HINDI MAGAWANG MAKAHUMA ni Roscoe sa mga salitang iyon na wala sa vocabulary niyang magagawang bigkasin ng isang Everly Golloso. Gulat na gulat siya. Gulat na hindi nagtagal ay napalitan ng matinding galit para sa dating asawa. Sinabihan siya nitong estupido? Hunghang?Namura pa siya! Sa sobrang galit niya ay walang pakundangan niyang nahila ang suot na kurbata sa leeg niya. Gigil na gigil siya sa dating asawa na kung yapakan siya ay ganun-ganun na lamang kanina.“Roscoe…” tantiyado at mahina ang boses na kuha ni Lizzy ng atensyon ng lalaki na matalim pa rin ang tingin sa pintuang nilabasan ni Everly ilang minuto na ang nakakalipas, halatang ayaw nitong magpaawat sa galit na nararamdaman. “Huwag mo na siyang pansinin. Sabi ko naman sa’yo na—” Hindi natuloy ang litanya ni Lizzy sa ginawang mabilis na pagputol ni Roscoe sa mga sasabihin.“I’ll ask Alexis na dalhin ka niyang muli at samahan sa hospital para magpa-check up.”“Hindi mo ba ako sasamahan?” tanong pa ng babae sa mababang t
NAKANGISI AT EXCITED na itinapat na ni Everly ang kanyang mukha sa pinto na agad namang nagbukas ang gate ng camp nang mabasa iyon. Sinalubong sila ng napakaliwanag na puting ilaw na galing sa loob. Bumukas ang lahat ng ilaw sa lugar at nagsimulang gumalaw ang long dusty robots upang salubungin din ang pagdating nila. “Welcome home, Lord S.” Sa gitna ng camp hall, ang pinakabagong balita mula sa black market ay mabilis na kumislap sa isang transparent na screen upang magpakita lang sa mga mata nina Everly at Monel. Tumaas pa ang level ng excitement ng dalawa dahil dito.“Fuck! Napansin niyo ba? Online ang S Camp!” “Ano? Ang S Camp? Ito ba iyong S Camp na bigla na lang naglaho five years ago?”“Oo, iyon nga! Babalik na kaya sila?”“Oh my God! I’ve never seen this before! Ang saya lang! Lord S is back!”Malapad nang napangiti doon si Everly dahil pakiramdam niya ay hindi sila nawala ng matagal. Marami pa rin ang nakakaalala sa kanila. Tila ba nawala ang sakit ng buo niyang katawan. N
NAIKUYOM PA NI Roscoe ang kanyang mga kamao habang tahasang naririnig niya ang palitan ng kanilang usapan. Ginagawa siyang tanga ng mag-inang ito. Hindi na niya napigilan pa ang sarili at pamartsa na siyang pumasok sa loob ng ward. Nang makita siya ni Lizzy ay mas namutla pa ang mukha nito at hindi na nagawang magsalita pa ng mga sasabihin sana sa ina niya.“Roscoe…narito ka na pala…” hilaw ang ngiti nito habang pasimpleng nangangatal na ang labi.Pinili ni Roscoe na huwag diretsang sitahin si Lizzy sa mga nangyari lalo na at naroon ang kanyang ina. Paniguradong makikialam ito sa kanila kapag agad niyang sinabi ang tungkol doon. Tumango lang si Roscoe sa Ginang bilang pagbati na kung ngumiti sa kanya ay parang isang maamong tupa na walang masamang itinuturo sa anak kanina. Masama ang magsinungaling at iyon ang gusto niyang gawin ng anak kahit may ebidensya pa ito. Hinawakan ni Roscoe sa tuktok ng ulo si Lizzy na biglang napahikbi na lang sa gesture niyang iyon. “What’s wrong? Bakit k
MARIING NAKAGAT NA ni Lizzy ang kanyang pang-ibabang labi at nilabanan na ang mga titig ni Roscoe na alam niyang may namumuo ng galit sa kanyang puso. Makikita sa kanyang mga mata na hindi siya masaya. Pakiramdam ng babae ay pinapagalitan siya ni Roscoe ngayon at kinakampihan na nito ang dating asawa; si Everly. Sa isiping iyon ay hindi na mapigilan ng babaeng kamuhian ang lalaking kaharap at sumbatan na.“Ikaw, Roscoe? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?” Nauubos ang pasensyang napakurap na si Roscoe. Bakit ang labas ay siya pa ang may kasalanan sa babaeng sinisita niya dahil nahuli niyang may kalokohang ginagawa at nagsisinungaling sa kanya? “Sinisita mo ako ngayon at pinagsasalitaan ng masakit dahil lang sa Everly na iyon? Tama bang gawain mo iyan?” puno pa ng hinanakit na tanong niya habang namumula na ang mga mata. “Tama ba iyan, Roscoe?!”Lumalim at nandilim pa ang mga matang nakatingin ni Roscoe sa babae. Hindi niya makuha ang logic ni Lizzy at hindi niya maintindihan ku
GABI, SA Embarcadero Restaurant. Nagmamadali ang malalaking mga hakbang ni Everly pagbaba pa lang niya ng kanyang sasakyan. Late na siya kung kaya naman ganun na lang ang kanyang pagmamadali na hindi na nagawang purihin ang lugar. Walang lingon-likod sa paligid na malakas na itinulak niya ang pintuan ng nasabing restaurant kung saan siya sinalubong ng ilang mga staff upang tanungin kung may reservation. Sinabi niya dito kung sino ang mga kasama niya kung kaya naman iginiya na siya ng isa sa kanila patungo sa banda kung nasaan ang kanilang grupo na kanina pa umano doon naghihintay. Open space iyon na matatanaw ang dagat na nagiging kulay ginto sa kislap ng mga ilaw, ngunit kinakailangan na may daananang pintuan dahil exclusive iyon sa mga event na kagaya ng gagawin nilang dinner party sa gabing iyon.“Thank you.” nakangiting sambit ni Everly nang maihatid na siya sa may pintuan ng area. Inayos muna niya ang kanyang sarili at nag-practice ng isang matingkad na ngiti upang ibigay iyon
SUMIMSIM NA SA kanyang kopita si Everly habang nakikinig pa rin sa usapan ng mga matatanda. Totoo ang sinabi ng mga kaharap niya. Ang kaarawan ng matandang babae ng mga De Andrade ay isang malaking opportunity sa lahat ng mga businessman at bago pa lang nagnenegosyo na mga pamilya upang makaani ng pabor sa kanilang pamilya. Minsan pa nga ay weird na ang mga regalong natatanggap ng matanda para lang mapansin sila ng mga ito. Mataas ang tingin ng matandang babae sa kanyang sarili, inaalagaan din nito ang kanyang reputasyon. Kung mapapasaya mo siya, tiyak gagantihan ka ng kabutihan ng matanda. Mahirap din itong kaaway, kahit anong taas pa ng reputasyon kaya nitong isadsad sa lusak.“Hindi ko alam kung narinig niyo na ang tungkol sa herbal na gamot na gustong-gusto ng matanda.” Herbal na gamot? Bakit? Ayaw na ba nito sa mga gamot na nabibili at herbal na ang gusto?“Anong klaseng herbal na gamot?” “Ulasimang bato.” Napataas ang kilay ni Everly. Noon lang niya iyon narinig. Hindi niya n
NAGPALITAN NG MAKAHULUGANG mga tingin ang magkaibigan habang parang estatwa na nakatayo pa rin doon. Unang umubo si Desmond upang klaruhin ang boses niya habang kaharap ang mga matatanda. “Pasensya na po mga Tito, sumama si Daddy sa laot sa kanyang mga tauhang nangingisda at hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon kung kaya naman ako po muna ang pumalit sa kanya.” inumang ni Desmond ang dalawang bote ng wine na kanyang dala na nasa loob ng paper bags, “Sana po ay ma-enjoy ninyo itong lahat.” patuloy ni Desmond na ngumiti pa ng malapad kahit pa ang awkward na dito.“You’re welcome mga hijo, sige na maupo na kayo.” mosyon pa ni Arturo sa dalawang bakanteng upuan.Sabay na humakbang si Roscoe at Desmond palapit sa mga upuan kung saan ay malapit kay Everly. Bumakas agad ang problema sa mukha nila kung sino ang mauupo sa tabi ng babae. Kumindat si Desmond kay Roscoe na tila inuutusang maupo na sa tabi ng dati nitong asawa. Upang huwag ng humaba iyon ay pinili na lang ni Roscoe na maupo sa
BAYOLENTENG NATAWA ANG lalaki sa halagang sinabi ni Everly. Bakit ba? Iyon ang sa tingin niya ay presyo niya. Tinatanong siya nito ngayong sinagot ay tatawa ito na para bang imposible ang halagang sinabi niya?“Anong tingin mo sa katawan mo, ginto?” “Hindi lang ginto. Lagpas pa sa ginto.”Galaiting hinawakan na siya ng lalaki sa braso. Napapiksi na sa ginaw nito si Everly. Hindi niya inaasahan na hahablutin ng lasing na lalaki ang braso. Nanliit na ang mga mata niya. Naisip na ang arogante ng asta ng lalaking ang pangit ng hitsura.“Nagpapatawa ka ba, ha?”“Hindi. Hindi ka nga natawa di ba? Bitawan mo ako kung hindi mo naman pala kaya ang hinihingi kong halaga!” subok ni Everly na hilahin na ang braso niya.Sa halip na lumuwag ay humigpit pa lalo ang hawak nito sa kanyang braso na ikinapikon na ni Everly. “Excuse me? Bitawan mo nga ako! Sino ka ba sa akala mo na pwede akong hawakan ha?!”Pilit inapuhap ni Everly kung pamilyar sa mukha niya ang lalaki, ngunit hindi. Hindi niya ito ma
HINDI KUMIBO SI Roscoe na halatang walang pakialam sa kanyang mga narinig. Ilang segundong pinagmasdan ni Desmond ang mukha ni Roscoe kung may emotion man lang ito.“Ito pa, kaya raw kayo nag-divorce ay dahil naging third party niyo si Lizzy Rivera.” Kumibot-kibot na ang bibig ni Desmond na bahagyang tumang-tango ang ulo doon. “Dito lang siya tumama. Fabricated ang dalawang articles na pinagsusulat niya. Ito lang na pangatlo ang tama. Totoong nagloko ka kay Everly noong nagsasama pa kayo.”Nadagdagan pa ang panlilisik ng mga mata ni Roscoe na halatang hindi sang-ayon sa sinabi ng kanyang kaibigan. Hindi siya nagloko. Tumatanaw lang siya ng utang na loob sa babae. “Alam mo ang dahilan ko, Desmond. Hindi ako nagloko.” Hindi magawang makapagsalita ni Desmond at pinanood na lang na kunin ni Roscoe ang kanyang cellphone. Nag-scroll siya doon upang magbasa lang ng mg saloobin ng mga tao. Ang makita ang larawan ni Everly at Harvey na magkasama ay parang binuhay ang kasamaan sa loob ni R
MABILIS AT PARANG napapasong napabitaw na ng yakap si Roscoe kay Lizzy at umayos ng tayo nang makita sa gilid nila si Everly. For a moment, parang gusto niyang magpaliwanag kay Everly tungkol sa naging yakap nila ni Lizzy kahit na mukhang wala rin itong pakialam.“Oo, teka lang!” sagot ni Everly kay Harvey na hindi man lang tinapunan ng tingin si Roscoe.Napalunok na ng laway si Roscoe na tumagal pa rin ang tingin kay Everly na walang emosyon pa rin ng pakialam sa kanya. Hindi na natiis pa iyon ni Lizzy dahil masyadong obvious si Roscoe na biglang parang nabalisa na doon. Bago pa man makapagsalita si Roscoe ay patakbo ng tumalikod si Everly na matamang hinihintay na sa tabi ni Harvey.“Tara na din, ano pang ginagawa natin dito?” sabi ni Lizzy na nauna ng nag-walk out habang hindi na maitago ang pagkapikon sa kanyang mukha, sadyang ipinakit niya ito kay Roscoe.Doon pa lang nahimasmasan si Roscoe na agad ng sumunod kay Lizzy. Hinabol na niya ang babae na alam niyang nagtatampo na sa ma
HINDI NA NAMALAYAN pa ni Roscoe na naikuyom na niya nang mariin ang kanyang mga kamao habang nakatingin pa rin sa asawa. Baliw na ba si Everly? Sinabi niya iyon? Kulang na lang din ay magbuhol ang kanyang mga kilay lalo na nang muling lumingon si Everly at mapang-asar na ngumiti sa kanyang banda. Pagkatapos noon ay tumingkayad na ang babae matapos ilagay ang dalawang kamay sa balikat nito.“I’m sorry, Miss Golloso—”Akmang hahalikan na ni Everly ang labi ng gulantang na waiter nang biglang may humila sa isang braso niya palayo. Ilang segundo na lang sana at tapos na iyon ngunit nang dahil sa kung sinong pakialamero, nabulilyaso ang kanyang napakagandang pina-plano.“Tama na! Hibang ka na ba?!”Umuusok ang magkabilang tainga habang hindi mawala ang diklap ng galit sa mga mata ni Roscoe na pahagis na binitawan ang braso ni Everly na hinila.“Ano bang gusto mong palabasin?!” bulyaw pa ni Roscoe na napasabunot na sa kanyang buhok, hindi na rin niya alam kung ano ang nararamdaman niya. “Ip
BAKAS ANG PAGKAPIKON sa mukha na dinampot na ni Lizzy ang mga kailangan niya, mas lalo siyang nag-init na ipamukha kay Everly na magaling siya. Alam niyang aksidente ang sinasabi nitong halik, baka pa nga si Everly ang nag-initiate at napilitan lang si Roscoe na gawin ang bagay na iyon. Si Everly ang patay na patay dito at alam niya iyon kaya imposible na gawin ng lalaki, kahit pa may bumubulong na ito ang nauna.“Ang dami mo pang dada, halika na at simulan na natin ang laban!” malakas na hamon ni Lizzy doon.Nauna na itong humakbang upang pumasok sa course. Sumilay sa kanyang mga mata ang kinang ng determinasyon na maggaawa niyang mapahiya si Everly. Nagkatingina na sila ni Everly na sumunod na sa kanya. Ilang segundong sinipat ni Everly ang layo ng distansya ng golf hole, pinanatili na kalmado ang hitsura. Hindi niya kailangang kabahan, alam niyang matatalo siya at ngayon pa lang ay tanggap na niya. Gusto lang niyang pagbigyan si Lizzy nang makalasap naman ng panalo sa kanya kahit i
ANG HULING TINURAN ni Everly ay hindi inaasahan ni Lizzy. Itinikom niya ang bibig at inabot na ang braso ni Roscoe upang magpakampi sa lalaki. Ang tanawing iyon ang nagpalungkot pa kay Everly. Aaminin niya na nagseselos siya kay Lizzy na palaging nariyan si Roscoe upang maging sandalan nito at wala siya nito.“Hindi ka niya hahamunin kung alam niyang hindi ka marunong.” sambit pa ni Roscoe na tila ba siya pa ang sinungaling sa kanila ni Lizzy, kita naman nito na tinuturuan pa lang siya ni Harvey ng araw na iyon ng golf.Natawa na si Everly. Ano pa bang aasahan niya dito? Iniisip niya bang kakampihan siya? Imposible iyon.“Hindi nga siya marunong mag-golf.” sabad na ni Harvey na bahagyang hinila na si Everly sa kanyang tabi upang ipakitang kinakampihan ang babae. “How about this, ako na lang ang lalaban sa'yo, Miss Rivera?”Hindi pa ni Everly naramdaman ang ganitong uri ng seguridad mula kay Roscoe na ipinaparamdam sa kanya ni Harvey. Tumitig na siya sa likod ni Harvey at hindi niya ma
UMAYOS NG TAYO si Roscoe na parang nais pang makipag-usap kay Everly kahit na tinalikuran na siya nito. Marami siyang nais na linawin sa asawa. Mukhang nakakalimutan yata nito kung sino pa siya sa buhay niya.“Harvey, ituloy na natin kung ano ang ginagawa natin kanin. Halika na, turuan mo na ako.” malambing na sambit ni Everly na mas nagpakulo ng dugo ni Roscoe, humigpit na ang hawak niya sa golf club.Hindi niya matanggap na may namamagitan na agad sa dalawang kaharap gayong kaka-blind date pa lang nito ng nagdaang araw. Ang buong akala niya mahal siya ni Everly? Bakit nakahanap ito agad ng kapalit? Given na hindi pa sila hiwalay na dalawa ng legal. Parang napaka-imposible ng mga nakikita niya ngayon.“Laban na tayo?” sakay ni Harvey na natatawa na.Sumulyap pa siya kay Roscoe na halatang asar na ang mga mata. “Hindi pwede. Hindi pa ako gaanong magaling. Tiyak matatalo mo lang ako.” pabebe na sagot ni Everly na sinadya niya, ewan ba niya gusto pa niyang asarin si Roscoe na hindi na
LUMULAN SILA SA iisang sasakyan na si Harvey ang nagda-drive. Nasa passenger seat nito si Everly at nasa likod ang kanilang mga ama na nag-uusap pa rin tungkol sa negosyo. Pagdating sa golf course ay napansin nila na maraming mga luxury cars ang nakaparada doon. Saka pa lang napagtanto ni Everly na weekend iyon kaya malamang ay tambak talaga ang mga tao doon. Bago pa man sila pumunta doon ay nakapag-booked na ang ama ni Everly. Iginiya sila ng mga staff kung saan sila. Pinagpalit sila ng damit at nang lumabas si Everly, nagsimula na ang mga magulang nila maglaro.Mataas pa ang sikat ng araw noon at ang malawak na luntiang paligid ay nakadagdag sa ganda ng paligid. Maalinsangan ang hangin pero dahil banayad ang ihip kaya naman nagawa noong palamigin ang klima. Si Everly ay nakasuot ng puti at pink na sportswear at nakatali ang hanggang balikat na buhok niya ng mataas na ponytail. Light makeup lang din ang suot niya ngayon, pero bagay na bagay ito sa sportswear na mas lalong nagpalitaw
MARAHAN NG HINAPLOS ni Everly ang labi nang may malasahang mapaklang luha na pumatak. Natatawa siyang pinalis na iyon. Ang tapang niya kanina sa harap nilang dalawa ni Lizzy pero deep inside ngayon ay sobrang apektado pa rin talaga siya ng dating asawa. Masasabi niya na masaya ang highschool life nila. Mabait kasi noon si Roscoe sa kanya dahilan upang mas mahulog siya sa lalaki. Hindi niya alam na siya lang pala ang mahuhulog dito at hindi ang lalaki.“Bakit ba kasi naging mabait siya sa akin noon? Kung naging masama lang siya, hindi naman ako nahulog.”Labis ang pagtataka sa mukha ni Everly pagbaba niya kinabukasan sa unang palapag ng mansion. Hindi magkandaugaga ang mga maid na naghahanda ng pagkain sa pagmamando ng kanyang magulang. “Ito ang unang pagkakataon na bibisita sa atin ang mga Maqueda, bakit ganyan ang suot mo Everly?!” Napahinto na si Everly at napatingin sa kanyang ina bago hinagod ang kanyang suot. Normal lang iyon na suot niya kapag nasa bahay at mas komportable siy
WALA NAMANG NAGAWA si Roscoe kung hindi ang sumunod sa pagkaladkad sa kanya ng badtrip ng si Lizzy. Ganunpaman ay naiwan ang kanyang mga mata sa table nina Everly at Harvey na animo ay mata ng lawing nagbabantay. Nakahinga na nang maluwag si Everly nang mawala sila sa tabi ng kanilang mesa. Napa-inom na siya ng isang basong tubig na inubos niya ang laman. Ilang table lang ang pagitan ng table nina Roscoe sa dating asawa kung kaya naman nang mapalingon na si Everly sa kanilang banda, nahuli niya ang matalim na mga tingin ni Roscoe sa kanilang table. Puno ng pagbabanta ang mga mata nito, halatang hindi nakikinig sa sinasabi ng kasama.“Hey, Roscoe—”“Order what you want, Lizzy. Huwag mo ng kunin ang opinyon ko kung anong masarap sa menu. Bilis na.” tugon nitong di pa rin inaalis kina Everly ang tingin. Batid ni Everly kung bakit ganun na lang ang tingin nina Roscoe sa kanila. Ang dahilan kung bakit siya mukhang galit ay hindi dahil sa nagseselos ito, kundi dahil pakiramdam ni Roscoe a