Share

CHAPTER 2

"F*ck this life!"

Napalunok si Thyra nang makitang nagkalat ang mga sirang gamit sa loob ng kusina at may sugat na rin ang mga kamay ni Brett. Wala itong kasama sa loob.

Nang makita niyang napayuko si Brett ay agad niya ring isinara ang pintuan.

Hinayaan niyang ilabas nito ang nararamdaman niya saka siya bumalik sa kaniyang kuwarto.

Bumuntong-hininga si Thyra saka siya natulog.

Alas-singko ng madaling-araw ay nagising siya kaya dahan-dahan siyang lumabas upang tignan kung tulog na si Brett.

Bumaba siya at nakitang wala na ito sa kusina.

Tumayo siya sa pintuan at pinagmasdan ang kalat na iniwan ni Brett.

"Leon nga talaga," wika niya saka huminga nang malalim at nagsimulang linisin ang mga nandoon.

Habang naglilinis ay naalala niya ang sinabi ng kaniyang ama na kailangan ni Brett ng uunawa sa kaniya.

Nang matapos siya ay nakita niyang malapit nang mag-alas-siyete ng umaga.

Naupo muna siya at itinungo ang ulo sa lamesa saka pumikit.

Pupungay-pungay ang mga mata niya nang marinig ang yabag ng mga paa papalapit sa kaniya.

Napakunot-noo pa siya, ngunit nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang si Brett iyon kaya agad siyang tumayo.

Kumuha siya ng tubig saka uminom at umastang parang walang nangyari saka nagkunwaring hindi niya alam ang ginawa nito.

"Where did you put the stuff here?" Kalmadong tanong ni Brett.

Napalunok naman siya.

"I-Itinapon ko na po, Sir. Sorry po, hindi ko na po ipinaalam sa inyo," palusot niya.

"List the broken ones and I'll order a new one right now."

Napatigil naman nang ilang sandali si Thyra.

"Ngayon na po?"

Hindi naman sumagot si Brett at napakunot-noo.

"Oo nga po. Sabi ko nga po," natatawang sambit ni Thyra.

Napatingin muna siya sa mga kamay ni Brett at nakitang hindi man lang nito nilagyan ng bandaid ang mga sugat.

Umalis na agad siya nang mapansin ni Brett na nakatingin siya.

Habang nagluluto si Thyra ay biglang nag-vibrate ang cellphone niyang nasa lamesa.

Tumatawag ang kaniyang kaibigang si Nadia kaya kukunin niya na dapat iyon, ngunit dumating si Brett.

Humarap ulit siya sa kaniyang niluluto at ipinagdasal na sana patayin na ni Nadia ang tawag.

Napalunok siya nang uminom si Brett sa tabi niya.

"Answer your f*cking phone. It's so annoying," naiiritang sambit nito.

Agad namang nagpunas si Thyra at hinintay na lumabas mula roon si Brett bago sagutin ang tawag.

"Ang tagal mo namang sumagot," saad ni Nadia saka siya natawa.

"Nag-text ka kasi sana bago tumawag. May ginagawa ako," wika naman niya.

"Sorry. By the way, tumawag lang ako kasi may ipapasa tayong form mamaya sa office para sa OJT natin. Tapos mo na ba?"

Napakunot-noo si Thyra at pinatay ang apoy sa stove.

"Ano'ng form?"

"They sent it to us via email. Kailangan na 'yon mamaya. We will also need to submit a picture," sagot naman ni Nadia.

Napakagat naman si Thyra sa kaniyang labi.

"Nads, baka puwedeng maki-print ng form? Wala pa akong nagagawa, eh. Pero may extra na akong picture."

"No worries. Mabuti na lang at nag-print ako ng extra."

Napangiti naman si Thyra.

"Actually, hindi ko magawa kasi nagtatrabaho ako," sabi niya.

"Wow! Saan? Puwede kitang puntahan?" Tanong ni Nadia.

"Hindi puwede. Nagtatrabaho ako bilang katulong," sagot ni Thyra saka inayos ang lamesa.

"That's nice. Mas lalong hindi ka na namin makakasama. Sino ba ang boss mo?"

Napatingin naman si Thyra sa pintuan ng kusina upang siguraduhing wala si Brett doon.

"Hindi ko puwedeng sabihin."

"Oh, okay. Hindi mo naman tinatarayan ang boss mo?" Natatawang tanong ni Nadia.

Napangisi naman si Thyra.

"Hindi. Alam ko namang maging approachable. Kailangan kong maging friendly para hindi agad ako matanggal. "

"Good. Nakakapanibago lang siguro na mahinhin ka, because that's not who you are. You know, maybe because of him ay hindi ka na magiging suplada."

Natawa naman si Thyra saka umiling-iling.

"Kung alam mo lang kung gaano siya kasuplado."

"So, lalake siya? Alam ba 'to ni Felip?"

"Hindi pa. Sige na, may gagawin pa ako. Ano'ng oras ba tayo pupunta sa school?"

Inalapag na ni Thyra ang pagkain sa lamesa at sinuri kung ano pa ang kulang.

"2 pm. Hihintayin ka namin."

Nagpaalam na si Thyra saka pinatay ang tawag.

Ilang minuto lang ay dumating na rin si Brett upang kumain.

Nang magsimula na silang kumain ay naghintay ng tamang oras si Thyra upang magpaalam kay Brett.

"S-Sir?" Kinakabahang saad niya nang makitang tapos na itong kumain.

"What?" Tanong ni Brett at tumingin sa kaniyang relo.

Umayos naman ng upo si Thyra.

"Lalabas po sana ako ngayon. May ilalakad lang po akong papers."

"What time?"

"2 o'clock po."

Tumingin naman si Brett sa kaniya.

"Okay. Don't let anyone follow you here."

Ngumiti naman siya.

"Yes, Sir."

"Don't be late coming home. You have a lot to do here," walang emosyong sambit ni Brett saka siya tumayo.

"Okay po."

"Teka, uuwi ka na agad?" Kunot-noong tanong ni Nadia kay Thyra nang makalabas sila sa school nila.

‘Kinukuha ko pa lang ang loob ng leon.’

Napatingin naman siya sa kaniyang relo at nakitang mag-aalas-singko na ng hapon.

"Kailangan kong makauwi nang maaga," sagot niya saka humarap kina Felip at Nadia.

"I'll give you a ride. Saan ka ba nagtatrabaho?" Tanong ni Felip.

Napatingin naman si Thyra sa kaniya.

"Confidential. Wala siyang tiwala sa'tin," natatawang wika ni Nadia.

"Kilala ba namin? A businessman? Or high ranking official?" Tanong ulit ni Felip.

"Hindi niyo naman kailangang malaman. Safe naman ako roon," sagot ni Thyra habang nakakunot-noo.

"Grabe naman. Kahit clue lang," sambit ni Nadia at ipinulupot ang braso sa braso ni Thyra.

"Businessman."

"There are so many businessmen here," natatawang sabi ni Felip.

"Sige na. Masakit na rin ang ulo ko, kaya gusto ko nang umuwi," wika ni Thyra.

"Sige na, umuwi ka na. Bumalik ka na sa pagpapanggap mong mahinhin," saad ni Nadia saka siya natawa.

Nag-roll eyes naman si Thyra.

"Puwede ka namang mag-part-time sa amin, ayaw mo ba?" Suhestiyon ni Felip.

"Hoy! Hindi mo ba kilala si Thyra? Ayaw niya nga magkaroon ng utang na loob," sabi ni Nadia saka tinanggal ang kamay.

Tumango-tango naman ito.

"Mauuna na ako. Umuwi na rin kayo," paalam ni Thyra sa kanila.

"I-text mo kami kapag nakarating ka na ro'n," sambit naman ni Felip.

Tumango lang si Thyra saka siya umalis.

Mas lalong sumakit ang ulo ni Thyra habang naglalakad patungo sa gate ng bahay ni Brett. Dalawa ang gate doon. Iyong una ay ang malaking gate na kailangan ng code, at pagpasok mo ay makikita ang malawak na garden at nasa gitna no'n ang isa pang gate patungo sa bahay.

Magdidilim na at hindi pa rin siya makapasok dahil wala siyang susi.

Napa-facepalm siya nang maalalang hindi niya nai-save ang number ni Leandra at wala rin siyang contact kay Brett. Ilang beses siyang nag-doorbell, ngunit walang sumasagot.

"Sir Brett!" Lakas-loob niyang sigaw.

Napapikit siya at nakaramdam ng pagkahilo.

Nagdilim ang kaniyang paningin at naramdaman niyang napahiga siya sa sahig.

Napahawak si Thyra sa kaniyang ulo habang nagmumulat ng mata at naramdaman niyang mainit siya.

Napatingin siya sa kisame at inalala ang nangyari. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang maalalang hindi siya nakapasok sa loob. Agad niyang kinapa ang kaniyang sarili at nakitang hindi nagbago ang kaniyang damit kaya nakahinga siya nang maluwag.

Pinilit niyang tumayo at bumaba.

Gabi na at nakita niyang may kausap si Brett sa harap ng gate.

"I don't want visitors. Do not send anyone here. I don't want to waste my time," wika ni Brett.

Sumilip naman si Thyra at nakitang parents niya ang kausap niya.

Nang makaalis ang mga ito ay biglang lumingon si Brett kaya nanlaki ang mga mata ni Thyra kaya agad siyang naglakad palayo.

"Hey!"

Napatigil siya sa paglalakad nang sumigaw ito.

"Can you really work? Hindi mo yata kayang magtrabaho nang marami," kunot-noong saad nito habang papalapit sa kaniya.

Humarap naman si Thyra.

"K-Kaya ko po."

"Fortunately, Mom and Dad came, sila ang nagpasok sa'yo. Why didn't you take the duplicate key?"

"Nakalimutan ko po, Sir," sagot ni Thyra habang nakatingala sa kaniya.

"Lahat na lang," komento ni Brett. Hindi naman siya nakaimik.

"Get this," wika pa nito saka ibinigay ang susi.

Agad naman iyong kinuha ni Thyra.

Napakagat siya sa loob ng kaniyang bibig nang umalis na si Brett sa harapan niya habang nakakunot-noo.

"Maid!"

Nataranta si Thyra sa muling pagsigaw ni Brett kaya agad siyang sumunod sa poolside.

"Grab the open wine from the fridge," utos nito kahit hindi pa nakakalapit si Thyra sa gawi niya.

Nakakunot-noo naman si Thyra habang papunta sa kusina at kinuha ang wine at wine glass.

Agad siyang bumalik at nadatnang nakakunot-noo si Brett na nakatingin sa pool.

"Pour it in my glass," wika niya.

Nanginginig ang mga kamay ni Thyra dahil masama pa rin ang pakiramdaman niya.

"S-Sorry, Sir!" Natatarantang sabi niya nang matapunan niya ng wine ang nakalapag na cellphone nito sa lamesa.

Agad niya iyong pinunasan ng tissue na nasa lamesa.

Napatayo naman si Brett at kinuha iyon.

"What the hell! Can you be more careful? Stupid!"

Nabigla si Thyra sa sinabi nito at napatingin sa kaniya.

Nagtama ang kanilang paningin at iyon ang unang beses na masuri ni Thyra ang mukha niya.

Nag-init ang kaniyang mukha at napakuyom ang kaniyang mga palad.

"Go away," kunot-noong saad nito.

"Sorry po," pilit na sambit ni Thyra saka siya umalis sa harapan niya.

Ilang beses siyang huminga nang malalim at napahawak sa kaniyang dibdib habang papunta sa kaniyang kuwarto.

Kinabukasan ay nakakunot-noo na namang naglilinis si Thyra at iniisip kung paano na naman siya magpapaalam kay Brett para lumabas.

Umasta na lang siyang parang walang nangyari kagabi upang hindi mas lalong maging masama ang ulo ni Brett.

Nang kumakain na sila ay napapasulyap siya kay Brett at wala na namang bago sa kaniya, seryoso pa rin.

"What do you want?" Biglang tanong ni Brett habang nakatingin sa kaniyang pagkain.

Nabilaukan naman si Thyra kaya agad siyang uminom.

"P-Po?"

"Tell me what do you want. I'm irritated by how you secretly glance at me," sagot naman nito.

Muntik nang mapaawang ang bibig ni Thyra sa sinabi niya ngunit binawi niya agad iyon.

"Magpapaalam po sana ako ngayon. Kailangan po kasi naming magpa-medical."

Tumingin naman ito sa kaniya.

"Why are you always going out? Ilang araw ka pa lang dito, it looks like you're just making excuses to get out."

Pinigilan naman niyang mapakunot-noo.

"Nag-aaral pa lang po kasi ako, Sir. Nakalagay po 'yon sa biodata ko."

Hindi naman umimik si Brett.

‘Unless hindi niya binasa.’

"Just don't pass out again. I don't have time to carry you."

"Sige po," sagot ni Thyra at nameke ng ngiti.

Hinahabol ni Thyra ang kaniyang hininga nang makarating siya sa harap ng gate. Agad niyang inilabas ang susi at pumasok na.

Nagmamadali siya upang tapusin ang iniwan niyang mga gawain bago umalis.

Ipinagpatuloy niya ang paglilinis sa poolside at hindi man lang siya napansin ni Brett na nasa loob naman ng office nito.

Nang makaramdam siya ng pagod ay pumasok muna siya sa kaniyang kuwarto at nagtungo sa balcony.

Habang hinihilot ang kaniyang kamay ay biglang may tumawag sa kaniyang cellphone.

Napakunot-noo siya nang makitang ang classmate niya iyon.

Napabuntong-hininga siya saka iyon sinagot.

"Ano'ng kailangan mo?" Walang ganang tanong niya.

"Tapos ka na bang magpa-medical?" Sambit ng lalake sa kabilang linya na si Zane.

"Oo, bakit?"

"I heard you are working. Alam mo, you can be our scholar," masayang suhestiyon nito.

Napa-roll eyes naman si Thyra.

"Ayokong magkaroon ng utang na loob sa'yo."

Natawa si Zane na mas lalong ikinairita ni Thyra.

"Ang hard mo naman."

"Ayaw lang kitang makausap," diretsahang sambit niya.

Mas lalong natawa si Zane.

Iginala ni Thyra ang paningin upang mabawasan ang inis niya at bigla niyang nakita si Brett na nakatayo sa balcony ng kaniyang kuwarto. Nakaharap ito sa gawi niya pero abala ito sa kaniyang cellphone.

Umayos siya ng upo at umiwas ng tingin.

"Thyra, puwede bang—"

"Puwede bang huwag kang tumawag sa'kin?" Kunot-noong wika ni Thyra. Sasagot pa sana si Zane ngunit pinatay na niya ang tawag.

Habang kumakain ng dinner si Brett ay sinadyang bagalan ni Thyra ang kaniyang paghuhugas sa mga ginamit niya upang hindi makasabay kay Brett. Wala naman itong nagawa dahil mag-aalas-otso na ng gabi.

Nang matapos din si Thyra na kumain at maglinis ay natulog na din siya upang hindi na bumalik ang lagnat niya.

Bumaba lang siya nang mauhaw siya.

Napatigil siya sa paglalakad nang madatnan niyang umiinom ng alak si Brett sa kusina.

Patapos na ito at hindi na napansin si Thyra na pumasok doon.

Uminom si Thyra ng tubig at napatigil siya nang tumayo na si Brett at naunang lumabas doon.

Sumunod naman siyang lumabas doon matapos ang ilang segundo.

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang natumba si Brett sa unang baytang ng hagdanan.

"S-Sir!"

Lumapit agad siya at mas lalo siyang kinabahan nang hindi ito nagmulat ng mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status