Share

OFFER

CHAPTER 6

{JUSTINE POV}

HERMANO BUILDING basa ko sa pangalan ng building na nasa harapan ko. Nalaman nya na si Lemar pala ang naghahanap sa kanya, personal etong pumunta sa studyo para makausap sya matapos masiguro na dun sya nagta trabaho nagkataon naman na wala ako ng araw na yun, nagulat pa ako ng tumawag eto sa telepono nung hapon para ibigay ang address ng opisina nito tungkol sa painting.

"Eto na yun! Ang lakas siguro makasosyal ng kapag nagtrabaho dito"

Excited akong pumasok sa building, mabilis akong pumunta sa reception area pagkatapos akong i-check ng guard.

"Ah Miss Good Morning, saan po dito ang office ni Mr. Lemar Hermano?" magalang kong tanong sa receptionist.

"Do you have an appointment with Mr. Hermano?" Formal na sagot nito.

"Yes!" mabilis kong sagot.

"Your name, please?"

"Justine Mae Lucas"

Mabilis nitong tumingin sa hawak na file.

"Okay, ipapahatid kita sa opisina nya" sabi nito.

Magalang akong tumango dito, nagdial eto at merong kinausap sa telepono. Ilang sandali pa tumingin ulit eto sa akin.

"Here" inabot nito sa akin ang visitor's tag. " Go to the 30th floor. Mr. Lemar's secretary is waiting for you outside the elevator. Use the VIP one." mahabang instruction nito sa akin.

"Thank you!" Hmmm ang ganda ni ate, sosyal ang dating!

Ngumiti at tumango eto sa akin.

Pasexy akong naglakad papunta sa VIP elevator, ikinakabit ko ang visitor's tag sa aking damit kaya hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Nang bigla akong mabangga sa kung anong matigas na bagay, Anak ng puting baka naman o! muntik na akong matumba, mabuti na lang naka flat shoes ako.

"Hey! Are you blind?" galit na boses ng lalaki sa akin, ngunit bago pa ako nakatingin dito ay nakatalikod na muli eto pasakay sa elevator. Pero parang pamilyar sa kanya ang boses nun.

Ukuoado ang isip nya sa lalaki ng sumakay sa elevator, aminado sya nakasalanan nya naman kase hindi nya nakita ang nakatalikod na lalaki "Naku wag naman sana na sya yun, napakaliit na po ba ng mundo lord?"

Naputol ang pag iisip nya ng tumigil eto kasabay ng bukas ng pinto.

"Hi, Your Justine Mae?" tanong ng nakangiting babae na sumalubong sa kanya, magaan ang dating ng aura nito kahit medyo may edad na.

"Yes, Good morning!" Nakangit rin nyang sagot.

"Mr. Lemar is waiting for you."

Parang bigla syang kinabahan at muli nyang tiningnan ang suot nya habang, nakasunod sya sa babae, pinaupo sya nito bago pumasok sa loob na opisina ng boss nito. Ilang sandali lang eto sa loob bago muling lumabas.

"You may come in" wika ng secretaty nito.

"Kaya mo yan Justine!" kausap nya sa sarili nya.

Nakatalikod ang lalaki ng pumasok sya may kausap eto sa telepono.

"Yes, she is here!" sabay harap nito sa kanya at iminuwestra sya na maupo.

Nakatingin eto sa kanya habang nakikipag-usap.

"I know she can do it, yes! I include it, alright, bye!" wika nito sa kausap.

"Good Morning, Mr. Hermano" bati nya dito.

"Just call me Lemar" simpatikong wika ng binata.

Napangiti sya dito. "Anyway are you ready?" maya-maya ay tanong nito sa kanya. Nagtatanong ang mga matang tumingin sya dito.

"Okay, I know it's a little bit rushed, but we need to go to the Island kung saan ilalagay ang mga artwork mo, request ng big boss, don't worry na-arranged na lahat ng kailangan mo, Let's go!" mahabang paliwanag nito bago sya iginiya palabas ng opisina. Halos hindi sya makapagsalita.

"Lorie, Is everything okay?" tawag nito sa babaeng kausap nya kanina.

"Yes Sir, It's well arranged" sagot ng babae, bago meron iniabot sa kanya na papel.

"Pwede mong basahin sa byahe, It's a contract, if ever na okay sayo ang lahat ng nakalagay dyan, ipa-finalize natin." paliwanag muli ni Lemar.

Napatango na lang sya sa lalaki, ang buong akala nya ay pag-uusapan lang ang paintings nya, sino ba naman sya para tumanggi? saan ka nakakita na ikaw na ang o-offeran ng trabaho na may magandang sahod at personal pang pinuntahan at tinawagan- too good to be true pero nangyayari na sa kanyan, gusto nyang kurutin ang kanyang sarili dahil baka panaginip lang ang lahat. "Hayyy mapapa Thank you Lord ka na lang!" kausap nya sa sarili nya.

MAYA-MAYA lang nasa himpapawid na sya sakay ng helicopter na may logo ng "H". Kakabalik lang din nito dahil meron inihatid na una sa kanila. Walang trenta minutos nakita na nya ang Isla mula sa taas.

Maganda ang view nito, makikita agad sa tuktok ng bundok ang pangalang ng resort, nakaayos din ang pagkakatanin ng mga puno at halaman na sa tingin niya ay produckto ng resort. Ilang sandali lang sila sa himpapawid. Hindi pa fully operational ang lugar, maliit na bahagi pa lang nito ang accessible sa mga guess.

"Pwede ka munang magpahinga, alam ko pagod ka, pwede ka ring maglibot libot sa lugar"

sabi sa kanya ni Lemar pagkababa nila. Tumawag eto ng staff na maghahatid sa kanya sa kanyang kwarto.

Maganda ang kabuuan ng lugar, Hanggang ngaun Hindi pa rin sya makapaniwala na makakaapak sya sa kanito kagandang lugar.

Nakita nya sa ibabaw ng kama ang mga gamit pambabae, Tama nga SI Lemar halos Wala na syang kailangan dalahin, mula sa panloob Hanggang sa panlabas, kompleto.

Naisip nya bigla ang iniwan nya sa Manila, mabuti na Lang Wala na Silang gagawin sa school.

Gusto nya sanang tawagan ang mga kaibigan pero nagdalawang isip sya, Saka na Lang nya sasabihin kapag okay na ang lahat, bigla nyang naalala ang contrata na bitbit nya kinuha nya eto at mabilis na pinasadahan. Halos lumuwa ang mata nya sa magandang offer sa kanya, Hindi biro ang halagang ibabayad sa kanya kapag natapos nya ang kontrata sa takdang Oras. Isa Lang ang pino-problema nya, kailangan nyang sa resort mag stay just in case kailangan ng immediate revisions.

"Di bale magagawan Naman siguro ng paraan ang importante meron ako maipon" wika nya sa isip nya.

Hindi nya namalayan na nakatulog pala sya kakaisip, nagising sya dahil kumukulo ang tyan nya, halos Wala syang kinain kaninang Umaga dahil excited sya pumunta sa opisina.

Mahinang katok sa pinto ang narinig nya kaya Dali Dali syang bumangon at tinungo ang pintuan.

Isang naka unipormadong staff ang nabungaran nya.

"Hi Ma'am, lunch time po" sabi nito na nakangiti.

"Thank you" sabi nya habang niluluwagan ang pinto para makapasok ang staff.

"May pinapabigay po na note Si Sir Lemar" sabay abot sa maliit na nakatuping papel.

"Salamat"

Binasa nya eto pagkaalis ng ng staff.

"See you later at the lobby" basa nya sa nakasulat.

***Itutuloy***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status