imposibleng iyon ang dahilan kaya naroon at nangunguli
AKMANG PAPASOK NA sana si Everly sa loob ng mansion nang may maulinigan siyang mahinang tumatawag sa pangalan niya. Hindi niya ito pinansin noong una sa pag-aakalang guni-guni lang niya ang narinig lalo na at boses ito ng asawa niyang si Roscoe.“Everly…” Napalingon na ang babae nang muli niyang marinig ang boses nito. Doon niya na nakita ang bulto ni Roscoe na nakasandal sa harap na hood ng kanyang sasakyan habang nakasilid ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang suot na pants. Malalim ang tingin nito sa banda niya, lalo na sa bulto ng kanyang katawan. Tila ba kanina pa siya doon naghihintay. Bahagyang madilim ang banda kung saan nakaparada ang sasakyan niya kung kaya naman hindi ito napansin ni Everly. Bigla siyang kinabahan.“Anong ginagawa mo dito?” Umayos na ng tayo si Roscoe na binasa na ng laway ang kanyang bahagyang natuyong labi. Ngumiti siya ngunit agad niyang binawi nang maramdaman ang pananakit ng kanyang bibig. Hindi lang iyon, parang galit si Everly na naroon siya at mu
NAMUMUTLANG NAPAAYOS NA ng upo si Alexis sa pagiging kalmado ng amo sa ginagawa nitong pagtatanong sa kanya. Iba na ang kutob niya doon. Sa ilang taong pagtra-trabaho niya sa puder nito ay marapat lang na kabahan siya kapag naging kalmado ito dahil iyon ang mas siyang delikado. Hindi niya kasi magawang basahin kung ano ang laman ng isip.“Tawagin mo siyang Mrs. De Andrade hangga’t hindi kami nagdi-divorce, maliwanag ba iyon Alexis?” may diin ang bawat salitang binibitawan nito kung kaya naman walang ibang nagawa ang secretary niya kung hindi ang panay na tumango. “O-Opo, Sir!” Sa mga sandaling iyon ay tila mayroong napagtanto pang pangyayari si Roscoe. Parang alam na niya kung sino ang nagsabi sa kanyang Lola ng tungkol sa divorce nila ni Everly na tapos na sana kung hindi lang nabulilyaso. Ipinilig niya ang ulo. Hindi ba at iyon din ang naramdaman niya ng araw na iyon? Lihim pa nga siyang nagpasalamat sa Lola niya. Ngayong nalaman niyang parang hirap na magsinungaling si Alexis ay