Alanganin siyang naupo sa harap nito at napalunok nang makitang seryoso si Benjamin."How's Brett? I found out that he and Bettina had a fight yesterday. Didn't my son say anything to you?" Tanong nito."Wala naman po siyang nasasabi, Sir. Mukhang maayos naman po siya."Tumango-tango naman ito."I know he is doing his best for his business. Maybe he wants to distance himself from us," wika nito."Parang maayos na nga po ang relasyon niyo sa kaniya, Sir," nakangiting saad ni Thyra."It's not about that. He's doing everything to keep himself out of our plans for him," sagot ni Benjamin.‘About siguro sa pagkakaroon nila ng apo.’Huminga nang malalim ang ama ni Brett saka ulit uminom ng tubig."What are you guys talking about?"Napalingon sila nang makitang bumababa sa hagdan si Brett."Nothing. I was just saying hello to Thyra," pagsisinungaling ni Benjamin.Ngumiti naman si Thyra."Okay. I'll leave you two there for now. I'll just get something for us to eat," paalam ni Brett saka siya
"Stop what? What did I do?" Nagtatakang tanong ni Brett.Umiling naman si Thyra."W-Wala kang ginawang masama. Ano..."Napalunok siya at hindi maisip ang susunod na sasabihin."A-Ano, baka kasi manibago ako kapag graduate na ako at hindi mo na ako maid," sambit niya at hindi mapigilan ang panginginig ng kaniyang mga kamay kaya inihaplos niya iyon sa kaniyang mga hita.Huminga naman nang malalim si Brett saka ulit ngumiti."Iyan lang pala ang sasabihin mo. No worries, we'll still be friends, right?"Nag-alangan naman siya, ngunit tumango pa rin."By the way, I want to show you what I picked up."Inilahad ni Brett ang dalawang shells na hugis-puso.Kinuha naman ni Thyra ang isa saka siya ngumiti."Sa'yo na 'yan. So that when you see that, you will remember me," wika nito.Napalunok siya ngunit patuloy siyang ngumiti."Salamat.""Have you chosen a movie yet?" Tanong ni Brett saka sinulyapan ang laptop."Oo. Hinihintay na lang kita kanina," sagot ni Thyra."Manuod na tayo, at bumili na la
Halos mabitawan ni Thyra ang kaniyang mga gamit dahil sa panginginig ng kaniyang mga kamay. Napalunok siya at lakas-loob na lumingon sa gawi ng lalake.Nakasakay ito sa motorsiklong itim at malapit sa kinatatayuan niya. Ibinaba nito ang kaniyang cellphone habang nakatalikod sa kaniya.Halos mabingi na siya sa lakas ng tibok ng kaniyang puso.Ilang segundo pa ay umalis na doon ang lalake, hanggang sa mawala ito sa paningin niya.Agad niyang ibinalik sa kaniyang bag ang mga gamit at nagmamadaling pumasok sa loob ng building.Lakad-takbo ang ginawa niya habang papunta sa opisina ni Brett."You're here. May pupuntahan tayo," wika agad ni Brett nang makapasok siya.Hindi makapagsalita si Thyra at hindi pa rin mawala sa kaniya ang takot at kaba. Nakatingin lang siya sa kaniya.Napakunot-noo si Brett nang mapansing kakaiba ang reaksyon niya."Are you okay?" Tanong nito saka siya lumapit sa kaniya.Pinilit ni Thyra na kumalma at ngumiti."O-Oo. Ayos lang ako," pagsisinungaling niya.Tumango-t
Tinakpan ni Thyra ang kaniyang bibig upang maiwasang gumawa ng ingay.Nanginginig ang kaniyang katawan ngunit pinilit niyang pinagtibay ang loob upang umalis doon.Nang makalayo siya ay paulit-ulit niyang inisip ang bawat eksenang kasama niya si Laureen. Kung paano ito nagpakilala, at kung ano'ng mga ginawa nito sa kaniya."P-Paano kung gusto niyang maghiganti dahil ayaw sa kaniya ni Brett?" Wala sa sariling tanong ni Thyra saka lumingon sa building nina Laureen.Napalunok siya at dali-dali siyang pumara ng traysikel upang makaalis na roon.Nang makauwi si Thyra ay hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nasaksihan."Paano kung siya rin ang nagpa-ambush kay Brett dati?" Kunot-noong sambit niya habang nakaupo sa kaniyang kama.Nanlaki ang kaniyang mga mata nang maalala ang sinabi ni Anthony na may nang-ambush din sa kaniya dati na kapareho ang sasakyang gustong banggain si Brett.Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at tinawagan si Anthony.Tumingin siya sa wall clock at nakitang m
Hindi makapaniwala si Thyra sa kaniyang narinig kaya nagmadali siyang umalis doon at naglakad sa gilid ng bahay.Naupo siya malapit sa bodega at napatakip sa kaniyang bibig."Ano'ng gagawin ko? Gusto niya rin ako," iiling-iling na sambit niya saka napahawak sa kaniyang ulo."Ayokong umamin."Ilang beses huminga nang malalim si Thyra at nagpalipas ng ilang minuto saka nagdesisyong pumasok sa loob.Sakto namang paalis na ang lalake kaya nagmadali siyang dumaan sa poolside at tumakbo sa hagdanan.Nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto ay nanginginig pa rin ang mga kamay niya."Ano nang gagawin ko?"Kinuha niya ang kaniyang unan saka tumili.Kinabukasan ay hindi mapakali si Thyra habang nagluluto ng kanilang dinner.Alam niyang late na uuwi si Brett kaya mag-aalas-syete na nang magluto siya."Paano ako kakain kapag magkaharap kami? Nakaya ko pang magpanggap na may sakit ako kagabi kaya hindi kami nagkasabay na kumain. Ano naman ang idadahilan ko ngayon?" Sambit niya.Nang matapos siyang
Napaatras si Thyra at napatakip sa kaniyang bibig. Nakita niyang hinalikan ni Laureen si Brett.Nanginginig siyang lumabas mula roon."S-Sorry!"Nakabanggaan niya ang sekretarya ni Brett nang makalabas siya sa opisina nito.Pilit siyang ngumiti kahit naluluha na siya."Nakausap niyo na po ba si Sir?" Tanong ng babae.Umiling naman siya."H-Hindi, eh. Mukhang b-busy siya. A-Ah, pakibigay na lang ito sa kaniya," wika niya saka iniabot sa babae ang relo ni Brett at ang milk tea na ibibigay niya sana.Ngumiti naman ito sa kaniya.Nagmadaling lumabas doon si Thyra at agad na umuwi.Nasa sala pa lamang siya ay nanlambot na ang kaniyang mga tuhod. Napaupo siya sa sofa at hindi na napigilan ang pagbagsak ng kaniyang mga luha.Paulit-ulit siyang napamura habang umiiyak."N-Nagkamali ako," hagulgol niya.Umiling-iling siya at napatakip sa kaniyang mukha. Pilit niyang inaalis sa kaniyang isipan ang nakita."P-Paano ko siya poprotektahan, k-kung siya mismo ay gusto ang babaeng 'yon?"Naalala na n
"Yes! Tell me. Hindi 'yong wala akong idea kung ano'ng nangyayari sa'yo," kunot-noong sambit ni Brett."Naguguluhan kasi ako!" Pinigilan ni Thyra na lakasan ang kaniyang boses."Hindi lang ikaw. You avoid me even though I don't know what I did wrong to you."Napakunot-noo naman siya."Iniwasan mo rin naman ako, ah? Kahit nga puntahan kita sa opisina mo, hindi mo ako pinapansin.""Of course gagawin ko 'yon, kasi nauna ka. Ano'ng gagawin ko kung nagmumukha akong tanga na nag-oopen up ng topic sa'yo, tapos umiilag ka naman? What am I supposed to do?"Hindi naman siya nakapagsalita."Okay naman tayo before, ah. We even go out. Tapos biglang ganito?" Dagdag pa ni Brett.Napaiwas si Thyra ng tingin.‘Malamang. Sino'ng magiging okay kapag nag-assume lang pala?’"Aakyat na po ako, Sir. Marami pa akong gagawin—""Tapos iiwas ka na naman? Ano ba, Thyra!" Hinawakan ni Brett ang kaniyang braso nang akma niya itong lalagpasan."Hindi ka ba napapagod kakaiwas? We are in the same house, we will alwa
Napalunok si Brett nang makitang umaagos ang luha ni Thyra pababa sa kaniyang magkabilang pisngi.Humakbang siya palapit upang hawakan ang mukha nito, ngunit umatras si Thyra."H-Hindi mo alam kung ano'ng ginawa ko," matigas na sambit ni Thyra habang nakatingin sa mga mata niya."Hindi mo alam kung ano'ng mga g-ginawa ko para sa'yo. H-Hindi mo alam ang mga sakripisyo ko para makasama ka lang. Hindi..." Umiiling na wika pa niya sa bawat paghinga niya."I-I'm sorry. Nasaktan lang ako—""Nasaktan? Kanino? Kay Felip? Magkasama na nga tayo araw-araw, at sinabi mong magkaibigan na nga tayo. Pero ang gulo mo kasi. Ang gulo ng buhay mo," humihikbing sabi ni Thyra"I'm just jealous na kasama mo si Felip. I-I'm sorry kung nasaktan kita," sinserong sambit ni Brett saka siya lumapit at niyakap si Thyra.Itinulak siya nito at bahagyang umatras."P-Palibhasa kasi ay inuuna mo ang nararamdaman mo. Hindi mo na naisip kung makakasakit ka. Alam ko namang katulong mo lang ako, pero—"Napatigil si Thyra
"So, 'yon nga, nagkita kami ni Sir Anthony sa event. And he invited me to their family event, he also said you were coming, so I agreed," kuwento ni Nadia habang umiinom sila ng juice sa garden nina Thyra.Hindi naman umimik si Thyra at pinapaikot lang ang straw sa kaniyang baso.Napakunot-noo si Nadia habang nakatingin sa kaniya."Nakikinig ka ba?" Tanong niya.Napatingin naman siya."H-Huh?"Huminga nang malalim si Nadia saka uminom."Tell me what happened.""Huh? W-Wala namang nangyari," saad ni Thyra."Alam kong mayroon. Now, tell me. Hindi ka naman tutunganga nang ganiyan kung wala," sambit nito.Napakagat-labi siya at hindi mapakali ang kaniyang mga daliri. Ilang beses siyang napalunok at huminga nang malalim upang ihanda ang sarili."S-Si Brett," panimula niya saka siya tumingin sa kaibigan."Bakit siya? What did he do again?" Kunot-noong tanong ni Nadia.Umiling naman siya."W-Wala siyang ginawa.""Eh, ano?""S-Sana hindi ka magalit," wika niya.Seryoso naman si Nadia na nakiki
Tumayo agad si Brett at lumapit kay Thyra. Siya naman ay nakatingin pa rin sa mga kasama ni Brett.Natahimik ang mga ito habang nakatingin sa kaniya.Alam niyang mukha rin siyang belong sa kanila dahil sa suot niyang pang-opisina.Tumabi si Brett sa kaniya at hinawakan ang kaniyang baywang."I'm Thyra. Brett's girlfriend," pagpapakilala niya saka siya ngumiti."Fuck," mahinang sambit ni Brett kaya napalingon siya. Nakangiti ito at parang nagpipigil. Nginitian naman niya ito."Mag-usap tayo mamaya," bulong niya.Napalunok naman ito."Did you eat?""Not yet. Kanina ka pa namin hinahanap," sagot niya."Eat first. Excuse us," saad nito at iginiya sa buffet.Iniwan nila ang kanilang mga kasama ro'n habang nakatingin sila sa kanilang dalawa."Bakit hindi ka tumitingin sa cellphone mo?" Tanong ni Thyra habang kumukuha ng pagkain."I don't know where I put it," sagot ni Brett saka kinuha ang plato ni Thyra at pinaupo siya sa bakanteng table."Kanina ka pa namin hinahanap. Tinawagan ako ni Anth
Si Thyra ang naglantad ng pagkatao ni Bettina sa lahat. Nagbayad siya ng tao, at alam niyang hindi nila ito mapapaamin.Nalaman niyang ampon si Bettina nang marinig niya ang pag-uusap nina Leandra at Benjamin tungkol sa mga ipapamana nila.Nagulat din siya sa kaniyang nalaman, at hindi naisip na kakailanganin niya ang impormasyong iyon. Matapos ang pananahimik niya sa mga ginawa nito sa kanila ay doon siya naglakas-loob na ibunyag ang katotohanan sa pagkatao ni Bettina.Sa kabilang banda, ilang beses namang huminga nang malalim si Brett habang nasa opisina siya sa kanilang building.Nakapamewang siya at kunot-noong paikot-ikot na naglalakad sa harapan ng kaniyang table.Hindi pa dapat siya papasok, ngunit marami siyang kailangang tapusin, at madami rin siyang natatanggap na email.Ilang text messages din at mga tawag ang hindi niya sinasagot dahil tinatanong siya ng mga ito kung maaari siyang magpa-interview. Alam niyang tungkol iyon sa kaniyang kapatid.Nakakaramdam siya ng pressure,
Hindi pa rin umiimik si Thyra habang nakatingin sa TV."Magbabago na ang tingin sa kaniya ng mga tao," komento ng kaniyang ama saka nagbuntong-hininga.Magsasalita na sana siya nang mag-ring ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa.Si Brett ang tumatawag."Hello?""Hi. Come here to our building, we have a meeting with my parents. I'll pick you up," wika ni Brett."Hindi na. Pupunta na lang akong mag-isa."Bumuntong-hininga naman si Brett mula sa kabilang linya."Okay. Just be careful," paalala nito.Nang maibaba ni Thyra ang tawag ay muli niyang nilingon ang kaniyang ama."Pupunta po ako sa mga Forteluna, Papa. Kayo na po muna ang bahala kay Thrina. At huwag po kayong mag-alala, may mga nagbabantay po sa labas," sambit niya.Tumango naman ito."Mag-ingat ka, anak.""Opo."Huminga nang malalim si Thyra nang magbukas ang elevator sa floor ng office ni Benjamin. Habang naglalakad siya patungo roon ay hindi niya maiwasang isipin kung ano'ng gagawin at pag-uusapan nila."You're here. I h
Nagmadaling umalis doon si Thyra at agad na nagpunta sa school ni Thrina.Naabutan niyang makapal pa rin ang usok doon at nasa harapan ng school ang mga estudyante at mga teachers.Nanghina siya sa kaniyang nakita habang papalapit doon."T-Thyra!"Napalingon siya at nakita sina Nadia at Anthony na palapit sa kaniya."N-Nasaan si Thrina?" Agad niyang tanong."H-Hindi namin alam. Pagpunta namin dito ay malaki na ang apoy. And her teacher didn't see her," nag-aalalang sagot ni Nadia.Napatakip naman si Thyra sa kaniyang bibig at napaluha.Niyakap naman siya ni Nadia"N-Nasaan ang anak ko? Kailangan natin siyang hanapin," paulit-ulit na saad niya habang umiiyak at nakatingin sa classroom ni Thrina.Nasa ganoon silang sitwasyon nang mag-ring ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa.Nanginginig niya iyong tinignan at nakitang si Brett ang tumatawag.Napatingin siya kina Anthony at naisip kung paano niya ipapaliwanag na nasusunog ang school ni Thrina at nawawala ang anak nila."H-Hello?
"M-Mama?" Mahinang sambit ni Thyra.Napahawak siya sa kaniyang ulo at napapikit. Agad siyang hinawakan ng kaniyang ama nang unti-unti siyang dumausdos habang dumada*ng sa sakit ng kaniyang ulo."A-Anak? Anak, ano'ng nangyayari?"Yumuko ang kaniyang ama upang hawakan siya sa kaniyang balikat habang nakahiga siya sa sahig."M-Mama... Aah!" Sigaw ni Thyra.Lumuluha siya, lalo na nang maalala niya ang mukha ng kaniyang ina noong bata siya.Wala pang limang beses niya itong nakita noong bata siya. Ang huli ay ang malabong alaala na laging nagpapakita sa isipan niya. Nakatayo ang kaniyang ina sa pintuan nila habang umuulan at may tao sa likod nito, ngunit hindi ito maaninag ni Thyra dahil malabo pa rin ito.Naluluha namang nakatingin si Thyrone sa kaniya habang hinihintay siyang matapos.Nang magmulat siya ng kaniyang mga mata ay nakita niyang lumuluha ang kaniyang ama kaya agad niya itong niyakap."S-Si Mama," wika niya.Hindi naman ito umimik at patuloy lang din sa pagyakap sa kaniya haba
Ilang sentimetro na lang ang layo ng mukha ni Thyra sa mukha ni Brett.Biglang nagmulat ng mga mata si Brett."What are you doing?"Nanlaki naman ang mga mata ni Thyra saka inilayo ang kaniyang mukha at napatayo."M-May dumi lang sa mukha mo, tinanggal ko," pagpapalusot niya.Nakatingin lang ito sa kaniya kaya nailang siya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya.‘Ano ba ang ginagawa mo, Thyra?’"My left arm suddenly hurt because I slept on my side," wika ni Brett saka hinaplos ang kaniyang braso.Napalunok naman si Thyra saka naupo ulit."Saang banda? Imamasahe ko na lang," prisinta niya.Napangiti si Brett saka inilahad ang kaniyang braso.Huminga naman nang malalim si Thyra saka hinawakan iyon at minasahe."I wish I always had accidents so you could be here," malumanay na sambit nito.Hindi naman siya tinapunan ng tingin ni Thyra."Don't say that. Kasi hindi naman ako pupunta lagi."Lumabi si Brett saka tumingin sa nga kamay ni Thyra na nakahawak sa kaniya."Malambot pa rin ang
"Mommy! Si Daddy?" Agad na tanong ni Thrina habang tumatakbo palapit kay Thyra. Naghihintay naman siya sa labas ng operating room. Kasama nito sina Nadia, Anthony, at ang kaniyang ama. Nauna niyang tinawagan ang mga ito bago ang pamilya ni Brett.Nanginginig naman si Thyra na yumakap sa kaniyang anak. Umiiyak na ito."N-Nasa loob pa ang Daddy mo, baby," saad niya habang hinahaplos ang likod ng kaniyang anak."W-Who did this to Daddy, Mommy?" Umiiyak na tanong ni Thrina sa kaniya at nag-angat ng tingin.Napalunok naman siya."H-Hindi ko pa alam, anak."Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak, habang si Thyra ay hindi mapakali dahil sa kaba."Ano ba kasi ang nangyari, anak?" Tanong ng kaniyang ama habang nakaupo sa kaniyang tabi."Nagpunta po kami sa shop para magpa-sculpt. T-Tapos napansin ni Brett ang isang lalakeng nakatingin sa amin. Umalis kami agad doon. Hindi ko naman inakalang susundan pala niya kami," sagot ni Thyra at hindi makatingin sa kanila."A-Ako nga dapat ang nasaksak, eh. Kaso
"What? Tell me! Why are you doing all this?" Tanong ni Brett at hindi naiwasang magtaas siya ng boses.Napakuyom naman ang mga palad ni Thyra."Maraming ginawang masama si Bettina sa akin. Hindi mo ako masisisi kung bakit ko ginagawa 'to!" Kunot-noong sagot niya.Napalunok naman si Nadia at hindi alam kung paano sila aawatin."Pero humantong ka sa gagamitin mo si Thrina para maghiganti? Why? Because you know we will be happy with her? Will you use us too?" Kunot-noong tanong ni Brett at itinuro pa ang kaniyang sarili.Hindi naman nakaimik si Thyra at unti-unting namumuo ang kaniyang luha."Itigil mo na 'to, Thyra. I know we did a lot of bad things to you, but don't use Thrina. And you can talk to my sister—""Pinatay niya si Felip! Paano ako makikipag-usap nang maayos sa pumatay sa boyfriend ko?" Pamumutol ni Thyra sa sasabihin nito.Napatigil naman si Brett at tila nagulat sa narinig."Siya ang pumatay kay Felip. Felip did nothing wrong to her. Maybe Bettina just found out about what