Chapter 28DUMIRETSO na sila ng ospital Pagkatapos nilang kumain, nag text sya sa kanyang step-father na parating sya, kahit masama ang loob nya dito nagpasalamat pa rin sya dahil hindi nito pinababayaan ang kanyang ina. Hindi naman nya eto masisisi at wala syang magagawa kung hindi sya nito matanggap-tanggap bilang anak.Mahinang katok ang ginawa nya bago binuksan ang pinto. Mukha ng kanyang step-father ang nabungaran nya.“Justine!” tawag nito sa kanya.“Kumusta po si Mama?” tanong nya dito.“Mabuti naman sya ngayon, kaso kailangan nyang maoperahan sa lalong madaling panahon para maalis ang bara sa kanyang puso,” malungkot na saad nito.“God!” mahina nyang sambit.“Nagising sya kanina at hinahanap ka nya,” imporma nito.Tumango sya ng bahagya, minasdan nya ang hapis na mukha ng kanyang ina at hinawakan ang kamay nito. “Kailan pa sya may sakit?” tanong nya dito habang sa kanyang ina pa rin nakatingin.“Matagal na, kaso aayaw nyang ipaalam sayo dahil baka mag-alala ka,”Ilang sandali
Chapter 29 Dere-deretso syang pumasok sa kanyang opisina, tila kakapusin sya ng hininga sa emosyon na nararamdaman nya. Nilampasan nya ang ilang empleyado nya na hindi pinapansin ang pagbati ng mga eto. Sandali syang huminto sa tapat ng table ng kanyang secretary. “I don't want to receive any calls.” sab nya dito. “How about Ms Olivia-” “I said, Any calls! is that so hard to understand?” sigaw nya dito na ikinagulat nito, never pa syang nagtaas ng boses dito ngayon lang. Mabilis nya etong tinalikuran at pumasok sa opisina nya. “Y-yes sir!” sagot nito. “Don’t disturb me!” pahabol nya dito. Napaupo sya sa kanyang swivel chair pagkapasok pa lang nya ng opisina. Itinukod nya ang kanyang dalawang siko sa table at yumuko bago humawak sa kanyang batok. Ilang sandali sya sa ganun posisyon bago tumayo at bumuntunghinga, napaharap sya sa bintana na nakaharap sa dagat. Naalala nya ng hitsura ni Justine, puno ng hinanakit ang mata nito na tumalikod sa kanya. Hindi nya mapigilang maawa sa da
Chapter 30 MINABUTI ni Justine na manatili na lang muna sa apartment, nakapagdesisyon na sya na kalimutan ang lalaki, pinipilit nyang mging normal muli ang buhay nya kahit mahirap. Araw ng Linggo naisipan nyang mamalengke dahil paubos na ang supplies nya, tamang-tama kase makakadaan na rin sya sa simbahan. Nawili sya sa pamimili ng mga prutas at gulay dahil napakamura at sariwa kumpara sa lungsod kaya hindi nya napansin ang isang sasakyan na huminto malapit sa kinatatayuan nya. “Justine?” Mabilis syang napalingon sa boses na tumawag sa kanya. Nanlaki ang mata nya ng makilala eto. “Lemar!?” malalaki ang hakbang na nilapitan sya ng lalaki. “What are you doing here?” “Namimili ako ng supplies” nakita nya na umiling eto. “Hindi yan ang ibig kong malaman, Bakit wala ka sa Hermano?” tahimik syang napayuko. “Hindi na ako nagta-trabaho dun” sagot nya dito, tumitig eto sa kanya na tila nakikisimpatya sa kanya. “Let’s have coffee” aya nito sa kanya na mabilis nyang sinang-ayunan, um
Chapter 31MAGANDA ang ayos ng simbahan dahil araw ng kasal ng isang Hermano, isa sa pinakamaimpuwensyang pamilya sa bayang yun. Ngunit eto ang araw ng pagluluksa ng puso ni Justine, Hindi sya lumalabas ng bahay dahil bawat sulok yata ng bayang yun ay ang kasal nina Richel at Olivia ang bukang bibig ng mga tao. Kung gaano daw kaganda ang bride at bagay na bagay daw silang dalawa. Nakabandera sa buong social media ang kasalan pati sa social media page ng Resort.Lemar Calling….“Where are you?” bungad nito ng sagutin nya ang tawag.“Home” walang gana nyang sagot.“Where?” “Sa apartment” maiksi nyang muling sagot.Tila natahimik ang kabilang linya.“Are you okay?”“O-Of course!” sagot nya. Napalatak naman ang binata sa sagot nya.“I’m so stupid! Of course your not!” na pa-tsk pa eto.‘Where are you?” tanong nya sa lalaki.“Church! I’m so bored!” sabi nito.Napatawa sya ng mahina.“I miss that!”“Miss what?”“Your laugh, you must do that more often!” sabi ng binata bago bumuntunghininga
Chapter 32 KULAY puting kisame ang sumalubong sa kanyang ng magmulat sya ng mata, iginala nya ang paningin sa loob ng silid, napakuntot ang kanyang noo ng makita ang isang babaeng nakayupyop sa gilid ng kanyang kama. Tila pamilyar sa kanya ang bulto nito ngunit nais nyang makasiguro kaya niyugyog nya ang balikat nito. Bahagyang umungol eto bago pabalikwas etong tumunghay sa kanya. “Jill?” nasorpresa nyang bulalas. “Thank God, you’re awake!” “B-bakit-, P-paanong-?” hindi nya maapuhap ang sasabihin. “Tumawag sakin ang staff ng ospital para maipaalam ang nangyari sayo, kung hindi pa meron mangyayari sayong masama hindi ko pa malalaman?” sa himig nito ang pagtatampo. Sumagi sa isip nya na ang kaibigan nga pala ang nakalagay na contact nya in case of emergency, eto kase ang pinakamalapit sa kanya sa kanilang magkakaibigan. Wala naman syang planong ilagay ang kahit sino sa mga magulang nya dahil may mga kanya-kanya na etong buhay. Bigla nyang naalala ang nangyari sa kanya kanina kaya
Chapter 33 MAG-IISANG linggo na sila dito sa Manila dahil na rin sa tulong ni Lemar, ayaw nya sana dito dahil nag-aalala sya na baka may makakita sa kanya na kakilala nya, pero dahil sa maselan ang kanyang kalagayan dahil sa kambal ang pinagbubuntis nya , mas minabuti ng binata na dito sya mamalagi sa condo nito, bago lang daw ang unit, kinuha lang daw eto ng binata last year dahil sa ganda ng location, Mabuti na lang daw at naisipan nitong kunin ang unit kahit pa wala sa plano nito ang tumira sa Manila dahil nasa probinsya ang buhay nito. Kasama nya si Jill na tumira dito dahil na rin sa suhestyon ng binata na mabilis namang sinang-ayunan ng kaibigan. “Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako, nasa kusina lang ako” sabi ni Jill sa kaibigan. “Wag mo na kase akong isipin, ayos lang ako dito, okay” sabi nya sa kaibigan, sinamaan sya nito ng tingin, hindi nya mapigilang mapatawa sa hitsura nito na tila ba kakain ng tao, ewan ba nya sa kaibigan nya pinaglihi yata sa sama ng loob da
SIMULANaginhawahan ang kanyang pakiramdam ng tumama sa kanya ang malamig na tubig galing sa shower, ang sakit ng ulo nya sa kakaisip ng mukha ng babaeng kaniig nya tatlong buwan na ang nakalilipas, gabi-gabi syang dinadalaw ng imahe ng babaeng yun. Lango sya sa alak ng gabing yun kaya hindi nya eto masyadong naaninag. Yun ang unang pagkakataon na nalango sya ng ganun katindi, katok mula sa labas ng bintana ng sasakyang ang gumising sa kanya, sabi ng guard isang babae daw ang nagsabi na puntahan sya.Flashback:"Sir, ayos lang po ba kayo?" tanong ng guwardya ng buksan nya ang bintana."Y-Yes" sagot habang tumatango."Kanina ko pa po kase kayo ginigising, naka dalawang balik na po ako dito sa inyo, tinatawagan ko nga po si Boss Jegs pero hindi rin sumasagot" mahabang wika ng guard.Napangisi na lang sya."Kung lasing ako, for sure mas lasing ang isang yun, mababa ang tolerance nun sa alcohol" sabi nya sa isisp"Ayos lang ako""Okay boss, mabuti na lang po sinabi nung babae na andito ka
CHAPTER 1“ATE, Ate” tawag sa kanya ng bunsong kapatid habang tumatalon pa sa higaan nya.“Ano ba Marga, ang aga-aga” pupungas-pungas syang tumingin sa kapatid.“Ate, tanghali na at kanina pa naghihintay sayo ang mga kaibigan mo!”“W-WHAT!” dali-dali syang bumangon at tumingin sa orasan“SH*T! bakit ngayon mo lang ako ginising?!” halos madapa sya sa magpapadali, mabilis nyang inayos ang sarili, lagot na naman ako sa tatlo, sermon na naman ako.“Hay naku Ate, ewan sayo, kase naman kakaisip kay crush kaya ka napuyat!”Nanlalaki ang mata na napatingin sya sa kapatid na mabilis nakalabas ng pinto.“Hoy Margarita bumalik ka nga dine, aba! Saan mo natutunan yan!”Narinig pa nya ang hagikhik nito.“Loko yun ah, saan nya natutunan ang salitang yun, ke bata-bata pa”Mabilis syang nakapag-ayos ng sarili, isang maiksing palda ang sinuot nya at hanging blouse na kita ang kanyang pusod. Itinali din nya pataas ang kanyang buhok kaya na emphasize ang maputi nyang leeg.“Justine! Hindi ka pa ba lalab