Naramdaman ni Thyra na sunod-sunod ang pagpatak ng kaniyang pawis at hindi makagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Humigpit ang hawak niya sa baywang ni Felip kaya napansin nitong kinakabahan siya.Alanganin man ay ngumiti na lang siya.Napatingin si Thyra kay Felip nang mas higpitan din nito ang pagkakaakbay sa kaniya."Do you know Miss Del Fuego, Sir?" Tanong ng dean nila kay Brett.Nakatingin pa rin si Brett kay Thyra ngunit seryoso na ito at napasulyap din kay Felip."Ah. Yeah, I know her."Napalunok naman si Thyra.Ngumiti si Brett at bumaling kay dean."I know her because she is one of the best in their course. I was actually thinking that maybe we will absorb students like her in our businesses," dagdag nito.Tumango-tango naman sila."Oo nga po pala, because there are also restaurants and hotels owned by your family, Sir," komento naman ng kanilang dean.Nakahinga naman nang maluwag si Thyra saka tumango kay Felip nang tapikin siya nito sa balikat."Okay lang ako," bulong niya. Tu
Ilang segundong nakatingin sa kaniya si Anthony at napakunot-noo ito na parang iniisip na nakita niya na dati si Thyra."Sir, maybe you want to say something to these students," saad ng HR manager.Inalis naman nito ang paningin mula kay Thyra."It's okay if you make a mistake here, there's a room for improvement. The important thing is that you learn from it. Just don't mix your bad attitude with being professional. I don't like people who are told over and over but still don't learn," pangaral niya.Tumango-tango naman ang mga estudyante.Hindi naman makapag-concentrate si Thyra sa sinasabi nito.‘Muntik ka nang maging kr*minal kanina, pero may guts ka pang mangaral dito.’"Kung may kailangan kayo, just tell me. I am ready to help you," nakangiting dagdag ni Anthony.May mga sinabi pa ang HR manager bago ibinigay ang schedule nila."Okay ka lang?" Tanong ni Felip nang mapansin niyang nakakunot-noo si Thyra habang binabasa ang handout na ibinigay ng hotel."Ang akala ko ay iba ang ma
Malakas ang lalakeng humatak sa kaniya paalis doon at ibinalik siya sa harapan ng hotel.Nang inalis nito ang pagkakahawak sa kaniya ay agad siyang lumingon.Habol-hininga siyang tumingin kay Felip."Are you okay?" Tanong nito.Tumango naman siya."Bumalik tayo ro'n. Baka kung ano pa ang gawin ni Sir Anthony kay Zane," kabadong sambit niya."Let him. Para wala na siyang gawing masama sa'yo," sagot ni Felip.Hindi naman siya nakaimik."I will call a taxi to take you home. Huwag na huwag ka na ulit sasama kay Zane."Tumango naman siya."Thank you.""Text me kapag nakauwi ka. I'll make a way para hindi ka na mag-isa sa duty mo," saad ni Felip saka hinawakan ang kaniyang braso habang naghihintay ng taxi.Napatingin si Thyra na kinakabahan pa rin."I'm here, okay?" Paalala ni Felip at hinawakan nito ang kaniyang ulo."Salamat."Nang makauwi ay tulala pa rin si Thyra habang nagluluto ng dinner."Kanina pa kita tinatawag."Nahulog ni Thyra ang hawak niyang pamunas sa countertop nang lumapit
"What are you doing to her?"Kumuyom ang mga palad ni Brett habang papalapit sa kanilang dalawa.Napakunot-noo naman si Anthony at tumingin kay Thyra, na hindi naman makapagsalita dahil sa kaba."What the hell are you talking about?" Sambit nito.Lumapit si Brett kaya agad na pumagitna si Thyra sa kanilang dalawa."Thyra, what's the meaning of this?" Baling ni Anthony sa kaniya."K-Kasi, Sir—""What are you planning, huh?" Sabat ni Brett. Iniharang naman ni Thyra ang kaniyang kaliwang kamay sa harapan ni Brett habang nakatingala sa kanilang dalawa."What? What are you saying?" Walang kaalam-alam na tanong ni Anthony."Kumalma po kayo, Sir," awat ni Thyra kay Brett at bahagyang itinulak ito para makalayo nang kaunti kay Anthony."Sir?" Takang tanong ni Anthony.Napalunok si Thyra."I'm...I'm his maid po.""She's my friend," dagdag naman ni Brett."That's why you look familiar. You already know me?""Hindi naman po gaano—""Stay away from her," pagbabanta ni Brett at dinuro pa ito."Thy
Pilit na hinatak ni Thyra ang kaniyang kamay ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Zane sa kaniya. Ang isang kamay nito ay marahas na hinahatak ang pang-itaas ni Thyra kaya ito napunit.Nagtagumpay siyang ipasok si Thyra sa loob.Itinulak siya nito sa isang sofa kaya mas lalo siyang nanghina."I told you several times not to be too hard on me. You pushed me to do this to you," sambit ni Zane habang nakahiga si Thyra at pilit niyang pinupunit ang damit nito.Nagpupumiglas naman si Thyra habang tinatakpan ang kaniyang hinaharap."Huwag ka nang pumalag—Arghh!"Nang makatyempo si Thyra ay tinadyakan niya ang a*i ni Zane. Sa lakas ng pagkakatadyak niya ay napahiga ito sa sahig habang hawak ang kaniyang a*i at dumad*ing sa sakit.Nagmadali siyang lumabas mula roon at inayos ang kaniyang sarili.Iika-ika siyang tumakbo sa kalsada at sakto namang may dumaang taxi roon.Pinara niya iyon at agad na sumakay.Habang pauwi siya ay hindi pa rin niya mapigilan ang panginginig at ang pagtulo ng kaniyan
Nagmadaling nagpunta si Brett sa hotel upang masigurado ang kaligtasan ni Thyra mula kay Zane.Tama ang hinala niyang hindi siya titigilan nito.Sinadya niyang mag-parking malapit sa hotel at saktong nakita niyang tumatakbo si Thyra habang hinahabol ni Zane. Nakita niya kung paano nito saktan si Thyra, ngunit nakita niyang lumaban ito kaya nagmadali siyang bumalik sa kaniyang sasakyan at huminto sa harap ng hotel saka sumakay si Thyra.Nang makauwi sila ay tahimik na naman si Thyra. Pumasok siya sa kaniyang opisina matapos silang kumain at tinawagan ang numero ng kaniyang tao."Do it now. Make sure it's clean and no one will know that I did what happened to him," sambit niya.Huminga siya nang malalim saka pinatay ang tawag at nanatili pa rin doon upang mag-isip.Kinabukasan ay inihatid niya ulit si Thyra sa hotel."Call me when something happens. I hope Zane doesn't bother you anymore," wika niya habang nasa harap sila ng hotel."Salamat, Sir. Mag-ingat din po kayo. Sana ay maging ma
Dumating sina Anthony at Thyra kaya nagtaka si Brett kung bakit nandoon silang dalawa."Tara na, Sir. Mamaya ka na magtanong," natatarantang sambit ni Thyra saka siya tinulungang tumayo.Habang papalapit ang silver na sasakyan ay nagmadaling pumasok sina Brett sa sasakyan ni Anthony at umalis na roon.Agad na tinawagan ni Brett ang mga tao niya upang balikan ang kaniyang naiwang sasakyan at inutusan silang hanapin ang muntik nang sumagasa sa kaniya.Nang makauwi sila ay pinainom agad siya ni Thyra ng tubig saka sila naupo sa sofa sa sala."First, why are they chasing you?" Tanong ni Anthony. Nakaupo ito sa harap ni Brett, habang si Thyra ay nakaupo sa gitnang upuan."I don't have any idea. I will order someone to investigate what happened. I must know who is the person behind it," sagot ni Brett habang nakakunot-noo at nakatingin sa kaniyang mga kamay."By the way, the car that chased you looks familiar. I've seen it before," sabi ni Anthony.Nag-angat ng paningin si Brett at mas lalo
Hindi napigilan ni Thyra ang sarili at sinagot ang halik nito sa kaniya. Mas lalo namang idiniin ni Brett ang kaniyang sarili sa kaniya. Napalunok si Thyra nang maramdamang nagiging mapus*k na ito.Napadilat siya nang matauhan siya sa ginagawa nila.Agad niyang inilayo ang kaniyang sarili at sinampal si Brett.Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang nabigla ito sa ginawa niya at napahawak sa kaniyang kaliwang pisngi."S-Sorry.""Why did you slap me?" Tanong nito at napapikit sa hapdi ng kaniyang pisngi.Lumayo naman nang kaunti si Thyra."L-Lasing ka."Napakunot-noo si Brett."What? I'm completely sober."Umiling naman siya na parang hindi naniniwala.Nanlaki ang mga mata niya nang ilapit ulit nito ang kaniyang sarili upang halikan ulit si Thyra. Agad siyang umatras."I'm sorry. I shouldn't have—""Huwag na. Hindi na tama 'to, Sir," pagpipigil ni Thyra saka siya tumayo.Napalunok si Brett at napahawak sa kaniyang ulo na parang bumalik na sa kaniyang huwisyo."K-Kung nagpapasalamat