PILIT NA TINATANGGI ng utak ni Roscoe na maniwala na magagawa iyon ng asawa sa kanya. Hinanap niya ito sa lahat ng lugar kung saan maaaring biglang lumitaw o matagpuan niya si Everly. Sa back garden, study room, projection room...hindi lang si Everly ang wala kahit saan, pati ang mga gamit niya ay wala na rin ang bakas sa mga lugar na iyon. Malinis din ang bookshelf sa study room sa mga medical books na madalas basahin ni Everly at doon niya iniimbak. Si Roscoe ay bihirang pumunta dito, ngayon lang iyon upang hanapin ang kanyang asawa. Kung wala ang presensya ni Everly, ang villa ay tila walang sinuman ang naninirahan doon. Bumaba si Roscoe sa unang palapag nang may mabibigat na mga hakbang at napansin niyang walang laman ang espasyo sa likod ng sofa. Nang makita niya ang nasirang malaking frame ng picture nila na itinapon sa basurahan, tumigil ang kanyang hininga. Gawa ba ito asawa niya?
Matapos siyang pakasalan ni Everly, palagi siya nitong kinukulit na sumama sa kanya sa pamimili. Busy siya sa trabaho at hindi niya iyon nagugustuhan, kaya paulit-ulit siyang tumanggi na sa huli ay humahantong sa malalang away. Ngunit iba ang araw na iyon dahil ito ang kaarawan ni Everly. Pumunta siya sa kumpanya para hanapin siya at upang ayain na naman dahil kaarawan niya. Nagbabakasakali na pagbibigyan siya ng kanyang asawa. Ang araw na iyon din nila kinuha ang picture na iyon na kalaunan ay pina-print ni Everly.
“Roscoe, pwede mo ba akong bigyan ng kaunting oras kahit ngayong araw lang? Sige na. Birthday ko naman. Kung busy ka talaga, ayos na din sa akin ang kahit na kalahating oras lang. Hmm? Please?”
Naawa si Roscoe dito kaya pumayag siyang i-spend ang birthday niya kasama siya. Naisip ni Roscoe na hilingin niya sa kanya na bumili ng mga mamahaling regalo kahit na kaya naman nitong bumili ng kahit na ano gamit ang kanyang salapi, kumain kasama niya, o gumawa sila ng ilang hindi makakalimutang mga kahilingan. Who knew she just asked him to go shopping with her? Walang sinuman, kahit na siya.
“Roscoe, pwede ko bang hawakan ang kamay mo?”
Alam ni Everly na abala si Roscoe, kaya hindi niya ito hinayaang mapagod. Pumunta sila sa rooftop ng shopping mall at piniling magpa-picture kasama niya habang nanonood ng matingkad na sunset. Naisip ni Roscoe na pang-isip bata lang ito at gamit ang gilid ng mata ay panaka-naka ang sulyap niya sa ibang saya na mayroon ang asawa. Hindi mamahaling bagay ang nais nito, kundi karampot na orsa sa kanya. Ilang beses niyang sinasagot ang ilang tawag mula kay Lizzy habang nasa proseso sila ng pagkuha ng mga larawan ng papalubog na araw. Walang ibang naging reklamo doon si Everly. Muli niyang pinagbigyan ito na kumuha sila ng larawan na magkasama. Pagkauwi, isinabit niya agad ang picture frame sa sala at buong oras ay umarte siyang napakasaya sa umano ay regalong iyon. Simula noon, hindi na siya ni Everly muling kinulit na sumama sa kanya sa pamimili, ni hindi na niya ito ipinagdiwang ang kaarawan na kasama siya.
Dadamputin na sana si Roscoe iyon para kunin ito nang hindi sinasadyang mapansin ng peripheral vision niya ang divorce agreement sa center table. Tumaas bigla ang isang kilay niya ngunit may kaagapay iyong biglaang kaba. Sa signature page, nakita niya ang kanilang mga pangalan. Gumalaw ang adams apple ni Roscoe nang lumunok ng laway, puno ng pagtataka na ang mga mata niya.
“Everly actually agreed to our divorce?”
Nakagat na ni Roscoe ang kanyang labi. Hindi pa rin makapaniwala sa kanyang nakikitang iyon ngayon. Nawala ang atensyon niya doon nang mag-vibrate ang kanyang cellphone. Nagkukumahog niya itong tiningnan sa pag-aakalang si Everly ang nag-message. Nalaman niyang mensahe iyon ng kanyang pamilya patungkol sa kaarawan ng kanyang Lola.
Roscoe, ang 70th birthday dinner ng iyong Lola ay halos nakahanda na. Proud na proud ang matanda sa kanyang edad na umabot pa doon kaya naman magaganap ang isang engrandeng party sa pagkakataong ito. Ang lahat ng mga imbitasyon ay naipadala na rin. Partikular na sinabi ng Lola mo na ikaw at si Everly ay dapat dumalo sa party, kung hindi, ikaw ang magdadala ng mga consequence na ibibigay niya sa gagawin mong pagsuway! See you raw sa paboritong apo ng Lola.
Problemado na agad doon si Roscoe. Ang hapunan sa kaarawan na iyon ng kanyang Lola ay nakisabay pa. Paano niya dadalhin doon ang asawa kung hiwalay na sila? Hindi na rin ito papayag kahit makiusap siya.
“Anak ng teteng! Bakit nakisabay pa sila?!”
Sa pusod ng Legazpi, na nasasakupan ng Albay matatagpuan ang pamoso at sikat na Golloso family mansion. Larawan ng masayang pamilya ang hapag nila ng mga sandaling iyon nang magpasyang umuwi na si Everly sa kanila. Itinaas ni Don Juanito Golloso, na nakasuot ng paborito niyang suit, ang baso sa kanyang kamay upang mag-propose ng isang masayang toast upang may ipagdiwang lang doon. Taliwas doon ang inaasahan ni Everly dahil sa huling pag-uusap nila ng ama. Mukhang, masaya pa nga sila ngayon.
“Congratulations, Everly apo. Hanga ako at binabati kita dahil nagawa mo ng makawala sa dagat ng kalbaryo sa piling ng iyong asawa! Mabuti naman at nagising ka na sa pagkakatulog.” saad ni Don Juan.
“Tama ang Lolo, Everly. Maligayang pagbabalik, anak.” palakpak na suporta ng kanyang amang si Titus na malapad pa rin ang ngiti upang ipakitang proud siya dito. “Ngayong nakauwi ka na, pwede mo ng pamahalaan ang ating kumpanya. Pagbigyan mo naman ang Daddy, Everly. Gusto kong maagang mag-retiro. Ipagkakatiwala ko na sa’yo ang lahat ng assets ng ating pamilya na may bilyon-bilyong halaga.”
“Hindi pwede, Titus. Kailangang ituloy ni Everly ang pagpunta sa ospital kasama ang Lola.” giit ng kanyang Lola, si Donya Antonia na seryoso na roon ang mukha nakatingin sa kanyang ama. “Nakakahinayang na sayangin mo ang iyong pagiging mahusay sa medikal na kasanayan. Tutulungan kitang mabuti, apo.”
Natawa lang si Everly na hindi na alam kung sino ang unang kakausapin sa mga ino-offer sa kanya.
“Bakit hindi ka na lang mag-aral ng design with Mom, Everly?” mungkahi ng kanyang inang hinawakan pa siya sa magkabila niyang pisngi upang lambingin siya at ito ang piliin niya sa mga nag-aalok sa kanya.
Tanging ngiti lang ang naging tugon ni Everly sa suhestiyon ng kanyang ina, ama at Lola Toning. Dinampot na niya ang kubyertos at iginala ang kumikislap na mga mata sa mga pagkaing nakahain sa lamaesa. Hindi naman siya nagugutuman sa villa nila ng dating asawa, pero iba ang pakiramdam niya ng sandaling iyon. Marahil ay dahil ang lahat ng iyon ay halos favorite niya o masaya siya dahil kasama niya ang mga taong alam niyang nagmamahal sa kanya ng totoo. Nang iangat ang kanyang paningin sa pamilya, hindi niya mapigilang makaramdam ng guilt at lungkot nang dahil sa minsang pagiging suwail niyang anak sa kanila.
ANG PAMILYA GOLLOSO ay pareho pa rin ng dati, palaging puno ng saya at pagiging masigasig. Tama nga ang kasabihan na ang pamilya kailanman ay hindi magagawang talikuran ka kahit pa sabihin na nagawa mo silang saktan. Napagtanto ni Everly iyon ng mga sandaling iyon. Wala siyang anumang narinig sa kanila na masasakit na mga salita. Sa wakas ay naunawaan ni Everly na tanging ang tahanan lamang at sariling pamilya mo ang maaaring tumanggap ng kanyang mga flaws and imperfections. Sa pag-iisip nito, lalong naramdaman ni Everly na hindi siya naging matinong anak noon. Hindi na niya muling sasaktan ang mga nagmamahal sa kanya alang-alang sa mga taong hindi siya pinapahalagahan at minamahal gaya ni Roscoe.“Hayaan natin si Everly na magpatuloy sa pagbuo ng mga gamot!”“No, she must have inherited our family business.”“Hindi. Mas may future siya sa pagde-design.”Biglang nagtalo-talo pa roon ang tatlo kung sino ang dapat na sundin ni Everly sa kanila. Makahulugang nagkatinginan na si Everly at
NABURO PA ANG mga mata ni Desmond kay Everly na para bang sa ibang babae siya nakatingin. Wala sa sariling napahwak siya sa kanyang baba. Patuloy na malakas na pinuri ang kabuohan nito sa harap ni Roscoe. May pagkakataon pa na tinawag din ito ni Desmond ngunit hindi napansin ni Everly. Nanatiling tahimik si Roscoe, hindi mapigilang makaramdam ng pagkadismaya habang nakikinig sa kaibigan. Sa tatlong taon mula nang ikasal sila, sa harap man niya o sa mahahalagang okasyon, palagi siyang nakasuot ng maayos at eleganteng damit, at hindi kailanman nagsusuot ng ganitong klase ng damit na kulang sa tela. Ni ‘di nga niya alam na may tattoo pala ang dati niyang asawa sa likod. Patunay na hindi niya kilala.“Sandali nga, hindi ka na ba niya mahal? Last time I checked, she was crazy in love with you. Ouch, man that's pretty frank. Kumusta naman ngayon ang nasakta mong pride? Paki-check nga, Roscoe...” A hint of annoying admiration flashed in Desmond's eyes. Ininom lang ni Roscoe ang kanyang alak
NAPATITIG NA ANG mga mata ni Everly sa lalaking patuloy ba kumakaladkad sa kanya palabas. Nang muli pang mapagsino ito ay hindi niya na maiwasang makaramdam pa ng kaunting pagkatulala. Ganun na ganun ang eksena noong isalba siya nito sa mga bully niya. Kinaladkad din siya ng lalaki at mahigpit na hinawakan ang kamay niya upang tumakas mula sa pagtugis ng mga taong malupit sa kanya. Kung mas masama ang pakikitungo ni Roscoe sa kanya noong mga panahong iyon at hindi iyo naging mabuti, baka hindi niya ito sobrang minahal ng ganito kalalim. Hindi niya ipinagpilitan ang sarili na pakasalan siya kahit na ang ibig sabihin noon ay ang maging suwail at makipag-away sa kanyang pamilya. Bakit siya ngayon nandito? Hindi ba at dapat ay nasa hospital ito? At ano na namang ginagawa niya? Ipinapahiya niya lang muli ang sarili niya! Nagseselos ba ang dati niyang asawa dahil nakikita niyang intimate siya sa ibang lalaki? Imposible naman iyon. Natawa na si Everly sa kaisipan niyang iyon. Binitawan
HINDI PA BA sapat na ipahiya siya ni Everly kanina nang tahasang sabihin nito sa nakakarami na mag-che-check in siya sa isang hotel na may kasamang ibang lalaki sa mismong harap niya?Ang isiping iyon ay lalo pang nagpagalit kay Roscoe na naging dahilan upang mas diinan niya ang paghalik na kanyang ginagawa. Kulang na lang ay dumugo ang kanilang labi sa diin noon.Bilang reaksyon sa ginawa ni Roscoe ay namilog ang mga mata ni Everly nang maramdaman na lumapat ang labi nito sa bibig niya. Hindi pa rin makapaniwala ang nandidilat niyang mga mata.Anong kabaliwan iyon ng dating asawa? Anong masamang espiritu ang sumanib sa katawan niya na kinailangan siyang halikan nito sa masakit na paraan? Bakit? Dahil naapakan niya ang ego niya? Hindi iyon ang halik na pinangarap niya!Tatlong taon na silang kasal at ni minsan ay hindi siya nito nagawang hawakan man lang, ngunit ngayon ay bigla na lang siya nitong hinalikan? Para saan? Para may patunayan lang ngayon?Madiin ang mga naging halik ni Ros
NGUNIT ANG PITONG taon na iyon ay hindi na karapat-dapat na banggitin pa kung tutuusin. Napasinghot na doon si Everly, hindi na napigilan na mangilid ang mga luha sa mata niyang hugis almond. Bakas na doon ang matinding lungkot na nakatago sa loob ng kanyang puso. Wala rin namang silbi pa iyon ngayon.“Roscoe, hindi ko nga rin alam kung bakit nabulag ako. Sobrang nabulag sa pagmamahal ko sa’yo.”Pinagmasdan ni Roscoe ang likod ni Everly na papaalis at muling binalikan sa isipan ang binitawan nitong mga salita na may panlalambot na sa kanyang mukha. Pagkatapos ay nanghihinang sumandal na siya sa pader. Ilang beses pang tumawa ng mahina si Roscoe ng walang humor. Para siyang sinampal ng babae. Hindi niya namamalayan na sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang mawawala sa kanya ang babaeng minahal siya nang halos pitong taon. Ang babaeng hindi siya sinukuan pero sinagad niya ang pasensya.“Nagbago ka na nga bang talaga, Everly?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya sa kanyang sarili.Muli
SA IKA-23RD floor ng The Oriental Hotel. Isang piging sa hapunan ang nagaganap. Sa labas ng malalaking bintanang mula sahig hanggang kisame ay tanaw na tanaw ang mataong tanawin sa gabi ng buong Legazpi. Tahimik ang Bulkang Mayon na para bang kumakaway sa lahat ng mga matang nagmamasid at humahanga sa kanya habang napapalibutan ng mga ulap doon. Ang malambing na tunog ng piano ay malayang pumapasok sa pandinig ng bawat bisita. Hinihele sila at dinadala sa kabilang ibayo ng lugar. Tamad na nakasandal si Everly sa bar habang gumagala ang mga mata, inip na inis ang nararamdaman niya habang iniikot-ikot ang laman ng red wine glass sa kanyang kamay. Panaka-naka ang pagmamasid niya sa paligid habang nakapaskil sa mukha ang mapang-akit na mga mata. Lantarang tinititigan siya ng mga lalaki sa venue na may mga hayok na mga titig, hindi ikinubli ang pagkagusto at paghanga sa kanya. Ang ilan pa doon ay mababakas sa mukha na gustong makipag-usap sa kanya, ngunit hindi matapang upang lapitan siya
ANG PAMILYA RIVERA ay may kilalang background at isa rin sa apat na pangunahing pamilya sa buong Legazpi. Walang kapantay ang pagmamahal ng mga magulang ng pamilya sa kanilang anak na si Lizzy. May tatlong nakatatandang kapatid din itong lalaki, na lahat ay mahal na mahal siya. Bunga ng galing sa kilalang pamilya, naging magkaibigan si Everly at Lizzy ng mga bata pa lang sila, pero ang mas kakaiba ay parehong nahulog din sila sa iisang lalaki, si Roscoe. Hindi na nga nakuha ni Everly ang lalaki, nawasak pa ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Lizzy kaya naman ang tingin nito sa kanya ay isa siyang talunan lang. “Let's see, kung sino talaga sa ating dalawa ang talunan bandang huli.” mahinang hamon dito ni Everly.Magaang hinawakan ni Lizzy ang isangbraso ni Roscoe nang makita niya ang paninitig ni Everly sa banda nila, nakuha pa nilang ngumiti sa isa't isa. Lumuwag naman ang ekspresyon ng mukha ni Roscoe dahil sa ginawa ni Lizzy. Kapag kaharap si Lizzy, palagi siyang napakaamong tupa na
NANG MARINIG ANG boses ni Everly na sabihin iyon ay hindi maipaliwanag na dumilim ang mukha ni Roscoe. Dahan-dahan niyang kinuyom ang mga kamay sa loob ng bulsa ng pantalon. Naaalala ang unang pagkakataong sinabi ni Everly na gusto siya nito. Dapat masaya siya, pero bakit naiinis siya na parang binabalewala siya nito. Kung noon ay tinitingnan siya ng dating asawa noon na may maningning na mga mata ngayon ay hindi niya na iyon makita pa kung saan na nga ba napunta. Bigla na lang na naglaho.“Hindi ako papayag na sabihin ng iba kung sino ang bagay na bagay sa iyong babae. Tanging ako lang, si Everly Golloso, ang karapat-dapat na babae para sa iyo, Roscoe De Andrade!” alingawngaw ng tinig nito.Tapos ngayon, nagawa pa nitong ngumiti habang ina-admit na bagay silang dalawa ni Lizzy? Akala niya ba siya lang ang babaeng babagay sa kanya? Bakit ganun na lang ang pagsang-ayon niya sa sinabi ni Caleb? Sa pagiging sunud-sunuran kay Caleb, anong mga trick kaya ang nilalaro ni Everly ngayon?“By
SINUBUKAN NI EVERLY na ibuka ang bibig upang mag-explain, ngunit agad niyang tinikom. Ano pang gamit noon? Massayang lang ang laway niya sa lalaki. Hahayaan na lang niyang paniwalaan nito ang gusto.“Roscoe, ikaw ang hindi marunong lumugar! Bakit ganyan ang trato mo sa asawa mo sa harapan ng maraming tao?” muling buga ng apoy ng kanyang ina na napipikon na sa mga nangyayari, nangangati na ang kanyang palad na hilahin sa buhok si Lizzy para humiwalay ito sa kanyang anak. “Wala kang galang!”“Kahit na Mommy, hindi pa rin tama na paiyakin niyo si Lizzy at ipahiya sa harapan ng maraming tao dito!”“Wala na, hibang na hibang ka na talaga!” iling pa ng ina ni Roscoe na mas sumiklab ang galit kay Lizzy. Noong una ay ayaw naman talagang papuntahin ni Roscoe si Lizzy ngunit ito ang nagpumilit. Kung sasabihin niya iyon sa babae ngayon, mas iiyak pa ito. Sinabi niya rin kay Lizzy na baka di siya itrato ng maayos ng kanyang pamilya, ngunit nagmatigas ito na gagawin niya ang lahat magustuhan lama
SA MGA SANDALING iyon ay parang hindi na makahinga si Lizzy. Napahawak na siya sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya kaunti na lang at hihimatayin na siya sa labis na kahihiyang kinakaharap niya ngayon. Everyone in the venue shut their mouths, and it was so quiet that one could hear a pin drop. Everly looked at those people's gloomy faces with interest, the corners of her mouth raised and she smiled brightly. Natutuwa siya sa nakikitang reaction ng dati niyang kaibigan.“Lizzy, wala ka bang gustong sabihin?”Napalingon na ang marami kay Lizzy na para bang humihingi ng explanation kung bakit iyon nangyari.”I mean, wala kang sasabihin kay Lola?”Sa kaarawan ng matanda, binigyan niya ito ng regalo na fake. Marapat lang na humingi ito ng paumanhin. Kung hindi siya dumating, maloloko nito ang matanda. Hindi lang iyon, tiyak bida-bida na naman ang gaga na ang buong akala ay tunay lahat ng iyon.“Lola, pasensya na po. Hindi ko po alam na ang iba sa kanila ay fake. Naloko lang din po ako.” pa-v
SI APO SALUD ay sinaunang tao na kilala ng halos ng karamihang nakatira sa kanilang lugar. Marami itong kaalaman pagdating sa maraming bagay at mga halaman. Ang lahat ng tao doon ay naniniwala dito. Bago iyon sa pandinig ni Everly kung kaya naman nangunot na ang kanyang noo. Hindi makapaniwala na gagamit pa ng ibang tao si Lizzy at magpakampi dito. “Sinong Apo Salud?”Narinig na ni Everly ang pangalan nito kung kaya naman medyo pamilyar iyon sa kanya ngunit hindi naman niya lubusang kilala kung kaya tinanong na niya kung sino ba iyon? “That weird old woman?” “Weird woman? Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin na weird woman si Apo Salud!” sambit ng isa sa mga bisitang naroon na para bang nasaktan ito.“Kaya nga, hindi na iginalang ang matanda!”Hindi pinansin ni Everly ang komentong iyon. Hinarap niya si Donya Kurita upang magmungkahi. “Lola, since sinasabi ni Lizzy na tampered ang ginamit naming pang-check, bakit hindi nga natin papuntahin dito si Apo Salud upang sabihin kung a
BAGO PA MAKAPAGSALITA si Lizzy ay pumagitna na si Donya Kurita sa mas umiinit na sitwasyon at mariin na iringan at titigan ng dalawang babae sa kanyang harapan.“Hija, hindi na kailangang humantong pa kayo doon. Huwag naman sanang ganito. Huwag kang gumawa ng eskandalo sa mismong kaarawan ko. Hmm? Ako na ang nakikiusap sa’yo, Everly…” Nakahanda na sanang pumayag noon si Lizzy, dahil alam niyang hindi iyon papayagan ng Lola ni Roscoe. Magiging kontrobersyal ang kaarawan nito. Kagalang-galang pa naman ang pamilya nila, at ang sitwasyong iyon ay magbibigay ng matinding gulo. “Sige na hija, please? Huwag niyo ng palakihin pa ang isyu sa pagitan niyong dalawa.” pakiusap na rin ng ina ni Roscoe na halatang naiinis na sa naumpisahan nilang komosyon ni Lizzy doon.Lumibot na sa paligid ang mga mata ni Everly kung saan ay masusing nakatingin sa kanila ang halos lahat ng mga bisita at naghihintay ng kakalabasan ng pag-uusap nilang apat sa gitna noon. “Ano pa bang ipinaglalaban ng asawa ng ap
BAHAGYANG NARINIG NI Lizzy ang naging pakiusap ni Donya Kurita kay Everly na palampasin na lang iyon kahit na alam nitong fake talaga ang ilan sa mga regalong ibinigay niya. Kung kaya naman pakiramdam ng babae ay siya ang kinakampihan ng Donya. Ang hindi niya alam ay ayaw lang ng matandang magkagulo sa pa-okasyon niya. Gustong samantalahin ni Lizzy ang pagkakataong iyon nang sa ganun ay makuha niya pang lalo ang atensyon ng matanda kung kaya naman gumawa pa siya ng isyu para mas palalain ang sitwasyon na kinasasangkutan nila.“Lola, hindi po fake ang iba sa mga ulasimang-bato na bigay ko. Masyado lang pong mainit ang panahon kung kaya naman nalanta na ang iba habang papunta dito.” giit ni Lizzy na talagang pinanindigan ang kasinungalingan niya upang huwag lang mas mapahiya, masama ang hilatsa ng mukhang hinarap niya na si Everly. “Alam ko ang dahilan mo kung bakit mo ako pinapahiya ngayon, Everly. Nagseselos ka lang sa akin at kay Roscoe. Di ba? Aminin mo!” malakas nitong akusa na par
HINDI NA NAKATIIS pa ang matandang Donya sa kung anong kuro-kuro ng mga bisitang naroroon patungkol sa relasyon ng paborito niyang apo. Hindi pwede na mananahimik na lang siya doon at walang anumang gagawin na harap-harapan nilang nilalait si Everly at Roscoe at kung anu-anong ibinibintang dito.“Huwag nga kayong magsalita ng walang kwenta. Maayos ang relasyon ng mga apo ko!” Nanahimik ang lahat sa tinurang iyon ng matanda. Syempre naman, sino ang maglalakas ng loob na i-offend ang isang Donya Kurita De Andrade? Siya ang kagalang-galang na ancestor ng kanilag pamilya.“Everly, hindi ka naman siguro pumunta dito ng walang dala di ba?” si Lizzy iyon na bahagya pang umubo upang kunin lang ang atensyon ni Everly na hindi naapektuhan sa alam niyang nais palabasin ni Lizzy.“Oo naman. Ako pa? Hindi naman ako pupunta dito nang wala akong regalo. Hindi ko ipapahiya ang sarili ko.” sagot ni Everly na umayos pa ng tayo upang harapin lang ang mga kuryusong mata ng mga bisita roon.“Kung ganun
MARAHANG TINAPIK NG matanda ang ulo ni Desmond, dahilan upang kumalas na ito ng yakap. Para sa matanda ay hindi na rin ito iba sa kanya na kung ituring ay parang sariling apo na rin.“Ikaw naman, kailan mo ipapakilala sa Lola ang girlfriend mo ha? Hindi ka na bumabata hijo. Dapat sa taong ito ay magpakasal ka na at bumuo na ng iyong magiging sariling pamilya. Hmm?” Napakamot na si Desmond sa kanyang batok. Nahihiyang iniikot na ang paningin sa paligid. “Lola, bakit mo naman ako minamadaling mag-asawa? Hindi pa ako sawa maging binata. Dapat pala hindi na lang ako nagpakita sa’yo, tuwing nagpapakita ako palagi mo akong minamadali eh.”“Eh ano pa bang hinihintay mo? May pera ka na, stable na trabaho. Bakit ayaw mo pang lumagay sa tahimik at humanap ng magiging asawa ha? Bigyan mo na ako ng apo sa’yo, Desmond…” Natawa si Desmond na halatang bored ang Lola ng kanyang kaibigan kung kaya naman siya ang pinagtri-tripan. Mukha rin na wala pa doon si Roscoe kung kaya naman siya ang kinukulit
NAPATDA NA ANG mga mata ni Lizzy sa likod ng matanda na nagkukumahog na magtungo sa pintuan upang salubungin si Everly. Bagama't nakahinga siya sa pressure na nararamdaman niya kanina, pakiramdam niya ay nabastos pa rin siya na siya ang kaharap pero nang marinig ang pangalan ni Everly, kulang na lang ay liparin nito ang daan patungo sa labas upang sumalubong. Hindi niya tuloy mapigilan na makagat ang labi habang ginagala ang mga mata sa paligid nila. Nakuha na rin ng pangalan ni Everly ang atensyon ng ibang mga bisitang naroroon. Ano ba ang mayroon ang Everly na iyon? Mukhang mas mahalaga ang presensya ng babaeng iyon sa herbal.‘Kahit kailan, mang-aagaw ka talaga ng spotlight, Everly!’ Dahan-dahan bumukas ang pintuan ng venue kung saan ang lahat ng mga mata ay nakatuon, maging ang live camera ng mga media na pumunta na kanina ay nakatutok lang kay Lizzy. Nang makita ang pagpasok doon ni Everly, napahinga nang malalim ang halos lahat ng bisita at maging ang kanilang mga mata ay puno
SA GILID NI Lizzy ay nakatayo ang kanyang kasamang assistant na may tulak na malaking box kung saan nakalagay umano ang regalo nitong ulasimang-bato. Dalawang daan ang kulang nito, gayunpaman ay hindi iyon alintana ng babae na nakataas pa ang noo. Nang makita iyon ng mga naunang bisita ay agad na silang napatayo upang makita lang ang dala ni Lizzy na ayon sa balita ay aabot ng limang daan ang bilang. Upang punan ang kakulangan sa bilang, gumawa ng paraan si Lizzy na magawang limang-daan iyon kahit na ang karagdagang dalawang daan ay pawang mga peke. Mariing tinikom ni Lizzy ang bibig. Sumidhi pa ang kaba niya nang makitang tumapat na sa kanya ang live camera ng naturang event. Ngumiti naman si Donya Kurita sa ginawang pagbati ni Lizzy sa kanya.“Gaya po ng pinangako ko, narito ang ulasimang-bato na may bilang na limang daan, Lola Kurita.”Nagsimulang magbulungan ang mga taong naroon. Mga bulungan na hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ni Lizzy na lalo pang na-conscious na noon.“A