BUMAGSAK ANG KATAWAN ni Lizzy sa sahig sa lakas ng pagkakatulak ni Everly sa kanya na kung hindi nasalo ni Roscoe ay malamang bumulagta na ito doon. Walang pakundangan na lumuhod na si Everly sa tabi ni Mr. Maqueda upang simulan ang planong gawin niya. Walang pasubali na tinanggal na niya ang necktie ng matanda at itinapon iyon sa gilid. Tinanggal ang ilang butones ng suot niyang polo. Napailing na lang doon si Lizzy habang namimilog ang mga mata sa gulat. Namula na ang mga mata niya ng tingnan si Roscoe na matamang nakaalalay sa kanya. Napapahiya pero nagustuhan ang pagiging alerto sa kanya. “Miss Golloso, anong ginagawa mo?”Ang lahat ay nagulantang sa ginawang iyon ni Everly sa pasyente.“Hindi nga siya magawang sagipin ni Doctor Rivera, siya pa kayang halatang walang kaalam-alam?!”“Kaya nga eh! Masyadong pabida! Kapag napahamak talaga si Mr. Maqueda...”“Kagalang-galang na tao si Mr. Maqueda, kaya bakit kailangang hubaran siya sa ganitong sitwasyon at sa harapan ng maraming tao
SINIMULAN NG HIPAN ni Everly ang dulo ng ballpen habang bahagyang dinidiinan ng isang palad ang dibdib ni Mr. Maqueda. Seryosong-seryoso ang mukha ni Everly habang ginagawa niya ang bagay na iyon. Ang tanging nasa isipan ay ang magkaroon ng malay ang pasyenteng kaharap. Ilang sandali pa ay muling gumalaw ang mga daliri ng pasyente na nagpagulantang sa mga naroon. Ang buong hall na napuno kanina ng mga panlalait kay Everly ay bigla na lang natahimik habang pinapanood pa rin ang ginagawa doon ng babae. Walang kurap na hindi makapaniwala ang kanilang mga mata dahil parang imposible iyon.“Tingin mo ligtas na si Mr. Maqueda?”“Marahil? Nagkamalay siya ulit eh. Parang nakatulong ang ginawa niya sa kanya.”“Kaya nga, mukhang na-underestimate natin ang kakayahan niya.”“Paano iyon naging posible? Si Doctor Rivera nga ay walang ibang magawa kanina, paano niya naisip na gawin iyon? Parang ang hirap pa rin paniwalaan na may lakas siya ng loob na gawin ang bagay na iyon.”“Hindi ko rin alam. Nap
HINDI NA DOON nagulantang pa si Roscoe na kahit anong alog ni Lizzy sa kanya para pansinin siya ay nakatingin pa rin siya kay Everly. Batid niyang Everly had always loved medicine. Marami na itong nabasang mga medical books and published many SCI papers kahit pa hindi niya ito gaanong pinag-uukulan ng pansin dati ay naaalala niya iyon. Her medical skills really shouldn't be questioned by anyone now. Ang dating asawa niya mismo ang nagpatunay sa mga tao kung ano ang kakayang mayroon siya at nakatago.“Roscoe...” muling kuha ni Lizzy ng atensyon ng lalaki ngunit parang bingi ito sa kanyang mga sinasabi.Taas ang noong luminga-linga na sa paligid ang mga mata ni Everly nang marinig niya ang sinabi ng doctor, bahagyang umindayog ang kanyang katawan dahil sa kanyang ngalay ng matagal na pag-squat niya kanina. Napaatras siya doon ng hindi mapigilan na halatang nawalan ng balanse ang katawan. Mayroon siyang hypoglycemia at hindi pa rin nakakapagpahinga pa nang maayos sa nakalipas na mga ara
HINDI INAALIS ANG tingin sa grupo ng lalaki na dinampot na ni Everly ang baso ng alak mula sa tray ng waitress na dumaan sa may gilid nila. Hindi mawala sa kanyang isip ang ginawang pagprotekta ni Roscoe kay Lizzy kung kaya naman nadagdagan pa ang galit niya. Nagseselos siya at alam niya na ang lahat ng iyon ay sa grupo ng mga kaharap nagagawang maibunton. Sa kanya niya nagagawang ibaling ang galit kahit pa pwede naman niyang paalisin na ang mga ito at palampasin na lang ang nangyari. Kaso ay hindi. “Anong gusto mong gawin namin sa'yo? Mag-sorry? Oh e ‘di sorry!” mayabang pang turan ng lalaki na mas nagpainit pa ng ulo ni Everly ng mga sandaling iyon, okay na eh papaalisin na sana niya ang mga ito.“No, ayoko na ng basta sorry lang. Nagbago ang isip ko. Deserve ko naman ang mas higit pa doon sa mga magagaspang niyong pinagsasabi sa akin kanina. Kailangan niyong pagbayaran ang katabilan ng dila niyo.” malumanay niyang wika sabay taas pa ng isa niyang libreng kamay. “Gusto kong lumuhod
PAGKASABI NIYA NOON ay pamartsa at taas ang noo na silang tinalikuran ni Everly. Nahawi ang mga tao na nakaharang at nakikiusyuso upang bigyan siya ng daan. Hindi nakaligtas iyon sa paningin ni Caleb na kanina pa pinagmamasdan ang ginagawa ng babae sa mga taong ayon sa napagtanungan niyang kasama sa venue ay binu-bully umano si Everly. Hindi man niya maintindihan ang litanya nito na sariling wika ang gamit, alam niyang tinuturuan lang nito ng lection ang balasubas na mga taong iyon at sobrang proud siya sa babae. Muli pa ay mas nadagdagan ang paghanga niya na nararamdaman mula pa noon kay Everly.“What a brave woman!” aniya na gustong pumalakpak pa kasunod ng papuri niyang iyon.Pagod na isinandal ni Everly ang kanyang likod sa pader ng elevator pagkapasok niya doon. Tumamlay ang kanyang mukha at lumamlam ang kanyang mga mata. Biglang nawalan ng buhay ang kanyang katawan ng wala ng nakakakita sa kanya. Inip na pinanood niya ang kulay pulang numero sa itaas ng elevator na patuloy sa pa
PARANG BIGLANG HUMINTO sa pagtibok ang puso ni Everly sa salitang iyon na kumawala sa bibig ng dating asawa. Napakurap na ang mga mata niya na parang nabingi siya. Ito ang unang pagkakataon na narinig niyang sumagot ng ganito si Roscoe pagkatapos ng tatlong taong pagsasama nila. Parang hindi iyon totoo. Nang maalala niya kung gaano kaaktibo si Roscoe sa usapang divorce, sa tingin niya napaka-ironic nito. Kulang na lang din ay ipamukha nito noon sa kanya na hindi siya kagusto-gusto kailanman.“Everly…” Si Caleb iyon na biglang sumulpot na lang sa likuran ng babae. May hawak na payong at pinapayungan na ang ulo ni Everly para huwag mabasa. Nilingon na ito ng babae na nakapaskil na ang ngiti sa kanyang labi. Bagama't nasa sinabi pa rin ni Roscoe ang kanyang isipan, biglang nabaling na iyon sa dayuhang kakilala.“Why are you getting caught in the rain? You might get sick. Please, take care of yourself and stay healthy.” puno ng lambing na saad ni Caleb habang direktang nakatingin ang mga
BIGLANG TUMIBOK NANG mabilis ang puso ni Everly na animo ay nakikipag-karera ito at nais ng lumabas sa lalamunan niya nang marinig ang binitawang salitang iyon ng kanyang dating asawa. Biglang lumiit ang mga pupils ng mga mata niya bilang reaksyon. Hindi si Everly makapaniwala na ang mga salitang ito ay lumabas mula sa bibig ni Roscoe. Sa bibig ng dati niyang asawa na walang pakialam sa kahit anong mangyari sa kanya? Totoo ba? Hindi ba siya dinadaya lang ng kanyang pandinig?Hindi ba't noon pa man ay ayaw ni Roscoe na tanggapin ang kanilang kasal? Itinatanggi niya nga ito nang paulit-ulit eh.Napansin ni Roscoe ang pagkagulat sa mga mata ni Everly at hindi niya maiwasang makaramdam ng inis.Bakit siya nagulat nang sabihin niyang asawa niya ito? Iyon naman ang totoo. Naging mag-asawa naman talaga sila!Salitan na itinuro ni Caleb silang dalawa, puno ng pagdududa ang buong mukha. Mababakas ang labis na pagkalito.“Are you a couple?” alanganin pa nitong tanong na para bang makailang be
ANG KULAY NG balat ni Everly ay orihinal na maputi at mala-porselana sa kinis, ngayon na may mga patak ng tubig na nakasabit sa kanyang pisngi, balikat at leeg nakadagdag iyon sa angking kakaiba niyang ganda. Magulo ang nabasa niyang buhok na bagama't mukhang nakakaawa hindi pa rin maikakaila ang kagandahan niyang taglay na hindi nakaligtas sa paningin ni Roscoe. Noon lang niya napagtanto ang bagay na iyon kung kaya naman ay bahagyang nalilito.Kumapal pa ang hanging bumabalot sa loob ng sasakyan. Nanatili pa rin silang tahimik na dalawa. Saglit na napasulyap si Roscoe sa banda ni Everly. Hindi maipaliwanag ng lalaki ang pag-init ng kanyang lalamunan at katawan nang sumagi sa isip niya ang mapusok na palitan nila ng halik ng dating asawa sa nightclub ng nagdaang gabi. Sa taranta ay hinawakan na niya ang kanyang bulsa, kinapa-kapa na iyon. Nang mahanap ang kaha ng kanyang sigarilyo ay kumuha na siya dito ng isang stick. Walang pag-aatubili niya iyong sinindihan upang mabaling na doon
NAGKUKUMAHOG NA NAMANG pumasok ang bodyguard na nasa labas lang ng VIP room nang marinig iyon. Halata ng pagiging alerto sa kanyang mga galaw. Nakita niyang namumula na sa galit ang mukha ni Lizzy at nanlilisik na rin ang mga mata nito na hindi niya maintindihan. Hindi na roon naitago ang galit nito.“Miss Lizzy, ayos lang ba kayo?” “Mukha ba akong okay? Sa tingin mo okay lang ba akong pinaghintay na dito ng ilang oras?!” bulyaw niya na kulang na lang ay pumutok ang ugat na lumitaw sa kanyang noon nang dahil sa inis na nararamdaman.Ganunpaman ang galit na kanyang nararamdaman ay nagpasya pa rin siyang mag-send ng message kay Lord S upang alamin kung bakit wala pa rin ito doon gayong kung anong oras na iyon. Naroon na siya alas-otso pa lang ng gabi. Anong oras na iyon kung kaya naman hindi na niya mapigilang uminit ang kanyang ulo sa nabasang reply ni Lord S na umano pagkaayos ng kanyang sasakyan at ma-repair ay umuwi na siya dahil bumuhos na ang malakas na ulan. Galit na galit nang
NAKA-PLASTER NA ANG mga ngiti sa mukha ni Lizzy na halatang ready na sa pagdating ng inaasahan niyang ka-meet up sa lugar. Hindi na siya mapakali na parang hindi mapataeng pusa. Kinakailangan na niyang tumayo, saka magpalakad-lakad upang kalmahin ang kanyang sarili. Parang huminto ang buong paligid sa pag-inog pagpatak ng kamay ng orasan sa alas-otso ngunit walang Lord S na dumating at nagpakita sa kanya. Ganunpaman ay hindi pa rin naubusan ng pag-asa sa kanyang puso si Lizzy. “Miss Lizzy, wala pa po ba ang ka-meet up niyo? Lagpas ng alas-otso.” tanong ng bodyguard na kanyang kasama na sumungaw na ang ulo sa pintuan ng VIP room, ang akala niya tuloy ay si Lord S na iyon. Marahang kinagat ni Lizzy ang kanyang pang-ibabang labi sabay iling. Aaminin niyang kinakabahan na siya doon. Imposible na hindi susunod ang kausap niya sa napagkasunduan nilang oras nito. Hindi nito itataya ang kanyang pangalan para lang sirain. Iyon ang pinanghahawakan ni Lizzy kung kaya nakampante pa rin. “Baka
PAGAPANG NA SUMAMPA sa sofa si Everly habang pinapanood niya ang trailer ng bagong labas na drama ng kanyang kaibigang si Sheena nang makatanggap siya ng message mula kay Monel. Screenshot iyon ng isang text message. Kulay itim ang avatar noon at halatang naka-private ang kanyang account na ginawa lang upang gawing pang-communicate.‘Tulungan niyo kaming makakolekta ng dalawang daang ulasimang-bato. Kahit na magkano ay babayaran namin.’ Napataas na ang kilay ni Everly. Parang kung sino lang ang nag-offer na iyon. Tinawagan na niya si Monel matapos na i-pause ang kanyang pinapanood na trailer ng kanyang kaibiga. Agad naman iyong sinagot ng kanyang tinawagan. “Rejected. Gaya ng sabi ko, e-ho-hold natin ang lahat ng ulasimang-bato. Hindi tayo maglalabas noon kahit na isa lang.” “Okay, Boss. Re-reject ko na.” “Good.” “Boss may message na naman siya.” “Sige basahin mo. Anong sabi?” “Bakit ko raw nire-reject? Posible raw bang naubusan na tayo ng lakas na maghanap noon? Namimilit siya
KUMIBOT-KIBOT ANG BIBIG at hindi na mapigilan na agad nanlaki ang mga mata ni Everly, tinatago ang sarkasmo sa mga mata niya na kunwari ay nagulat sa huling sinabi ni Lizzy. Hindi nito alam na kaharap niya na ang tunay na Lord S na siyang may-ari ng S Camp na kanyang ipinagmamalaki at sinasabi kay Everly.“Talaga, Lizzy? Ang powerful mo naman pala kung ganun.” Gusto na siyang tawanan ni Everly dahil mukha na itong tanga sa harapan niya. Tunay nga naman na dati silang magkaibigan ngunit hindi bilang si Lord S siya kundi bilang mahinang si Everly. Iyon ang alam nito.“Pupunta ka ba sa birthday party ng Lola ni Roscoe? Kung wala kang dalang ulasimang-bato para sa kanya, bibigyan kita para naman hindi ka nakakahiya doon. Iyon ang magiging highlight ng party for sure...”Napakagat ng labi si Everly at walang sinasabing ngumiti. Sumulyap si Lizzy sa kanya at naisip niyang pinipilit lang niyang ngumiti dahil ayaw nitong napapahiya. Inayos niya ang kanyang buhok at ang suot na damit. Iyong t
HINDI NA MAALIS ni Everly ang mga mata niya sa kamay ni Roscoe na nakapatong na sa kanyang balikat. Naghuramentado na ang tibok ng kanyang puso nang dahil dito. Nabasa agad ni Everly ang ibig sabihin ni Roscoe, gusto niyang sakyan nito ang sinasabi niya. Ayaw niya man ngunit para di masaktan ang matanda, kinailangan na niyang sumang-ayon na lang kay Roscoe kahit na alam niya sa sariling labag sa loob niya.“Pangako Lola, darating ako sa birthday party mo.” sambit niya kahit naka-plano naman talaga na pumunta siya doon nang dahil sa mga ulasimang-bato na nais niyang ibigay sa matanda. “Darating po ako, Lola…”Ngumiti na doon ang matanda. Nang makitang ngumiti ang matandang babae, nakahinga ng maluwag si Roscoe at sumilay ang ngiti sa gilid ng kanyang bibig. Nagkatinginan na silang dalawa ni Everly ng sandali.“Sige na Lola, magpahinga na po kayo. Hindi na rin ako magtatagal dahil may gagawin pa po ako.”“Basta ha, hija? Pupunta ka sa birthday party ko. Maghihintay ako sa’yo doon. Huwag
SALIT-SALITAN NA SILANG tiningnan ng Ginang. Noon lang niya nakita si Everly na binulyawan ang kanyang anak. Dati-rati naman ay tatahimik lang ito at walang pakialam kung ano ang ginagawa o ang mga sinasabi ni Roscoe. Ngunit iba ang araw na ito. Nakita niya ang galit na nakabalandra sa mukha ni Everly. Nakita ng Ginang ang kabilang side ng manugang na ‘di niya alam na palaban din naman pala.“Bakit pa natin patatagalin at ililihim? Kalat na kalat na nga ang larawan niyong dalawa ni Harvey. Kahit na hindi ko sabihin sa kanya, malalaman pa rin naman niya di ba? Dapat kasi, hindi ka nakipag-date sa Harvey na iyon. Hinintay mo na lang sanang mag-divorce na muna tayo bago ka lumabas, di ba?!”Napakurap na ang mga mata ni Everly. Marami siyang gustong isumbat, ngunit ayaw na niyang humaba ang usapan nila. Isa pa nakakahiya sa mother-in-law niya.“Media ang nagpakalat noon. Hindi maniniwala si Lola sa kanila lalo na kung walang proof. Hindi ba at ikaw ang nakiusap sa akin na ilihim na lang m
ILANG SEGUNDONG NAMANHID ang mukha ni Roscoe nang marinig ang huling litanya ng ina na hindi niya deserve si Everly. Parang siyang sinampal ng malakas doon. Kaliwa at kanan. Alam niyang sa kabila ng pagiging walang wedding ceremony nila ni Everly ay minahal ng kanyang ina ang kanyang asawa. Tahasan niya nga itong kinakampihan ngayon.“Ang daming mga bagay na sinakripisyo ni Everly para sa’yo. Tinalikuran niya pa ang kanyang pamilya para sa’yo. Napunta siya mula sa pagiging walang pakialam na babae sa kanyang pamilya hanggang sa magagawa na niya ang lahat ngayon. Ano ang nagawa niyang mali para makatanggap ng ganitong pakikitungo sa isang walang pusong lalaking tulad mo?!” singhal pa ng kanyang inang hindi na napigilan na mamalisbis ang mga luha sa mata.Napailing na doon ang Ginang na makailang beses inilagay ang kanyang sarili sa sitwasyon ng kanyang manugang. Oo, mahal niya naman ang kanyang anak pero mas may simpatya siya sa manugang. Napayuko na doon si Roscoe. Kung pwede lang sab
WALANG IMIK NA kinuha ni Roscoe ang kanyang first aid kit sa loob ng sasakyan upang lagyan ng bandaid ang kanyang dumudugong likod ng kamay. Nilingon niya si Alexis na wala pa ‘ring galaw ng sandaling iyon na nakatingin na sa kanya.“Ano? Hindi ka babalik sa loob at magbabayad ng bills ko?” “Pero Mr. De—” “Bumalik ka doon, hihintayin kita.” Walang nagawa si Alexis kung hindi ang bumaba at bumalik sa loob ng hospital upang e-settle ang inuutos na bill ng kanyang amo. Hindi naglaon ay bumalik na rin si Alexis. “Umuwi na tayo.” “Saan po tayo uuwi, Mr. De Andrade?” “Sa villa.” Walang imik na binuhay na ni Alexis ang makina ng sasakyan at patalilis ng umalis ng parking lot ng hospital. Pagdating sa villa ay ilang minutong tumambay lang sila sa harapan ng pintuan noon. Ini-enter niya ang password ng ng villa at nang magbukas iyon, iritable niyang nilingon si Alexis na masusing pinagmamasdan ang ginagawa niya.“Ibalik mo sa dati ang password.” aniyang hinila na ang pintuan at tuluyan
MABILIS NA KUMALAT na hindi na tumatanggap ang S Camp ng mga magpapakuha ng mga ulasimang-bato. Iyon pa naman ang inaasahan ng pamilya ni Lizzy na makakapagbigay sa kanila ng maraming halamang gamot na kailangan nila. Ngunit ngayon ay ini-announce nitong hindi na sila tatanggap dahil busy ang may-ari noon na si Lord S. May balita pang kumakalat na mismong si Lord S ay may planong magbigay ng regalo sa matandang Donya Kurita ng mga halamang gamot na kapag nangyari ay isang pagsubok. Bagay na hindi rin nakaligtas kay Lizzy na nasa hospital pa rin. “What the fuck! Bakit ayaw na nilang tumanggap ng order? Marami pa ang kailangan ng pamilya namin! Ni hindi ko nga kilala kung ano ba ang talaga ang tunay na hitsura ng halamang gamot na iyon? Nakakairita naman! Nakakainis!”Padabog ng binitawan ni Lizzya ng kanyang cellphone sa gilid ng kama ni Roscoe. Nakapikit ang mga mata ng lalaki na halatang nagpapahinga pa rin at nag-iipon ng lakas ng mga sandaling iyon. Hinawakan ni Lizzy ang isang br