Share

REGALO

CHAPTER 3

TUWANG-TUWANG bumalik ng cabana si Justine malaking pera ang kinita nya ngayong araw na iyon, akalain mo dahil kay Hercules kumita ako ng malaki.

“Anong ibig sabihin ng mga ngiting yan?” tukso sa kanya ni Jill

“Guess what?” wika nya dito na nakalagay ang dalawang kamay sa likod

“Nagkita na kayo ni Massino?!!, OMG!!” tila gulat na sigaw ni Jill.

“Shhhh, hindi, wag ka ngang maingay!” Sa kanilang magkakaibigan si Jill lang ang nakakaalam ng nangyari sa kanya three months ago sa bar.

“Eh ano nga!?!” tila inip na ulit nito.

“May bumili ng painting ko sa halagang 50k!”

“Whattt??”

Ikinuwento nya sa kaibigan ang nangyari sa kanya at sa lalaking nagngangalang Lemar na bumili ng painting nya, hindi na rin nya natanong kung saan eto naka-stay sa sobrang excitement nya sa kanyang kinita. Bilang estudyante at self-supporting, ang laking tulong sa kanya ang halagang napagbintahan ng painting nya.

TANGHALI ng gumayak silang umuwi ng Manila, palingon-lingon si Justine sa labas ng bintana ng sasakyan nagbabakasali sya na makita si Lemar pero nabali na at lahat ang leeg nya di nya nakita kahit anino ng lalaki.

Pagbukas pa lang nya ng pinto ng sasakyan naririnig na nya ang ingay mula sa labas ng kanilang bahay.

“Gurl, mukhang may gyera sa palasyo nyo” wika ni Marian

Nagtataka syang tumingin sa bahay nila bago tuluyang bumaba, never pa nag-away ang kanyang ina at step-father nya. Pero dinig nya ang sigaw nito sa labas.

“Justine, hindi kami aalis dito hanggat hindi namin sure na settled ka bahay nyo, mukhang may gyera ang hari at reyna” wika ni Marian, tumango naman ang dalawa nyang kaibigan na nakakaunawa.

Mabilis syang nakapasok sa kanilang bahay, magulo ang loob ng bahay nila.

“Ate!” Umiiyak na salubong sa kanya ni Marga

“Anong nangyari?”

“Si Mama at si Papa-”

“Buti naman bumalik ka na!” nagulat silang dalawa ng sumigaw ang kanyang step-father.

Kasunod nito ang kanyang ina na tila galing sa pag-iyak.

“Ma’ ano bang nangyayari?”

“Gusto mong malaman? Nakipagkita lang naman ang iyong Ina sa iyong ama!”

“Rolando! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na walang malisya ang pagkikita namin, matagal ng tapos sa amin ang lahat!”

“Kaya kayo nagkikita dahil sa anak nyong yan! Kaya ang mabuti pa umalis na sa puder nating ang batang yan!”

“Anak ko si Justine!-”

“At asawa mo ako, mamili ka, kami ng mga anak mo o ang bastarda mo!”

“Rolan-”

“Ma!” putol nya sa iba pang sasabihin ng kanyan ina. “It’s okay, mas kung mas makakabuti para sa lahat ang wala ko dito sa bahay, aalis na lang ako, wag ka mag-alala kaya ko ang sarili ko”

Napahagulhol ang kanyang ina, umiiyak etong hinahawakan ang kanyang pisngi.

“Patawarin mo ako anak!, lagi mo tatandaan mahal na mahal ka ni mama!”

Tahimik syang naggayak ng kanyang mga gamit, kaunti lang ang kanyang dinala, mga importante lang na halos gamit lang nya sa school. Nag-iyakan ang dalawa nyang kapatid pati na rin ang kanyang ina. Pinigilan nya ang luha nya at nagpakita ng katatagan.

********

NAKANGITI si Lemar habang nakatingin pa rin sa painting na ire-regalo nya sa pinsan sa nalalapit na kaarawan nito, gusto nyang personal na balutin at ibigay sa pinsan hindi nito alam na pupunta sya ng isla kaya siguradong masu-surpresa eto, napakunot ang noo nya at napatitig sa ibabang bahagi ng painting “JM Lucas” ang nakasign pero ang tumawag ng atensyon nya ay ang contact number, napailing na lang sya “ngayon lang ako nakita ng painting na meron contact number ng gumawa” hindi nya maiwasang mapatawa sa kapilyahan ng babae. Kulang ang salitang maganda para i-describe ang hitsura nito, gusto rin nya ang pagka prangka nito. Hindi nya maiwasang maalala ang dalaga.

FLASHBACK:

Halos mapanganga ang dalaga sa halagang ibinayad nya.

"Seriously?!" nanlalaki ang matang tanong nito

"Ayaw mo?" kunway kukunin nya ulit.

"Opps wala ng bawian, alam mo hindi mo naitatanong kailangan ko talaga ang pera, at hindi na ako magpapakipot sa bayad mo!" prangkang sabi nito habang inilalagay sa bag ang bayad. Marahan pa nitong tinapik ang bag na tila ba sinasabing "well settled!"

"Ilan ba ang pamilyang binubuhay mo at kailangan mo ng malaking pera?" curious na tanong nya.

"Wala akong binubuhay, pero kailangan kong buhayin ang sarili ko kase walang ibang bubuhay sakin kundi ako lang!" balewalang sagot nito. Napatingin sya sa kabuuan ng babae, makinis eto at parang galing sa mayamang pamilya.

Tila naman nabasa nito ang nasa isip nya.

"Well maganda lang ako at makinis pero hindi ako mayaman, Libre nga lang ang pagpunta ko sa resort na eto eh! Hiwalay na ang mga magulang ko at may kanya kanya ng pamilya, Ten years old pa lang ako ng magdesisyon ang mga magulang ko na sirain ang buhay ko!" nakasimangot nitong pahayag ngunit kahit yata umiiyak eto ay maganda pa rin, ramdam ko rin sa boses nito ang hinanakit, hindi ko mapigilan na mapaawa dito. Hindi ako nakramdam ng kahit kunting pagdududa dito. Prangka eto subalit kita ng katapatan sa bawat salitang binibitawan nito.

"Alam mo mahahalikan ko si Hercules, sya ang swerte sakin today, dahil sa kanya may pang matrikula na ako!" naka ngiti na etong ng muling magsalita.

"Well, dahil yan sa talent mo" maiksi kong sabi dito.

"And Thank you ng marami" sensero nitong pahayag bago nagpaalam.

Inihatid pa nya ng tanaw ang dalaga na tumangi na ihatid hanggang sa tinutuluyan nito.

END OF FLASHBACK

Muli nyang minasdan ang painting, merong idea na pumasok sa isip nya. Mahilig sa arts si Richel, nakakasiguro sya na kapag nakita eto ng pinsan nya siguradong magugustuhan nya eto. Kuhang kuha sa painting ang natural na ganda ng subject, iisipin mong kuha eto sa camera, buhay na buhay ang bawat detalye ng pagkakaguhit. Kumuha sya ng mga lumang dyaryo at maingat na binalot eto, bago muling ibinalot ng brown paper na sadyang pambalot sa mga ganitong bagay. Nang masiyahan inilagay maingat nyang inilagay sa likod ng sofa.

"Ready for transport!" nakangiting bulong nya sa sarili.

Patango-tango sya sa kanyang naisip na habang nakahawak sa baba nya, maaring magpabago sa kanyang pinsan ang plano nya

***Itutuloy***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status