Share

CHAPTER 9

Napakunot-noo si Brett na nakatingin kay Thyra.

Hindi makuha ni Thyra ang sasabihin.

"Ano'ng ibig sabihin nito, Thyra?" Tanong ni Felip.

Napatingin naman si Brett sa kaniya.

"Who are you?"

"I'm Felip Dela Vega, Sir," pagpapakilala ni Felip.

"Son of the owners of Dela Vega Fashion," komento ni Brett

"Yes, Sir. And she's my friend, longtime friend," turo ni Felip kay Thyra.

"Is that true?" Tanong ni Brett.

Napalunok naman si Thyra.

"O-Opo, Sir."

"I didn't know na magkaibigan kayo—"

"Sa kaniya ako nagtatrabaho," pamumutol ni Thyra sa sasabihin ni Felip.

Napakunot-noo si Brett at napatingin sa kaniya na parang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi.

Tumango-tango naman si Felip.

"Nice to meet you, Felip. But we need to go," saad ni Brett.

"Sige po, Sir. Nice to meet you also," nakangiting wika ni Felip saka tumingin kay Thyra.

Nauna nang naglakad si Brett.

"F-Felip," kinakabahan pa ring paalam ni Thyra.

"Text me," sabi ni Felip.

Tumango naman siya.

"You're not afraid that he's gonna tell anybody that you're my maid?"

Tumingin naman si Thyra kay Brett habang naglalakad sila.

"Hindi po. Iniisip ko po ang safety niyo. Alam ko pong maraming nagtatangka sa buhay niyo. Si Felip po ay may exception sa pag-iisipan ko ng masama."

"And why?"

"Mabuti po siyang tao."

"Don't be complacent," paalala naman nito sa kaniya.

Napalingon si Brett nang tumunog ang tiyan niya, kaya napakagat-labi si Thyra saka napahawak doon.

"Hungry?"

Dahan-dahan naman siyang tumango.

"Let's eat at a restaurant I know."

"Sige po. Nakakagutom pala mag-attend ng party niyo," komento ni Thyra.

"I know. And you get hungry really fast, but you're thin."

Pumunta sila sa restaurant na hindi pamilyar kay Thyra at nagtungo sila sa rooftop.

"Wow! Ang galing!" Bulong niya nang makitang maraming bulaklak doon at iba't ibang kulay ng ilaw. Tanging sila lang ang nandoon.

"Bagay na bagay ang outfit ko rito," saad niya saka inalabas ang cellphone niya mula sa hawak niyang purse.

Agad din niya iyong itinago nang mapansing nakatingin sa kaniya si Brett.

Nameke siya ng ubo saka umayos sa pagkakatayo.

"You want to take a picture?" Tanong ni Brett.

Ngumiti naman siya saka tumango.

"Go ahead."

Mas napangiti siya saka nagmadaling mag-picture.

"That won't see your outfit," komento naman ni Brett.

"Ipapatong ko na lang po sa lamesa," saad ni Thyra.

"Let me," sambit nito saka inilahad ang kamay.

"P-Po?"

"Come on, give me your phone."

Nag-alangan naman si Thyra, ngunit ibinigay niya naman iyon.

Tinanggal niya ang tuxedo na ipinahiram ni Brett saka ginawa iyong props.

"Side view," utos ni Brett.

Sinunod naman siya nito. Napaubo pa si Brett nang mag-fierce look siya.

"Tama na po. Thank you po, Sir! Kayo po, baka gusto niyong—"

"No."

"Mag-picture na lang po tayong dalawa. Tutal kayo po ang bumili ng suot ko."

"No need. We have already left the hotel."

"Please po, Sir," wika ni Thyra saka siya lumabi.

"Okay."

Napangiti naman si Thyra at agad siyang tumabi kay Brett. Bumaba naman ito para makita siya sa camera.

Nang matapos sila ay tinignan ni Thyra ang mga pictures at napangiti siya kahit na hindi man lang ngumiti si Brett sa mga iyon.

Nag-enjoy na lang siya nang mag-order si Brett ng makakain nila.

"Thank you po, Sir. Nahihiya po akong magsabing nagugutom na ako kanina," wika ni Thyra habang pababa sila.

Tumango naman ito.

Gustong mag-open ng topic ni Thyra kaya tumingin siya kay Brett ngunit agad siyang nag-iwas ng tingin nang sabay silang mapalingon ni Brett sa isa't isa.

"Don't trust anyone."

Napatingin naman si Thyra.

"I know Anthony for how many years, and he's always pretending when we talk. I'm saying this because you're still young."

Tumango naman siya.

"Alam ko naman po 'yon. Kaya ko pong protektahan ang sarili ko—"

Muntik na siyang matumba nang biglang may mga lalakeng nagtatakbuhan, ngunit nasalo ni Brett ang likod niya.

Nagkatitigan silang dalawa kaya agad namang umayos sa pagkakatayo si Thyra.

Hindi naman umimik si Brett hanggang sa makarating sila sa sasakyan.

"Sir."

Napalingon naman ito sa kaniya.

"O-Okay lang po ba kayo?" Nag-aalalangang tanong niya.

Napatigil naman si Brett at napalingon.

"Me driving?"

"Hindi po. S-Sa mga nangyayari po." Napalunok si Thyra at hindi mapakali ang kaniyang mga daliri.

"I'm used to it. Everyone is so quick to judge, even me."

"Kasi kung hindi po..." Napalunok pa siya.

"What are you gonna do?" Kalmadong tanong ni Brett.

"Maid niyo lang po ako, Sir, pero dadamayan ko po kayo," sagot niya habang nakatitig sa kaniya.

Tumango-tango naman si Brett saka ini-start ang sasakyan.

"I didn't know that the green dress had that effect on you."

Natawa naman si Thyra. Napangiti siya nang maaninag mula sa ilaw ang palihim na pagngisi ni Brett.

Nang makauwi sila ay tinitigan muna ni Thyra ang sarili habang suot pa rin ang dress.

‘Maraming nangyari, pero masaya akong nagiging mabait na siya sa'kin.’

Napatingin siya sa tuxedo ni Brett at napangiti.

Hinanap ni Thyra si Brett at nakita niya ito sa garden nito kaya pasimple siyang nagpunas ng mga paso sa lamesa malapit sa kaniya.

Ilang araw matapos ang event ay kampante na siyang nakukuha na niya ang loob nito.

Nang mapansin niyang nakakunot-noo ito habang nagtitipa sa kaniyang laptop ay dahan-dahan siyang tumalikod.

"What is it?"

"Po?"

Agad siyang humarap sa kaniya.

"Tingin ka nang tingin sa'kin. What do you want?" Tanong nito saka nag-angat ng tingin sa kaniya.

Lumapit naman si Thyra.

"Birthday po kasi ng friend ko bukas. Baka puwede pong bukas na po ang isa kong day off? Tutal sinabi niyo po dati na ako po ang magde-decide kung kailan ako magpapahinga, Sir."

"Okay," sagot nito saka humarap ulit sa laptop niya.

Napangiti naman si Thyra.

"Thank you po, Sir!"

"Is it a drinking party?"

"O-Opo."

"Just be home before ten. I mean, be here sa bahay ko," paalala nito.

"Sige po, Sir."

"They will pick you up?"

"Hindi po. Magco-commute po ako papuntang bayan, tapos dadaanan po ako ng isa naming friend."

Nag-angat naman ito ng tingin.

"Felip Dela Vega?"

"O-Opo," sagot niya at bigla siyang nailang.

"What time are you going?"

"Six pm po. May time pa po akong maglinis."

"It's not your day off then."

"Eh, 'di night off po."

Natawa pa siya nang sabihin iyon, ngunit agad na tumigil nang makitang seryoso si Brett.

"Hindi ka magda-day off. Use your two days off next time. I'll let you go before six para makapag-ayos ka pa. Stop doing chores after lunch,"saad nito saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Thank you po, Sir!" Masayang sambit ni Thyra.

"Ipagluluto ko na lang po kayo ng dinner—"

"I can cook."

Tumango-tango naman siya.

"Aagahan ko na lang pong umuwi para may kasama—"

"Zip your mouth, please. I can't concentrate. Just continue kung ano man ang ginagawa mo, I'm okay," parang naiiritang sabi ni Brett.

Lumabi naman siya.

"Patingin ng okay, Sir," pang-aasar niya pa.

Seryoso namang tumingin ito sa kaniya.

"Stop teasing me, will you?"

"Sige po," nakangiting wika naman niya.

"Tito Brett," bulong niya habang paalis doon.

"Who's going to bring you home?" Tanong ni Brett habang kumakain sila at ilang oras na lang ay aalis na siya.

"Ihahatid po ako ni Felip."

"There's a lot of security cameras, I'll see if he takes you home or not. Sa gate ka lang magpahatid, I don't know him."

"Sige po."

"Do you have my number?"

Bigla naman siyang kinabahan.

"W-Wala pa po."

"Save it. Kung hindi ka niya maihahatid, I'll send someone to pick you up."

"Hindi na po—"

"Are you declining my offer?" Kunot-noong tanong nito.

"Ang ibig ko pong sabihin, hindi na po ako magdadalawang-isip na kunin ang number niyo," sagot ni Thyra at pilit na natawa.

Iniabot niya ang cellphone niya at agad na iti-nype ni Brett ang number niya at tinawagan kaya bahagyang nagulat si Thyra.

"I have your number now."

‘Hindi naman niya siguro ako tatawagan. Pero mas convenient na siguro kapag may iuutos siya.’

Palihim niyang isi-nave ang number nito bilang 'Sir Dragon'.

Alas-kuwatro ng hapon ay nagsimula na siyang mag-ayos upang hindi siya ma-late.

Nagsuot siya ng puting ruffled cold shoulder na long sleeve at denim na flare pants.

Nang pababa siya ay nakita niya si Brett na nakaupo sa sala at umiinom ng kape habang abala sa kaniyang cellphone.

Tumingin siya sa suot niyang relo at nakitang mag-aalas-singko pa lang.

"Sir, aalis na po ako," paalam niya.

Nag-angat naman ito ng tingin at sinuri siya mula ulo hanggang paa.

Tumango siya saka bumuntong-hininga.

"Just don't do—"

"Anything stupid, Sir," pagpapatuloy ni Thyra.

Tumango naman ito.

"Don't worry, Sir. Hindi ko po ipagkakalat ang tungkol sa inyo. I'll keep you like a secret," natatawang sambit niya.

"Corny," komento ni Brett saka ibinaling ang paningin sa cellphone niya.

Mas lalo namang natawa si Thyra.

"Alam na ba ni Nadia na you're working with Sir Brett?" Tanong ni Felip habang naglalakad sila papasok sa venue.

"Hindi pa. Okay lang naman siguro kung hindi pa niya malalaman sa ngayon," sagot niya.

"Marami ka bang ginagawa doon?"

"Ganoon naman talaga ang trabaho."

"You don't really need our help?"

Lumingon naman siya.

"Kaya ko naman. Alam niyo naman kung bakit ko ginagawa 'to."

"Is he okay with you?"

Tumango naman siya.

"May mga ibang maid doon?"

"Ako lang."

"What? Kayo lang dalawa doon?" Gulat na tanong ni Felip.

Napakunot-noo naman siya.

"Ano'ng masama doon? Nagtatrabaho ako, Felip."

Tumango-tango naman ito at natahimik.

Nang makapasok sila ay sinalubong agad sila ni Nadia.

"Ang daming tao," komento ni Thyra saka luminga-linga sa paligid.

"Madaming inimbitahan sina Mommy. Puro pa mga matatanda. My gosh! Wala man lang pogi!"

Natawa naman sila.

Kumain muna sila ng dinner bago magtungo sa likod kung saan may disco lights.

"Oo nga pala, 'Te, how's your work?" Tanong ni Nadia saka uminom ng alak.

"Okay naman. Pinayagan naman akong lumabas ngayon," sagot ni Thyra.

"Who is he na kasi? Hindi mo pa sinasabi," pamimilit nito.

"Hindi ko puwedeng basta sabihin."

"Ay? High profile? Pogi?" Excited na tanong ni Nadia.

"Nadia," pagpipigil ni Felip.

"What? I'm just asking."

Tumango naman si Thyra habang iniisip si Brett.

"Ilang taon na siya?"

"28 pa lang."

"Ay! Bet! Almost a decade ang age gap niyo," panunukso ni Nadia.

Umiling-iling naman si Thyra.

"Mabait ba siya sa'yo?" Tanong ni Felip.

Tumango naman siya.

"Parang dyodyowain, gano'n?" Natatawang saad ni Nadia.

"Hindi. Magiging amo lang."

"Ang KJ! Let's drink, para hindi boring. Look at them, they're all drinking," turo ni Nadia sa mga nasa poolside ng hotel.

"Hindi iinom si Thyra," wika ni Felip.

"Why? Ngayon na nga lang ulit tayo magkakasama. And it's my birthday!" Angal ni Thyra.

"May trabaho pa siya."

"Just a little, please?"

"Kaunti lang. Tsaka hindi naman ako nalalasing agad," saad ni Thyra.

Bumuntong-hininga naman si Felip saka siya inabutan ng alak.

Matapos ang ilang oras ay nakarami na rin siya.

"Are you okay?" Tanong ni Felip kay Thyra nang umalis saglit si Nadia.

"Oo. May tama lang, pero kaya ko pa," sagot niya.

"Namumula ka na."

"Mainit kasi. Ang tagal naman ni Nadia," sambit niya saka tumingin sa relo niya at nakitang mag-aalas-diyes na.

"Tinawag niya yata ang parents niya. Are you sleepy?"

Umiling naman siya.

Nagpaalam naman si Felip at pumunta sa CR.

"Stay there."

Tumango siya saka nag-thumbs up.

Habang hinihintay sila ay uminom ulit siya.

"Masuwerte rin ang Brett na 'yon. N*******n niya na nga ako, nayakap niya pa ako."

Napangisi siya habang umiinom nang maalala ang ekspresyon ni Brett.

"Ang sarap niyang inisin," bulong niya.

"Why are you smiling?"

Naupo naman ulit si Nadia sa tabi niya.

"Naalala ko lang 'yong boss ko. Ang lakas ng topak. Minsan ay okay, mas madalas 'yong hindi."

"Maybe kulang sa love. May asawa na ba?"

Umiling naman siya.

"Pero engaged siya dati. Kaso walang kasalang naganap. Arranged marriage, eh. Alam mo naman ang ibang mga mayayaman."

"Iyon naman pala. Mabuti hindi siya naa-attract sa'yo?"

Natawa naman si Thyra habang umiinom.

"Hindi naman ako attractive kapag nakasuot ng uniform. Tsaka wala kami sa teleserye. Sa mga movies lang 'yon nangyayari."

"You're really blind! Classmates nga natin ay nagkakagusto sa'yo, iyon pa kayang nakikita ka araw-araw? Every night, every day, eh 'di okay!" Sambit ni Nadia.

"Baliw! Mataas ang standards no'n. Mga sosyal din. Tsaka hindi ko naman siya pinapangarap."

"Well, there's only one way to find out—"

"Ayoko. Nakainom ako pero matino ako."

Natawa naman si Nadia.

"You know what, hindi ka pakialamera dati. Why are you—"

"Tigilan mo ako, Nads," pagpipigil niya.

Natawa naman ito lalo.

"Ang tagal naman ni Felip. Kailangan ko nang umuwi," kunot-noong saad ni Thyra.

"Saan ba nagpunta?"

"Sa CR daw, kaso kanina pa."

Sinubukan nilang tawagan pero hindi sumasagot si Felip.

"Wala na. Iniwan na ako no'n."

Bigla siyang tumayo at nakaramdam ng pagkahilo. Inalalayan naman siya ni Nadia.

"Sasakay na lang ako ng taxi," wika niya.

"What? No. Ihahatid ka na lang namin, baka kung ano pa ang mangyari sa'yo," sabi ni Nadia.

"Hindi puwede. Magagalit ang boss ko."

"You're too loyal."

Sinamahan naman siya nitong maghintay ng taxi.

Napahawak si Thyra sa kaniyang ulo nang umikot ang paningin niya.

Biglang nag-ring ang kaniyang cellphone kaya inilabas niya ito.

"Sino ba 'to—"

Nahulog ang cellphone niya at hindi niya agad iyon nadampot.

Pinulot naman iyon ni Nadia.

"Oh? Boss mo ba 'to? Sir Dragon?"

Tumango naman siya.

"Baliw ka!"

"Pakisagot, please. Nahihilo na talaga ako." Napapikit pa siya.

"Hello, Sir?"

"Where's Thyra Haze?" Tanong ni Brett.

"This is her friend, Sir."

"Where is she?"

"Naghihintay po kami ng taxi, Sir."

"What? She said, her friend will drive her home. Where is he?" Iritang tanong nito.

"Hindi po kasi namin mahanap—"

"Where are you? I'll pick her up."

Sinabi naman ni Nadia kung nasaan sila.

"Susunduin ka raw ng boss mo," saad ni Nadia saka ibinalik ang cellphone niya.

Natawa naman si Thyra.

"Magpapadala lang 'yon ng taong susundo sa'kin."

Ilang minuto silang naghintay nang dumating ang isang sasakyan. Nakasandal naman sa pader si Thyra at nakapikit.

"Thyra Haze, let's go."

Napamulagat siya at nakitang nakasuot ng shades si Brett kahit na bahagyang madilim sa kalsada.

"Thank you sa pagsundo sa kaniya, Sir. She's drunk—"

Agad na hinatak ni Thyra si Nadia upang hindi niya ito malapitan. Mabilis niya ring hinawakan palayo si Bret.

"Sh*t! Hindi ka niya puwedeng makita!" Itinulak niya ito papasok sa sasakyan.

"What the hell are you doing?" Tanong nito nang takpan ni Thyra ang mukha niya at muntik na itong mabura sa panghihilamos niya.

"Pumasok ka na, Nadia! Happy birthday ulit!" Sigaw niya saka nagmadaling pumasok sa loob ng sasakyan.

Magsasalita pa lang sana si Nadia pero sinenyasan na niya si Brett na umalis na.

Nakahinga naman siya nang maluwag.

"Alam niyo, hindi niyo dapat ginagawa 'to kasi boss ko kayo. Pero thank you po!" Nakangiting wika niya.

"You're drunk."

"Kayo nga gabi-gabi, eh."

Bumuntong-hininga naman si Brett.

"Naiirita po kayo, Sir?" Halatang lasing na tanong niya.

Hindi naman ito lumingon.

"No. Just be quiet."

"Alam mo, Sir, same vibes tayo, kaso hindi lang ako sumisigaw. M*****a rin ako sa iba, pero hindi po sa'yo."

Napatingin naman ito.

"And why is that?"

"Kasi hindi po maganda kapag naghalo ang dalawang negative. Kaya dapat ay positive ako. I'll bring you positive vibes," natatawang wika nito.

Hindi naman umimik si Brett kaya natahimik siya.

Nang makauwi sila ay inalalayan siya nito papasok.

"Why did you drink so much?"

"Nauhaw po ako, eh," sagot niya.

"There's water."

"Eh, bakit kayo po—"

"Gosh! Zip your lips!" Nainis na si Brett.

Natawa naman siya.

Naupo si Thyra sa sofa nang makapasok sila.

"You want water?" Tanong ni Brett.

Umiling naman siya habang pupungay-pungay ang mga mata.

"Sir."

"What again?" Kunot-noong sambit ni Brett.

"Hindi ko po birthday, pero can you please be good to me?" Parang nagmamakaawang sambit niya.

Hindi naman ito umimik.

Hinawakan ni Thyra ang magkabilang pisngi ni Brett nang tumayo siya kaya nagulat ito.

"What are you doing?"

Tinanggal nito ang kamay niya.

"Tinanong nila sa'kin kung guwapo ka. Hindi ako mahilig tumingin sa mga lalake, pero guwapo ka sa paningin ko, Sir."

Napakunot-noo naman ito.

Lumapit si Thyra at muntik nang matumba kaya inalalayan ni Brett ang likod niya.

"Sir, may pag-asa bang ma-attract ka sa'kin?"

Hindi naman sumagot si Brett at tumingin lang sa kaniya.

"Sinabi ko na kay Nadia na imposible. Ayaw kasing maniwala, eh."

"You're drunk. Iaakyat na kita sa kuwarto mo," saad ni Brett.

Hindi naman siya umimik hanggang sa inalalayan siya nito papunta sa kuwarto niya.

Bumuntong-hininga si Brett nang maglakad si Thyra papunta sa balcony.

"Sir," tawag niya.

Napapikit naman sa inis si Brett saka sumunod doon.

"Naiinis ka yata, eh," wika pa niya saka lumabi.

"Gosh, Thyra! Just go to sleep."

Umiling naman ito.

"Totoo po pala, 'no?"

"What?"

"Na tumatapang ka kapag nakainom ka."

"What? Do you wanna fight with me now?"

Ngumiti naman si Thyra.

"No, Sir."

Hinatak niya si Brett nang malakas kaya napaupo siya sa tabi niya.

"Sir, gusto kitang halikan," mahinang sambit niya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Brett.

"What?"

Ngumiti naman si Thyra.

"You're really f*cking drunk!"

"Alam kong hindi attractive sa babae ang ganito, Sir. Kaya ko ginagawa 'to. Huwag kang ma-fall, Sir."

"Just go to sleep. I'll go to my room," saad ni Brett.

"No," wika ni Thyra saka hinawakan ang braso niya.

"What?"

"Stay here, Brett Leo."

"What did you just say?" Kunot-noong sambit ni Brett.

"Bingi ka ba?"

"Wow! I can't believe this is happening!" Hindi makapaniwalang saad ni Brett.

"Sir, hindi po ako stupid," biglang seryosong sabi ni Thyra.

Hindi naman ito umimik.

"What part of our body gets thinner as we get older?" Tanong ni Thyra.

"You're asking me stupid question," walang ganang sabi ni Brett.

"Baka 'yong tao po ang stupid?"

"You're unbelievable! What's the answer then?"

"It's our lips," sagot ni Thyra.

"That's it?"

"Opo. Kaya dapat good boy ka. Para before maging manipis ang bibig mo, dapat may n*******n ka na."

"Why are you telling me this?"

"Kasi matanda ka na," natatawang sagot ni Thyra.

"Stop it, Thyra. Zip your lips."

"Zip it then."

"What?"

"Zip it, Sir," panghahamon niya.

"Matulog ka na."

"Takot ka pala sa'kin, eh," saad ni Thyra.

"I'm not. You're just drunk."

"What if, I'm sober?"

"Shut up. You're loud."

"I'll zip your lips, Sir."

"What—"

Biglang hinawakan ni Thyra ang mukha ni Brett at hinila ang batok nito saka hinalikan.

Nanlaki naman ang mga mata ni Brett.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status