NAIKUYOM PA NI Roscoe ang kanyang mga kamao habang tahasang naririnig niya ang palitan ng kanilang usapan. Ginagawa siyang tanga ng mag-inang ito. Hindi na niya napigilan pa ang sarili at pamartsa na siyang pumasok sa loob ng ward. Nang makita siya ni Lizzy ay mas namutla pa ang mukha nito at hindi na nagawang magsalita pa ng mga sasabihin sana sa ina niya.“Roscoe…narito ka na pala…” hilaw ang ngiti nito habang pasimpleng nangangatal na ang labi.Pinili ni Roscoe na huwag diretsang sitahin si Lizzy sa mga nangyari lalo na at naroon ang kanyang ina. Paniguradong makikialam ito sa kanila kapag agad niyang sinabi ang tungkol doon. Tumango lang si Roscoe sa Ginang bilang pagbati na kung ngumiti sa kanya ay parang isang maamong tupa na walang masamang itinuturo sa anak kanina. Masama ang magsinungaling at iyon ang gusto niyang gawin ng anak kahit may ebidensya pa ito. Hinawakan ni Roscoe sa tuktok ng ulo si Lizzy na biglang napahikbi na lang sa gesture niyang iyon. “What’s wrong? Bakit k
MARIING NAKAGAT NA ni Lizzy ang kanyang pang-ibabang labi at nilabanan na ang mga titig ni Roscoe na alam niyang may namumuo ng galit sa kanyang puso. Makikita sa kanyang mga mata na hindi siya masaya. Pakiramdam ng babae ay pinapagalitan siya ni Roscoe ngayon at kinakampihan na nito ang dating asawa; si Everly. Sa isiping iyon ay hindi na mapigilan ng babaeng kamuhian ang lalaking kaharap at sumbatan na.“Ikaw, Roscoe? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?” Nauubos ang pasensyang napakurap na si Roscoe. Bakit ang labas ay siya pa ang may kasalanan sa babaeng sinisita niya dahil nahuli niyang may kalokohang ginagawa at nagsisinungaling sa kanya? “Sinisita mo ako ngayon at pinagsasalitaan ng masakit dahil lang sa Everly na iyon? Tama bang gawain mo iyan?” puno pa ng hinanakit na tanong niya habang namumula na ang mga mata. “Tama ba iyan, Roscoe?!”Lumalim at nandilim pa ang mga matang nakatingin ni Roscoe sa babae. Hindi niya makuha ang logic ni Lizzy at hindi niya maintindihan ku
GABI, SA Embarcadero Restaurant. Nagmamadali ang malalaking mga hakbang ni Everly pagbaba pa lang niya ng kanyang sasakyan. Late na siya kung kaya naman ganun na lang ang kanyang pagmamadali na hindi na nagawang purihin ang lugar. Walang lingon-likod sa paligid na malakas na itinulak niya ang pintuan ng nasabing restaurant kung saan siya sinalubong ng ilang mga staff upang tanungin kung may reservation. Sinabi niya dito kung sino ang mga kasama niya kung kaya naman iginiya na siya ng isa sa kanila patungo sa banda kung nasaan ang kanilang grupo na kanina pa umano doon naghihintay. Open space iyon na matatanaw ang dagat na nagiging kulay ginto sa kislap ng mga ilaw, ngunit kinakailangan na may daananang pintuan dahil exclusive iyon sa mga event na kagaya ng gagawin nilang dinner party sa gabing iyon.“Thank you.” nakangiting sambit ni Everly nang maihatid na siya sa may pintuan ng area. Inayos muna niya ang kanyang sarili at nag-practice ng isang matingkad na ngiti upang ibigay iyon
SUMIMSIM NA SA kanyang kopita si Everly habang nakikinig pa rin sa usapan ng mga matatanda. Totoo ang sinabi ng mga kaharap niya. Ang kaarawan ng matandang babae ng mga De Andrade ay isang malaking opportunity sa lahat ng mga businessman at bago pa lang nagnenegosyo na mga pamilya upang makaani ng pabor sa kanilang pamilya. Minsan pa nga ay weird na ang mga regalong natatanggap ng matanda para lang mapansin sila ng mga ito. Mataas ang tingin ng matandang babae sa kanyang sarili, inaalagaan din nito ang kanyang reputasyon. Kung mapapasaya mo siya, tiyak gagantihan ka ng kabutihan ng matanda. Mahirap din itong kaaway, kahit anong taas pa ng reputasyon kaya nitong isadsad sa lusak.“Hindi ko alam kung narinig niyo na ang tungkol sa herbal na gamot na gustong-gusto ng matanda.” Herbal na gamot? Bakit? Ayaw na ba nito sa mga gamot na nabibili at herbal na ang gusto?“Anong klaseng herbal na gamot?” “Ulasimang bato.” Napataas ang kilay ni Everly. Noon lang niya iyon narinig. Hindi niya n
NAGPALITAN NG MAKAHULUGANG mga tingin ang magkaibigan habang parang estatwa na nakatayo pa rin doon. Unang umubo si Desmond upang klaruhin ang boses niya habang kaharap ang mga matatanda. “Pasensya na po mga Tito, sumama si Daddy sa laot sa kanyang mga tauhang nangingisda at hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon kung kaya naman ako po muna ang pumalit sa kanya.” inumang ni Desmond ang dalawang bote ng wine na kanyang dala na nasa loob ng paper bags, “Sana po ay ma-enjoy ninyo itong lahat.” patuloy ni Desmond na ngumiti pa ng malapad kahit pa ang awkward na dito.“You’re welcome mga hijo, sige na maupo na kayo.” mosyon pa ni Arturo sa dalawang bakanteng upuan.Sabay na humakbang si Roscoe at Desmond palapit sa mga upuan kung saan ay malapit kay Everly. Bumakas agad ang problema sa mukha nila kung sino ang mauupo sa tabi ng babae. Kumindat si Desmond kay Roscoe na tila inuutusang maupo na sa tabi ng dati nitong asawa. Upang huwag ng humaba iyon ay pinili na lang ni Roscoe na maupo sa
BAYOLENTENG NATAWA ANG lalaki sa halagang sinabi ni Everly. Bakit ba? Iyon ang sa tingin niya ay presyo niya. Tinatanong siya nito ngayong sinagot ay tatawa ito na para bang imposible ang halagang sinabi niya?“Anong tingin mo sa katawan mo, ginto?” “Hindi lang ginto. Lagpas pa sa ginto.”Galaiting hinawakan na siya ng lalaki sa braso. Napapiksi na sa ginaw nito si Everly. Hindi niya inaasahan na hahablutin ng lasing na lalaki ang braso. Nanliit na ang mga mata niya. Naisip na ang arogante ng asta ng lalaking ang pangit ng hitsura.“Nagpapatawa ka ba, ha?”“Hindi. Hindi ka nga natawa di ba? Bitawan mo ako kung hindi mo naman pala kaya ang hinihingi kong halaga!” subok ni Everly na hilahin na ang braso niya.Sa halip na lumuwag ay humigpit pa lalo ang hawak nito sa kanyang braso na ikinapikon na ni Everly. “Excuse me? Bitawan mo nga ako! Sino ka ba sa akala mo na pwede akong hawakan ha?!”Pilit inapuhap ni Everly kung pamilyar sa mukha niya ang lalaki, ngunit hindi. Hindi niya ito ma
UMAALINGAWNGAW NA ANG galaiting tinig ni Roscoe na para bang papatay ito anumang oras. Laking pasalamat na lang ni Everly na walang gaanong tao dito dahil kung hindi, isang malaking eskandalo iyon na kakaharapin nilang dalawa.“Ano? Kilala mo na ba kung sino ako?!”Kinusot-kusot ni Samuel ang kanyang mga mata na nagsimula ng mangatal ang katawan nang makilala ang may-ari ng boses ng lalaking kaharap niya. Tila nahimasmasan siya at nagising sa espiritu ng alak ang kanyang bawat himaymay.“Mr. D-De Andrade?”Binalingan niya ng tingin si Everly na nasa likod pa rin ni Roscoe. Noon niya napagtanto kung sino ang babaeng iyon, si Everly Golloso; ang asawa ni Roscoe De Andrade na matayog na parang kawayan na nakatayo sa kanyang harapan!“Ayos ka lang ba?” lingon na ni Roscoe kay Everly na gulantang pa rin ang buong katauhan sa pagsaklolo ng dating asawa, hindi niya inaasahang bigla itong susulpot. Kaya naman niya ang kanyang sarili kahit na hindi ito makialam. Nagkataon lang na bigla itong
SA NARINIG NA sinabi ng dating asawa ay parang mabubulunan ng sarili niyang laway si Roscoe. Sumasalamin sa dilemma ni Everly ngayon kung paano niya noon itrato ang dati niyang asawa. “Bigla kang naging ibang tao…” Yumukod pa si Everly, naging dahilan iyon upang mahulog ang ilang hibla ng kanyang buhok sa magkabila niyang pisngi. Nadepina pa noon ang collar bone niya na mas nagpalitaw ng ganda niya. Hindi nakaligtas iyon sa mga mata ni Roscoe na titig na titig pa rin sa mukha ni Everly. Biglang sumagi tuloy sa kanyang isipan noong nasa highschool pa lang sila. Palagi siya noong napapaaway dahil isa siyang basagulero. Kada magkakasugat siya at masasaktan, palaging nariyan si Everly upang gamutin ang kanyang mga galos at sugat kahit na ang iba ay sobrang lala.“Bakit palagi ka bang nakikipagsuntukan? Gusto mo ba na palaging masakit ang katawan? Alagaan mo naman ang sarili mo. Paulit-ulit na lang. Sa sunod talaga, hindi na kita gagamutin!” Sabi lang naman iyon ni Everly, dahil kada ma
UMAYOS NG TAYO si Roscoe na parang nais pang makipag-usap kay Everly kahit na tinalikuran na siya nito. Marami siyang nais na linawin sa asawa. Mukhang nakakalimutan yata nito kung sino pa siya sa buhay niya.“Harvey, ituloy na natin kung ano ang ginagawa natin kanin. Halika na, turuan mo na ako.” malambing na sambit ni Everly na mas nagpakulo ng dugo ni Roscoe, humigpit na ang hawak niya sa golf club.Hindi niya matanggap na may namamagitan na agad sa dalawang kaharap gayong kaka-blind date pa lang nito ng nagdaang araw. Ang buong akala niya mahal siya ni Everly? Bakit nakahanap ito agad ng kapalit? Given na hindi pa sila hiwalay na dalawa ng legal. Parang napaka-imposible ng mga nakikita niya ngayon.“Laban na tayo?” sakay ni Harvey na natatawa na.Sumulyap pa siya kay Roscoe na halatang asar na ang mga mata. “Hindi pwede. Hindi pa ako gaanong magaling. Tiyak matatalo mo lang ako.” pabebe na sagot ni Everly na sinadya niya, ewan ba niya gusto pa niyang asarin si Roscoe na hindi na
LUMULAN SILA SA iisang sasakyan na si Harvey ang nagda-drive. Nasa passenger seat nito si Everly at nasa likod ang kanilang mga ama na nag-uusap pa rin tungkol sa negosyo. Pagdating sa golf course ay napansin nila na maraming mga luxury cars ang nakaparada doon. Saka pa lang napagtanto ni Everly na weekend iyon kaya malamang ay tambak talaga ang mga tao doon. Bago pa man sila pumunta doon ay nakapag-booked na ang ama ni Everly. Iginiya sila ng mga staff kung saan sila. Pinagpalit sila ng damit at nang lumabas si Everly, nagsimula na ang mga magulang nila maglaro.Mataas pa ang sikat ng araw noon at ang malawak na luntiang paligid ay nakadagdag sa ganda ng paligid. Maalinsangan ang hangin pero dahil banayad ang ihip kaya naman nagawa noong palamigin ang klima. Si Everly ay nakasuot ng puti at pink na sportswear at nakatali ang hanggang balikat na buhok niya ng mataas na ponytail. Light makeup lang din ang suot niya ngayon, pero bagay na bagay ito sa sportswear na mas lalong nagpalitaw
MARAHAN NG HINAPLOS ni Everly ang labi nang may malasahang mapaklang luha na pumatak. Natatawa siyang pinalis na iyon. Ang tapang niya kanina sa harap nilang dalawa ni Lizzy pero deep inside ngayon ay sobrang apektado pa rin talaga siya ng dating asawa. Masasabi niya na masaya ang highschool life nila. Mabait kasi noon si Roscoe sa kanya dahilan upang mas mahulog siya sa lalaki. Hindi niya alam na siya lang pala ang mahuhulog dito at hindi ang lalaki.“Bakit ba kasi naging mabait siya sa akin noon? Kung naging masama lang siya, hindi naman ako nahulog.”Labis ang pagtataka sa mukha ni Everly pagbaba niya kinabukasan sa unang palapag ng mansion. Hindi magkandaugaga ang mga maid na naghahanda ng pagkain sa pagmamando ng kanyang magulang. “Ito ang unang pagkakataon na bibisita sa atin ang mga Maqueda, bakit ganyan ang suot mo Everly?!” Napahinto na si Everly at napatingin sa kanyang ina bago hinagod ang kanyang suot. Normal lang iyon na suot niya kapag nasa bahay at mas komportable siy
WALA NAMANG NAGAWA si Roscoe kung hindi ang sumunod sa pagkaladkad sa kanya ng badtrip ng si Lizzy. Ganunpaman ay naiwan ang kanyang mga mata sa table nina Everly at Harvey na animo ay mata ng lawing nagbabantay. Nakahinga na nang maluwag si Everly nang mawala sila sa tabi ng kanilang mesa. Napa-inom na siya ng isang basong tubig na inubos niya ang laman. Ilang table lang ang pagitan ng table nina Roscoe sa dating asawa kung kaya naman nang mapalingon na si Everly sa kanilang banda, nahuli niya ang matalim na mga tingin ni Roscoe sa kanilang table. Puno ng pagbabanta ang mga mata nito, halatang hindi nakikinig sa sinasabi ng kasama.“Hey, Roscoe—”“Order what you want, Lizzy. Huwag mo ng kunin ang opinyon ko kung anong masarap sa menu. Bilis na.” tugon nitong di pa rin inaalis kina Everly ang tingin. Batid ni Everly kung bakit ganun na lang ang tingin nina Roscoe sa kanila. Ang dahilan kung bakit siya mukhang galit ay hindi dahil sa nagseselos ito, kundi dahil pakiramdam ni Roscoe a
SABAY NA NAPATINGIN na sina Harvey at Roscoe kay Everly nang tahasang sabihin niya iyon. Maging si Lizzy ay hindi makapaniwala na sasabihin din iyon ni Everly nang harapan. Hindi ganun ang pagkakakilala niya sa dating kaibigan na palaging pinipili na manahimik na lang keysa ang makipagtalo at lumaban ito.“Wala akong masamang ginawa. Legal naman ang lahat at ang paghihiwalay na gagawin natin di ba? Hindi naman siguro ako mahirap magustuhan ng ibang tao kagaya na lang ng [agkagusto sa'yo niyang babae na kasama mo. Maghihiwalay na nga lang tayo, ako pa rin ang gusto ng pamilya mo. Di ba? Same thing lang din iyon. Kaya ko ‘ring makibagay sa pamilya ng ibang tao. Sabihin na natin na sa pamilya ni Harvey iyon...” mapang-uyam na sambit ni Everly na halatang nae-enjoy ang reaction ng emosyon ni Roscoe ng dahil dito.Biglang nanlamig ang buong katawan ni Roscoe at hindi lang ang kanyang mga tingin kay Everly. Naumid din ang dila ni Harvey na hindi iyon inaasahan na sasabihin ng babae. Masyado
MALINIS ANG HANGARIN ni Harvey sa kanya at nakikita ni Everly iyon sa mga mata ng lalaki, ngunit siya napilitan lang na pumunta. Ibig sabihin ay hindi talaga siya dito interesado. Niyurakan ang ego ni Everly nina Lizzy kung kaya rin ay naroon siya. Isa lang sa mga dahilan niya iyon upang subukan ang date na iyon.“Hindi ako interesado sa mga blind dates, pero noong nalaman ko na ikaw biglang nagbago ang isipan—”“Dahil ba nagawa kong isalba ang buhay ng ama mo?”Ganun na lang ang iling ni Harvey na natigilan na sa kanyang pagkain dahil sa sumiseryosong daloy ng usapan nila. Nababasa naman iyon ni Everly, ayaw niya lang maging assumera dahil napahamak na siya noon kay Roscoe. Sa mga munting bagay na ginagawa nito sa kanya, ang laki agad ng pagiging assumera niyang gusto siya nito. Iyong expectation niya ay hindi na-meet. Bagay na ayaw na niyang maulit-ulit pa.“Walang kinalaman iyon kaya ako narito. Gusto kitang makilala pa at mas mapalapit pa sa’yo. I admire you so much too. Basta. Hi
DOON PINAGTAGPI-TAGPI NI Everly kung bakit sobrang excited ang ama niya noon nang marinig mula sa kanya na sinagip niya ang CEO ng Maqueda Group. Maaaring iyon ang dahilan ng kanilang set up blind date. Nakangiting tiningnan pa rin siya ni Harvey na para bang inaasahan na nito ang ganung reaction niya. Maayos ang posture ng tayo ng lalaki na hindi ninuman ikakahiyang kasama. Sa kasuotan at sa hitsura ay makikita na mabuting tao ito na kagalang-galang. Doon pa lang, alam agad galing sa maayos na pamilya. “Ako nga, Miss Golloso…” may bakas ang boses na tila ba nahihiya sa kanyang makipag-usap ng formal, hindi na rin maitago ang umaahong kaba sa mukha ng lalaki. “Pwede bang tawagin mo na lang ako sa pangalan ko? Ang awkward lang kasi kapag sa apelyido dahil pakiramdam ko si Daddy ang nakikita mo sa akin at hindi talaga ako.” dahilan pa nito na batid naman ni Everly na valid na dahilan iyon.Napapalatak na doon si Everly na hindi na alam ang magiging reaction. Kung papayag ba siya o hind
WALA PA RIN sa mood na inihagis na ni Everly ang cellphone at kapagdaka ay tamad na tamad na tumayo. Naghubad na siya ng damit upang maligo at magpalit na ng pantulog. Hindi na niya dapat pang pinag-aaksayahan ng oras isipin ang dalawang iyon.“Roscoe, tingnan mo ang daming comments sa post ko. Sabi nila bagay na bagay daw tayo!” excited na sambit ni Lizzy habang nag-e-scroll ng cellphone. Prenteng nagbabasa naman noon ng email si Roscoe sa cellphone na pinadala ni Alexis sa kanya. Nang marinig ang sinabi ni Lizzy, napalingon si Roscoe. “Nag-post ka ng picture natin?”“Oo, pero huwag kang mag-alala hindi ko naman sinama ang mukha mo.”Hindi mapigilan ni Roscoe na tumabang ang hilatsa ng mukha. Ilang beses na niyang sinabihan ito na huwag magpo-post ng picture na kasama siya para iwas intriga. Ngunit ang tigas pa rin ng bungo niya. Napansin naman iyon ni Lizzy na agad umayos ng upo upang ibahin ang topic na pinag-uusapan nila. “Sa nalalapit na birthday ng Lola mo, magbibigay kami ng
MANGHANG SALIT-SALITAN NA ang naging tingin ni Everly sa kanyang pamilya. Noon lang din niya nakitang maglabas ng saloobin ang kanyang ama na binigyan pa ng pangalan ang kanyang dating asawa. Nanatiling tikom ang bibig niya.“Titus, ayan ka na naman. Hayaan mo na. Mukhang gusto niya pang makipaglaro sa aking apo.” si Don Juan na may kakaibang ngisi sa labi, “Makipaglaro ka sa kanya, Everly. Talunin mo siya. Ilampaso mo ang mukha sa kalsada at ipakita mo kung sino ka talaga. Hindi magtatagal at makikita mo, mag kakaibang resulta ang gagawin mong iyon sa kanya.” “Dad, isa ka pa!” sambit ni Sharie, ina ni Everly. “Oo nga apo, tama ang Lolo mo. Makipaglaro ka sa kanya.” singit na ni Donya Toning. “Nabalitaan ko na bulabog ngayon ang mga businessman ng buong Legazpi sa paghahanap ng ulasimang bato para gawing regalo sa birthday party niya.” tumawa ang matanda, noon lang naisip ni Everly ang tungkol dito.“Lola, gaano ba kahalaga ng herbal na gamot na iyon?” upo na ni Everly upang harapin