Share

HIDE AND SEEK

CHAPTER 4

MABILIS na palingos si Justine sa para alamin ang kaluskos na narinig, nakita nya ang isang napaka cute at maliit na aso, nakasabid ang tali nito sa isang maliit na sanga, marahil ay nakaalpas eto. Dali dali nya etong pinuntahan.

"What are you doing here, nasan ang amo mo?" wika nya sabay tingin sa dog tag. "Hercules! wow ha! ang lakas ng sense of humor ng amo mo at talagang Hercules pa ang ipinangalan sayo, eh halos kaseng laki ka lang ng kutsara ah!" natatawa nyang kausap dito.

Luminga-linga sya sa paligid dahil nagbabakasakali sya na nasa kalapit lang ang owner ng aso. Medyo dulong bahagi na kase ng resort kung saan sya naroon. Kinuha nya ang aso at itinali malapit sa kanya bago ipinagpatulog ang ginagawa, habang hinihintay ang pwedeng maghanap dito.

Halos dalwang oras din sya sa lugar at walang naghahanap dito. Nakita nya etong tila nauuhaw. Luminga linga sya sa paligid, nakita nya na merong malapit na kainan sa kintatayuan nya, iniwan nya ang ibang gamit at isang maliit na bag lang ang binitbit papunta sa naturang lugar upang bumili ng tubig, siniguro muna nya na hindi makakaalpas si Hercules.

Dumeretso agad sya sa counter bumili ng bottled water.

"By the way Miss, meron ako napulot na aso, baka meron sa mga guess or customers nyo na maghanap saan ko ba pwedeng iwan?" Magalang na tanung nya sa babae.

"Pwede nyo po sya iwan sa Lost and Found Station ng resort" suhestyon ng babae.

"Maari bang sakin muna sya, kawawa naman kase kapag iniwan ko dun si Hercules" napatingin sa kanya ang babae na tila nagtataka.

"Po?" tanung nito.

"Yung aso, Hercules kase ang nakalagay sa name tag nya" sagot nya habang sumesenyas pa. "pahamak ka talaga Hercules"

"I see, okay ma'am, kunin po namin yung contact number and room number nyo para just in case na meron maghanap mainform namin kayo agad" sabi ng babae habang kumukuha ng ballpen at papel.

"Great!"

Nagmamadali syang lumakad palabas ng lugar na iyon habang inilalagay sa bag ang wallet nya kaya hindi nya napansin ang bultong papalapit sa kanya.

"What the-" galit na boses ng lalaki.

Sapo ang noo na lumayo sya sa pagkakasubsob sa dibdib nito, "ang bango, when was the last time na napadikit ako sa katawan ng lalaki? that's three months ago" wika nya sa isip nya.

"Aray" d***g ko. habang nakatingin sa mga gamit ko sa lapag na tumilapon dahil nakabukas ang aking maliit na bag.

Nakakunot na mukha ng lalaki ang sumalubong sa akin, ngunit kahit yata nakabusangot eto makikita pa rin ang gandang lalaki nito, gwapo ang lalaki, matangos ang ilong, may katangkaran eto kaya halos nakatingala na sya sa taas nyang 5'8". Tila nabatubalani sya sa kaharap.

"Are you blind?"narinig nyang sigaw nito.

"Tsk!" inis na sambit nito. "gwapo nga masungit naman!" tila nainis na rin sya sa inasta ng lalaki, "hindi man lang mag sorry sya na nga ang nabukulan sa matigas nitong muscles!"

Abat-, Antipatiko! Gwapo ka sana kaso hindi kaseng gwapo ng mukha mo ang ugali mo hmp!" naiinis na isa-isa nyang pinulot ang nagkalat nyang gamit, wala syang pakialam kung makita ang kanyang singit "hmp maputi naman!"

"Here! sa susunod titingnan mo ang dinadaanan mo para hindi ka ndi-digrasya." wika nito na hindi nya namalayan na nakipulot pala ng iba nyang gamit. "tingnan mo etong isang eto nanermon pa talaga!"

"Well, Thank you Lolo!" Padabog kong inabot sa kanya ang mga gamit ko ngunit bigla nitong pinigilan ang kamay ko na nakatingin sa aking daliri.

"Where did you get that?!" pabilang tanung nito sa kanya. "Bakit wala ba syang "K" na magsuot ng singsing? tsura nito!"

"Mind your own business!" pahiklas kong binawi ang kamay ko at mabilis na tinalikuran ang lalaki. Nanghahaba ang nguso nya habang naglalakad.

"Kainis!! ang kapal ng K! wag ka lang magpapakita sakin kukurutin talaga kita ng pinong-pino!" gigil na bulong bulong nya.

Malapit na sya sa pinag-iwanan nya sa aso ng makita nya na hindi eto nag-iisa, isang lalaki ang kasama nito habang hinahaplos haplos ang katawan nito.

"I have been looking for you everywhere. How did you get here?" kausap nito sa aso.

"Ehem! excuse me!" tikhim nya para kunin ang atensyon nito.

Napatingin sa kanya ang lalaki sabay ngumiti. Gwapo eto at may biloy, Palakaibigan ang dating ng mukha nito.

"Hi, ikaw ba ang nakakita kay Hercules?" nakangiting tanong nito.

"Yes! and you are the owner, right?" natatawang tanong nya, ng muli nyang marinig ang pangalan ni hercules.

"Yes, By the way I'm Lemar, Thank you dahil inalaagan mo sya" sabay lahad ng kamay nito, nakatitig eto sa kanya habang nagsasalita.

"You are welcome, Justine” sabay abot sa kamay nito na nakalahad, Sinimulang nyang ligpitin ang ibang naiwan na gamit.

“You are very talented, ”wika nito habang nakatingin sa painting na iginuhit nya.

"Really?"

"Yes! Past time mo?" tanong pa nito.

"NO! Trabaho, kailangan eh!" prangka nyang sagot sa lalaki.

“Well, you know what, meron akong offer sayo, bakit hindi mo na lang ibenta sakin yan, for sure makakagawa ka pa ng katulad nyan”

"Talaga!?"

"Sure!"

"RICHEL" nahinto ang balak sanang paghabol nya sa babae ng marining nya ang pagtawag sa kanya.

Napatulos sya sa kinatatayuan ng marinig ang pamilyar na pamilyar na boses ng yun ng babae na kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi nya makakalimutan. Bumuntong hininga sya bago lumingon dito. Nakita nyag nakatayo ng ilang distansya si Amie, halata ang pag-aalangan sa mata nito. Sya na ang dahan-dahang lumapit dito.

"Kumusta ka?" tanong nito sa kanya ng magkaharap sila ng malapitan.

"Alive and kicking!" sagot nya sa pinasayang boses, habang nagkikibit ng balikat.

"Ikaw, kumusta ka na? Ilan taon na rin, four years?" dagdag pa nya.

"It's five years actually" pagtatama ni Amie.

"Sorry, halos hindi ko na matandaan" ngiti nya dito, halos wala na syang maramdamang sakit sa ginawa nito sa kanya, pero malaki ang naging epekto nun sa buhay at pananaw nya. Nakita nya ang mapait na ngiti sa mga labi nito.

"Sorry din for what happen-"

"No! It doesn't matter now," putol nya sa sasabihin nito. Dati galit sya sa dalaga pero ngayon biglang gumaan ang pakiramdam nya.

"Bye the way, excuse me muna meron lang akong importanteng gagawin" Wika nya dito, hindi na nya hinintay ang sagot nito at dali-daling tumalikod, nagbabakasali na makita pa nya ang dalaga.

***Itutuloy***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status