NAKANGIWI NA INI-ANGAT na ni Everly ang kanyang mga mata upang makita lang si Lizzy at Roscoe na nakababa na ng hagdan at matamang nakatingin na sa kanyang nakakaawang hitsura. Ang kahihiyan, kawalan ng pag-asa, at sakit ay hindi sapat upang ilarawan na laman ng kanyang kalooban sa sandaling ito. Hindi rin sapat ang pagkahulog niya sa hagdan upang patayin siya nito, ngunit paniguradong bibigyan siya ng sakit ng buong katawan na mga ilang araw niya paniguradong iindahin. Iinot-inot na bumangon si Everly hanggang sa tuluyan na siyang makaupo. Hindi niya tinanggap ang mga kamay ni Lizzy na nakaumang at akma sana siyang tutulungan. Bakas sa kanya ang kawalan ng lakas dahil sa nangyari pero hindi niya ipinakita iyon sa dalawang tampalasan na siyang may kagagawan kung bakit siya naroroon. Kung hinawakan sana siya ni Roscoe, kung hindi niya sana tinulungan si Lizzy, walang ganitong mga pangyayari.“Ano bang nangyayari sa’yo Everly at—” “Shut your fucking mouth, Roscoe!” hindi malakas ngunit
NAPATINGIN NA SA banda ni Everly si Roscoe nang biglang maalala ang dating asawa at ang pananahimik nitong bigla. Nakita niya kung paano mangatal at manghina ang katawan ng dating asawa. Kumabog ang puso niya nang maalala na mataas ang hagdan na kinahulugan nito. Naisip niya agad na paano kung may buto itong na-dislocate o kung hindi naman ay buto na nabali at maaaring makaapekto dito nang malala? Kumunot ang noo niya, at bakas na sa mukha niya ang gumuhit na labis na pag-aalala. Subalit agad na naglaho iyon nang maramdaman niya ang mahigpit na pagyakap ni Lizzy sa kanyang katawan. Humihikbi. Isiniksik pa ng babae ang kanyang mukha sa kanyang leeg na para bang naghahanap na ng pagkalinga.“Ilang beses na kitang binalaan noon na huwag mo ng uuliting saktan si Lizzy—” Napaangat na ang mukha ni Everly at pilit na nilabanan ang kanyang mas lumalala pa doong pagkahilo. Sinalubong niya ng matalim na mga tingin ang mga mata ni Roscoe na nakatingin na rin sa kanya dito. Walang anumang liwana
HINDI MAGAWANG MAKAHUMA ni Roscoe sa mga salitang iyon na wala sa vocabulary niyang magagawang bigkasin ng isang Everly Golloso. Gulat na gulat siya. Gulat na hindi nagtagal ay napalitan ng matinding galit para sa dating asawa. Sinabihan siya nitong estupido? Hunghang?Namura pa siya! Sa sobrang galit niya ay walang pakundangan niyang nahila ang suot na kurbata sa leeg niya. Gigil na gigil siya sa dating asawa na kung yapakan siya ay ganun-ganun na lamang kanina.“Roscoe…” tantiyado at mahina ang boses na kuha ni Lizzy ng atensyon ng lalaki na matalim pa rin ang tingin sa pintuang nilabasan ni Everly ilang minuto na ang nakakalipas, halatang ayaw nitong magpaawat sa galit na nararamdaman. “Huwag mo na siyang pansinin. Sabi ko naman sa’yo na—” Hindi natuloy ang litanya ni Lizzy sa ginawang mabilis na pagputol ni Roscoe sa mga sasabihin.“I’ll ask Alexis na dalhin ka niyang muli at samahan sa hospital para magpa-check up.”“Hindi mo ba ako sasamahan?” tanong pa ng babae sa mababang t
NAKANGISI AT EXCITED na itinapat na ni Everly ang kanyang mukha sa pinto na agad namang nagbukas ang gate ng camp nang mabasa iyon. Sinalubong sila ng napakaliwanag na puting ilaw na galing sa loob. Bumukas ang lahat ng ilaw sa lugar at nagsimulang gumalaw ang long dusty robots upang salubungin din ang pagdating nila. “Welcome home, Lord S.” Sa gitna ng camp hall, ang pinakabagong balita mula sa black market ay mabilis na kumislap sa isang transparent na screen upang magpakita lang sa mga mata nina Everly at Monel. Tumaas pa ang level ng excitement ng dalawa dahil dito.“Fuck! Napansin niyo ba? Online ang S Camp!” “Ano? Ang S Camp? Ito ba iyong S Camp na bigla na lang naglaho five years ago?”“Oo, iyon nga! Babalik na kaya sila?”“Oh my God! I’ve never seen this before! Ang saya lang! Lord S is back!”Malapad nang napangiti doon si Everly dahil pakiramdam niya ay hindi sila nawala ng matagal. Marami pa rin ang nakakaalala sa kanila. Tila ba nawala ang sakit ng buo niyang katawan. N
NAIKUYOM PA NI Roscoe ang kanyang mga kamao habang tahasang naririnig niya ang palitan ng kanilang usapan. Ginagawa siyang tanga ng mag-inang ito. Hindi na niya napigilan pa ang sarili at pamartsa na siyang pumasok sa loob ng ward. Nang makita siya ni Lizzy ay mas namutla pa ang mukha nito at hindi na nagawang magsalita pa ng mga sasabihin sana sa ina niya.“Roscoe…narito ka na pala…” hilaw ang ngiti nito habang pasimpleng nangangatal na ang labi.Pinili ni Roscoe na huwag diretsang sitahin si Lizzy sa mga nangyari lalo na at naroon ang kanyang ina. Paniguradong makikialam ito sa kanila kapag agad niyang sinabi ang tungkol doon. Tumango lang si Roscoe sa Ginang bilang pagbati na kung ngumiti sa kanya ay parang isang maamong tupa na walang masamang itinuturo sa anak kanina. Masama ang magsinungaling at iyon ang gusto niyang gawin ng anak kahit may ebidensya pa ito. Hinawakan ni Roscoe sa tuktok ng ulo si Lizzy na biglang napahikbi na lang sa gesture niyang iyon. “What’s wrong? Bakit k
MARIING NAKAGAT NA ni Lizzy ang kanyang pang-ibabang labi at nilabanan na ang mga titig ni Roscoe na alam niyang may namumuo ng galit sa kanyang puso. Makikita sa kanyang mga mata na hindi siya masaya. Pakiramdam ng babae ay pinapagalitan siya ni Roscoe ngayon at kinakampihan na nito ang dating asawa; si Everly. Sa isiping iyon ay hindi na mapigilan ng babaeng kamuhian ang lalaking kaharap at sumbatan na.“Ikaw, Roscoe? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?” Nauubos ang pasensyang napakurap na si Roscoe. Bakit ang labas ay siya pa ang may kasalanan sa babaeng sinisita niya dahil nahuli niyang may kalokohang ginagawa at nagsisinungaling sa kanya? “Sinisita mo ako ngayon at pinagsasalitaan ng masakit dahil lang sa Everly na iyon? Tama bang gawain mo iyan?” puno pa ng hinanakit na tanong niya habang namumula na ang mga mata. “Tama ba iyan, Roscoe?!”Lumalim at nandilim pa ang mga matang nakatingin ni Roscoe sa babae. Hindi niya makuha ang logic ni Lizzy at hindi niya maintindihan ku
GABI, SA Embarcadero Restaurant. Nagmamadali ang malalaking mga hakbang ni Everly pagbaba pa lang niya ng kanyang sasakyan. Late na siya kung kaya naman ganun na lang ang kanyang pagmamadali na hindi na nagawang purihin ang lugar. Walang lingon-likod sa paligid na malakas na itinulak niya ang pintuan ng nasabing restaurant kung saan siya sinalubong ng ilang mga staff upang tanungin kung may reservation. Sinabi niya dito kung sino ang mga kasama niya kung kaya naman iginiya na siya ng isa sa kanila patungo sa banda kung nasaan ang kanilang grupo na kanina pa umano doon naghihintay. Open space iyon na matatanaw ang dagat na nagiging kulay ginto sa kislap ng mga ilaw, ngunit kinakailangan na may daananang pintuan dahil exclusive iyon sa mga event na kagaya ng gagawin nilang dinner party sa gabing iyon.“Thank you.” nakangiting sambit ni Everly nang maihatid na siya sa may pintuan ng area. Inayos muna niya ang kanyang sarili at nag-practice ng isang matingkad na ngiti upang ibigay iyon
SUMIMSIM NA SA kanyang kopita si Everly habang nakikinig pa rin sa usapan ng mga matatanda. Totoo ang sinabi ng mga kaharap niya. Ang kaarawan ng matandang babae ng mga De Andrade ay isang malaking opportunity sa lahat ng mga businessman at bago pa lang nagnenegosyo na mga pamilya upang makaani ng pabor sa kanilang pamilya. Minsan pa nga ay weird na ang mga regalong natatanggap ng matanda para lang mapansin sila ng mga ito. Mataas ang tingin ng matandang babae sa kanyang sarili, inaalagaan din nito ang kanyang reputasyon. Kung mapapasaya mo siya, tiyak gagantihan ka ng kabutihan ng matanda. Mahirap din itong kaaway, kahit anong taas pa ng reputasyon kaya nitong isadsad sa lusak.“Hindi ko alam kung narinig niyo na ang tungkol sa herbal na gamot na gustong-gusto ng matanda.” Herbal na gamot? Bakit? Ayaw na ba nito sa mga gamot na nabibili at herbal na ang gusto?“Anong klaseng herbal na gamot?” “Ulasimang bato.” Napataas ang kilay ni Everly. Noon lang niya iyon narinig. Hindi niya n
MARIIN ANG PAGKAKATIKOM ni Everly ng bibig niya. Gusto ng matawa sa panghuhula ni Lizzy kung ano ang katauhan niya. Kailan pa siya naging mukhang lalaki? Syempre, hindi niya pa rin itinuloy kahit na sa loob niya ay tawang-tawa na siya dito. Kung malalaman lang nito kung sino siya, malamang hahandusay na ito sa pagkabigla niya.“Ah, lalaki? Sa pagkakaalam ko ay babae raw siya. Kung ganun, hindi pala totoo at tsismis lang iyon.”Puno ng kahulugan na tiningnan na siya ni Lizzy. Pakiramdam niya ay parang hindi na normal ang pagiging madaldal ni Everly na patungkol lahat sa ka-meet niyang si Lord S. Iyong tipong parang marami itong alam. Nabuwisit pa ditong lalo si Lizzy. Natatandaan niya kasing hindi ganito ang babae sa kanya ngunit ngayon ay ang daldal nito. Parang may something din sa mga kinikilos niya.“Maiwan na kita, nagmamadali ako.” Pagkasabi noon ay hindi na hinintay pa ni Lizzy ang sasabihin ni Everly at tuloy na siyang iniwanan. Sinundan lang siya ni Everly ng tingin na hindi
NAGKUKUMAHOG NA NAMANG pumasok ang bodyguard na nasa labas lang ng VIP room nang marinig iyon. Halata ng pagiging alerto sa kanyang mga galaw. Nakita niyang namumula na sa galit ang mukha ni Lizzy at nanlilisik na rin ang mga mata nito na hindi niya maintindihan. Hindi na roon naitago ang galit nito.“Miss Lizzy, ayos lang ba kayo?” “Mukha ba akong okay? Sa tingin mo okay lang ba akong pinaghintay na dito ng ilang oras?!” bulyaw niya na kulang na lang ay pumutok ang ugat na lumitaw sa kanyang noon nang dahil sa inis na nararamdaman.Ganunpaman ang galit na kanyang nararamdaman ay nagpasya pa rin siyang mag-send ng message kay Lord S upang alamin kung bakit wala pa rin ito doon gayong kung anong oras na iyon. Naroon na siya alas-otso pa lang ng gabi. Anong oras na iyon kung kaya naman hindi na niya mapigilang uminit ang kanyang ulo sa nabasang reply ni Lord S na umano pagkaayos ng kanyang sasakyan at ma-repair ay umuwi na siya dahil bumuhos na ang malakas na ulan. Galit na galit nang
NAKA-PLASTER NA ANG mga ngiti sa mukha ni Lizzy na halatang ready na sa pagdating ng inaasahan niyang ka-meet up sa lugar. Hindi na siya mapakali na parang hindi mapataeng pusa. Kinakailangan na niyang tumayo, saka magpalakad-lakad upang kalmahin ang kanyang sarili. Parang huminto ang buong paligid sa pag-inog pagpatak ng kamay ng orasan sa alas-otso ngunit walang Lord S na dumating at nagpakita sa kanya. Ganunpaman ay hindi pa rin naubusan ng pag-asa sa kanyang puso si Lizzy. “Miss Lizzy, wala pa po ba ang ka-meet up niyo? Lagpas ng alas-otso.” tanong ng bodyguard na kanyang kasama na sumungaw na ang ulo sa pintuan ng VIP room, ang akala niya tuloy ay si Lord S na iyon. Marahang kinagat ni Lizzy ang kanyang pang-ibabang labi sabay iling. Aaminin niyang kinakabahan na siya doon. Imposible na hindi susunod ang kausap niya sa napagkasunduan nilang oras nito. Hindi nito itataya ang kanyang pangalan para lang sirain. Iyon ang pinanghahawakan ni Lizzy kung kaya nakampante pa rin. “Baka
PAGAPANG NA SUMAMPA sa sofa si Everly habang pinapanood niya ang trailer ng bagong labas na drama ng kanyang kaibigang si Sheena nang makatanggap siya ng message mula kay Monel. Screenshot iyon ng isang text message. Kulay itim ang avatar noon at halatang naka-private ang kanyang account na ginawa lang upang gawing pang-communicate.‘Tulungan niyo kaming makakolekta ng dalawang daang ulasimang-bato. Kahit na magkano ay babayaran namin.’ Napataas na ang kilay ni Everly. Parang kung sino lang ang nag-offer na iyon. Tinawagan na niya si Monel matapos na i-pause ang kanyang pinapanood na trailer ng kanyang kaibiga. Agad naman iyong sinagot ng kanyang tinawagan. “Rejected. Gaya ng sabi ko, e-ho-hold natin ang lahat ng ulasimang-bato. Hindi tayo maglalabas noon kahit na isa lang.” “Okay, Boss. Re-reject ko na.” “Good.” “Boss may message na naman siya.” “Sige basahin mo. Anong sabi?” “Bakit ko raw nire-reject? Posible raw bang naubusan na tayo ng lakas na maghanap noon? Namimilit siya
KUMIBOT-KIBOT ANG BIBIG at hindi na mapigilan na agad nanlaki ang mga mata ni Everly, tinatago ang sarkasmo sa mga mata niya na kunwari ay nagulat sa huling sinabi ni Lizzy. Hindi nito alam na kaharap niya na ang tunay na Lord S na siyang may-ari ng S Camp na kanyang ipinagmamalaki at sinasabi kay Everly.“Talaga, Lizzy? Ang powerful mo naman pala kung ganun.” Gusto na siyang tawanan ni Everly dahil mukha na itong tanga sa harapan niya. Tunay nga naman na dati silang magkaibigan ngunit hindi bilang si Lord S siya kundi bilang mahinang si Everly. Iyon ang alam nito.“Pupunta ka ba sa birthday party ng Lola ni Roscoe? Kung wala kang dalang ulasimang-bato para sa kanya, bibigyan kita para naman hindi ka nakakahiya doon. Iyon ang magiging highlight ng party for sure...”Napakagat ng labi si Everly at walang sinasabing ngumiti. Sumulyap si Lizzy sa kanya at naisip niyang pinipilit lang niyang ngumiti dahil ayaw nitong napapahiya. Inayos niya ang kanyang buhok at ang suot na damit. Iyong t
HINDI NA MAALIS ni Everly ang mga mata niya sa kamay ni Roscoe na nakapatong na sa kanyang balikat. Naghuramentado na ang tibok ng kanyang puso nang dahil dito. Nabasa agad ni Everly ang ibig sabihin ni Roscoe, gusto niyang sakyan nito ang sinasabi niya. Ayaw niya man ngunit para di masaktan ang matanda, kinailangan na niyang sumang-ayon na lang kay Roscoe kahit na alam niya sa sariling labag sa loob niya.“Pangako Lola, darating ako sa birthday party mo.” sambit niya kahit naka-plano naman talaga na pumunta siya doon nang dahil sa mga ulasimang-bato na nais niyang ibigay sa matanda. “Darating po ako, Lola…”Ngumiti na doon ang matanda. Nang makitang ngumiti ang matandang babae, nakahinga ng maluwag si Roscoe at sumilay ang ngiti sa gilid ng kanyang bibig. Nagkatinginan na silang dalawa ni Everly ng sandali.“Sige na Lola, magpahinga na po kayo. Hindi na rin ako magtatagal dahil may gagawin pa po ako.”“Basta ha, hija? Pupunta ka sa birthday party ko. Maghihintay ako sa’yo doon. Huwag
SALIT-SALITAN NA SILANG tiningnan ng Ginang. Noon lang niya nakita si Everly na binulyawan ang kanyang anak. Dati-rati naman ay tatahimik lang ito at walang pakialam kung ano ang ginagawa o ang mga sinasabi ni Roscoe. Ngunit iba ang araw na ito. Nakita niya ang galit na nakabalandra sa mukha ni Everly. Nakita ng Ginang ang kabilang side ng manugang na ‘di niya alam na palaban din naman pala.“Bakit pa natin patatagalin at ililihim? Kalat na kalat na nga ang larawan niyong dalawa ni Harvey. Kahit na hindi ko sabihin sa kanya, malalaman pa rin naman niya di ba? Dapat kasi, hindi ka nakipag-date sa Harvey na iyon. Hinintay mo na lang sanang mag-divorce na muna tayo bago ka lumabas, di ba?!”Napakurap na ang mga mata ni Everly. Marami siyang gustong isumbat, ngunit ayaw na niyang humaba ang usapan nila. Isa pa nakakahiya sa mother-in-law niya.“Media ang nagpakalat noon. Hindi maniniwala si Lola sa kanila lalo na kung walang proof. Hindi ba at ikaw ang nakiusap sa akin na ilihim na lang m
ILANG SEGUNDONG NAMANHID ang mukha ni Roscoe nang marinig ang huling litanya ng ina na hindi niya deserve si Everly. Parang siyang sinampal ng malakas doon. Kaliwa at kanan. Alam niyang sa kabila ng pagiging walang wedding ceremony nila ni Everly ay minahal ng kanyang ina ang kanyang asawa. Tahasan niya nga itong kinakampihan ngayon.“Ang daming mga bagay na sinakripisyo ni Everly para sa’yo. Tinalikuran niya pa ang kanyang pamilya para sa’yo. Napunta siya mula sa pagiging walang pakialam na babae sa kanyang pamilya hanggang sa magagawa na niya ang lahat ngayon. Ano ang nagawa niyang mali para makatanggap ng ganitong pakikitungo sa isang walang pusong lalaking tulad mo?!” singhal pa ng kanyang inang hindi na napigilan na mamalisbis ang mga luha sa mata.Napailing na doon ang Ginang na makailang beses inilagay ang kanyang sarili sa sitwasyon ng kanyang manugang. Oo, mahal niya naman ang kanyang anak pero mas may simpatya siya sa manugang. Napayuko na doon si Roscoe. Kung pwede lang sab
WALANG IMIK NA kinuha ni Roscoe ang kanyang first aid kit sa loob ng sasakyan upang lagyan ng bandaid ang kanyang dumudugong likod ng kamay. Nilingon niya si Alexis na wala pa ‘ring galaw ng sandaling iyon na nakatingin na sa kanya.“Ano? Hindi ka babalik sa loob at magbabayad ng bills ko?” “Pero Mr. De—” “Bumalik ka doon, hihintayin kita.” Walang nagawa si Alexis kung hindi ang bumaba at bumalik sa loob ng hospital upang e-settle ang inuutos na bill ng kanyang amo. Hindi naglaon ay bumalik na rin si Alexis. “Umuwi na tayo.” “Saan po tayo uuwi, Mr. De Andrade?” “Sa villa.” Walang imik na binuhay na ni Alexis ang makina ng sasakyan at patalilis ng umalis ng parking lot ng hospital. Pagdating sa villa ay ilang minutong tumambay lang sila sa harapan ng pintuan noon. Ini-enter niya ang password ng ng villa at nang magbukas iyon, iritable niyang nilingon si Alexis na masusing pinagmamasdan ang ginagawa niya.“Ibalik mo sa dati ang password.” aniyang hinila na ang pintuan at tuluyan