NAPATITIG NA ANG mga mata ni Everly sa lalaking patuloy ba kumakaladkad sa kanya palabas. Nang muli pang mapagsino ito ay hindi niya na maiwasang makaramdam pa ng kaunting pagkatulala. Ganun na ganun ang eksena noong isalba siya nito sa mga bully niya. Kinaladkad din siya ng lalaki at mahigpit na hinawakan ang kamay niya upang tumakas mula sa pagtugis ng mga taong malupit sa kanya. Kung mas masama ang pakikitungo ni Roscoe sa kanya noong mga panahong iyon at hindi iyo naging mabuti, baka hindi niya ito sobrang minahal ng ganito kalalim. Hindi niya ipinagpilitan ang sarili na pakasalan siya kahit na ang ibig sabihin noon ay ang maging suwail at makipag-away sa kanyang pamilya. Bakit siya ngayon nandito? Hindi ba at dapat ay nasa hospital ito? At ano na namang ginagawa niya? Ipinapahiya niya lang muli ang sarili niya! Nagseselos ba ang dati niyang asawa dahil nakikita niyang intimate siya sa ibang lalaki? Imposible naman iyon. Natawa na si Everly sa kaisipan niyang iyon. Binitawan
HINDI PA BA sapat na ipahiya siya ni Everly kanina nang tahasang sabihin nito sa nakakarami na mag-che-check in siya sa isang hotel na may kasamang ibang lalaki sa mismong harap niya?Ang isiping iyon ay lalo pang nagpagalit kay Roscoe na naging dahilan upang mas diinan niya ang paghalik na kanyang ginagawa. Kulang na lang ay dumugo ang kanilang labi sa diin noon.Bilang reaksyon sa ginawa ni Roscoe ay namilog ang mga mata ni Everly nang maramdaman na lumapat ang labi nito sa bibig niya. Hindi pa rin makapaniwala ang nandidilat niyang mga mata.Anong kabaliwan iyon ng dating asawa? Anong masamang espiritu ang sumanib sa katawan niya na kinailangan siyang halikan nito sa masakit na paraan? Bakit? Dahil naapakan niya ang ego niya? Hindi iyon ang halik na pinangarap niya!Tatlong taon na silang kasal at ni minsan ay hindi siya nito nagawang hawakan man lang, ngunit ngayon ay bigla na lang siya nitong hinalikan? Para saan? Para may patunayan lang ngayon?Madiin ang mga naging halik ni Ros
NGUNIT ANG PITONG taon na iyon ay hindi na karapat-dapat na banggitin pa kung tutuusin. Napasinghot na doon si Everly, hindi na napigilan na mangilid ang mga luha sa mata niyang hugis almond. Bakas na doon ang matinding lungkot na nakatago sa loob ng kanyang puso. Wala rin namang silbi pa iyon ngayon.“Roscoe, hindi ko nga rin alam kung bakit nabulag ako. Sobrang nabulag sa pagmamahal ko sa’yo.”Pinagmasdan ni Roscoe ang likod ni Everly na papaalis at muling binalikan sa isipan ang binitawan nitong mga salita na may panlalambot na sa kanyang mukha. Pagkatapos ay nanghihinang sumandal na siya sa pader. Ilang beses pang tumawa ng mahina si Roscoe ng walang humor. Para siyang sinampal ng babae. Hindi niya namamalayan na sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang mawawala sa kanya ang babaeng minahal siya nang halos pitong taon. Ang babaeng hindi siya sinukuan pero sinagad niya ang pasensya.“Nagbago ka na nga bang talaga, Everly?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya sa kanyang sarili.Muli
SA IKA-23RD floor ng The Oriental Hotel. Isang piging sa hapunan ang nagaganap. Sa labas ng malalaking bintanang mula sahig hanggang kisame ay tanaw na tanaw ang mataong tanawin sa gabi ng buong Legazpi. Tahimik ang Bulkang Mayon na para bang kumakaway sa lahat ng mga matang nagmamasid at humahanga sa kanya habang napapalibutan ng mga ulap doon. Ang malambing na tunog ng piano ay malayang pumapasok sa pandinig ng bawat bisita. Hinihele sila at dinadala sa kabilang ibayo ng lugar. Tamad na nakasandal si Everly sa bar habang gumagala ang mga mata, inip na inis ang nararamdaman niya habang iniikot-ikot ang laman ng red wine glass sa kanyang kamay. Panaka-naka ang pagmamasid niya sa paligid habang nakapaskil sa mukha ang mapang-akit na mga mata. Lantarang tinititigan siya ng mga lalaki sa venue na may mga hayok na mga titig, hindi ikinubli ang pagkagusto at paghanga sa kanya. Ang ilan pa doon ay mababakas sa mukha na gustong makipag-usap sa kanya, ngunit hindi matapang upang lapitan siya
ANG PAMILYA RIVERA ay may kilalang background at isa rin sa apat na pangunahing pamilya sa buong Legazpi. Walang kapantay ang pagmamahal ng mga magulang ng pamilya sa kanilang anak na si Lizzy. May tatlong nakatatandang kapatid din itong lalaki, na lahat ay mahal na mahal siya. Bunga ng galing sa kilalang pamilya, naging magkaibigan si Everly at Lizzy ng mga bata pa lang sila, pero ang mas kakaiba ay parehong nahulog din sila sa iisang lalaki, si Roscoe. Hindi na nga nakuha ni Everly ang lalaki, nawasak pa ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Lizzy kaya naman ang tingin nito sa kanya ay isa siyang talunan lang. “Let's see, kung sino talaga sa ating dalawa ang talunan bandang huli.” mahinang hamon dito ni Everly.Magaang hinawakan ni Lizzy ang isangbraso ni Roscoe nang makita niya ang paninitig ni Everly sa banda nila, nakuha pa nilang ngumiti sa isa't isa. Lumuwag naman ang ekspresyon ng mukha ni Roscoe dahil sa ginawa ni Lizzy. Kapag kaharap si Lizzy, palagi siyang napakaamong tupa na
NANG MARINIG ANG boses ni Everly na sabihin iyon ay hindi maipaliwanag na dumilim ang mukha ni Roscoe. Dahan-dahan niyang kinuyom ang mga kamay sa loob ng bulsa ng pantalon. Naaalala ang unang pagkakataong sinabi ni Everly na gusto siya nito. Dapat masaya siya, pero bakit naiinis siya na parang binabalewala siya nito. Kung noon ay tinitingnan siya ng dating asawa noon na may maningning na mga mata ngayon ay hindi niya na iyon makita pa kung saan na nga ba napunta. Bigla na lang na naglaho.“Hindi ako papayag na sabihin ng iba kung sino ang bagay na bagay sa iyong babae. Tanging ako lang, si Everly Golloso, ang karapat-dapat na babae para sa iyo, Roscoe De Andrade!” alingawngaw ng tinig nito.Tapos ngayon, nagawa pa nitong ngumiti habang ina-admit na bagay silang dalawa ni Lizzy? Akala niya ba siya lang ang babaeng babagay sa kanya? Bakit ganun na lang ang pagsang-ayon niya sa sinabi ni Caleb? Sa pagiging sunud-sunuran kay Caleb, anong mga trick kaya ang nilalaro ni Everly ngayon?“By
NAGING MAGULO PA at umingay ang buong hall na iyon nang ibaba ng mga tao ang kanilang hawak na wine glass at sumugod doon upang maki-usyuso sa mga kaganapan. Nais maki-usisa sa mga nangyayari. Kanya-kanya sila ng kuro-kuro at haka-haka kung ano ang nangyari kay Mr. Maqueda.“May tumawag na ba ng rescue o kahit sa 911?”“Kailan pa darating ang ambulansya?”“Oo nga, nasaan na ang ambulansya?!”“Kapag may masamang nangyari kay Mr. Maqueda, tiyak na malalagot ang lahat ng naririto sa pamilya niya! Kailangan niyang mailigtas sa lalong madaling panahon!” Nang-angat na ng kanyang paningin si Everly upang tingnan kung sino ang pasyente na tinutukoy ng mga taong nakapalibot na dito. Nasilayan niya ang isang matandang lalaki na sa tantiya niya ay nasa singkwenta na ang edad. Nakahiga ito sa malamig na sahig habang namumutla ang buong mukha. Walang kurap ang mga mata na animo ay natutulog na. Sinipat pa ni Everly ang oras sa kanyang pambisig na relo. Nasa fifteen minutes ang magiging drive patu
NABALING NA ANG atensyon ng lahat ng tao doon nang marinig ang boses ng sumigaw. Walang iba kung hindi si Lizzy lang naman iyon. Naitaas na ni Everly ang kanyang isang kilay. Malamang alam niyang doctor nga ito pero hindi naman ito magaling kung ikukumpara sa kanya. Ganunpaman, hindi niya pinupulaan ang husay nitong magsalba ng buhay. Kung anuman ang kalabasan ng gagawin nito, masaya siyang naligtas ang pasyente na sa mga sandaling iyon ay nasa bingit na ng kamatayan niya kung hindi pa magagamot.“Si Doctor Rivera, paniguradong mase-save na si Mr. Maqueda. Isa siyang heart surgeon!” bulalas pa ng isa na halatang nakilala ang babae, sikat nga din naman ito dahil mula sa kilalang pamilya kagaya niya.Nagtabihan ang mga tao upang bigyan si Lizzy ng daan. Hindi rin naman umalis doon si Everly upang panoorin kung ano ang gagawin ng dati niyang kaibigan. Hindi lang iyon. Gusto niyang makita kung anong action ang gagawin nito at baka mamaya ay sumablay at malagay pa sa panganib ang buhay ng
SA MGA SANDALING iyon ay parang mandidilim na ang mundo ni Everly sa pagkataranta at dapat na gawin habang sapo niya ang ulo ni Roscoe sa kanyang hita. Nahimasmasan lang siya nang maisip niyang wala na dapat siyang pakialam ngayon kay Roscoe. Binawi niya ang nakahawak niyang kamay sa ulo nito at hinayaan iyong ilapag niya ulit sa lupa. Puno ng pagtataka ng tiningnan siya ni Alexis na gaya niyang natataranta na rin kung ano ang dapat niyang gawin. Hangga't naroon si Alexis kasama nito magiging okay ang lahat, syempre hindi papayag si Alexis na may mangyaring masama sa kanyang ama. Ibinaba ni Everly ang kanyang mga mata, isinantabi ang kanyang mga alalahanin, tumayo at aalis na rin sana gaya ng plano niyang talikuran ang kanyang asawa. “Mrs. De Andrade!” nagmamadaling tawag ni Alexis, “Saan ka pupunta? Paano si Mr. De Andrade?!”Nilingon na siya ni Everly gamit ang kalmadong mukha na para bang hindi nag-alala sa kanya kanina.“Alexis, makinig kang mabuti. Masyado lang siyang maraming
ITUTULAK NA SANA si Roscoe ni Everly papalayo sa kanyang katawan dahil sobrang naiilang na siya, ngunit idiniin pa ng lalaki ang mga braso nito sa pader na pinipigilan siyang makawala. Namilog na ang mga mata ni Everly. Hindi makapaniwala na ginagawa iyon ni Roscoe sa kanya.“Roscoe, ano bang ginagawa mo? Bakit ginagawa mo sa akin ‘to? Gusto mo bang tumawag ako ng pulis at ipadakip kita dito? Ayusin mo nga ang galaw mo!”“Go on, Everly. I-report mo ako. Magpapunta ka dito ng pulis. Tawagin mo sila. Ipadampot mo na ako…” sulsol pani Roscoe na pilit pa rin siyang pinipikon.Not to mention na legal na kasal pa rin naman sila, kahit wala siyang ginawa kay Everly, gusto niyang makita kung paano hahawakan ng mga pulis ang kaso nilang mag-asawa. Iyon ang nagpapalakas ng loob ni Roscoe. Tiningnan ni Everly ang kanyang mga katangian na ipinapamalas at nakaramdam ng sobrang lungkot doon si Everly. Alam niyang hindi siya mahal ni Roscoe kaya imposibleng iyon ang dahilan kaya naroon at nangunguli
AKMANG PAPASOK NA sana si Everly sa loob ng mansion nang may maulinigan siyang mahinang tumatawag sa pangalan niya. Hindi niya ito pinansin noong una sa pag-aakalang guni-guni lang niya ang narinig lalo na at boses ito ng asawa niyang si Roscoe.“Everly…” Napalingon na ang babae nang muli niyang marinig ang boses nito. Doon niya na nakita ang bulto ni Roscoe na nakasandal sa harap na hood ng kanyang sasakyan habang nakasilid ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang suot na pants. Malalim ang tingin nito sa banda niya, lalo na sa bulto ng kanyang katawan. Tila ba kanina pa siya doon naghihintay. Bahagyang madilim ang banda kung saan nakaparada ang sasakyan niya kung kaya naman hindi ito napansin ni Everly. Bigla siyang kinabahan.“Anong ginagawa mo dito?” Umayos na ng tayo si Roscoe na binasa na ng laway ang kanyang bahagyang natuyong labi. Ngumiti siya ngunit agad niyang binawi nang maramdaman ang pananakit ng kanyang bibig. Hindi lang iyon, parang galit si Everly na naroon siya at mu
NAMUMUTLANG NAPAAYOS NA ng upo si Alexis sa pagiging kalmado ng amo sa ginagawa nitong pagtatanong sa kanya. Iba na ang kutob niya doon. Sa ilang taong pagtra-trabaho niya sa puder nito ay marapat lang na kabahan siya kapag naging kalmado ito dahil iyon ang mas siyang delikado. Hindi niya kasi magawang basahin kung ano ang laman ng isip.“Tawagin mo siyang Mrs. De Andrade hangga’t hindi kami nagdi-divorce, maliwanag ba iyon Alexis?” may diin ang bawat salitang binibitawan nito kung kaya naman walang ibang nagawa ang secretary niya kung hindi ang panay na tumango. “O-Opo, Sir!” Sa mga sandaling iyon ay tila mayroong napagtanto pang pangyayari si Roscoe. Parang alam na niya kung sino ang nagsabi sa kanyang Lola ng tungkol sa divorce nila ni Everly na tapos na sana kung hindi lang nabulilyaso. Ipinilig niya ang ulo. Hindi ba at iyon din ang naramdaman niya ng araw na iyon? Lihim pa nga siyang nagpasalamat sa Lola niya. Ngayong nalaman niyang parang hirap na magsinungaling si Alexis ay
HINDI KUMIBO SI Roscoe na halatang walang pakialam sa kanyang mga narinig. Ilang segundong pinagmasdan ni Desmond ang mukha ni Roscoe kung may emotion man lang ito.“Ito pa, kaya raw kayo nag-divorce ay dahil naging third party niyo si Lizzy Rivera.” Kumibot-kibot na ang bibig ni Desmond na bahagyang tumang-tango ang ulo doon. “Dito lang siya tumama. Fabricated ang dalawang articles na pinagsusulat niya. Ito lang na pangatlo ang tama. Totoong nagloko ka kay Everly noong nagsasama pa kayo.”Nadagdagan pa ang panlilisik ng mga mata ni Roscoe na halatang hindi sang-ayon sa sinabi ng kanyang kaibigan. Hindi siya nagloko. Tumatanaw lang siya ng utang na loob sa babae. “Alam mo ang dahilan ko, Desmond. Hindi ako nagloko.” Hindi magawang makapagsalita ni Desmond at pinanood na lang na kunin ni Roscoe ang kanyang cellphone. Nag-scroll siya doon upang magbasa lang ng mg saloobin ng mga tao. Ang makita ang larawan ni Everly at Harvey na magkasama ay parang binuhay ang kasamaan sa loob ni R
MABILIS AT PARANG napapasong napabitaw na ng yakap si Roscoe kay Lizzy at umayos ng tayo nang makita sa gilid nila si Everly. For a moment, parang gusto niyang magpaliwanag kay Everly tungkol sa naging yakap nila ni Lizzy kahit na mukhang wala rin itong pakialam.“Oo, teka lang!” sagot ni Everly kay Harvey na hindi man lang tinapunan ng tingin si Roscoe.Napalunok na ng laway si Roscoe na tumagal pa rin ang tingin kay Everly na walang emosyon pa rin ng pakialam sa kanya. Hindi na natiis pa iyon ni Lizzy dahil masyadong obvious si Roscoe na biglang parang nabalisa na doon. Bago pa man makapagsalita si Roscoe ay patakbo ng tumalikod si Everly na matamang hinihintay na sa tabi ni Harvey.“Tara na din, ano pang ginagawa natin dito?” sabi ni Lizzy na nauna ng nag-walk out habang hindi na maitago ang pagkapikon sa kanyang mukha, sadyang ipinakit niya ito kay Roscoe.Doon pa lang nahimasmasan si Roscoe na agad ng sumunod kay Lizzy. Hinabol na niya ang babae na alam niyang nagtatampo na sa ma
HINDI NA NAMALAYAN pa ni Roscoe na naikuyom na niya nang mariin ang kanyang mga kamao habang nakatingin pa rin sa asawa. Baliw na ba si Everly? Sinabi niya iyon? Kulang na lang din ay magbuhol ang kanyang mga kilay lalo na nang muling lumingon si Everly at mapang-asar na ngumiti sa kanyang banda. Pagkatapos noon ay tumingkayad na ang babae matapos ilagay ang dalawang kamay sa balikat nito.“I’m sorry, Miss Golloso—”Akmang hahalikan na ni Everly ang labi ng gulantang na waiter nang biglang may humila sa isang braso niya palayo. Ilang segundo na lang sana at tapos na iyon ngunit nang dahil sa kung sinong pakialamero, nabulilyaso ang kanyang napakagandang pina-plano.“Tama na! Hibang ka na ba?!”Umuusok ang magkabilang tainga habang hindi mawala ang diklap ng galit sa mga mata ni Roscoe na pahagis na binitawan ang braso ni Everly na hinila.“Ano bang gusto mong palabasin?!” bulyaw pa ni Roscoe na napasabunot na sa kanyang buhok, hindi na rin niya alam kung ano ang nararamdaman niya. “Ip
BAKAS ANG PAGKAPIKON sa mukha na dinampot na ni Lizzy ang mga kailangan niya, mas lalo siyang nag-init na ipamukha kay Everly na magaling siya. Alam niyang aksidente ang sinasabi nitong halik, baka pa nga si Everly ang nag-initiate at napilitan lang si Roscoe na gawin ang bagay na iyon. Si Everly ang patay na patay dito at alam niya iyon kaya imposible na gawin ng lalaki, kahit pa may bumubulong na ito ang nauna.“Ang dami mo pang dada, halika na at simulan na natin ang laban!” malakas na hamon ni Lizzy doon.Nauna na itong humakbang upang pumasok sa course. Sumilay sa kanyang mga mata ang kinang ng determinasyon na maggaawa niyang mapahiya si Everly. Nagkatingina na sila ni Everly na sumunod na sa kanya. Ilang segundong sinipat ni Everly ang layo ng distansya ng golf hole, pinanatili na kalmado ang hitsura. Hindi niya kailangang kabahan, alam niyang matatalo siya at ngayon pa lang ay tanggap na niya. Gusto lang niyang pagbigyan si Lizzy nang makalasap naman ng panalo sa kanya kahit i
ANG HULING TINURAN ni Everly ay hindi inaasahan ni Lizzy. Itinikom niya ang bibig at inabot na ang braso ni Roscoe upang magpakampi sa lalaki. Ang tanawing iyon ang nagpalungkot pa kay Everly. Aaminin niya na nagseselos siya kay Lizzy na palaging nariyan si Roscoe upang maging sandalan nito at wala siya nito.“Hindi ka niya hahamunin kung alam niyang hindi ka marunong.” sambit pa ni Roscoe na tila ba siya pa ang sinungaling sa kanila ni Lizzy, kita naman nito na tinuturuan pa lang siya ni Harvey ng araw na iyon ng golf.Natawa na si Everly. Ano pa bang aasahan niya dito? Iniisip niya bang kakampihan siya? Imposible iyon.“Hindi nga siya marunong mag-golf.” sabad na ni Harvey na bahagyang hinila na si Everly sa kanyang tabi upang ipakitang kinakampihan ang babae. “How about this, ako na lang ang lalaban sa'yo, Miss Rivera?”Hindi pa ni Everly naramdaman ang ganitong uri ng seguridad mula kay Roscoe na ipinaparamdam sa kanya ni Harvey. Tumitig na siya sa likod ni Harvey at hindi niya ma