ANG KULAY NG balat ni Everly ay orihinal na maputi at mala-porselana sa kinis, ngayon na may mga patak ng tubig na nakasabit sa kanyang pisngi, balikat at leeg nakadagdag iyon sa angking kakaiba niyang ganda. Magulo ang nabasa niyang buhok na bagama't mukhang nakakaawa hindi pa rin maikakaila ang kagandahan niyang taglay na hindi nakaligtas sa paningin ni Roscoe. Noon lang niya napagtanto ang bagay na iyon kung kaya naman ay bahagyang nalilito.Kumapal pa ang hanging bumabalot sa loob ng sasakyan. Nanatili pa rin silang tahimik na dalawa. Saglit na napasulyap si Roscoe sa banda ni Everly. Hindi maipaliwanag ng lalaki ang pag-init ng kanyang lalamunan at katawan nang sumagi sa isip niya ang mapusok na palitan nila ng halik ng dating asawa sa nightclub ng nagdaang gabi. Sa taranta ay hinawakan na niya ang kanyang bulsa, kinapa-kapa na iyon. Nang mahanap ang kaha ng kanyang sigarilyo ay kumuha na siya dito ng isang stick. Walang pag-aatubili niya iyong sinindihan upang mabaling na doon
NABULABOG SILA NG malakas na ingay nang biglang tumunog ang cellphone ni Roscoe. Nakakonekta ang kotse sa bluetooth nito at malinaw na nakita ni Everly ang lumabas na caller ID noon at kung sino ang istorbong iyon; si Lizzy ang tumatawag. Sa puntong iyon ay nahimasmasan na nang tuluyan ang babae. Nabalik siya sa wisyo. Walang emosyon na pinindot ni Roscoe ang answer button kung kaya naman ang sumunod na narinig ni Everly ay ang malamyos na boses ni Lizzy mula sa kabilang linya. Nagkaroon na ng malaking guwang ang kanyang puso nang dahil sa tawag na iyon.“Roscoe, tapos na akong i-check ng doctor at ang sabi niya ay wala naman daw mali sa akin.” pagbabalita ng babae na ikinaikot ng mga mata ni Everly mentally, napakaarte ng boses nito at sobrang nakakairita iyon sa kanyang pandinig.“Mabuti naman kung ganun.” kalmadong sagot ni Roscoe na parang inaasahan na niya ang resultang iyon. Ibig sabihin ay kaya sila umalis kanina ay dahil nagpatingin kuno si Lizzy sa doctor? Iyon ang idinahila
HINDI INALIS NI Everly ang kanyang mga mata na puno na ng sama ng loob kay Roscoe. Nanatiling tikom naman ang bibig ni Roscoe na makailang beses na kumibot ngunit hindi niya magawang magsalita. Nag-uumapaw na ang galit ng babae para sa dating asawa at hindi niya rin naman iyon ikinubli. Napailing na lang si Everly nang walang makuhang sagot kay Roscoe na nakatingin lang sa kanyang mukha na para bang may dumi siyang nakadikit doon at hindi niya iyon nakikita. Marami pa sana siyang gustong sabihin ngunit ayaw na niyang magsayang pa ng laway dahil wala rin namang patutunguhan kahit magwala siya. Hindi niya kailangang sumigaw at awayin ito. Gaya ng sabi niya, wala na rin namang silbi pa iyon. Nanatili siyang kalmado kahit pa naghuhumiyaw ang puso niyang magwala at ipakita kay Roscoe ang bunga ng ginawa nito. Lumalim pa ang pagkabigo sa mga mata ni Everly. Walang imik na ibinalik niya kay Roscoe ang aid kit. Minahal pa rin naman niya ang lalaki pero tama na. Marahil nga ay hanggang doon na
NANLIIT NA ANG mga mata ni Everly. Gusto niyang matawa sa reaction na iyon ni Roscoe. Siya pa talaga ang pinaghihinalaan ni Roscoe na may ibang dahilan eh siya naman ang malakas ang loob na naghamon ng divorce. Bagong kasal pa nga lang sila noon, may divorce paper na agad na ipinakita ito sa kanya. Ano ang gusto niyang palabasin noon? Hindi ba at ipamukha na darating ang panahong maghihiwalay din sila. Inaasahan na iyon dapat ni Roscoe kaya hindi maintindihan ni Everly kung bakit ganun ang reaction niya ngayong pinu-push niyang matapos na ang divorce paper nilang mag-asawa. Ang hirap niyang unawain.“Roscoe…”Inilapit na ni Everly ang kanyang mukha sa dating asawa na hindi naman umiwas sa kanyang ginawa. Nanatili na nakahinang ang mga mata nito sa kanyang mukha. Naramdaman niyang dumampi ang hininga niya sa mukha ni Roscoe na naging dahilan para kumurap ito nang ilang beses dahil marahil sa init ng hininga niya. Nagkaroon ng diklap ng apoy ang mga mata ni Roscoe na sa mga sandaling iy
AGAD NA NAGDESISYON at tumango si Everly sa hamon ng ama niya na sabihin ang nangyari sa banquet. Maya-maya pa ay walang patumpik-tumpik ng nagkwento siya sa mga magulang ng mga kaganapan sa banquet. Detalyado ang kanyang paglalarawan sa mga pangyayari maliban na lang sa encounter nila doon ng dati niyang asawang si Roscoe. Sa tingin niya ay hindi na niya kailangan pa iyong idagdag sa kwento. Mataman siyang pinakinggan ng mag-asawa habang tumatango ang ulo bilang pagsang-ayon na sa kanya.“Talaga, anak? Iniligtas mo si Mr. Maqueda?”Proud na muling tumango si Everly. Nagawa niya pang ngumiti sa ama dahil nakita niyang proud ito sa kanyang ginawa. Syempre, buhay ng mahalagang tao ang kanyang iniligtas. Sobrang nakaka-proud noon.“Yes, Dad. Naligtas ko siya na muntik ng hindi mangyari dahil sa mga epal na walang believe sa aking kakayahan na ibang mga bisita. Mabuti na lang talaga at ipinagpilitan ko. Kung hindi, ewan na lang...” umismid pa si Everly nang maalala ang ginawa sa kanyang p
MARAHANG HINAWI NI Everly ang ilang hibla ng buhok na tumabon sa kanyang mukha. Umahon ang inis niya dahil kung kailan siya nagmamadali saka pa may mga aberyang gaya noon. Hinipan niya iyon saglit bago itinuloy ang paghakbang. Nasa harap na siya ng pintuan ng villa na pag-aari ni Roscoe upang kunin doon ang singsing. Nagawa na rin naman niyang ipaalam iyon sa dating asawa kaya kampante siyang pumunta. Walang imik na inilagay niya ang password ng pintuan ng lalaki at hinintay na bumukas iyon, ngunit nakarinig siya ng beep na nagsasabing mali ang password na inilagay niya. Memoryado niya iyon kaya imposible siyang magkamali. Sa loob ng tatlong taong pananatili doon, iisa lang ang password nito.“Mali? Imposible. May nakaligtaan ba ako o napagpalit ko?”Umatras pa si Everly ng ilang hakbang upang tingnan ang villa, baka kasi nagkamali siya sa villa ng iba. Kinumpirma ng kanyang mga mata na tama nga iyon. Pigil ang hingang muli niyang inilagay ang password kahit na naglalaro na sa kanyang
NAGBINGI-BINGIHAN DOON SI Everly at hindi na lang pinansin ang babae. Walang lingon sa likod na siyang umakyat upang puntahan ang naturang silid. Pagpasok niya ng silid ay agad niyang tinungo ang sinabi sa kanya ni Roscoe na drawer kung saan nakatambak ang mga regalong ibinigay niya. Nanlumo siya nang pagbukas niya doon ay nakita niyang parang basurang nakasalansan. Karamihan doon ay ni hindi pa man lang nabuksan at natanggal sa gift wrapper. Bumagsak pa ang magkabilang balikat ni Everly. Sumama pang tuluyan ang kanyang pakiramdam. Madalas pa naman niyang bigyan ng regalo ang dating asawa sa pag-aakalang gusto nito na binibigyan siya ng regalo. Nagkamali pala siya.“Tsk, sana itinapon na lang niya. Hindi na lang niya itinambak dito. Nakakasama naman siya ng loob.” Sinimulan niya ng hanapin ang kanyang pakay. Hinawi niya ang bawat regalo niya na ang iba ay hindi niya na mahulaan kung ano ang laman. Wala naman siyang panahon na buksan iyon dahil alam niya kung ano lang ang kailangan ni
SA GALIT AY hinigpitan ni Lizzy ang hawak sa braso ni Everly na hindi magawang kalasin ng babae. Kapag pinilit niya iyon makagawa siya nang malaking kasalanan dahil nanggigigil na siya sa babaeng kaharap niya. Nagtagisan sila ng titigan. Walang sinuman ang gustong magbawi at magpatalo sa matalim na tingin. “Anong ako? Ikaw! Ikaw lang naman ang patay na patay kay Roscoe kahit na alam mong una siyang naging akin!” duro ni Lizzy sa kanya na kulang na lang ay ipagduldulan ang bagay na iyon sa kanyang mukha.“Oo, sige na una na siyang naging sa’yo dahil iyon ang pinapaniwalaan mo. Bakit nga ba sa akin siya ulit nagpakasal? Mukhang nakalimutan mo yata ang dahilan noon, Lizzy.” humalakhak pa si Everly na lalong nagpaasar kay Lizzy, hindi niya tuloy mapigilan na higpitan ang hawak nito sa braso na kulang na lang ay bumaon na ang mahaba niyang mga kuko. “Mukha yatang nakakalimutan mo na ang part na iyon ah.”“Everly Golloso!” may diin na bulalas ni Lizzy na pikon na pikon na sa presensya ng b
MARIIN ANG PAGKAKATIKOM ni Everly ng bibig niya. Gusto ng matawa sa panghuhula ni Lizzy kung ano ang katauhan niya. Kailan pa siya naging mukhang lalaki? Syempre, hindi niya pa rin itinuloy kahit na sa loob niya ay tawang-tawa na siya dito. Kung malalaman lang nito kung sino siya, malamang hahandusay na ito sa pagkabigla niya.“Ah, lalaki? Sa pagkakaalam ko ay babae raw siya. Kung ganun, hindi pala totoo at tsismis lang iyon.”Puno ng kahulugan na tiningnan na siya ni Lizzy. Pakiramdam niya ay parang hindi na normal ang pagiging madaldal ni Everly na patungkol lahat sa ka-meet niyang si Lord S. Iyong tipong parang marami itong alam. Nabuwisit pa ditong lalo si Lizzy. Natatandaan niya kasing hindi ganito ang babae sa kanya ngunit ngayon ay ang daldal nito. Parang may something din sa mga kinikilos niya.“Maiwan na kita, nagmamadali ako.” Pagkasabi noon ay hindi na hinintay pa ni Lizzy ang sasabihin ni Everly at tuloy na siyang iniwanan. Sinundan lang siya ni Everly ng tingin na hindi
NAGKUKUMAHOG NA NAMANG pumasok ang bodyguard na nasa labas lang ng VIP room nang marinig iyon. Halata ng pagiging alerto sa kanyang mga galaw. Nakita niyang namumula na sa galit ang mukha ni Lizzy at nanlilisik na rin ang mga mata nito na hindi niya maintindihan. Hindi na roon naitago ang galit nito.“Miss Lizzy, ayos lang ba kayo?” “Mukha ba akong okay? Sa tingin mo okay lang ba akong pinaghintay na dito ng ilang oras?!” bulyaw niya na kulang na lang ay pumutok ang ugat na lumitaw sa kanyang noon nang dahil sa inis na nararamdaman.Ganunpaman ang galit na kanyang nararamdaman ay nagpasya pa rin siyang mag-send ng message kay Lord S upang alamin kung bakit wala pa rin ito doon gayong kung anong oras na iyon. Naroon na siya alas-otso pa lang ng gabi. Anong oras na iyon kung kaya naman hindi na niya mapigilang uminit ang kanyang ulo sa nabasang reply ni Lord S na umano pagkaayos ng kanyang sasakyan at ma-repair ay umuwi na siya dahil bumuhos na ang malakas na ulan. Galit na galit nang
NAKA-PLASTER NA ANG mga ngiti sa mukha ni Lizzy na halatang ready na sa pagdating ng inaasahan niyang ka-meet up sa lugar. Hindi na siya mapakali na parang hindi mapataeng pusa. Kinakailangan na niyang tumayo, saka magpalakad-lakad upang kalmahin ang kanyang sarili. Parang huminto ang buong paligid sa pag-inog pagpatak ng kamay ng orasan sa alas-otso ngunit walang Lord S na dumating at nagpakita sa kanya. Ganunpaman ay hindi pa rin naubusan ng pag-asa sa kanyang puso si Lizzy. “Miss Lizzy, wala pa po ba ang ka-meet up niyo? Lagpas ng alas-otso.” tanong ng bodyguard na kanyang kasama na sumungaw na ang ulo sa pintuan ng VIP room, ang akala niya tuloy ay si Lord S na iyon. Marahang kinagat ni Lizzy ang kanyang pang-ibabang labi sabay iling. Aaminin niyang kinakabahan na siya doon. Imposible na hindi susunod ang kausap niya sa napagkasunduan nilang oras nito. Hindi nito itataya ang kanyang pangalan para lang sirain. Iyon ang pinanghahawakan ni Lizzy kung kaya nakampante pa rin. “Baka
PAGAPANG NA SUMAMPA sa sofa si Everly habang pinapanood niya ang trailer ng bagong labas na drama ng kanyang kaibigang si Sheena nang makatanggap siya ng message mula kay Monel. Screenshot iyon ng isang text message. Kulay itim ang avatar noon at halatang naka-private ang kanyang account na ginawa lang upang gawing pang-communicate.‘Tulungan niyo kaming makakolekta ng dalawang daang ulasimang-bato. Kahit na magkano ay babayaran namin.’ Napataas na ang kilay ni Everly. Parang kung sino lang ang nag-offer na iyon. Tinawagan na niya si Monel matapos na i-pause ang kanyang pinapanood na trailer ng kanyang kaibiga. Agad naman iyong sinagot ng kanyang tinawagan. “Rejected. Gaya ng sabi ko, e-ho-hold natin ang lahat ng ulasimang-bato. Hindi tayo maglalabas noon kahit na isa lang.” “Okay, Boss. Re-reject ko na.” “Good.” “Boss may message na naman siya.” “Sige basahin mo. Anong sabi?” “Bakit ko raw nire-reject? Posible raw bang naubusan na tayo ng lakas na maghanap noon? Namimilit siya
KUMIBOT-KIBOT ANG BIBIG at hindi na mapigilan na agad nanlaki ang mga mata ni Everly, tinatago ang sarkasmo sa mga mata niya na kunwari ay nagulat sa huling sinabi ni Lizzy. Hindi nito alam na kaharap niya na ang tunay na Lord S na siyang may-ari ng S Camp na kanyang ipinagmamalaki at sinasabi kay Everly.“Talaga, Lizzy? Ang powerful mo naman pala kung ganun.” Gusto na siyang tawanan ni Everly dahil mukha na itong tanga sa harapan niya. Tunay nga naman na dati silang magkaibigan ngunit hindi bilang si Lord S siya kundi bilang mahinang si Everly. Iyon ang alam nito.“Pupunta ka ba sa birthday party ng Lola ni Roscoe? Kung wala kang dalang ulasimang-bato para sa kanya, bibigyan kita para naman hindi ka nakakahiya doon. Iyon ang magiging highlight ng party for sure...”Napakagat ng labi si Everly at walang sinasabing ngumiti. Sumulyap si Lizzy sa kanya at naisip niyang pinipilit lang niyang ngumiti dahil ayaw nitong napapahiya. Inayos niya ang kanyang buhok at ang suot na damit. Iyong t
HINDI NA MAALIS ni Everly ang mga mata niya sa kamay ni Roscoe na nakapatong na sa kanyang balikat. Naghuramentado na ang tibok ng kanyang puso nang dahil dito. Nabasa agad ni Everly ang ibig sabihin ni Roscoe, gusto niyang sakyan nito ang sinasabi niya. Ayaw niya man ngunit para di masaktan ang matanda, kinailangan na niyang sumang-ayon na lang kay Roscoe kahit na alam niya sa sariling labag sa loob niya.“Pangako Lola, darating ako sa birthday party mo.” sambit niya kahit naka-plano naman talaga na pumunta siya doon nang dahil sa mga ulasimang-bato na nais niyang ibigay sa matanda. “Darating po ako, Lola…”Ngumiti na doon ang matanda. Nang makitang ngumiti ang matandang babae, nakahinga ng maluwag si Roscoe at sumilay ang ngiti sa gilid ng kanyang bibig. Nagkatinginan na silang dalawa ni Everly ng sandali.“Sige na Lola, magpahinga na po kayo. Hindi na rin ako magtatagal dahil may gagawin pa po ako.”“Basta ha, hija? Pupunta ka sa birthday party ko. Maghihintay ako sa’yo doon. Huwag
SALIT-SALITAN NA SILANG tiningnan ng Ginang. Noon lang niya nakita si Everly na binulyawan ang kanyang anak. Dati-rati naman ay tatahimik lang ito at walang pakialam kung ano ang ginagawa o ang mga sinasabi ni Roscoe. Ngunit iba ang araw na ito. Nakita niya ang galit na nakabalandra sa mukha ni Everly. Nakita ng Ginang ang kabilang side ng manugang na ‘di niya alam na palaban din naman pala.“Bakit pa natin patatagalin at ililihim? Kalat na kalat na nga ang larawan niyong dalawa ni Harvey. Kahit na hindi ko sabihin sa kanya, malalaman pa rin naman niya di ba? Dapat kasi, hindi ka nakipag-date sa Harvey na iyon. Hinintay mo na lang sanang mag-divorce na muna tayo bago ka lumabas, di ba?!”Napakurap na ang mga mata ni Everly. Marami siyang gustong isumbat, ngunit ayaw na niyang humaba ang usapan nila. Isa pa nakakahiya sa mother-in-law niya.“Media ang nagpakalat noon. Hindi maniniwala si Lola sa kanila lalo na kung walang proof. Hindi ba at ikaw ang nakiusap sa akin na ilihim na lang m
ILANG SEGUNDONG NAMANHID ang mukha ni Roscoe nang marinig ang huling litanya ng ina na hindi niya deserve si Everly. Parang siyang sinampal ng malakas doon. Kaliwa at kanan. Alam niyang sa kabila ng pagiging walang wedding ceremony nila ni Everly ay minahal ng kanyang ina ang kanyang asawa. Tahasan niya nga itong kinakampihan ngayon.“Ang daming mga bagay na sinakripisyo ni Everly para sa’yo. Tinalikuran niya pa ang kanyang pamilya para sa’yo. Napunta siya mula sa pagiging walang pakialam na babae sa kanyang pamilya hanggang sa magagawa na niya ang lahat ngayon. Ano ang nagawa niyang mali para makatanggap ng ganitong pakikitungo sa isang walang pusong lalaking tulad mo?!” singhal pa ng kanyang inang hindi na napigilan na mamalisbis ang mga luha sa mata.Napailing na doon ang Ginang na makailang beses inilagay ang kanyang sarili sa sitwasyon ng kanyang manugang. Oo, mahal niya naman ang kanyang anak pero mas may simpatya siya sa manugang. Napayuko na doon si Roscoe. Kung pwede lang sab
WALANG IMIK NA kinuha ni Roscoe ang kanyang first aid kit sa loob ng sasakyan upang lagyan ng bandaid ang kanyang dumudugong likod ng kamay. Nilingon niya si Alexis na wala pa ‘ring galaw ng sandaling iyon na nakatingin na sa kanya.“Ano? Hindi ka babalik sa loob at magbabayad ng bills ko?” “Pero Mr. De—” “Bumalik ka doon, hihintayin kita.” Walang nagawa si Alexis kung hindi ang bumaba at bumalik sa loob ng hospital upang e-settle ang inuutos na bill ng kanyang amo. Hindi naglaon ay bumalik na rin si Alexis. “Umuwi na tayo.” “Saan po tayo uuwi, Mr. De Andrade?” “Sa villa.” Walang imik na binuhay na ni Alexis ang makina ng sasakyan at patalilis ng umalis ng parking lot ng hospital. Pagdating sa villa ay ilang minutong tumambay lang sila sa harapan ng pintuan noon. Ini-enter niya ang password ng ng villa at nang magbukas iyon, iritable niyang nilingon si Alexis na masusing pinagmamasdan ang ginagawa niya.“Ibalik mo sa dati ang password.” aniyang hinila na ang pintuan at tuluyan