"Is that how you really think of me? That because I'm like this, I'm too picky and I don't want people like you?" Tanong ni Brett."A-Ano... Nasabi ko lang naman ang observation ko sa inyo. Wala namang masama sa sinabi ko," sagot ni Thyra.Tumango-tango naman ito."What if I ask you now what she asked? Why don't you like me?"Napatitig naman siya kay Brett. Seryoso ito kaya napaiwas siya ng tingin.‘Bakit ba nasa hot seat ako?’"A-Ano ka ba? Bakit ba ang seryoso natin ngayon?" Pilit siyang tumawa, ngunit seryoso pa rin ito."Anyway it's not important," saad ni Brett kaya napatingin siya."Hindi importante ang ano?" Tanong ni Thyra."Whether you like me or not," sagot naman nito saka siya tumayo.Hindi naman maipaliwanag ni Thyra ang kaniyang nararamdaman saka siya nameke ng ngiti kahit hindi niya alam ang ibig sabihin nito.Kinabukasan ay maagang nagpunta sina Brett at Thyra sa kanilang bahay."This is your house?" Tanong ni Brett nang huminto sila sa tapat ng isang bahay na walang ba
Alanganin siyang naupo sa harap nito at napalunok nang makitang seryoso si Benjamin."How's Brett? I found out that he and Bettina had a fight yesterday. Didn't my son say anything to you?" Tanong nito."Wala naman po siyang nasasabi, Sir. Mukhang maayos naman po siya."Tumango-tango naman ito."I know he is doing his best for his business. Maybe he wants to distance himself from us," wika nito."Parang maayos na nga po ang relasyon niyo sa kaniya, Sir," nakangiting saad ni Thyra."It's not about that. He's doing everything to keep himself out of our plans for him," sagot ni Benjamin.‘About siguro sa pagkakaroon nila ng apo.’Huminga nang malalim ang ama ni Brett saka ulit uminom ng tubig."What are you guys talking about?"Napalingon sila nang makitang bumababa sa hagdan si Brett."Nothing. I was just saying hello to Thyra," pagsisinungaling ni Benjamin.Ngumiti naman si Thyra."Okay. I'll leave you two there for now. I'll just get something for us to eat," paalam ni Brett saka siya
"Can't she wait?" Tanong ng lalakeng naka-side view at nakakunot-noong nakaharap sa kaniyang laptop. May awtoridad at mababa ang boses nito.‘Si Sir Brett nga talaga ito.’Huminga nang malalim si Thyra.Katabi nito ang ina ni Brett na si Leandra habang nakatayo sa balcony ng office nito."I'll just tour her around then," wika naman ng Mommy ni Brett. Hindi naman siya umimik.Umalis na roon sina Thyra at ipinakita ni Leandra ang mga parte ng bahay ni Brett. "Here's your room," sambit ni Leandra. Pumasok sila sa isang maluwag na kuwarto at kulay krema ang pintura nito sa loob. Mayroon din iyong balcony kung saan makikita ang pool sa ibaba at ang malawak na garden.Ibinaba ni Thyra ang kaniyang gamit bago sila lumabas doon."You should be quiet when walking here sa hallway. Iisang room lang ang pagitan ng room niyo ni Brett. Heto ang room niya," turo ni Leandra sa isang malaking pintuan. Nasa pinakaunahan iyon, at nasa dulo naman ang kuwarto ni Thyra."Yes, Ma'am."Tumango-tango naman s
"F*ck this life!"Napalunok si Thyra nang makitang nagkalat ang mga sirang gamit sa loob ng kusina at may sugat na rin ang mga kamay ni Brett. Wala itong kasama sa loob.Nang makita niyang napayuko si Brett ay agad niya ring isinara ang pintuan.Hinayaan niyang ilabas nito ang nararamdaman niya saka siya bumalik sa kaniyang kuwarto.Bumuntong-hininga si Thyra saka siya natulog.Alas-singko ng madaling-araw ay nagising siya kaya dahan-dahan siyang lumabas upang tignan kung tulog na si Brett.Bumaba siya at nakitang wala na ito sa kusina. Tumayo siya sa pintuan at pinagmasdan ang kalat na iniwan ni Brett."Leon nga talaga," wika niya saka huminga nang malalim at nagsimulang linisin ang mga nandoon.Habang naglilinis ay naalala niya ang sinabi ng kaniyang ama na kailangan ni Brett ng uunawa sa kaniya.Nang matapos siya ay nakita niyang malapit nang mag-alas-siyete ng umaga.Naupo muna siya at itinungo ang ulo sa lamesa saka pumikit.Pupungay-pungay ang mga mata niya nang marinig ang yab
"Sir!"Niyugyog ni Thyra si Brett at ipinatong ang ulo nito sa kaniyang mga hita. Naramdaman niyang mainit ito."Nilalagnat ka na rin," mahinang sambit ni Thyra.Unti-unting nagmulat ng mga mata si Brett at hindi maipaliwanag ang istura nito dahil sa sakit ng ulo.Napatingin ito kay Thyra kaya napalunok naman ito."Tumayo na po kayo," saad niya saka siya inalalayan."Bakit kasi alak ang iniinom mo, Sir? Bakit hindi gamot?" Dagdag niya pa saka ipinatong ang kaliwang braso nito sa kaniyang balikat.Natahimik din agad siya nang mapansin niyang seryoso si Brett habang tumatayo.Ilang minuto silang umakyat sa hagdanan dahil malaki ang katawan ni Brett.Tinulungan siya ni Thyra na ihiga sa kaniyang kama nang makapasok sila."S-Sir, kung may kailangan po kayo, puwede niyo po akong tawagan," turo ni Thyra sa telepono.Bahagya naman itong tumango at kinumutan siya ni Thyra.Kinuha niya ang oras na iyon para lagyan ng bandaid ang mga sugat ni Brett sa kaniyang mga daliri.Hindi naman ito umimik
Napakunot-noo si Thyra habang iminumulat ang kaniyang mga mata at napahawak sa kaniyang ulo.Ilang beses siyang napapikit at inalala ang nangyari.Nagbitaw siya ng masamang salita at pinilit na maupo."Lintik lang ang walang ganti. Babasagin ko rin—"Natahimik siya nang makita si Brett na nakatayo sa kanang bahagi ng kaniyang kama.Umubo-ubo siya at hindi makatingin sa kaniyang amo."N-Nahuli niyo po ba ang mga hold-uppers, Sir?""Yeah. They are in jail," sagot ni Brett habang nakakrus ang mga braso.Napakagat naman si Thyra sa loob ng kaniyang bibig."Ang sakit ng ulo ko.""The doctor said, you need to rest. You're safe, pero kailangan mo pa rin mag-take ng medicine," saad ni Brett saka naupo sa sofa.Tumingin naman si Thyra sa kaniya."Sige po. Wala naman pong epekto sa utak ko 'yong pagkakapalo ko?""Fortunately, wala naman, sabi ng doctor. Makakaranas ka lang ng sakit sa ulo."Napabuntong-hininga naman si Thyra saka umiwas ng tingin.Napakagat siya sa ibaba ng kaniyang labi at nai
Nagulat si Thyra sa paggalaw ni Brett kaya lakas-loob niyang itinulak ito.Pupungay-pungay naman ang mga mata nitong napaupo saka siya dahan-dahang tumayo. Nanginginig naman ang mga kamay at tuhod ni Thyra habang tumatayo.Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang tumingin si Brett sa kaniya kaya napaatras siya."Your head, napalo kahapon," lasing na sambit nito.Napalunok naman si Thyra."I need to sleep," mahinang wika ni Brett saka tumalikod at umalis na sa harapan niya.Nakatayo pa rin doon si Thyra at nakatingin sa likod ni Brett habang nakahawak sa kaniyang bibig."Sh*t. Ako lang ba ang nakaramdam?"Napapikit siya saka umiling-iling. Humawak siya sa kaniyang dibdib upang pakalmahin ang kaniyang puso dahil nabibingi na siya sa lakas ng kabog nito."Nahalikan ako ni Sir."Kinabukasan ay ilang beses na napahikab si Thyra habang nag-aayos ng lunch nila. Kinusot niya ang kaniyang mga mata saka hinugasan ang mga nagamit niya.Napatigil siya at napalunok nang marinig ang yabag na
"Why are you here?" Nagtatakang tanong ni Zane at itinuro pa ang bahay ni Brett.Napatingala si Thyra sa kaniya dahil mas matangkad ito. Maputi ito at unat ang buhok na may kahabaan gaya ng buhok ng mga Korean, at may kaunting bangs."Hey?" Iwinagayway ni Zane ang kaniyang kamay sa mukha ni Thyra."P-Pumasok ka muna."Nauna siyang pumasok at hindi mapakali habang sumusunod si Zane sa kaniya."Now, you need to tell me what's going on," saad nito saka sila naupo sa sofa.Huminga naman siya nang malalim."Dito ako nagtatrabaho," seryosong sagot niya."What? Don't tell me, you're my Tito's personal maid?"Napakunot-noo si Thyra na tumingin sa kaniya."Ikaw 'yong pamangkin ni Sir Brett?"Tumango naman si Zane at nahagip ng paningin niya ang ulo ni Thyra."Wait. What happened to your head?" Tanong nito nang makita ang inilagay niyang gasa."Naaksidente lang," walang ganang sagot niya."Are you okay?"Naupo si Zane sa tabi niya at akmang hahawakan ang ulo ni Thyra, ngunit umusog siya."Bakit