Nagising si Thyra na hindi nakapagpalit ng kaniyang suot at napahawak sa kaniyang ulo nang sumakit iyon.
"P-Paano ako nakauwi?" Sambit niya at napatingin sa loob ng kaniyang kuwarto.
Nanlaki ang kaniyang mga mata at kinapa ang kaniyang sarili.
Napapikit siya at pilit na inalala ang nangyari ngunit nabigo siya.
"Bwisit na alak," bulong niya.
Naligo na siya at agad na bumaba dahil maliwanag na sa labas.
Tatanungin niya sana si Brett kung paano siya nakauwi, pero hindi pa niya ito nakikita simula kaninang umaga.
"Hindi pa ba siya bumababa? Alas-nuwebe na ah."
Umiling-iling siya habang naghuhugas ng pinagkainan niya.
Napahawak siya sa kaniyang bibig nang maramdamang mahapdi iyon.
Napakunot-noo siya nang nahawakan ang sugat doon.
"Paano ako nagkaroon ng sugat?"
Abala siya sa paghuhugas nang biglang pumasok si Brett at uminom ito ng tubig. Hindi ito nag-abalang kausapin si Thyra.
"Sir," tawag ni Thyra sa kaniya.
Nasamid naman ito.
Ibinaba niya ang baso at humarap kay Thyra.
"W-What?"
"P-Paano po ako nakauwi kagabi?" Nahihiyang tanong niya.
Pinagkrus naman ni Brett ang kaniyang mga braso at napakunot-noo.
"You don't remember? I picked you up sa venue. You were so drunk."
Nanlaki naman ang mga mata niya saka napatungo ang ulo.
"S-Sorry po, Sir. Hindi ko po kasi maalala ang nangyari."
"All of it, wala ka ni isang naaalala? Even kung paano ka nakapasok sa room mo?" Tanong ni Brett.
Dahan-dahan naman siyang umiling.
"Kagabi lang po kasi ako nalasing, Sir."
"Ganiyan ka kapag nakainom? You're not aware of what you're doing?"
Mabilis naman siyang umiling.
"Hindi po ako lasinggera, Sir. Tsaka ligtas naman po akong nakauwi."
"Are you sure you don't remember anything?" Paniniguro ni Brett.
"Sigurado po ako."
Tumango-tango naman ito.
"Tatanungin ko na lang po si Nadia kung ano'ng nangyari kagabi."
"Why? I told you not to do anything," kunot-noong saad ni Brett.
"May sugat po kasi ako sa labi. Baka may nagawa po akong masama roon," sagot ni Thyra saka napahawak sa kaniyang bibig.
Napaubo naman si Brett.
"I'll be busy today. Don't meddle me."
"Sige po."
Matapos ang ilang oras ay nagpunta si Thyra sa harapan ng kuwarto ni Brett upang tawagin itong kumain ngunit hindi ito sumasagot.
Napakunot-noo naman siya at hindi na lang pinansin dahil inakalang abala ito.
Bumaba lang si Brett matapos ang ilang minuto at sabay silang kumain.
Tatayo na sana si Brett ngunit nagsalita si Thyra.
"Sir."
Napatigil naman ito at seryosong tumingin sa kaniya.
"Sinundo niyo nga raw po ako, sabi ni Nadia. Thank you po," nakangiting sabi ni Thyra.
"I told you how you got home, didn't I?"
"Pero hindi pa po ako nakakapagpasalamat. Tsaka nakakahiya po kasi—"
"I know, ayaw mong magkaroon ng utang na loob."
"Hindi naman po sa gano'n. Katulong niyo po kasi ako. Baka lang po kasi may nakakita sa inyo," paliwanag ni Thyra.
"And that will be your friend's fault. He didn't bring you home. Naniwala ka kasi agad," seryosong wika ni Brett.
"May emergency raw po siya kagabi. Hindi na po siya nakapagpaalam."
"You are so easy to manipulate," komento naman nito.
"Sir—"
"Drunkard," sambit ni Brett saka ito umalis.
"A-Ano? Ako pa talaga?"
Kinagabihan ay tumawag si Felip sa kaniya kaya nagpunta siya sa balcony.
"Hello, Thyra?"
"Nalaman ko kay Nads, bakit hindi mo sinabing may emergency ka?"
"Sorry na," nanlalambing na wika ni Felip.
"Paano kung hindi bumalik si Nadia sa tabi ko?" Kunot-noong saad ni Thyra.
"Pasensya na. Wala kasing kasama si Mom, she got fever. Itinakbo ko siya sa hospital."
Bumuntong-hininga naman siya.
"Kumusta na si Tita?"
"Nakalabas na siya kanina. By the way, are you free tomorrow?"
"May work ako."
"When's your day off?"
"Hindi ko alam," sagot ni Thyra.
Bumuntong-hininga naman si Felip.
"Bumawi ka na lang next time."
"Yes, boss!" Sagot ni Felip.
Natawa naman silang dalawa.
Nasa ganoong posisyon siya nang mapatingin si Thyra sa balcony ng kuwarto ni Brett at nandoon itong nakatayo at nakakunot-noo.
Pumasok na lang siya sa loob at naupo sa kaniyang kama.
"Nagkaroon pa ako ng utang na loob mula kay Sir Brett, siya ang sumundo sa akin."
"That's embarrassing, but at least you're safe. I'll make it up to you, I promise."
"Oo na. Makakahindi ba ako sa'yo?"
Natawa naman si Felip.
Kinabukasan ay hindi na naman bumaba si Brett kaya dinalhan ni Thyra ito ng kape sa kaniyang opisina. Abala naman ito sa kaniyang laptop.
Naglinis na lang siya sa poolside, habang pasulyap-sulyap sa taas at napansing hindi man lang ginalaw ni Brett ang dinala niyang kape.
"Ano'ng problema niya?" Kunot-noong sambit niya.
Sumapit ang oras ng dinner ay mabilis na kumain si Brett kaya napaisip naman si Thyra.
"Ano'ng nangyari kay Sir? Dahil ba naabala siya noong sinundo niya ako?"
Naiwan siyang kumakain pa roon.
Sa sumunod na araw ay masakit ang ulo ni Thyra kaya hindi siya makapag-focus sa paglilinis.
Tatanungin niya sana si Brett kung ano'ng ulam ang ipapaluto niya pero nadatnan niya ito sa office niyang nakasuot ng headphones.
Ipinagluto na lang niya ito ng naisip niya at hindi na siya kumain dahil wala siyang gana sa sakit ng ulo niya.
"Ilang araw na siyang ganiyan, nakakapanibago. Nasanay na akong sumisigaw siya. Hindi puwedeng hindi niya ako utusan dahil wala naman akong gagawin."
Napakunot-noo siya.
"Hindi kaya dahil mag-iisang buwan na ako rito ay iniisip na niyang tanggalin ako dahil sa mga nangyari?"
Bago magluto ng dinner ay nadaanan niyang bukas ang pintuan sa office nito kaya dahan-dahan suyang pumasok.
"Sir? Nandito ka ba, Sir?"
Luminga-linga siya sa palagid, ngunit hindi niya ito nakita.
Napakunot-noo siya nang makita ang isang picture frame sa table nito.
"Ngayon lang ba nailagay ito rito?" Sambit niya at napansing letter pala iyon kaya kinuha niya iyon para basahin.
"Dear Love—"
Nanlaki ang mga mata niya nang biglaang hablutin iyon ni Brett, dahilan para mahulog iyon sa sahig.
"S-Sorry, Sir," natatarantang sambit niya nang makitang nabasag iyon.
Dahil sa kaba ay pinulot niya ang mga debris nito.
Hinablot naman ni Brett ang hawak niya at napad*ing siya nang masugatan siya.
"I told you to stop meddling my things! How stupid are you? Your ignorance pisses me off! Get the f*ck out of my sight!" Sigaw nito.
Dahil sa gulat ay napatakbo na lang paalis si Thyra at hindi na siya nakapagsalita.
Nagtungo siya sa kaniyang kuwarto at hindi napigilang mapaluha. Nabahiran ng dugo ang kaniyang mukha nang punasan niya ang kaniyang luha gamit ang palad niyang may sugat.
"Ano ba, Thyra? Bakit ka nagkakaganito? Amo mo lang siya, at hindi niya obligasyong maging mabuti sa'yo."
Napasinghap siya.
"Tinangka ko pa kasing makipag-close sa kaniya, eh hindi naman mangyayari 'yon."
Tumango-tango siya upang kumbinsihin ang sarili.
"Gawin ko na lang ang trabaho ko. Hindi ko kailangang maging mabait sa kaniya."
Naligo na lang siya ulit at nagluto na ng dinner.
Hindi pa rin nawala ang sakit ng ulo niya at hapdi ng kaniyang sugat.
Huminga siya nang malalim at kinatok si Brett sa kaniyang opisina.
"S-Sir, ready na po ang dinner."
Hindi naman ito sumagot at inasahan na niya iyon.
Hindi na lang siya kumain at lumabas muna para maglakad-lakad.
Nagpunta si Thyra sa likod ng bahay. Malawak doon at sa hindi kalayuan ay may bodega. Nagpunta siya sa harap ng bodega at natatanaw niya ang likurang bahagi ng bahay. Maraming palm tree doon at napaplibutan iyon ng mga ilaw.
Napabuntong-hininga siya at napaisip.
"Hindi ko naisip na magiging katulong ako, at sa isa sa pinakamayaman pa rito."
Biglang pumatak ang kaniyang luha nang maalala ang kaniyang ama.
"Pinalaki akong matapang, dahil kami na lang dalawa ni Papa. Ayoko namang maging malambot sa Brett na 'yon. Nakalimutan kong maging professional, at bawal makipag-close sa boss."
Nameke siya ng ngiti at pinunasan ang kaniyang luha.
"Nandito ako para sa trabaho, hindi para sa kaniya."
Biglang umihip ang malamig na hangin kaya napayakap siya sa kaniyang sarili.
Napakunot-noo siya.
"Mainit ba ako?" Hinawakan niya ang kaniyang ulo at naramdamang may sinat siya.
"Ngayon pa talaga ako nilagnat."
Napatili siya sa gulat nang kumidlat at biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Agad siyang pumasok sa loob ng bodega at binuksan ang ilaw doon.
Tinakpan niya ang kaniyang tainga.
"M-Mama."
Mas lalo siyang nilamig kaya nahiga siya sa sirang sofa na tatlo na lang ang paa.
Mas lalong sumakit ang ulo niya at napaiyak nang may lumitaw na naman sa isipan niyang isang malabong pangyayari.
Napapikit siya sa sakit ng kaniyang ulo.
"G-Gusto ko nang umuwi."
Nanlabo ang kaniyang paningin at halos kapusin ng hininga.
"P-Papa."
Biglang bumukas ang pintuan, rason upang mas yakapin niya ang sarili dahil sa lamig.
"Thyra!"
Lumabas si Brett upang kumain ng dinner nang matapos niya ang presentation para sa meeting niya kinabukasan.Nameke siya ng ubo nang makapasok siya sa kusina at sumeryoso upang malaman ni Thyra na papasok na siya.Ngunit napakunot-noo siya nang makitang wala siya ro'n.Isang plato lang ang nasa lamesa at naka-set-up na ang kakainin niya.Tinignan niya ang pagkain kung kumain na si Thyra, ngunit hindi pa iyon nababawasan.Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ito, pero hindi siya sumasagot.Umiling-iling siya saka nagsimulang kumain at sadyang binagalan niya.Ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin si Thyra.Hindi na niya tinapos ang pagkain at kunot-noong nagtungo sa harapan ng kuwarto nito."Hey. Wash the dishes," utos niya habang nasa pintuan.Wala namang sumagot."May ipapagawa pa ako sa'yo. Don't sleep early," dagdag niya pa.Tahimik pa rin sa loob kaya pumasok na siya. Wala siyang nakita roon."Where are you?" Sinubukan niya ulit na tawagan ngunit napalingon siya
"I'm her boss," pagpapakilala ni Brett."I'm Nadia Natividad, Sir," nakangiting wika ni Nadia saka lumingon kay Felip."I already know Sir Brett. We've met.""What?" Hindi makapaniwalang sambit naman nito at tumingin kay Thyra."Sorry, Nads.""It's okay. At least, nakilala ko na siya," nakangiting sagot nito."Let's eat together. Thyra will not come with you if I am left alone."Nanlaki naman ang mga mata ni Thyra."S-Sumama na lang po tayo sa mga kasama niyo, Sir.""Follow me," sambit ni Brett na parang hindi siya narinig at naglakad na."Pero, Sir—""Don't you want to be with us, Thyra?" Tanong ni Felip kaya napatigil sila."Hindi sa ganoon.""Ah. You're ashamed Sir Brett will see our behavior," komento ni Nadia saka ito natawa.Hindi naman masabi ni Thyra na ayaw niyang makasama ito at makilala siya nang lubusan."I don't mind," saad ni Brett.Wala namang nagawa si Thyra kaya tumango-tango na lang siya.Nagpunta sila sa isang restaurant malapit sa dagat at pumuwesto sa garden nito.
"You know how much I hate people. I don't just give kisses, and you—"Napatigil ito at napahawak sa kaniyang ulo saka umiwas ng tingin habang nagpipigil ng inis.Hindi agad nakaimik si Thyra dahil sa nalaman niya."What? Say something." Tumingin ulit sa kaniya si Brett."S-Sir, ano...ano...wala po talaga akong maalala. Sorry po," wika niya at napalunok."P-Pero sana po ay hindi maapektuhan ang trabaho ko dahil sa nangyari, Sir," nagmamakaawang dagdag pa niya.Mariing bumuntong-hininga si Brett."Really? Your work? You think more about your work, than how I feel? I'm your boss, Thyra."Pilit na kumalma si Brett ngunit sinamaan niya si Thyra ng tingin kaya napalunok ito."I hate how picky I am with girls, and you just k*ssed me effortlessly? A French Kiss actually. And that's how you got your wound on your lips."Napahawak naman si Thyra sa kaniyang bibig at napapikit sa hiya."Now, you're shy? Pero hindi ka nahiya noong sinabi mong gusto mo akong h*likan nang ilang beses."Nanlaki nama
"N-No, Tito."Sumeryoso naman si Brett ngunit halatang may pagbabanta ang titig nito."Leave her alone.""O-Opo," mabilis na sagot ni Zane."That's why she doesn't like you, you're crazy."Hindi naman ito nakaimik. Tumabi naman si Thyra kay Brett."Go home. And don't you dare mess with Thyra again," kunot-noong sambit niya."S-Sorry, Thyra—""Leave!" Sigaw ni Brett.Agad namang umalis si Zane.Ilang minuto pa ay lumapit ang parents ni Brett sa kanila."Have you seen Zane?" Tanong ni Leandra."He already left. He's in a hurry," sagot ni Brett. Napasulyap naman si Thyra sa kaniya.Nagpaalam na sila sa isa't isa kaya umalis na rin sina Brett doon.Habang pauwi sila ay hindi pa rin umiimik si Thyra."May ginawa pa ba siyang iba sa'yo?"Napalingon naman ito kay Brett."W-Wala na po. Thank you po, Sir.""That jerk.""Sir, baka po magalit siya sa inyo," saad ni Thyra.Tumingin naman ito sa daan."I don't f*cking care. Wala rin naman akong pakialam sa kaniya. I don't recognize him as a nephew
Nagulat sina Benjamin nang si Thyra ang masampal."I-I'm sorry," wika ni Benjamin at hindi pa rin makapaniwala."Go home, Dad."Seryosong nakatingin si Brett sa kaniyang ama at mas lumapit sa tabi ni Thyra."I didn't mean to—""I said, go home," matigas na sambit ni Brett.Tumingin naman si Benjamin kay Thyra na parang nagsisisi sa nagawa niya."A-Ayos lang po ako," sabi ni Thyra at tumalikod saglit upang punasan ang luha."Stop being nice," kunot-noong saad ni Brett."Brett—""Let's talk next time, Dad."Huminga naman ito nang malalim saka umalis.Hinawakan ni Brett si Thyra sa kaniyang braso at pinaupo sa sofa."Let me check."Hinawakan niya ang pisngi nito at nakitang namumula na ang kaliwang pisngi ni Thyra.Napad*ing siya nang hawakan ni Brett ang ibaba ng kaniyang mata."I know it hurts."Hindi naman siya umimik."Why did you do that?" Tanong nito saka binitawan ang mukha ni Thyra.Ilang segundong natahimik si Thyra at tumingin sa kaniya."Natakot po akong lumala ang away niyo k
Napakunot-noo si Brett at kumuyom ang kaniyang mga palad."S-Sir, umaambon na. In case na—"Nilagpasan lang ni Brett si Nadia habang inilalahad nito ang dalawang kapote para sana sa kanila ni Thyra kapag nahanap niya.Kahit walang kasiguraduhan si Brett sa kaniyang pinupuntahan ay nagdala siya ng isang metal stick upang linisan ang kaniyang dinadaanan."I need to find her," mahinang sambit niya saka ginamit ang cellphone niyang pang-ilaw sa daan.Dumidilim na rin at mas lalong hindi siya mapakali dahil lumalakas na ang ulan.Hindi niya mapigilang isiping baka nalaman ni Anthony na maid niya si Thyra at may ginawa itong masama sa kaniya, lalo na dahil sa nangyari sa pagitan nilang dalawa."Thyra!" Paulit-ulit na sigaw niya.Ilang minuto lang ang nakalipas habang pababa siya isang masukal na daan ay may naaninag siya sa ilalim ng puno. Nakayuko at basang-basa. Napatigil si Brett at sinuri iyong mabuti.Nang masiguradong si Thyra iyon ay tumakbo siya palapit."Thyra!"Nakatakip ito sa ka
Matapos makita ni Brett ang pag-alis ni Thyra ay agad niyang inilabas ang kaniyang cellphone at may tinawagang tao."I will send footage from my CCTV. But the shot was only up to the front of the main gate. I want you to find her location, and tell me where she is," kunot-noong sambit niya.Huminga siya nang malalim at pinatay ang tawag.Agad niyang ipinasa ang kuha ng CCTV. Kita na roon ang ilang minutong pahintu-hintong paglalakad ni Thyra patungo sa main gate kaya nakaramdam ng guilt si Brett.Nahagip ng mata niya ang salamin sa loob ng kaniyang opisina at nakita ang sarili. Hinawakan niya ang pasa sa kaniyang bibig, pati na rin ang ibaba ng kaniyang mata na nakuha niya sa lakas ng sampal ni Bettina.Napapikit siya nang maalalang nasaktan niya si Thyra."I pushed her hard again."Naupo siya at pilit na nagpokus sa trabaho niya.Makalipas ang ilang oras ay nag-ring ang kaniyang cellphone. Agad niyang inilayo ang sarili sa laptop at sinagot iyon."Sir, we found her. She went to the h
Hinawakan ni Thyra ang sarili kaya bumitaw na si Anthony sa kaniya."Hey. I'll just give you your bag, you forgot it on the bench." Malalim ang boses ni Anthony na parang hinugot sa lupa.Ilang beses namang napakurap si Thyra at nahihiyang inabot ang kaniyang bag."T-Thank you po."Tumango naman ito at hindi pa rin inalis ang tingin kay Thyra."You look familiar."Ngumiti naman nang alanganin si Thyra."Hindi pa po tayo nagkakilala formally, Sir."‘Kasi hindi naman ako ipinakilala ni Sir Brett.’"Maybe I just ran into you somewhere. But..." Napakunot-noo si Anthony.Napalunok naman si Thyra."...I heard you say my name. Do you know me?""A-Ah. Sino naman pong hindi makakakilala sa inyo, Sir? Kilala po kayong tao rito sa atin," alanganing sagot niya saka ngumiti nang pilit.Tumango naman ito."Nevermind. I'll get going," paalam nito at pumunta na sa kaniyang mga kasamang bodyguard.Nakahinga naman siya nang maluwag nang wala na ito."Akala ko ay aawayin niya rin ako," bulong niya.Magl
Napakuyom ang mga palad ni Brett at hindi mapigilang mamuo ang kaniyang luha.Tumingin siya kina Thyra at marahas na binuksan ang kaniyang sasakyan saka siya bumaba."W-What did you say?" Agad niyang sambit.Nanlaki ang mga mata nina Thyra at napatakip pa si Nadia sa kaniyang bibig dahil sa pagkagulat."T-Tara na, Nads," aya ni Thyra saka bumaling kay Nadia at agad siyang tumayo."No! You stay here!" Wika ni Brett at hinawakan ang kaliwang braso ni Thyra.Napatingin naman si Thyra at marahas na binawi ang kaniyang kamay."Huwag mo akong hawakan," may diin niyang sabi.Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Nadia sa kanilang dalawa."Tell me the truth. I want you to tell me now in front of me what I heard earlier," seryosong wika ni Brett na parang nagmamakaawa.Hindi naman umimik si Thyra at nakatingin lang sa kaniya."Tell me, please," sinserong dagdag pa nito habang naluluha."Wala ka nang dapat malaman," mahinang sabi ni Thyra."But I heard you say Thrina is my daughter," saad nito.
Nakasuot ng shades si Brett habang nakatingin kay Thrina na naglalaro sa park. Kasama nito ang kaniyang lolo."Sir, may ipapagawa pa po ba kayo ngayong nahanap na natin ang bata?" Tanong ng tauhan niya habang nakaupo sila sa hindi kalayuan."Nothing. You can leave now.""Paano po kayo, Sir?""I can handle myself. I'll just talk to the kid later," sagot niya saka inayos ang kaniyang suot na facemask at shades.Tumango naman ito saka umalis doon.Biglang nag-ring ang cellphone ng lolo ni Thrina at masayang kinausap si Thyra sa tawag.Tumayo naman si Brett at hindi inalis ang paningin kay Thrina na naglalaro sa slide. Nakatalikod naman ang kaniyang lolo habang kausap ang kaniyang ina at may ilang hakbang ang layo.Maingay din ang mga batang naglalaro doon.Nang masigurado ni Brett na busy si Thyrone ay nilapitan niya si Thrina. Ang bata naman ay nag-explore sa mga swings doon."Hi!" Masiglang bati niya.Napakunot-noo naman si Thrina at nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi ito sumagot."I
Bumalik si Brett sa kaniyang sasakyan at kunot-noong nakaupo roon.Tinawagan niya ang may-ari ng mall at nagsinungaling siyang may emergency siya kaya hindi na siya matutuloy na pumunta roon.Mabilis ang tibok ng kaniyang puso at naisip na tawagan ang isa niyang tauhan."I will order something," sambit ni Brett."Find out where Thyra Haze Del Fuego is. Also find out when she gave birth, and who Felip Dela Vega was in her life," utos niya.Umiigting pa rin ang panga niya at hindi mapakali.Napapikit siya nang maalala ang mukha ng batang nakausap niya. Kanina pa nakaalis sina Felip, ngunit hindi maalis sa isipan niya ang tagpong iyon."That's why she looks like someone. But I have to be sure," mahinang wika ni Brett.Huminga siya nang malalim at umalis na ro'n. Nagtungo muna siya sa kaniyang bahay upang magpakalma."I'll just pass the 30 minutes, I've already spent 30 minutes. Sayang naman ang isang oras na overtime," nakangiting saad ni Thyra sa kanilang dining supervisor."Sige. Kailan
"Nadia, pakibantayan naman si Thrina. Kukunin ko lang 'yong mga ibang pagkain sa loob," sambit ni Thyra.Agad namang lumapit si Nadia kay Thrina at nakipaglaro sa kaniya.Nakasalubong naman niya sa loob si Felip."Nakuha ko na lahat ng food, babe," saad nito."Sige, babe. Nakapag-set up na rin naman ako."Naglabas ng panyo si Felip at pinunasan ang pawis na namumuo sa noo ni Thyra.Napangiti naman siya."Thank you, babe."Nagtungo sila sa garden ng kanilang bahay kung saan nandoon ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan.Kasama nila sa iisang bahay ang ama ni Thyra, at umuuwi naman si Felip tuwing weekends sa family house nila upang samahan ang kaniyang ina.Nakapagpundar sila ni Thyra ng sarili nilang bahay.Naabutan nilang pinapanuod ng lahat si Thrina habang sumasayaw sa gitna kasama si Nadia."Papagurin mo ang Tita Nadia mo, anak. Mahina na ang mga tuhod niyan," komento ni Felip.Natawa naman sila.Nag-make face naman si Nadia at tumigil sa pagsasayaw."Hello? You are one year ol
"A-Ano?"Hindi naalis ang paningin niya kay Felip at dahan-dahang binawi ang kaniyang kamay."F-Felip, seryoso ka ba?" Kunot-noong tanong niya.Tumango naman ito habang nakangiti."Yes, Thyra, I'm serious.""P-Pero nakakahiya. Hindi mo naman anak ang baby ko. Ayokong ipaako sa'yo ang responsibilidad bilang ama sa hindi mo naman kaanu-ano. A-At isa pa, unfair 'yon sa'yo," wika ni Thyra."Why would that be unfair to me? Kaya nga ako nagpriprisinta dahil paninindigan ko," sagot ni Felip.Umiling naman siya."P-Paano ka? Paano ang mga pangarap mo para sa sarili mo kung magkakaroon ka ng responsibilidad sa akin? Ni hindi ka pa nga nagkakaroon ng girlfriend," nahihiyang sabi niya.Tila nakuryente na naman si Thyra nang hawakan ulit ni Felip ang kaniyang kamay."I hid it for a long time. I hid it from you for several years. At ayoko nang ilihim pa ang nararamdaman ko," panimula nito.Napalunok si Thyra."Matagal na kitang mahal, Thyra. Sobrang tagal na. Mahal na mahal kita, that even if I get
Bumalik sa isipan ni Thyra ang sinabi ni Brett na gusto niyang magkaroon ng pamilya kasama siya. Ngunit hindi niya naisip na maaari siya nitong palitan dahil mahal niya ito.Sa kaniyang narinig, naisip niyang hindi na niya sasabihing buntis siya at wala na ring mababago pa. Na hindi nila kailangang malamang dinadala niya ang isang parte ng pagkatao ni Brett na isang Forteluna.Parang nawalan siya ng hangin at hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang lahat. Na buntis siya, ngunit wala na rin si Brett."Ilang buwan rin namin iyong pinag-usapan, but he only recently agreed," saad ni Leandra.Hindi naman makaimik si Thyra."Of course, dahil sikat doon ang mapapangasawa niya. Who would refuse such an influential person?" Komento ni Bettina saka tumingin kay Thyra.Napalunok naman siya nang mapansin iyon."Despite everything, he still followed what we wanted for him," wika ni Mrs. Forteluna.Hindi na alam ni Thyra ang kaniyang uunahing isipin. Ngunit alam niyang may gagawin ang mga ito kapa
Napaupo si Thyra at hindi mapigilan ang nararamdaman.Tumulo ang kaniyang luha at napatakip sa kaniyang bibig habang nanginginig siya.Naupo si Nadia sa kaniyang tabi at hinaplos ang kaniyang likod."H-Hindi. P-Paano... Paano ko sasabihin kay Brett? Hiniwalayan niya na a-ako," umiiyak na sambit ni Thyra."Tell him. Alam kong marami ka pang pangarap, pero nandiyan na. You can't change it, and I hope you don't do anything bad to have your baby taken away from you," malumanay na wika ni Nadia.Napatingin naman si Thyra sa kaniya."N-Natatakot ako. Paano kung hindi ko kaya? Paano kung hindi ako magiging mabuting ina?"Umiling naman ito."Sa pagkakakilala namin sa'yo, kaya mo 'yan. We know it's early, but you can probably raise a child.""Nasa legal age naman na ako, p-pero natatakot pa rin ako."Niyakap siya ni Nadia."Kailangan mong sabihin kay Sir Brett. May karapatan pa rin siyang malaman. And I hope your baby will be the way for your relationship to be good again."Hindi naman nakaimi
Tila nanlambot ang buong katawan ni Thyra at hindi alam kung paano titingin kay Brett nang hindi umiiyak."B-Baka puwede pa nating pag-usapan? Sinabi kasi ni Laureen—""No. Please. Umalis ka na, Thyra," tila nagpipigil ng galit na sambit ni Brett.Umiling-iling naman si Thyra saka lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay nito."Please, B-Brett? B-Baka... Baka kapag nalaman mo ang lahat ay maiintindihan mo ako," saad niya. Halos magmakaawa na siya.Umiling ito saka binawi ang kaniyang kamay at hindi makatingin kay Thyra."I know you are hurting, at nasasaktan din ako. Kaya please, leave now," mahinang wika ni Brett."P-Pero, love—""Huwag kang mawalan ng respeto para sa sarili mo," sabi ni Brett saka tumingin sa kaniya.Napalunok naman siya at mas lalong naiyak."B-Babalikan mo naman ako, 'di ba?"Napalunok si Brett at hindi sumagot.Ilang segundo siyang nakatingin kay Brett saka siya tumango.Hindi na siya nagsalita pa saka siya tumalikod. Bawat hakbang niya ay siyang lalong lumalakas
Habang kumakain sina Felip kasama ang kaniyang mga kaibigan at ang ama ni Thyra ay hindi niya mapigilang tignan sila isa-isa."Salamat sa pagsama niyo sa amin ni Mommy. Alam kong magiging maayos din kami, hindi pa sa ngayon, pero balang araw," wika ni Felip saka siya ngumiti.Napangiti naman sila."Ang pamilya mo rin ang naging sandalan namin ni Papa kasi kami na lang dalawa. Kaya hindi rin namin kayo iiwan," saad ni Thyra saka hinawakan ang kamay ni Felip sa ilalim ng lamesa."Oo nga, hijo. Alam mo, puwede mo pa rin naman akong maging tatay," sabi naman ng ama ni Thyra."Oo nga. Tsaka binibiro mo nga si Thyra na ikaw ang manugang ni Tito," pang-aasar ni Nadia. Pinandilatan naman siya ni Felip.Natawa na lang sina Thyra."Thank you for coming. We are happy and our house is open for you all," komento naman ng ina ni Felip."Ano na po ang plano niyo, Tita?" Tanong naman ni Thyra saka binitawan ang kamay ni Felip."Babalik na ako sa opisina bukas. So that I can see what is happening ther