Tumayo si Brett at dahan-dahan namang naglakad si Thyra palapit sa kanila at hindi alam kung ano'ng magiging reaksyon."Thyra, this is Laureen. She used to be Clarisse's friend. Laureen, she's Thyra—""She's your?"Tumayo rin si Laureen at mas lalong dumikit kay Brett.Nag-alangan namang sumagot si Brett."His maid po," sagot ni Thyra saka siya nameke ng ngiti. Napatingin naman sa kaniya si Brett ngunit umiwas siya."Her parents are businessmen, so you might know her," saad ni Brett."Hindi pa po, Sir Brett."Napatigil ito nang banggitin ni Thyra ang pangalan niya."It's okay. You will know me, too. Maybe you will see me here almost everyday," sabi ni Laureen saka siya ngumiti.Napalingon agad si Brett sa kaniya.Tumango-tango naman si Thyra.Naupo ulit si Laureen at tumingin sa kaniyang relo. Nagtama naman ang paningin nina Thyra at Brett saka ito naupo."Yaya, bring us food," utos ni Laureen.Napatingin si Brett kay Laureen."She's—""Wait lang po, Ma'am," paalam ni Thyra saka umali
Mas lalo naman siyang naguluhan."I know the plans of girls like you. It's just you and Brett here at his house, I know you have a bad plan for him," mataray na sambit nitoNgumiti naman si Thyra."Ma'am, nagtatrabaho lang po ako nang maayos—""I don't care. Many women approached him because of his money, so I know you are the same as them."Tinignan pa siya nito na parang nandidiri.‘Patay na patay siguro 'to kay dragon.’Hindi na lang siya sumagot at ngumiti na lang.Napa-roll eyes si Thyra nang dumating si Brett at agad na nagbago ang ekspresyon ni Laureen at lumapit sa kaniya.Nagbeso sila at nagpaalam sa isa't isa bago ito umalis.Pumasok na si Thyra sa loob upang magpahinga dahil maaga siya kinabukasan.Bago pa man siya makapasok sa kaniyang kuwarto ay narinig niyang nagmamadaling lumapit sa kaniya si Brett kaya binilisan niyang maglakad."Wait," sambit nito at pinigilan ang pagsara niya ng pintuan."Bakit, Sir?" Tanong niya saka sumilip at hindi na ito pinapasok."I'm sorry if
Iniharang ni Thyra ang kaniyang sarili kay Felip habang pinipigilang pumatak ang luha."P-Please, tama na."Hindi naman nagbago ang tingin ni Brett kay Felip."Oh my gosh!" Bulalas ni Nadia nang umalis si Felip sa likod ni Thyra at nilapitan si Brett.Nagsuntukan ang dalawa kaya napatili si Thyra. Duguan na rin ang bibig ni Felip.Dahil sa ingay ay lumapit ang mga guwardiya nina Felip at pinaglayo silang dalawa."Who do you think you are?" Pigil-galit na sambit ni Brett habang itinuturo si Felip.Hindi naman sumagot si Felip at ngumiti na parang nang-aasar.Umiiyak naman si Thyra sa tabi at nilapitan si Felip upang punasan ang bibig nito.Agad namang kumalma si Felip."P-Please, tama na.""Naiinis lang ako sa kaniya—""Kahit na. Birthday mo 'to, tapos masisira lang dahil sa pag-aaway niyo?" Kunot-noong wika ni Thyra saka pinunasan ang luha."Thyra, let's go home."Lumingon agad siya kay Brett."Humingi ka ng tawad."Napakunot-noo naman ito. Hawak pa rin siya ng dalawang guwardiya."Wh
Hindi napansin ni Anthony ang papalapit na si Brett dahil sa ibang direksyon siya nakatingin."Sir, baka ready na po ang food," palusot ni Thyra saka lumapit kay Anthony."You're right. Let's go back there," saad naman nito.Nauna na itong naglakad at sumunod naman si Thyra sa kaniya.Sumulyap siya sa gawi ni Brett at nakitang huminto na ito sa paglalakad palapit sa kanila.Nakahinga naman siya nang maluwag."I'll just take you to Brett's house later after we eat," pagpriprisinta ni Anthony saka naupo."Hindi na po. Marami pa naman pong masasakyan. Tsaka baka marami po kayong ginagawa," nakangiting sabi niya.Nagsimula na silang kumain at napag-usapan ang tungkol sa training niya sa hotel. Nagtanong na rin siya tungkol sa mga hindi niya alam."By the way, has Brett told you our plan? Because you're friends, right?"Napatigil naman si Thyra sa pagkain.Hindi niya alam kung ano ang una niyang sasagutin, dahil malabo na ang ikalawa."A-Ano pong plano?""About our investigation about his
Lumingon ang lalake at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita si Brett. Masama ang tingin nito sa kaniya.Mabilis na hinawakan ni Brett ang kuwelyo ng lalake at inilapit sa kaniya kaya natakot ito. Nabitawan naman niya si Thyra."What do you intend to do with her?" Matalim ang tingin nito habang nakatitig sa mga mata ng lalake. Mas matangkad si Brett kaysa sa lalakeng iyon at hindi hamak na mas malaki ang kaniyang pangangatawan."W-Wala po, Sir," kabadong sagot niya."Then leave!" Saad ni Brett saka ito marahas na itinulak.Napaupo ito sa sahig ngunit agad siyang tumayo at umalis doon.Hindi naman agad maka-react si Nadia sa nasaksihan.Umayos ng tayo si Thyra at bumaling kay Nadia."Doon na tayo sa baba," aya niya."B-But—""Nadia, sumama ka na lang," pamumutol ni Thyra sa sasabihin niya at hinawakan ang kamay nito."Thyra," tawag ni Brett sa kaniya nang lagpasan siya nito kasunod ang kaniyang kaibigan.Nahihiya naman si Nadia na tumingin kay Brett.Bumaba sila at nakihalo sa mga
Nagsilapitan ang mga empleyado roon at walang takot na inalalayan si Thyra palayo kay Laureen."Why are you keeping her away from me? I'm not done with that girl!"Sumulyap lang sa kaniya si Thyra habang naglalakad palayo roon.Napalunok siya at pilit na pinatibay ang kaniyang mga paa."What the hell are you doing, Laureen?"Napatigil si Laureen nang dumating si Anthony. Nagsialisan na ang ibang mga guests at tanging si Laureen at ang kasama na lang nito ang naiwan.Pinaupo naman nila si Thyra sa likod ng counter at tinanong kung okay lang ito."A-Ayos lang po ako, wala naman po siyang ginawa sa akin," sagot niya.Kunot-noo naman silang napatingin kay Laureen."Why are you interfering, Anthony? Don't tell me you're—""I don't know if you are in your right mind. You're humiliating one of the best trainees here in our hotel in front of a many people?" Nakakunot-noo si Anthony at hinawakan pa nito ang braso ni Laureen."I don't care—""You don't care, but I do. Her boss does. Let's see w
"I-Itigil mo na 'to, Zane. Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to?" Lumuluhang tanong ni Thyra habang nakahawak sa kaniyang upuan dahil sa bilis ng pagmamaneho nito."I just want you to love me. Why can't you do it?" Hinampas ni Zane ang steering wheel.Nabigla si Thyra nang makitang naluluha ito."Hindi kita mamahalin kung ganito ka sa akin. Napakaraming paraan para maipakita mong mahal mo ako. Bakit ganito?"Naghalo ang kaba, takot, at awa sa puso niya sa sitwasyon niya."I've done everything. From the very beginning, I did everything to get you to notice me," saad nito.Hindi naman maalis ni Thyra ang paningin sa kaniya."I threatened your competitor before for being the representative of our section. Marami akong ginawa. I talked to our teacher before to give you a special exam when you were absent," dagdag ni Zane habang nagmamaneho ngunit umiiyak."B-Bakit mo ginawa 'yon?""Dahil alam kong achiever ka. I have done many things that you do not know. I thought you would acknowledge my ef
Hindi kumibo si Thyra."Alam kong nahihirapan ka, and I respect that. I hope what Zane did to you doesn't affect us both. Nagiging maayos na ang relasyon natin, eh," wika ni Brett at halos magsalubong na ang mga kilay niya."Bakit, Sir? Katulong mo lang naman ako, ah. At hindi mo maiaalis sa aking mahiya sa inyo kasi pamangkin mo si Zane."Napalunok pa si Thyra upang pigilan ang kaniyang luha."No. Don't. I was trying everything para protektahan ka," parang nagmamakaawang sambit ni Brett."Protektahan? Ni hindi mo nga—"Hindi na itinuloy pa ni Thyra ang sasabihin tungkol sa ginawa ni Laureen dahil alam niyang magagalit ito."You are important to me, Thyra. Ang dami mong itinuro sa akin. Tapos biglang ganito? I'm confused."Umiwas naman ng tingin si Thyra."Papasok na po ako," paalam niya."Susunduin kita mamaya," sabi ni Brett."Hindi na po. Alam ko naman pong marami kayong ginagawa sa office.""I'll make time for you.""Bakit?" Tanong ni Thyra saka tumingin sa kaniya."B-Because you'