Dumating sina Anthony at Thyra kaya nagtaka si Brett kung bakit nandoon silang dalawa."Tara na, Sir. Mamaya ka na magtanong," natatarantang sambit ni Thyra saka siya tinulungang tumayo.Habang papalapit ang silver na sasakyan ay nagmadaling pumasok sina Brett sa sasakyan ni Anthony at umalis na roon.Agad na tinawagan ni Brett ang mga tao niya upang balikan ang kaniyang naiwang sasakyan at inutusan silang hanapin ang muntik nang sumagasa sa kaniya.Nang makauwi sila ay pinainom agad siya ni Thyra ng tubig saka sila naupo sa sofa sa sala."First, why are they chasing you?" Tanong ni Anthony. Nakaupo ito sa harap ni Brett, habang si Thyra ay nakaupo sa gitnang upuan."I don't have any idea. I will order someone to investigate what happened. I must know who is the person behind it," sagot ni Brett habang nakakunot-noo at nakatingin sa kaniyang mga kamay."By the way, the car that chased you looks familiar. I've seen it before," sabi ni Anthony.Nag-angat ng paningin si Brett at mas lalo
Hindi napigilan ni Thyra ang sarili at sinagot ang halik nito sa kaniya. Mas lalo namang idiniin ni Brett ang kaniyang sarili sa kaniya. Napalunok si Thyra nang maramdamang nagiging mapus*k na ito.Napadilat siya nang matauhan siya sa ginagawa nila.Agad niyang inilayo ang kaniyang sarili at sinampal si Brett.Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang nabigla ito sa ginawa niya at napahawak sa kaniyang kaliwang pisngi."S-Sorry.""Why did you slap me?" Tanong nito at napapikit sa hapdi ng kaniyang pisngi.Lumayo naman nang kaunti si Thyra."L-Lasing ka."Napakunot-noo si Brett."What? I'm completely sober."Umiling naman siya na parang hindi naniniwala.Nanlaki ang mga mata niya nang ilapit ulit nito ang kaniyang sarili upang halikan ulit si Thyra. Agad siyang umatras."I'm sorry. I shouldn't have—""Huwag na. Hindi na tama 'to, Sir," pagpipigil ni Thyra saka siya tumayo.Napalunok si Brett at napahawak sa kaniyang ulo na parang bumalik na sa kaniyang huwisyo."K-Kung nagpapasalamat
Tumayo si Brett at dahan-dahan namang naglakad si Thyra palapit sa kanila at hindi alam kung ano'ng magiging reaksyon."Thyra, this is Laureen. She used to be Clarisse's friend. Laureen, she's Thyra—""She's your?"Tumayo rin si Laureen at mas lalong dumikit kay Brett.Nag-alangan namang sumagot si Brett."His maid po," sagot ni Thyra saka siya nameke ng ngiti. Napatingin naman sa kaniya si Brett ngunit umiwas siya."Her parents are businessmen, so you might know her," saad ni Brett."Hindi pa po, Sir Brett."Napatigil ito nang banggitin ni Thyra ang pangalan niya."It's okay. You will know me, too. Maybe you will see me here almost everyday," sabi ni Laureen saka siya ngumiti.Napalingon agad si Brett sa kaniya.Tumango-tango naman si Thyra.Naupo ulit si Laureen at tumingin sa kaniyang relo. Nagtama naman ang paningin nina Thyra at Brett saka ito naupo."Yaya, bring us food," utos ni Laureen.Napatingin si Brett kay Laureen."She's—""Wait lang po, Ma'am," paalam ni Thyra saka umali
Mas lalo naman siyang naguluhan."I know the plans of girls like you. It's just you and Brett here at his house, I know you have a bad plan for him," mataray na sambit nitoNgumiti naman si Thyra."Ma'am, nagtatrabaho lang po ako nang maayos—""I don't care. Many women approached him because of his money, so I know you are the same as them."Tinignan pa siya nito na parang nandidiri.‘Patay na patay siguro 'to kay dragon.’Hindi na lang siya sumagot at ngumiti na lang.Napa-roll eyes si Thyra nang dumating si Brett at agad na nagbago ang ekspresyon ni Laureen at lumapit sa kaniya.Nagbeso sila at nagpaalam sa isa't isa bago ito umalis.Pumasok na si Thyra sa loob upang magpahinga dahil maaga siya kinabukasan.Bago pa man siya makapasok sa kaniyang kuwarto ay narinig niyang nagmamadaling lumapit sa kaniya si Brett kaya binilisan niyang maglakad."Wait," sambit nito at pinigilan ang pagsara niya ng pintuan."Bakit, Sir?" Tanong niya saka sumilip at hindi na ito pinapasok."I'm sorry if
Iniharang ni Thyra ang kaniyang sarili kay Felip habang pinipigilang pumatak ang luha."P-Please, tama na."Hindi naman nagbago ang tingin ni Brett kay Felip."Oh my gosh!" Bulalas ni Nadia nang umalis si Felip sa likod ni Thyra at nilapitan si Brett.Nagsuntukan ang dalawa kaya napatili si Thyra. Duguan na rin ang bibig ni Felip.Dahil sa ingay ay lumapit ang mga guwardiya nina Felip at pinaglayo silang dalawa."Who do you think you are?" Pigil-galit na sambit ni Brett habang itinuturo si Felip.Hindi naman sumagot si Felip at ngumiti na parang nang-aasar.Umiiyak naman si Thyra sa tabi at nilapitan si Felip upang punasan ang bibig nito.Agad namang kumalma si Felip."P-Please, tama na.""Naiinis lang ako sa kaniya—""Kahit na. Birthday mo 'to, tapos masisira lang dahil sa pag-aaway niyo?" Kunot-noong wika ni Thyra saka pinunasan ang luha."Thyra, let's go home."Lumingon agad siya kay Brett."Humingi ka ng tawad."Napakunot-noo naman ito. Hawak pa rin siya ng dalawang guwardiya."Wh
Hindi napansin ni Anthony ang papalapit na si Brett dahil sa ibang direksyon siya nakatingin."Sir, baka ready na po ang food," palusot ni Thyra saka lumapit kay Anthony."You're right. Let's go back there," saad naman nito.Nauna na itong naglakad at sumunod naman si Thyra sa kaniya.Sumulyap siya sa gawi ni Brett at nakitang huminto na ito sa paglalakad palapit sa kanila.Nakahinga naman siya nang maluwag."I'll just take you to Brett's house later after we eat," pagpriprisinta ni Anthony saka naupo."Hindi na po. Marami pa naman pong masasakyan. Tsaka baka marami po kayong ginagawa," nakangiting sabi niya.Nagsimula na silang kumain at napag-usapan ang tungkol sa training niya sa hotel. Nagtanong na rin siya tungkol sa mga hindi niya alam."By the way, has Brett told you our plan? Because you're friends, right?"Napatigil naman si Thyra sa pagkain.Hindi niya alam kung ano ang una niyang sasagutin, dahil malabo na ang ikalawa."A-Ano pong plano?""About our investigation about his
Lumingon ang lalake at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita si Brett. Masama ang tingin nito sa kaniya.Mabilis na hinawakan ni Brett ang kuwelyo ng lalake at inilapit sa kaniya kaya natakot ito. Nabitawan naman niya si Thyra."What do you intend to do with her?" Matalim ang tingin nito habang nakatitig sa mga mata ng lalake. Mas matangkad si Brett kaysa sa lalakeng iyon at hindi hamak na mas malaki ang kaniyang pangangatawan."W-Wala po, Sir," kabadong sagot niya."Then leave!" Saad ni Brett saka ito marahas na itinulak.Napaupo ito sa sahig ngunit agad siyang tumayo at umalis doon.Hindi naman agad maka-react si Nadia sa nasaksihan.Umayos ng tayo si Thyra at bumaling kay Nadia."Doon na tayo sa baba," aya niya."B-But—""Nadia, sumama ka na lang," pamumutol ni Thyra sa sasabihin niya at hinawakan ang kamay nito."Thyra," tawag ni Brett sa kaniya nang lagpasan siya nito kasunod ang kaniyang kaibigan.Nahihiya naman si Nadia na tumingin kay Brett.Bumaba sila at nakihalo sa mga
Nagsilapitan ang mga empleyado roon at walang takot na inalalayan si Thyra palayo kay Laureen."Why are you keeping her away from me? I'm not done with that girl!"Sumulyap lang sa kaniya si Thyra habang naglalakad palayo roon.Napalunok siya at pilit na pinatibay ang kaniyang mga paa."What the hell are you doing, Laureen?"Napatigil si Laureen nang dumating si Anthony. Nagsialisan na ang ibang mga guests at tanging si Laureen at ang kasama na lang nito ang naiwan.Pinaupo naman nila si Thyra sa likod ng counter at tinanong kung okay lang ito."A-Ayos lang po ako, wala naman po siyang ginawa sa akin," sagot niya.Kunot-noo naman silang napatingin kay Laureen."Why are you interfering, Anthony? Don't tell me you're—""I don't know if you are in your right mind. You're humiliating one of the best trainees here in our hotel in front of a many people?" Nakakunot-noo si Anthony at hinawakan pa nito ang braso ni Laureen."I don't care—""You don't care, but I do. Her boss does. Let's see w
Agad na nagpunta ang mga ambulansya ro'n. Hindi na rin nakalapit si Brett kay Thyra nang makababa si Felip mula sa sasakyan."I want to see if she's okay," parang nagmamakaawang sambit niya kay Felip habang tinitignan nila si Thyra na ilagay nila sa stretcher. Nakaharang naman ang kamay ni Felip sa harapan ni Brett."Can't you see she's not okay?" Kunot-noong tanong ni Felip."B-But—""Sir, sumama na rin po kayo para magamot po kayo," sabi ng isang rescuer na nagsakay kay Thyra sa ambulansya habang nakatingin kay Felip.Agad namang sumunod si Felip habang iika-ikang maglakad.Nandoon na rin ang mga pulis upang imbestigahan ang nangyari.Naiwang nag-aalala si Brett at nakatingin lang sa paalis nang ambulansya.Nang makaalis ang mga pulis sa kalsada ay umalis na rin doon si Brett. Agad siyang nagpunta sa hospital kung saan dinala si Thyra.Nagsama siya ng dalawang bodyguards upang hindi siya dumugin ng mga tao."Hi. Gusto naming itanong kung may dinalang pasyente rito kanina. Her name i
Agad na lumapit sina Nadia at Felip kina Brett at Thyra.Sinamaan ng tingin ni Thyra si Brett."Huwag mong ipahiya ang sarili mo, Brett. Do not make a scandal here," mahinang sambit niya."B-But—"Sinubukan niyang lapitan si Thyra ngunit hinarangan siya nina Nadia."You better stay away from my girlfriend," kalmado ngunit nagbabantang saad ni Felip. Hinawakan niya ang kamay ni Thyra."You're sick. Humanap ka ng mauuto mo," sabi ni Nadia at sinamaan din siya ng tingin."Tara na," aya ni Thyra sa kanila.Muling bumalik ang tugtog at naglakad na rin sila paalis doon.Habang palabas sila ay humahabol naman si Brett."Ano ba? Hindi ka ba titigil?" Baling ni Felip sa kaniya."I just wanted to talk to Thyra," seryosong saad nito."She doesn't want to talk to you. Huwag ka nang gumawa ng eksena. Pareparehas tayong mapapahiya," komento ni Nadia.Huminga naman nang malalim si Thyra.May iilang tao ang nasa pintuan at kitang-kita sila kahit na naka-dim ang mga ilaw."Ilang taon na ang lumipas, ho
Kinabukasan ay hindi nagpunta si Brett sa meeting nila kasama ang kaniyang parents dahil alam niyang makikita niya ang kaniyang kapatid.Hindi pa rin humuhupa ang galit niya rito dahil sa mga nalaman.Pinatawag niya ang kaniyang mga tauhan sa kaniyang bahay upang utusan ang mga ito."Ano'ng iuutos niyo sa amin, boss?" Tanong ng isa.Nakakunot-noong umiinom ng wine si Brett habang nakatingin sa labas ng bintana sa sala. Bahagya siyang nakatalikod sa mga ito."Look for my sister's men. Her people four years ago. Find out who are the people who beat Thyra's father," may awtoridad na sambit nito."Ano'ng gagawin namin sa kanila, boss? Dadalhin po ba namin sa hideout?"Humarap naman si Brett sa kanila."Take them there, and I want to see them before I punish them. If I can't go there, cripple them as they did to Tito.""Pipilayin po namin?" Tanong ng isa.Tumango naman siya saka uminom ng wine."Kailangang maranasan nila what they did to Thyra's father."Napakuyom ang kaniyang mga palad at
Napakuyom ang mga palad ni Brett at hindi mapigilang mamuo ang kaniyang luha.Tumingin siya kina Thyra at marahas na binuksan ang kaniyang sasakyan saka siya bumaba."W-What did you say?" Agad niyang sambit.Nanlaki ang mga mata nina Thyra at napatakip pa si Nadia sa kaniyang bibig dahil sa pagkagulat."T-Tara na, Nads," aya ni Thyra saka bumaling kay Nadia at agad siyang tumayo."No! You stay here!" Wika ni Brett at hinawakan ang kaliwang braso ni Thyra.Napatingin naman si Thyra at marahas na binawi ang kaniyang kamay."Huwag mo akong hawakan," may diin niyang sabi.Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Nadia sa kanilang dalawa."Tell me the truth. I want you to tell me now in front of me what I heard earlier," seryosong wika ni Brett na parang nagmamakaawa.Hindi naman umimik si Thyra at nakatingin lang sa kaniya."Tell me, please," sinserong dagdag pa nito habang naluluha."Wala ka nang dapat malaman," mahinang sabi ni Thyra."But I heard you say Thrina is my daughter," saad nito."
Nakasuot ng shades si Brett habang nakatingin kay Thrina na naglalaro sa park. Kasama nito ang kaniyang lolo."Sir, may ipapagawa pa po ba kayo ngayong nahanap na natin ang bata?" Tanong ng tauhan niya habang nakaupo sila sa hindi kalayuan."Nothing. You can leave now.""Paano po kayo, Sir?""I can handle myself. I'll just talk to the kid later," sagot niya saka inayos ang kaniyang suot na facemask at shades.Tumango naman ito saka umalis doon.Biglang nag-ring ang cellphone ng lolo ni Thrina at masayang kinausap si Thyra sa tawag.Tumayo naman si Brett at hindi inalis ang paningin kay Thrina na naglalaro sa slide. Nakatalikod naman ang kaniyang lolo habang kausap ang kaniyang ina at may ilang hakbang ang layo.Maingay din ang mga batang naglalaro doon.Nang masigurado ni Brett na busy si Thyrone ay nilapitan niya si Thrina. Ang bata naman ay nag-explore sa mga swings doon."Hi!" Masiglang bati niya.Napakunot-noo naman si Thrina at nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi ito sumagot."I
Bumalik si Brett sa kaniyang sasakyan at kunot-noong nakaupo roon.Tinawagan niya ang may-ari ng mall at nagsinungaling siyang may emergency siya kaya hindi na siya matutuloy na pumunta roon.Mabilis ang tibok ng kaniyang puso at naisip na tawagan ang isa niyang tauhan."I will order something," sambit ni Brett."Find out where Thyra Haze Del Fuego is. Also find out when she gave birth, and who Felip Dela Vega was in her life," utos niya.Umiigting pa rin ang panga niya at hindi mapakali.Napapikit siya nang maalala ang mukha ng batang nakausap niya. Kanina pa nakaalis sina Felip, ngunit hindi maalis sa isipan niya ang tagpong iyon."That's why she looks like someone. But I have to be sure," mahinang wika ni Brett.Huminga siya nang malalim at umalis na ro'n. Nagtungo muna siya sa kaniyang bahay upang magpakalma."I'll just pass the 30 minutes, I've already spent 30 minutes. Sayang naman ang isang oras na overtime," nakangiting saad ni Thyra sa kanilang dining supervisor."Sige. Kailan
"Nadia, pakibantayan naman si Thrina. Kukunin ko lang 'yong mga ibang pagkain sa loob," sambit ni Thyra.Agad namang lumapit si Nadia kay Thrina at nakipaglaro sa kaniya.Nakasalubong naman niya sa loob si Felip."Nakuha ko na lahat ng food, babe," saad nito."Sige, babe. Nakapag-set up na rin naman ako."Naglabas ng panyo si Felip at pinunasan ang pawis na namumuo sa noo ni Thyra.Napangiti naman siya."Thank you, babe."Nagtungo sila sa garden ng kanilang bahay kung saan nandoon ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan.Kasama nila sa iisang bahay ang ama ni Thyra, at umuuwi naman si Felip tuwing weekends sa family house nila upang samahan ang kaniyang ina.Nakapagpundar sila ni Thyra ng sarili nilang bahay.Naabutan nilang pinapanuod ng lahat si Thrina habang sumasayaw sa gitna kasama si Nadia."Papagurin mo ang Tita Nadia mo, anak. Mahina na ang mga tuhod niyan," komento ni Felip.Natawa naman sila.Nag-make face naman si Nadia at tumigil sa pagsasayaw."Hello? You are one year ol
"A-Ano?"Hindi naalis ang paningin niya kay Felip at dahan-dahang binawi ang kaniyang kamay."F-Felip, seryoso ka ba?" Kunot-noong tanong niya.Tumango naman ito habang nakangiti."Yes, Thyra, I'm serious.""P-Pero nakakahiya. Hindi mo naman anak ang baby ko. Ayokong ipaako sa'yo ang responsibilidad bilang ama sa hindi mo naman kaanu-ano. A-At isa pa, unfair 'yon sa'yo," wika ni Thyra."Why would that be unfair to me? Kaya nga ako nagpriprisinta dahil paninindigan ko," sagot ni Felip.Umiling naman siya."P-Paano ka? Paano ang mga pangarap mo para sa sarili mo kung magkakaroon ka ng responsibilidad sa akin? Ni hindi ka pa nga nagkakaroon ng girlfriend," nahihiyang sabi niya.Tila nakuryente na naman si Thyra nang hawakan ulit ni Felip ang kaniyang kamay."I hid it for a long time. I hid it from you for several years. At ayoko nang ilihim pa ang nararamdaman ko," panimula nito.Napalunok si Thyra."Matagal na kitang mahal, Thyra. Sobrang tagal na. Mahal na mahal kita, that even if I get
Bumalik sa isipan ni Thyra ang sinabi ni Brett na gusto niyang magkaroon ng pamilya kasama siya. Ngunit hindi niya naisip na maaari siya nitong palitan dahil mahal niya ito.Sa kaniyang narinig, naisip niyang hindi na niya sasabihing buntis siya at wala na ring mababago pa. Na hindi nila kailangang malamang dinadala niya ang isang parte ng pagkatao ni Brett na isang Forteluna.Parang nawalan siya ng hangin at hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang lahat. Na buntis siya, ngunit wala na rin si Brett."Ilang buwan rin namin iyong pinag-usapan, but he only recently agreed," saad ni Leandra.Hindi naman makaimik si Thyra."Of course, dahil sikat doon ang mapapangasawa niya. Who would refuse such an influential person?" Komento ni Bettina saka tumingin kay Thyra.Napalunok naman siya nang mapansin iyon."Despite everything, he still followed what we wanted for him," wika ni Mrs. Forteluna.Hindi na alam ni Thyra ang kaniyang uunahing isipin. Ngunit alam niyang may gagawin ang mga ito kapa