"What? No. Why would I do that to her? She's so pure, I can't hurt her just for my family," sagot ni Brett.Napahawak naman si Thyra sa kaniyang dibdib at naramdamang mabilis ang tibok ng kaniyang puso."That's good. Thyra is one of the nicest people I have ever met. If you only knew how much the people at the hotel loved her," komento ni Anthony.Tumango naman si Brett saka tumingin sa iniinom niya."I know. That's why it's a good thing Zane isn't there anymore. No one will pester her anymore.""Not really. There's one more you probably don't know," saad naman ni Anthony.Napatigil si Brett at tumingin sa kaniya."What else am I missing?" Kunot-noong tanong niya."The day Zane kidnapped Thyra, Laureen went to the hotel."Napakunot-noo si Brett."What? What did she do to Thyra?"Bumuntong-hininga si Anthony saka uminom ng alak."She says Thyra is a gold digger, because she works for you. That she's a user. If you only knew how much I felt sorry for Thyra. I want to hurt Laureen that da
"P-Po?""Because if you disappear, what will I do if I'm alone here at home?" Wika ni Brett.Bigla namang nagbago ang ekspresyon ni Thyra at idiniin ang ice pack sa bibig nito."Ouch!"Nagulat naman siya at inilayo ito sa kaniya."S-Sorry.""It's okay. Kumain na tayo. I'm starving. I didn't eat lunch earlier."Tumayo na si Brett at may inilabas sa refrigerator na nakalagay sa microwavable container."Bakit hindi po kayo kumain?"Lumapit na rin si Thyra at tinulungan siya nitong iinit ang mga pagkain."Wala akong ganang kumain. And you probably had a good lunch because you were with Felip," sagot ni Brett saka humarap sa kaniya."Oo naman po. Inaalagaan niya ako nang maayos," sarkastikong sambit ni Thyra.Natawa naman si Brett."But when I'm at the hotel, you don't even want to see me.""Alam mo, Sir, para kang batang nawawalan ng ina kapag nagtatampo," komento ni Thyra saka uminom ng tubig."Of course. You're my Mommy," sagot ni Brett.Nasamid naman si Thyra sa kaniyang iniinom kaya a
Nagulat si Thyra sa tanong ni Bettina at hindi naman nito inalis ang tingin sa kaniya na parang sinusuri kung magsasabi siya ng totoo."H-Hindi po," sagot niya. Hindi mapakali ang mga daliri niya kaya hinawakan na lang ang kaniyang bag.Ilang segundo itong hindi kumibo saka tumango-tango."And why?""Po?""Why don't you like Brett?" Tanong ni Bettina."K-Kasi po boss ko siya, Ma'am. Tsaka hindi naman po kami magka-level. Tsaka mataas po ang standards niya. Baka kung hindi po niya ako katulong, hindi rin po niya gugustuhin ang tulad ko."Napalunok siya dahil sa kaba."It doesn't matter if you're not on the same level. By the way, I found out that you two are friends now," sambit nito saka ibinaba ang baso sa lamesa at tumingin ulit sa kaniya saka umayos sa pagkakaupo."Opo. D-Dahil na rin po sa mga nangyari."Pinanatili niya ang kaniyang tayo upang hindi nito mahalatang kinakabahan siya."For Brett's safety, avoid mentioning his name outside. A lot of people like him, and also hate him
"Is that how you really think of me? That because I'm like this, I'm too picky and I don't want people like you?" Tanong ni Brett."A-Ano... Nasabi ko lang naman ang observation ko sa inyo. Wala namang masama sa sinabi ko," sagot ni Thyra.Tumango-tango naman ito."What if I ask you now what she asked? Why don't you like me?"Napatitig naman siya kay Brett. Seryoso ito kaya napaiwas siya ng tingin.‘Bakit ba nasa hot seat ako?’"A-Ano ka ba? Bakit ba ang seryoso natin ngayon?" Pilit siyang tumawa, ngunit seryoso pa rin ito."Anyway it's not important," saad ni Brett kaya napatingin siya."Hindi importante ang ano?" Tanong ni Thyra."Whether you like me or not," sagot naman nito saka siya tumayo.Hindi naman maipaliwanag ni Thyra ang kaniyang nararamdaman saka siya nameke ng ngiti kahit hindi niya alam ang ibig sabihin nito.Kinabukasan ay maagang nagpunta sina Brett at Thyra sa kanilang bahay."This is your house?" Tanong ni Brett nang huminto sila sa tapat ng isang bahay na walang ba
Alanganin siyang naupo sa harap nito at napalunok nang makitang seryoso si Benjamin."How's Brett? I found out that he and Bettina had a fight yesterday. Didn't my son say anything to you?" Tanong nito."Wala naman po siyang nasasabi, Sir. Mukhang maayos naman po siya."Tumango-tango naman ito."I know he is doing his best for his business. Maybe he wants to distance himself from us," wika nito."Parang maayos na nga po ang relasyon niyo sa kaniya, Sir," nakangiting saad ni Thyra."It's not about that. He's doing everything to keep himself out of our plans for him," sagot ni Benjamin.‘About siguro sa pagkakaroon nila ng apo.’Huminga nang malalim ang ama ni Brett saka ulit uminom ng tubig."What are you guys talking about?"Napalingon sila nang makitang bumababa sa hagdan si Brett."Nothing. I was just saying hello to Thyra," pagsisinungaling ni Benjamin.Ngumiti naman si Thyra."Okay. I'll leave you two there for now. I'll just get something for us to eat," paalam ni Brett saka siya
"Can't she wait?" Tanong ng lalakeng naka-side view at nakakunot-noong nakaharap sa kaniyang laptop. May awtoridad at mababa ang boses nito.‘Si Sir Brett nga talaga ito.’Huminga nang malalim si Thyra.Katabi nito ang ina ni Brett na si Leandra habang nakatayo sa balcony ng office nito."I'll just tour her around then," wika naman ng Mommy ni Brett. Hindi naman siya umimik.Umalis na roon sina Thyra at ipinakita ni Leandra ang mga parte ng bahay ni Brett. "Here's your room," sambit ni Leandra. Pumasok sila sa isang maluwag na kuwarto at kulay krema ang pintura nito sa loob. Mayroon din iyong balcony kung saan makikita ang pool sa ibaba at ang malawak na garden.Ibinaba ni Thyra ang kaniyang gamit bago sila lumabas doon."You should be quiet when walking here sa hallway. Iisang room lang ang pagitan ng room niyo ni Brett. Heto ang room niya," turo ni Leandra sa isang malaking pintuan. Nasa pinakaunahan iyon, at nasa dulo naman ang kuwarto ni Thyra."Yes, Ma'am."Tumango-tango naman s
"F*ck this life!"Napalunok si Thyra nang makitang nagkalat ang mga sirang gamit sa loob ng kusina at may sugat na rin ang mga kamay ni Brett. Wala itong kasama sa loob.Nang makita niyang napayuko si Brett ay agad niya ring isinara ang pintuan.Hinayaan niyang ilabas nito ang nararamdaman niya saka siya bumalik sa kaniyang kuwarto.Bumuntong-hininga si Thyra saka siya natulog.Alas-singko ng madaling-araw ay nagising siya kaya dahan-dahan siyang lumabas upang tignan kung tulog na si Brett.Bumaba siya at nakitang wala na ito sa kusina. Tumayo siya sa pintuan at pinagmasdan ang kalat na iniwan ni Brett."Leon nga talaga," wika niya saka huminga nang malalim at nagsimulang linisin ang mga nandoon.Habang naglilinis ay naalala niya ang sinabi ng kaniyang ama na kailangan ni Brett ng uunawa sa kaniya.Nang matapos siya ay nakita niyang malapit nang mag-alas-siyete ng umaga.Naupo muna siya at itinungo ang ulo sa lamesa saka pumikit.Pupungay-pungay ang mga mata niya nang marinig ang yab
"Sir!"Niyugyog ni Thyra si Brett at ipinatong ang ulo nito sa kaniyang mga hita. Naramdaman niyang mainit ito."Nilalagnat ka na rin," mahinang sambit ni Thyra.Unti-unting nagmulat ng mga mata si Brett at hindi maipaliwanag ang istura nito dahil sa sakit ng ulo.Napatingin ito kay Thyra kaya napalunok naman ito."Tumayo na po kayo," saad niya saka siya inalalayan."Bakit kasi alak ang iniinom mo, Sir? Bakit hindi gamot?" Dagdag niya pa saka ipinatong ang kaliwang braso nito sa kaniyang balikat.Natahimik din agad siya nang mapansin niyang seryoso si Brett habang tumatayo.Ilang minuto silang umakyat sa hagdanan dahil malaki ang katawan ni Brett.Tinulungan siya ni Thyra na ihiga sa kaniyang kama nang makapasok sila."S-Sir, kung may kailangan po kayo, puwede niyo po akong tawagan," turo ni Thyra sa telepono.Bahagya naman itong tumango at kinumutan siya ni Thyra.Kinuha niya ang oras na iyon para lagyan ng bandaid ang mga sugat ni Brett sa kaniyang mga daliri.Hindi naman ito umimik