BIGLANG NAKARAMDAM ng pagkadismaya sa kanyang puso si Roscoe na para bang kapag nagtagal pa siya doon ay masabi niya kay Lizzy ang sinabi ni Everly, kung kaya naman humanap siya ng dahilan at paraan makaalis lang ng hospital. Hindi naman siya nagawang pagdudahan ni Lizzy sa tunay na rason. Nawalan siya ng ganang mag-stay doon kung puno ang isipan niya ng tungkol sa mga sinabi ni Everly.
“May gagawin pa ako sa kumpanya. Puntahan na lang ulit kita dito mamaya.”
Tumingin ulit si Lizzy kay Roscoe, at unti-unting nawala ang hinaing sa kanyang mga mata. Ibinaba niya ang kanyang ulo, at nagngalit ang kanyang mga ngipin sa galit nang biglang maisip niya na baka si Everly ang dahilan ng pag-alis. Ngunit agad iyon napalitan ng tuwa dahil imposibleng iyon nga ang mangyayari.
‘Everly, ano bang makukuha mo sa piling ng lalaking ni katiting ay hindi ka naman gusto? Wala.’
Lumabas si Roscoe sa ospital at bago pa makalulan ng sasakyan ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kaibigan; Desmond Jimenez. Isa sa apat na pangunahing mayaman ding pamilya sa Albay, siya ang pangulo ng Jimenez Group. Lumaki silang magkasama at nakabuo ng napakagandang relasyon. Tamad at medyo mapaglaro ang boses ng lalaki sa kabilang linya habang inaarok ang lagay ng damdamin niya.
“Kumusta ang babaeng mahal mo?”
Binuksan ni Roscoe ang pintuan ng kanyang sasakyan at kalmadong pumasok sa loob ng kotse.
“Lizzy is fine, Desmond.”
“Of course, siya ba naman ang iligtas ng lahat ng mga naroroon. Imposible na mapahamak pa siya. What could possibly happen to her?” sambit ng kaibigan sa masayang tono na ang dating kay Roscoe ay para bang nang-aasar lang sa kanya, “Eh ang asawa mo? Kumusta naman siya? Nahulog din kaya iyon kanina.”
Malamig na tumawa si Roscoe, ginaya ang tono ni Desmond sa pagsasalita.
“What can happen to her?”
“Roscoe, hindi mo ba nakita na? I saved your wife. Kung hindi dahil sa akin, pihadong ngayon ay nalunod na siya sa swimming pool!” medyo pikon na sambit ni Desmond sa kabilang linya na naiinis sa kaibigan.
Nang marinig ang boses ng kaibigan ay kumunot na ang noo ni Roscoe. Sumagi sa kanyang isipan ang kanina ay nakakaawang hitsura ni Everly at hindi niya maiwasang higpitan ang pagkakahawak sa kanyang manibela. Si Desmond niligtas si Everly? Imposible naman iyon. Hindi niya nakita. Mabilis siyang nakabawi.
“Are you kidding me, Desmond? Ang lakas ng loob noong sumisid sa malalim na dagat. Sa tingin mo malulunod ba siya sa isang swimming pool lang? Huwag mo nga akong pinagloloko. Anong niligtas?”
“Ibig mo bang sabihin ay nagpapanggap lang siya na nalulunod? Parang hindi naman Roscoe, ang galing naman ng acting niya kung nagpapanggap lang ang ginawa niyang iyon. Marami siyang nainom na tubig kahit pa nagawa niyang makahawak sa hagdan, nakabitaw pa rin siya doon at pumailalim. Akala ko nga ay nagbibiro lang din. But heck no, nalulunod siya at kailangang sagipin.” giit ni Desmond na hindi pa rin naniniwala na sinadya iyon ng asawa nitong si Everly.
Bakit niya gagawin iyon kung alam niyang walang plano si Roscoe na sagipin siya? Ngunit agad niya iyong binawi para hindi magalit ang kanyang kaibigan at isiping gumagawa lang siya ng kwento sa nangyari.
“If it's true, then, Everly is really cruel and ruthless. Hindi ba niya alam na takot si Lizzy sa tubig dahil niligtas ka niya noong kinidnap ka? She actually dared to run into the muzzle of a gun.”
Hindi alam ng ibang mga tao na nangyari iyon pero alam ni Desmond bilang kaibigan siya ni Roscoe. Ang dahilan kung bakit dapat pakasalan din ni Roscoe si Lizzy ay dahil sa paniniwalang ito ang nagligtas sa kanya noong siya ay kinidnap. Iniligtas niya ang kanyang buhay, kaya dapat niyang protektahan si Lizzy sa natitirang bahagi ng kanyang buhay. Ipinangako niya iyon, tatanaw siya ng utang na loob hanggang huli.
Roscoe listened and felt restless, as if he was slowly losing something.
“Ayos lang, Desmond. Hayaan mo na nga siya. Umaarte lang iyon. Papatayin ko na ang tawag. Nagda-drive din ako ngayon.” Roscoe said in a low voice, abala na ang isipan sa asawa niya. “See you soon. I’m busy.”
“Gusto mo bang sumama sa amin mag-clubbing? Lalabas kami ngayong gabi. Baka lang gusto mo.”
“No thanks. Salamat na lang sa imbitasyon, man.”
Pagkasabi noon ay pinatay na ni Roscoe ang tawag. Napatingin siya sa pulang stoplight sa kanyang harapan at biglang umalingawngaw sa kanyang tainga ang mga salita ni Desmond na niligtas nito ang kanyang asawa. Napakunot pa ang noo ni Roscoe nang dahil doon. Naguguluhan. Tunay kaya iyon? Kaya ba nasabi ni Everly na takot din siya sa tubig dahil dito? Mariing itinikom ni Roscoe ang kanyang labi. Halos mag-isang linya na ang makapal niyang mga kilay. Napuno na ng pagdududa ang loob ng kanyang puso.
“Bakit naman siya matatakot sa tubig? Huwag niya nga akong lokohin! Magaling siyang lumangoy!”
Inapakan ni Roscoe ang accelerator at mabilis na nagmaneho ng sasakyan papunta sa kanilang villa. Nagmamadali na bumaba ng kotse, binuksan ang pinto, at malungkot na tinawag ang kanyang asawa. Kailangan niya itong makausap. Binabagabag siya ng isiping takot ito sa tubig. Hindi nito itataya ang kanyang buhay lalo na sa ganung sitwasyon dahil alam nitong wala sa kanyang tutulong at magliligtas.
“Everly?”
Nagtanggal siya ng sapatos, naglakad sa corridor, at pumunta sa sala, ngunit hindi niya makita ang anino ni Everly. Bagama't bukas ang lahat ng ilaw, parang walang bakas doon ng asawa niya. Noon, pag-uuwi siya ng villa, si Everly ang una niyang nakikita na nagkukumahog patakbo pababa ng hagdan upang salubungin siya. Ganun nang ganun iyon kada oras na marinig ang boses niya o kahit na abala ito sa kusina. Ipinapakita nitong lagi siyang masaya na makita si Roscoe ngunit walang ganun sa araw na iyon.
That day, the villa was eerily quiet. Nakakabingi iyon sa sobrang pagkadepina ng kahatimikan.
“Everly?!” mas lumakas ang kanyang boses sa pagtawag sa kanya.
Nang wala pa 'ring sumagot ay umakyat na ng ikalawang palapag si Roscoe na naninibago sa kanyang nadatnan. Wala doon ang asawa. Maayos ang kanilang higaan. Nakaramdam na siya ng parang may kakaiba at hindi niya gusto ang nararamdamang iyon na paulit-ulit na bumubulong sa kanyang tainga. Pinuntahan niya ang cloakroom at nakita niyang bakante na rin iyon. Wala rito ang mga damit ng asawa.
“Umalis siya? Nilayasan niya ako?” hindi makapaniwalang namimilog ang matang turan ni Roscoe.
PILIT NA TINATANGGI ng utak ni Roscoe na maniwala na magagawa iyon ng asawa sa kanya. Hinanap niya ito sa lahat ng lugar kung saan maaaring biglang lumitaw o matagpuan niya si Everly. Sa back garden, study room, projection room...hindi lang si Everly ang wala kahit saan, pati ang mga gamit niya ay wala na rin ang bakas sa mga lugar na iyon. Malinis din ang bookshelf sa study room sa mga medical books na madalas basahin ni Everly at doon niya iniimbak. Si Roscoe ay bihirang pumunta dito, ngayon lang iyon upang hanapin ang kanyang asawa. Kung wala ang presensya ni Everly, ang villa ay tila walang sinuman ang naninirahan doon. Bumaba si Roscoe sa unang palapag nang may mabibigat na mga hakbang at napansin niyang walang laman ang espasyo sa likod ng sofa. Nang makita niya ang nasirang malaking frame ng picture nila na itinapon sa basurahan, tumigil ang kanyang hininga. Gawa ba ito asawa niya?Matapos siyang pakasalan ni Everly, palagi siya nitong kinukulit na sumama sa kanya sa pamimili.
ANG PAMILYA GOLLOSO ay pareho pa rin ng dati, palaging puno ng saya at pagiging masigasig. Tama nga ang kasabihan na ang pamilya kailanman ay hindi magagawang talikuran ka kahit pa sabihin na nagawa mo silang saktan. Napagtanto ni Everly iyon ng mga sandaling iyon. Wala siyang anumang narinig sa kanila na masasakit na mga salita. Sa wakas ay naunawaan ni Everly na tanging ang tahanan lamang at sariling pamilya mo ang maaaring tumanggap ng kanyang mga flaws and imperfections. Sa pag-iisip nito, lalong naramdaman ni Everly na hindi siya naging matinong anak noon. Hindi na niya muling sasaktan ang mga nagmamahal sa kanya alang-alang sa mga taong hindi siya pinapahalagahan at minamahal gaya ni Roscoe.“Hayaan natin si Everly na magpatuloy sa pagbuo ng mga gamot!”“No, she must have inherited our family business.”“Hindi. Mas may future siya sa pagde-design.”Biglang nagtalo-talo pa roon ang tatlo kung sino ang dapat na sundin ni Everly sa kanila. Makahulugang nagkatinginan na si Everly at
NABURO PA ANG mga mata ni Desmond kay Everly na para bang sa ibang babae siya nakatingin. Wala sa sariling napahwak siya sa kanyang baba. Patuloy na malakas na pinuri ang kabuohan nito sa harap ni Roscoe. May pagkakataon pa na tinawag din ito ni Desmond ngunit hindi napansin ni Everly. Nanatiling tahimik si Roscoe, hindi mapigilang makaramdam ng pagkadismaya habang nakikinig sa kaibigan. Sa tatlong taon mula nang ikasal sila, sa harap man niya o sa mahahalagang okasyon, palagi siyang nakasuot ng maayos at eleganteng damit, at hindi kailanman nagsusuot ng ganitong klase ng damit na kulang sa tela. Ni ‘di nga niya alam na may tattoo pala ang dati niyang asawa sa likod. Patunay na hindi niya kilala.“Sandali nga, hindi ka na ba niya mahal? Last time I checked, she was crazy in love with you. Ouch, man that's pretty frank. Kumusta naman ngayon ang nasakta mong pride? Paki-check nga, Roscoe...” A hint of annoying admiration flashed in Desmond's eyes. Ininom lang ni Roscoe ang kanyang alak
NAPATITIG NA ANG mga mata ni Everly sa lalaking patuloy ba kumakaladkad sa kanya palabas. Nang muli pang mapagsino ito ay hindi niya na maiwasang makaramdam pa ng kaunting pagkatulala. Ganun na ganun ang eksena noong isalba siya nito sa mga bully niya. Kinaladkad din siya ng lalaki at mahigpit na hinawakan ang kamay niya upang tumakas mula sa pagtugis ng mga taong malupit sa kanya. Kung mas masama ang pakikitungo ni Roscoe sa kanya noong mga panahong iyon at hindi iyo naging mabuti, baka hindi niya ito sobrang minahal ng ganito kalalim. Hindi niya ipinagpilitan ang sarili na pakasalan siya kahit na ang ibig sabihin noon ay ang maging suwail at makipag-away sa kanyang pamilya. Bakit siya ngayon nandito? Hindi ba at dapat ay nasa hospital ito? At ano na namang ginagawa niya? Ipinapahiya niya lang muli ang sarili niya! Nagseselos ba ang dati niyang asawa dahil nakikita niyang intimate siya sa ibang lalaki? Imposible naman iyon. Natawa na si Everly sa kaisipan niyang iyon. Binitawan
HINDI PA BA sapat na ipahiya siya ni Everly kanina nang tahasang sabihin nito sa nakakarami na mag-che-check in siya sa isang hotel na may kasamang ibang lalaki sa mismong harap niya?Ang isiping iyon ay lalo pang nagpagalit kay Roscoe na naging dahilan upang mas diinan niya ang paghalik na kanyang ginagawa. Kulang na lang ay dumugo ang kanilang labi sa diin noon.Bilang reaksyon sa ginawa ni Roscoe ay namilog ang mga mata ni Everly nang maramdaman na lumapat ang labi nito sa bibig niya. Hindi pa rin makapaniwala ang nandidilat niyang mga mata.Anong kabaliwan iyon ng dating asawa? Anong masamang espiritu ang sumanib sa katawan niya na kinailangan siyang halikan nito sa masakit na paraan? Bakit? Dahil naapakan niya ang ego niya? Hindi iyon ang halik na pinangarap niya!Tatlong taon na silang kasal at ni minsan ay hindi siya nito nagawang hawakan man lang, ngunit ngayon ay bigla na lang siya nitong hinalikan? Para saan? Para may patunayan lang ngayon?Madiin ang mga naging halik ni Ros
NGUNIT ANG PITONG taon na iyon ay hindi na karapat-dapat na banggitin pa kung tutuusin. Napasinghot na doon si Everly, hindi na napigilan na mangilid ang mga luha sa mata niyang hugis almond. Bakas na doon ang matinding lungkot na nakatago sa loob ng kanyang puso. Wala rin namang silbi pa iyon ngayon.“Roscoe, hindi ko nga rin alam kung bakit nabulag ako. Sobrang nabulag sa pagmamahal ko sa’yo.”Pinagmasdan ni Roscoe ang likod ni Everly na papaalis at muling binalikan sa isipan ang binitawan nitong mga salita na may panlalambot na sa kanyang mukha. Pagkatapos ay nanghihinang sumandal na siya sa pader. Ilang beses pang tumawa ng mahina si Roscoe ng walang humor. Para siyang sinampal ng babae. Hindi niya namamalayan na sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang mawawala sa kanya ang babaeng minahal siya nang halos pitong taon. Ang babaeng hindi siya sinukuan pero sinagad niya ang pasensya.“Nagbago ka na nga bang talaga, Everly?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya sa kanyang sarili.Muli
SA IKA-23RD floor ng The Oriental Hotel. Isang piging sa hapunan ang nagaganap. Sa labas ng malalaking bintanang mula sahig hanggang kisame ay tanaw na tanaw ang mataong tanawin sa gabi ng buong Legazpi. Tahimik ang Bulkang Mayon na para bang kumakaway sa lahat ng mga matang nagmamasid at humahanga sa kanya habang napapalibutan ng mga ulap doon. Ang malambing na tunog ng piano ay malayang pumapasok sa pandinig ng bawat bisita. Hinihele sila at dinadala sa kabilang ibayo ng lugar. Tamad na nakasandal si Everly sa bar habang gumagala ang mga mata, inip na inis ang nararamdaman niya habang iniikot-ikot ang laman ng red wine glass sa kanyang kamay. Panaka-naka ang pagmamasid niya sa paligid habang nakapaskil sa mukha ang mapang-akit na mga mata. Lantarang tinititigan siya ng mga lalaki sa venue na may mga hayok na mga titig, hindi ikinubli ang pagkagusto at paghanga sa kanya. Ang ilan pa doon ay mababakas sa mukha na gustong makipag-usap sa kanya, ngunit hindi matapang upang lapitan siya
ANG PAMILYA RIVERA ay may kilalang background at isa rin sa apat na pangunahing pamilya sa buong Legazpi. Walang kapantay ang pagmamahal ng mga magulang ng pamilya sa kanilang anak na si Lizzy. May tatlong nakatatandang kapatid din itong lalaki, na lahat ay mahal na mahal siya. Bunga ng galing sa kilalang pamilya, naging magkaibigan si Everly at Lizzy ng mga bata pa lang sila, pero ang mas kakaiba ay parehong nahulog din sila sa iisang lalaki, si Roscoe. Hindi na nga nakuha ni Everly ang lalaki, nawasak pa ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Lizzy kaya naman ang tingin nito sa kanya ay isa siyang talunan lang. “Let's see, kung sino talaga sa ating dalawa ang talunan bandang huli.” mahinang hamon dito ni Everly.Magaang hinawakan ni Lizzy ang isangbraso ni Roscoe nang makita niya ang paninitig ni Everly sa banda nila, nakuha pa nilang ngumiti sa isa't isa. Lumuwag naman ang ekspresyon ng mukha ni Roscoe dahil sa ginawa ni Lizzy. Kapag kaharap si Lizzy, palagi siyang napakaamong tupa na
SINUBUKAN NI EVERLY na ibuka ang bibig upang mag-explain, ngunit agad niyang tinikom. Ano pang gamit noon? Massayang lang ang laway niya sa lalaki. Hahayaan na lang niyang paniwalaan nito ang gusto.“Roscoe, ikaw ang hindi marunong lumugar! Bakit ganyan ang trato mo sa asawa mo sa harapan ng maraming tao?” muling buga ng apoy ng kanyang ina na napipikon na sa mga nangyayari, nangangati na ang kanyang palad na hilahin sa buhok si Lizzy para humiwalay ito sa kanyang anak. “Wala kang galang!”“Kahit na Mommy, hindi pa rin tama na paiyakin niyo si Lizzy at ipahiya sa harapan ng maraming tao dito!”“Wala na, hibang na hibang ka na talaga!” iling pa ng ina ni Roscoe na mas sumiklab ang galit kay Lizzy. Noong una ay ayaw naman talagang papuntahin ni Roscoe si Lizzy ngunit ito ang nagpumilit. Kung sasabihin niya iyon sa babae ngayon, mas iiyak pa ito. Sinabi niya rin kay Lizzy na baka di siya itrato ng maayos ng kanyang pamilya, ngunit nagmatigas ito na gagawin niya ang lahat magustuhan lama
SA MGA SANDALING iyon ay parang hindi na makahinga si Lizzy. Napahawak na siya sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya kaunti na lang at hihimatayin na siya sa labis na kahihiyang kinakaharap niya ngayon. Everyone in the venue shut their mouths, and it was so quiet that one could hear a pin drop. Everly looked at those people's gloomy faces with interest, the corners of her mouth raised and she smiled brightly. Natutuwa siya sa nakikitang reaction ng dati niyang kaibigan.“Lizzy, wala ka bang gustong sabihin?”Napalingon na ang marami kay Lizzy na para bang humihingi ng explanation kung bakit iyon nangyari.”I mean, wala kang sasabihin kay Lola?”Sa kaarawan ng matanda, binigyan niya ito ng regalo na fake. Marapat lang na humingi ito ng paumanhin. Kung hindi siya dumating, maloloko nito ang matanda. Hindi lang iyon, tiyak bida-bida na naman ang gaga na ang buong akala ay tunay lahat ng iyon.“Lola, pasensya na po. Hindi ko po alam na ang iba sa kanila ay fake. Naloko lang din po ako.” pa-v
SI APO SALUD ay sinaunang tao na kilala ng halos ng karamihang nakatira sa kanilang lugar. Marami itong kaalaman pagdating sa maraming bagay at mga halaman. Ang lahat ng tao doon ay naniniwala dito. Bago iyon sa pandinig ni Everly kung kaya naman nangunot na ang kanyang noo. Hindi makapaniwala na gagamit pa ng ibang tao si Lizzy at magpakampi dito. “Sinong Apo Salud?”Narinig na ni Everly ang pangalan nito kung kaya naman medyo pamilyar iyon sa kanya ngunit hindi naman niya lubusang kilala kung kaya tinanong na niya kung sino ba iyon? “That weird old woman?” “Weird woman? Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin na weird woman si Apo Salud!” sambit ng isa sa mga bisitang naroon na para bang nasaktan ito.“Kaya nga, hindi na iginalang ang matanda!”Hindi pinansin ni Everly ang komentong iyon. Hinarap niya si Donya Kurita upang magmungkahi. “Lola, since sinasabi ni Lizzy na tampered ang ginamit naming pang-check, bakit hindi nga natin papuntahin dito si Apo Salud upang sabihin kung a
BAGO PA MAKAPAGSALITA si Lizzy ay pumagitna na si Donya Kurita sa mas umiinit na sitwasyon at mariin na iringan at titigan ng dalawang babae sa kanyang harapan.“Hija, hindi na kailangang humantong pa kayo doon. Huwag naman sanang ganito. Huwag kang gumawa ng eskandalo sa mismong kaarawan ko. Hmm? Ako na ang nakikiusap sa’yo, Everly…” Nakahanda na sanang pumayag noon si Lizzy, dahil alam niyang hindi iyon papayagan ng Lola ni Roscoe. Magiging kontrobersyal ang kaarawan nito. Kagalang-galang pa naman ang pamilya nila, at ang sitwasyong iyon ay magbibigay ng matinding gulo. “Sige na hija, please? Huwag niyo ng palakihin pa ang isyu sa pagitan niyong dalawa.” pakiusap na rin ng ina ni Roscoe na halatang naiinis na sa naumpisahan nilang komosyon ni Lizzy doon.Lumibot na sa paligid ang mga mata ni Everly kung saan ay masusing nakatingin sa kanila ang halos lahat ng mga bisita at naghihintay ng kakalabasan ng pag-uusap nilang apat sa gitna noon. “Ano pa bang ipinaglalaban ng asawa ng ap
BAHAGYANG NARINIG NI Lizzy ang naging pakiusap ni Donya Kurita kay Everly na palampasin na lang iyon kahit na alam nitong fake talaga ang ilan sa mga regalong ibinigay niya. Kung kaya naman pakiramdam ng babae ay siya ang kinakampihan ng Donya. Ang hindi niya alam ay ayaw lang ng matandang magkagulo sa pa-okasyon niya. Gustong samantalahin ni Lizzy ang pagkakataong iyon nang sa ganun ay makuha niya pang lalo ang atensyon ng matanda kung kaya naman gumawa pa siya ng isyu para mas palalain ang sitwasyon na kinasasangkutan nila.“Lola, hindi po fake ang iba sa mga ulasimang-bato na bigay ko. Masyado lang pong mainit ang panahon kung kaya naman nalanta na ang iba habang papunta dito.” giit ni Lizzy na talagang pinanindigan ang kasinungalingan niya upang huwag lang mas mapahiya, masama ang hilatsa ng mukhang hinarap niya na si Everly. “Alam ko ang dahilan mo kung bakit mo ako pinapahiya ngayon, Everly. Nagseselos ka lang sa akin at kay Roscoe. Di ba? Aminin mo!” malakas nitong akusa na par
HINDI NA NAKATIIS pa ang matandang Donya sa kung anong kuro-kuro ng mga bisitang naroroon patungkol sa relasyon ng paborito niyang apo. Hindi pwede na mananahimik na lang siya doon at walang anumang gagawin na harap-harapan nilang nilalait si Everly at Roscoe at kung anu-anong ibinibintang dito.“Huwag nga kayong magsalita ng walang kwenta. Maayos ang relasyon ng mga apo ko!” Nanahimik ang lahat sa tinurang iyon ng matanda. Syempre naman, sino ang maglalakas ng loob na i-offend ang isang Donya Kurita De Andrade? Siya ang kagalang-galang na ancestor ng kanilag pamilya.“Everly, hindi ka naman siguro pumunta dito ng walang dala di ba?” si Lizzy iyon na bahagya pang umubo upang kunin lang ang atensyon ni Everly na hindi naapektuhan sa alam niyang nais palabasin ni Lizzy.“Oo naman. Ako pa? Hindi naman ako pupunta dito nang wala akong regalo. Hindi ko ipapahiya ang sarili ko.” sagot ni Everly na umayos pa ng tayo upang harapin lang ang mga kuryusong mata ng mga bisita roon.“Kung ganun
MARAHANG TINAPIK NG matanda ang ulo ni Desmond, dahilan upang kumalas na ito ng yakap. Para sa matanda ay hindi na rin ito iba sa kanya na kung ituring ay parang sariling apo na rin.“Ikaw naman, kailan mo ipapakilala sa Lola ang girlfriend mo ha? Hindi ka na bumabata hijo. Dapat sa taong ito ay magpakasal ka na at bumuo na ng iyong magiging sariling pamilya. Hmm?” Napakamot na si Desmond sa kanyang batok. Nahihiyang iniikot na ang paningin sa paligid. “Lola, bakit mo naman ako minamadaling mag-asawa? Hindi pa ako sawa maging binata. Dapat pala hindi na lang ako nagpakita sa’yo, tuwing nagpapakita ako palagi mo akong minamadali eh.”“Eh ano pa bang hinihintay mo? May pera ka na, stable na trabaho. Bakit ayaw mo pang lumagay sa tahimik at humanap ng magiging asawa ha? Bigyan mo na ako ng apo sa’yo, Desmond…” Natawa si Desmond na halatang bored ang Lola ng kanyang kaibigan kung kaya naman siya ang pinagtri-tripan. Mukha rin na wala pa doon si Roscoe kung kaya naman siya ang kinukulit
NAPATDA NA ANG mga mata ni Lizzy sa likod ng matanda na nagkukumahog na magtungo sa pintuan upang salubungin si Everly. Bagama't nakahinga siya sa pressure na nararamdaman niya kanina, pakiramdam niya ay nabastos pa rin siya na siya ang kaharap pero nang marinig ang pangalan ni Everly, kulang na lang ay liparin nito ang daan patungo sa labas upang sumalubong. Hindi niya tuloy mapigilan na makagat ang labi habang ginagala ang mga mata sa paligid nila. Nakuha na rin ng pangalan ni Everly ang atensyon ng ibang mga bisitang naroroon. Ano ba ang mayroon ang Everly na iyon? Mukhang mas mahalaga ang presensya ng babaeng iyon sa herbal.‘Kahit kailan, mang-aagaw ka talaga ng spotlight, Everly!’ Dahan-dahan bumukas ang pintuan ng venue kung saan ang lahat ng mga mata ay nakatuon, maging ang live camera ng mga media na pumunta na kanina ay nakatutok lang kay Lizzy. Nang makita ang pagpasok doon ni Everly, napahinga nang malalim ang halos lahat ng bisita at maging ang kanilang mga mata ay puno
SA GILID NI Lizzy ay nakatayo ang kanyang kasamang assistant na may tulak na malaking box kung saan nakalagay umano ang regalo nitong ulasimang-bato. Dalawang daan ang kulang nito, gayunpaman ay hindi iyon alintana ng babae na nakataas pa ang noo. Nang makita iyon ng mga naunang bisita ay agad na silang napatayo upang makita lang ang dala ni Lizzy na ayon sa balita ay aabot ng limang daan ang bilang. Upang punan ang kakulangan sa bilang, gumawa ng paraan si Lizzy na magawang limang-daan iyon kahit na ang karagdagang dalawang daan ay pawang mga peke. Mariing tinikom ni Lizzy ang bibig. Sumidhi pa ang kaba niya nang makitang tumapat na sa kanya ang live camera ng naturang event. Ngumiti naman si Donya Kurita sa ginawang pagbati ni Lizzy sa kanya.“Gaya po ng pinangako ko, narito ang ulasimang-bato na may bilang na limang daan, Lola Kurita.”Nagsimulang magbulungan ang mga taong naroon. Mga bulungan na hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ni Lizzy na lalo pang na-conscious na noon.“A