MARIING NAKAGAT NA ni Lizzy ang kanyang pang-ibabang labi at nilabanan na ang mga titig ni Roscoe na alam niyang may namumuo ng galit sa kanyang puso. Makikita sa kanyang mga mata na hindi siya masaya. Pakiramdam ng babae ay pinapagalitan siya ni Roscoe ngayon at kinakampihan na nito ang dating asawa; si Everly. Sa isiping iyon ay hindi na mapigilan ng babaeng kamuhian ang lalaking kaharap at sumbatan na.âIkaw, Roscoe? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?â Nauubos ang pasensyang napakurap na si Roscoe. Bakit ang labas ay siya pa ang may kasalanan sa babaeng sinisita niya dahil nahuli niyang may kalokohang ginagawa at nagsisinungaling sa kanya? âSinisita mo ako ngayon at pinagsasalitaan ng masakit dahil lang sa Everly na iyon? Tama bang gawain mo iyan?â puno pa ng hinanakit na tanong niya habang namumula na ang mga mata. âTama ba iyan, Roscoe?!âLumalim at nandilim pa ang mga matang nakatingin ni Roscoe sa babae. Hindi niya makuha ang logic ni Lizzy at hindi niya maintindihan ku
GABI, SA Embarcadero Restaurant. Nagmamadali ang malalaking mga hakbang ni Everly pagbaba pa lang niya ng kanyang sasakyan. Late na siya kung kaya naman ganun na lang ang kanyang pagmamadali na hindi na nagawang purihin ang lugar. Walang lingon-likod sa paligid na malakas na itinulak niya ang pintuan ng nasabing restaurant kung saan siya sinalubong ng ilang mga staff upang tanungin kung may reservation. Sinabi niya dito kung sino ang mga kasama niya kung kaya naman iginiya na siya ng isa sa kanila patungo sa banda kung nasaan ang kanilang grupo na kanina pa umano doon naghihintay. Open space iyon na matatanaw ang dagat na nagiging kulay ginto sa kislap ng mga ilaw, ngunit kinakailangan na may daananang pintuan dahil exclusive iyon sa mga event na kagaya ng gagawin nilang dinner party sa gabing iyon.âThank you.â nakangiting sambit ni Everly nang maihatid na siya sa may pintuan ng area. Inayos muna niya ang kanyang sarili at nag-practice ng isang matingkad na ngiti upang ibigay iyon
SUMIMSIM NA SA kanyang kopita si Everly habang nakikinig pa rin sa usapan ng mga matatanda. Totoo ang sinabi ng mga kaharap niya. Ang kaarawan ng matandang babae ng mga De Andrade ay isang malaking opportunity sa lahat ng mga businessman at bago pa lang nagnenegosyo na mga pamilya upang makaani ng pabor sa kanilang pamilya. Minsan pa nga ay weird na ang mga regalong natatanggap ng matanda para lang mapansin sila ng mga ito. Mataas ang tingin ng matandang babae sa kanyang sarili, inaalagaan din nito ang kanyang reputasyon. Kung mapapasaya mo siya, tiyak gagantihan ka ng kabutihan ng matanda. Mahirap din itong kaaway, kahit anong taas pa ng reputasyon kaya nitong isadsad sa lusak.âHindi ko alam kung narinig niyo na ang tungkol sa herbal na gamot na gustong-gusto ng matanda.â Herbal na gamot? Bakit? Ayaw na ba nito sa mga gamot na nabibili at herbal na ang gusto?âAnong klaseng herbal na gamot?â âUlasimang bato.â Napataas ang kilay ni Everly. Noon lang niya iyon narinig. Hindi niya n
NAGPALITAN NG MAKAHULUGANG mga tingin ang magkaibigan habang parang estatwa na nakatayo pa rin doon. Unang umubo si Desmond upang klaruhin ang boses niya habang kaharap ang mga matatanda. âPasensya na po mga Tito, sumama si Daddy sa laot sa kanyang mga tauhang nangingisda at hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon kung kaya naman ako po muna ang pumalit sa kanya.â inumang ni Desmond ang dalawang bote ng wine na kanyang dala na nasa loob ng paper bags, âSana po ay ma-enjoy ninyo itong lahat.â patuloy ni Desmond na ngumiti pa ng malapad kahit pa ang awkward na dito.âYouâre welcome mga hijo, sige na maupo na kayo.â mosyon pa ni Arturo sa dalawang bakanteng upuan.Sabay na humakbang si Roscoe at Desmond palapit sa mga upuan kung saan ay malapit kay Everly. Bumakas agad ang problema sa mukha nila kung sino ang mauupo sa tabi ng babae. Kumindat si Desmond kay Roscoe na tila inuutusang maupo na sa tabi ng dati nitong asawa. Upang huwag ng humaba iyon ay pinili na lang ni Roscoe na maupo sa
BAYOLENTENG NATAWA ANG lalaki sa halagang sinabi ni Everly. Bakit ba? Iyon ang sa tingin niya ay presyo niya. Tinatanong siya nito ngayong sinagot ay tatawa ito na para bang imposible ang halagang sinabi niya?âAnong tingin mo sa katawan mo, ginto?â âHindi lang ginto. Lagpas pa sa ginto.âGalaiting hinawakan na siya ng lalaki sa braso. Napapiksi na sa ginaw nito si Everly. Hindi niya inaasahan na hahablutin ng lasing na lalaki ang braso. Nanliit na ang mga mata niya. Naisip na ang arogante ng asta ng lalaking ang pangit ng hitsura.âNagpapatawa ka ba, ha?ââHindi. Hindi ka nga natawa di ba? Bitawan mo ako kung hindi mo naman pala kaya ang hinihingi kong halaga!â subok ni Everly na hilahin na ang braso niya.Sa halip na lumuwag ay humigpit pa lalo ang hawak nito sa kanyang braso na ikinapikon na ni Everly. âExcuse me? Bitawan mo nga ako! Sino ka ba sa akala mo na pwede akong hawakan ha?!âPilit inapuhap ni Everly kung pamilyar sa mukha niya ang lalaki, ngunit hindi. Hindi niya ito ma
UMAALINGAWNGAW NA ANG galaiting tinig ni Roscoe na para bang papatay ito anumang oras. Laking pasalamat na lang ni Everly na walang gaanong tao dito dahil kung hindi, isang malaking eskandalo iyon na kakaharapin nilang dalawa.âAno? Kilala mo na ba kung sino ako?!âKinusot-kusot ni Samuel ang kanyang mga mata na nagsimula ng mangatal ang katawan nang makilala ang may-ari ng boses ng lalaking kaharap niya. Tila nahimasmasan siya at nagising sa espiritu ng alak ang kanyang bawat himaymay.âMr. D-De Andrade?âBinalingan niya ng tingin si Everly na nasa likod pa rin ni Roscoe. Noon niya napagtanto kung sino ang babaeng iyon, si Everly Golloso; ang asawa ni Roscoe De Andrade na matayog na parang kawayan na nakatayo sa kanyang harapan!âAyos ka lang ba?â lingon na ni Roscoe kay Everly na gulantang pa rin ang buong katauhan sa pagsaklolo ng dating asawa, hindi niya inaasahang bigla itong susulpot. Kaya naman niya ang kanyang sarili kahit na hindi ito makialam. Nagkataon lang na bigla itong
SA NARINIG NA sinabi ng dating asawa ay parang mabubulunan ng sarili niyang laway si Roscoe. Sumasalamin sa dilemma ni Everly ngayon kung paano niya noon itrato ang dati niyang asawa. âBigla kang naging ibang taoâŠâ Yumukod pa si Everly, naging dahilan iyon upang mahulog ang ilang hibla ng kanyang buhok sa magkabila niyang pisngi. Nadepina pa noon ang collar bone niya na mas nagpalitaw ng ganda niya. Hindi nakaligtas iyon sa mga mata ni Roscoe na titig na titig pa rin sa mukha ni Everly. Biglang sumagi tuloy sa kanyang isipan noong nasa highschool pa lang sila. Palagi siya noong napapaaway dahil isa siyang basagulero. Kada magkakasugat siya at masasaktan, palaging nariyan si Everly upang gamutin ang kanyang mga galos at sugat kahit na ang iba ay sobrang lala.âBakit palagi ka bang nakikipagsuntukan? Gusto mo ba na palaging masakit ang katawan? Alagaan mo naman ang sarili mo. Paulit-ulit na lang. Sa sunod talaga, hindi na kita gagamutin!â Sabi lang naman iyon ni Everly, dahil kada ma
BIGLANG NAGING MAPAKLA ang mukha ni Roscoe nang makita niyang paalis na si Everly sa harapan niya dahil tinalikuran na siya nito. Oarang may sariling buhay na biglang hinablot ni Roscoe ang isang braso ni Everly gamit ang isa niyang kamay kung kaya naman biglang napalingon ang dating asawa sa kanya na pilit ginawang blangko ang mukhang ipinapakita. Inaasahan na niyang mangyayari iyon kaya kalmado pa rin.âMr. De Andrade, may kailangan ka pa ba?â hindi man lang nanginig ang boses dito ni Everly.Rumihistro ang sobrang frustration ni Roscoe sa mukha na hindi niya malaman kung saan galing at bakit siya naiinis na ayos ang ang reaction ng dating asawa. Gamit ang mahaba niyang mga braso ay hinila niya si Everly palapit pa sa kanya na kung hindi niya nayakap ay paniguradong humampas ang katawan sa gilid ng sasakyan. Nanlaki naman ang mga mata ni Everly na napahawak na sa dibdib ng dating asawa. Muli siya nitong ikinulong sa mga bisig habang nakatuon ang nandidilim na mga mata. Paulit-ulit n
SABAY NA NAPATINGIN na sina Harvey at Roscoe kay Everly nang tahasang sabihin niya iyon. Maging si Lizzy ay hindi makapaniwala na sasabihin din iyon ni Everly nang harapan. Hindi ganun ang pagkakakilala niya sa dating kaibigan na palaging pinipili na manahimik na lang keysa ang makipagtalo at lumaban ito.âWala akong masamang ginawa. Legal naman ang lahat at ang paghihiwalay na gagawin natin di ba? Hindi naman siguro ako mahirap magustuhan ng ibang tao kagaya na lang ng [agkagusto sa'yo niyang babae na kasama mo. Maghihiwalay na nga lang tayo, ako pa rin ang gusto ng pamilya mo. Di ba? Same thing lang din iyon. Kaya ko âring makibagay sa pamilya ng ibang tao. Sabihin na natin na sa pamilya ni Harvey iyon...â mapang-uyam na sambit ni Everly na halatang nae-enjoy ang reaction ng emosyon ni Roscoe ng dahil dito.Biglang nanlamig ang buong katawan ni Roscoe at hindi lang ang kanyang mga tingin kay Everly. Naumid din ang dila ni Harvey na hindi iyon inaasahan na sasabihin ng babae. Masyado
MALINIS ANG HANGARIN ni Harvey sa kanya at nakikita ni Everly iyon sa mga mata ng lalaki, ngunit siya napilitan lang na pumunta. Ibig sabihin ay hindi talaga siya dito interesado. Niyurakan ang ego ni Everly nina Lizzy kung kaya rin ay naroon siya. Isa lang sa mga dahilan niya iyon upang subukan ang date na iyon.âHindi ako interesado sa mga blind dates, pero noong nalaman ko na ikaw biglang nagbago ang isipanâââDahil ba nagawa kong isalba ang buhay ng ama mo?âGanun na lang ang iling ni Harvey na natigilan na sa kanyang pagkain dahil sa sumiseryosong daloy ng usapan nila. Nababasa naman iyon ni Everly, ayaw niya lang maging assumera dahil napahamak na siya noon kay Roscoe. Sa mga munting bagay na ginagawa nito sa kanya, ang laki agad ng pagiging assumera niyang gusto siya nito. Iyong expectation niya ay hindi na-meet. Bagay na ayaw na niyang maulit-ulit pa.âWalang kinalaman iyon kaya ako narito. Gusto kitang makilala pa at mas mapalapit pa saâyo. I admire you so much too. Basta. Hi
DOON PINAGTAGPI-TAGPI NI Everly kung bakit sobrang excited ang ama niya noon nang marinig mula sa kanya na sinagip niya ang CEO ng Maqueda Group. Maaaring iyon ang dahilan ng kanilang set up blind date. Nakangiting tiningnan pa rin siya ni Harvey na para bang inaasahan na nito ang ganung reaction niya. Maayos ang posture ng tayo ng lalaki na hindi ninuman ikakahiyang kasama. Sa kasuotan at sa hitsura ay makikita na mabuting tao ito na kagalang-galang. Doon pa lang, alam agad galing sa maayos na pamilya. âAko nga, Miss GollosoâŠâ may bakas ang boses na tila ba nahihiya sa kanyang makipag-usap ng formal, hindi na rin maitago ang umaahong kaba sa mukha ng lalaki. âPwede bang tawagin mo na lang ako sa pangalan ko? Ang awkward lang kasi kapag sa apelyido dahil pakiramdam ko si Daddy ang nakikita mo sa akin at hindi talaga ako.â dahilan pa nito na batid naman ni Everly na valid na dahilan iyon.Napapalatak na doon si Everly na hindi na alam ang magiging reaction. Kung papayag ba siya o hind
WALA PA RIN sa mood na inihagis na ni Everly ang cellphone at kapagdaka ay tamad na tamad na tumayo. Naghubad na siya ng damit upang maligo at magpalit na ng pantulog. Hindi na niya dapat pang pinag-aaksayahan ng oras isipin ang dalawang iyon.âRoscoe, tingnan mo ang daming comments sa post ko. Sabi nila bagay na bagay daw tayo!â excited na sambit ni Lizzy habang nag-e-scroll ng cellphone. Prenteng nagbabasa naman noon ng email si Roscoe sa cellphone na pinadala ni Alexis sa kanya. Nang marinig ang sinabi ni Lizzy, napalingon si Roscoe. âNag-post ka ng picture natin?ââOo, pero huwag kang mag-alala hindi ko naman sinama ang mukha mo.âHindi mapigilan ni Roscoe na tumabang ang hilatsa ng mukha. Ilang beses na niyang sinabihan ito na huwag magpo-post ng picture na kasama siya para iwas intriga. Ngunit ang tigas pa rin ng bungo niya. Napansin naman iyon ni Lizzy na agad umayos ng upo upang ibahin ang topic na pinag-uusapan nila. âSa nalalapit na birthday ng Lola mo, magbibigay kami ng
MANGHANG SALIT-SALITAN NA ang naging tingin ni Everly sa kanyang pamilya. Noon lang din niya nakitang maglabas ng saloobin ang kanyang ama na binigyan pa ng pangalan ang kanyang dating asawa. Nanatiling tikom ang bibig niya.âTitus, ayan ka na naman. Hayaan mo na. Mukhang gusto niya pang makipaglaro sa aking apo.â si Don Juan na may kakaibang ngisi sa labi, âMakipaglaro ka sa kanya, Everly. Talunin mo siya. Ilampaso mo ang mukha sa kalsada at ipakita mo kung sino ka talaga. Hindi magtatagal at makikita mo, mag kakaibang resulta ang gagawin mong iyon sa kanya.â âDad, isa ka pa!â sambit ni Sharie, ina ni Everly. âOo nga apo, tama ang Lolo mo. Makipaglaro ka sa kanya.â singit na ni Donya Toning. âNabalitaan ko na bulabog ngayon ang mga businessman ng buong Legazpi sa paghahanap ng ulasimang bato para gawing regalo sa birthday party niya.â tumawa ang matanda, noon lang naisip ni Everly ang tungkol dito.âLola, gaano ba kahalaga ng herbal na gamot na iyon?â upo na ni Everly upang harapin
HINDI DAHILAN NI Everly na hindi niya kayang talikuran ang kasal nila ni Roscoe na sa tingin niya ay iyon ang iniisip ng mokong. Ang kapal naman nito. Ayaw na nga niya. Ngunit kailangan din niyang isipin ang kalagayan ng matanda, sabihin man niyang wala siyang pakialam pero ilang taon din itong naging bahagi ng buhay niya bilang namuhay siyang maybahay ni Roscoe. Kumbaga ay naging mahalaga na rin ang matanda.âBilang dati mong asawa, maaari pa rin naman akong makipag-cooperate saâyo para mapasaya ang Lola mo. Huwag kang mag-alala. Hindi ako maglalahong parang bula. Hindi mo ako kailangang pagbintangan dahil unang-una, wala na akong pakialam saâyo. Wala akong mapapala, napagod pa ako. Naiintindihan mo?âIpinakita ni Everly ang pagkadisgusto kay Roscoe. Noong mahal niya pa ito, grabe kung pagtakpan niya ang kabulastugan nitong mga ginagawa kahit na sobrang nasasaktan na siya at huling-huli na rin ito sa akto. Ni minsan ay hindi niya rin ito sinisi sa mga nangyayari. Wala naman siyang pa
PAGKASABI NOON AY tumayo na ang matanda. Senyales iyon na aalis na ito at tapos na ang sadya sa kanilang dalawa. Tumayo na rin sina Everly at Roscoe upang sumunod sa mabagal na paglabas ng matanda ng kanilang villa. Saglit na huminto si Everly para lang lingunin si Roscoe na agad tumingin naman sa kanya. Binuka niya ang bibig pero walang salita doong kumawala. Tahimik na binasa iyon ni Roscoe.âPupunta tayo mamaya ng Civil Affairs Bureau,â senyas ni Everly para ipaalala iyon sa dati niyang asawa.Mahirap na, baka nakakalimutan nito ang usapan nila kanina. Gusto na niyang matapos na doon ang lahat nang hindi na siya pabalik-balik. Gusto na niyang kumawala sa anino ng kanyang dating asawa.âOo na, pupunta tayo mamaya.â maikling sagot ni Roscoe na sapat lang ang lakas para marinig ni Everly.Ngumiti ang matanda sa kanilang dalawa nang marating ang kanyang sasakyan upang magpaalam na. Sinuklian naman iyon ni Everly at Roscoe. Lumapit ang isang bodyguard sa Donya at nagsalita. âDonya Kuri
HINDI NA MAPIGILAN na maghanap ang mga mata ng mag-asawa kung ano pa bang kulang sa naging alibi nila para tuluyang mapaniwala ang matanda. Pakiramdam nila ay may nakukutuban na sa bawat kilos nila ang matanda. Kailangan nilang mailipat ang kahina-hinala nitong paninitig bago pa sila makaamin.âWalang usok kung walang apoy. Marahil ay nag-file na kayo ng divorce kung kaya maaga kayong umalis.â panghuhuli pa ng matanda nang sa ganun ay mapaamin niya ang dalawa kung totoo ang nalaman niya.âLola, ako âto si Everly. Magsisinungaling ba naman ako saâyo? Sino po ba ang nagsabi sa inyo noon? Gumagawa lang sila ng kwento. Bakit po ba kayo nagpapaniwala sa mga narinig niyo lang? Hmm?âNanatili ang tingin ni Roscoe kay Everly na nilalambing-lambing pa ang matanda para maniwala. Close talaga sila at gustong-gusto rin ito ng Lola niya. Hindi niya iyon maitatanggi. Bagay na hindi magawa ng matanda kay Lizzy kahit pa alam nitong siya ang nagligtas sa buhay ng kanyang apo. Si Everly pa rin talaga.
MULI LANG SIYANG sinulyapan ni Roscoe gamit ang gilid ng mata ngunit hindi pa rin ito nagkomento dito. Napansin niya pang bagay talaga dito ang makeup. Iyon ang paulit-ulit na umuukilkil sa kanyang utak. Hindi lang ito maayos sa kanyang sarili noon na simple lang, pero ngayon masasabi niyang para itong artista sa taglay na ganda. Iba kung maka-attract kumpara sa ibang mga babae na nakikita ng kanyang mga mata. Maganda rin naman si Lizzy, pero napuna niyang iba talaga ang ganda ni Everly. Iyong tipong hindi niya pagsasawaang tingnan kahit na anong panahon. Bakit noon lang niya ito napansin? Napansin niyang cute ito noong highschool sila, pero hanggang doon lang. Akala niya normal lang ang hitsura nito.âKaya dapat iyon ang inuna natin. Maling desisyon talaga âto. Kung nakinig ka lang sa akin, pareho na sana tayong malaya ngayon Roscoe, sa legal na paraan. Wala na sana tayong ibang iisipin pa dahil natapos na.â tuloy pa ni Everly na halatang ayaw bitawan ang topic na iyon para ipaalala