Napakunot-noo si Brett at kumuyom ang kaniyang mga palad."S-Sir, umaambon na. In case na—"Nilagpasan lang ni Brett si Nadia habang inilalahad nito ang dalawang kapote para sana sa kanila ni Thyra kapag nahanap niya.Kahit walang kasiguraduhan si Brett sa kaniyang pinupuntahan ay nagdala siya ng isang metal stick upang linisan ang kaniyang dinadaanan."I need to find her," mahinang sambit niya saka ginamit ang cellphone niyang pang-ilaw sa daan.Dumidilim na rin at mas lalong hindi siya mapakali dahil lumalakas na ang ulan.Hindi niya mapigilang isiping baka nalaman ni Anthony na maid niya si Thyra at may ginawa itong masama sa kaniya, lalo na dahil sa nangyari sa pagitan nilang dalawa."Thyra!" Paulit-ulit na sigaw niya.Ilang minuto lang ang nakalipas habang pababa siya isang masukal na daan ay may naaninag siya sa ilalim ng puno. Nakayuko at basang-basa. Napatigil si Brett at sinuri iyong mabuti.Nang masiguradong si Thyra iyon ay tumakbo siya palapit."Thyra!"Nakatakip ito sa ka
Matapos makita ni Brett ang pag-alis ni Thyra ay agad niyang inilabas ang kaniyang cellphone at may tinawagang tao."I will send footage from my CCTV. But the shot was only up to the front of the main gate. I want you to find her location, and tell me where she is," kunot-noong sambit niya.Huminga siya nang malalim at pinatay ang tawag.Agad niyang ipinasa ang kuha ng CCTV. Kita na roon ang ilang minutong pahintu-hintong paglalakad ni Thyra patungo sa main gate kaya nakaramdam ng guilt si Brett.Nahagip ng mata niya ang salamin sa loob ng kaniyang opisina at nakita ang sarili. Hinawakan niya ang pasa sa kaniyang bibig, pati na rin ang ibaba ng kaniyang mata na nakuha niya sa lakas ng sampal ni Bettina.Napapikit siya nang maalalang nasaktan niya si Thyra."I pushed her hard again."Naupo siya at pilit na nagpokus sa trabaho niya.Makalipas ang ilang oras ay nag-ring ang kaniyang cellphone. Agad niyang inilayo ang sarili sa laptop at sinagot iyon."Sir, we found her. She went to the h
Hinawakan ni Thyra ang sarili kaya bumitaw na si Anthony sa kaniya."Hey. I'll just give you your bag, you forgot it on the bench." Malalim ang boses ni Anthony na parang hinugot sa lupa.Ilang beses namang napakurap si Thyra at nahihiyang inabot ang kaniyang bag."T-Thank you po."Tumango naman ito at hindi pa rin inalis ang tingin kay Thyra."You look familiar."Ngumiti naman nang alanganin si Thyra."Hindi pa po tayo nagkakilala formally, Sir."‘Kasi hindi naman ako ipinakilala ni Sir Brett.’"Maybe I just ran into you somewhere. But..." Napakunot-noo si Anthony.Napalunok naman si Thyra."...I heard you say my name. Do you know me?""A-Ah. Sino naman pong hindi makakakilala sa inyo, Sir? Kilala po kayong tao rito sa atin," alanganing sagot niya saka ngumiti nang pilit.Tumango naman ito."Nevermind. I'll get going," paalam nito at pumunta na sa kaniyang mga kasamang bodyguard.Nakahinga naman siya nang maluwag nang wala na ito."Akala ko ay aawayin niya rin ako," bulong niya.Magl
Naramdaman ni Thyra na sunod-sunod ang pagpatak ng kaniyang pawis at hindi makagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Humigpit ang hawak niya sa baywang ni Felip kaya napansin nitong kinakabahan siya.Alanganin man ay ngumiti na lang siya.Napatingin si Thyra kay Felip nang mas higpitan din nito ang pagkakaakbay sa kaniya."Do you know Miss Del Fuego, Sir?" Tanong ng dean nila kay Brett.Nakatingin pa rin si Brett kay Thyra ngunit seryoso na ito at napasulyap din kay Felip."Ah. Yeah, I know her."Napalunok naman si Thyra.Ngumiti si Brett at bumaling kay dean."I know her because she is one of the best in their course. I was actually thinking that maybe we will absorb students like her in our businesses," dagdag nito.Tumango-tango naman sila."Oo nga po pala, because there are also restaurants and hotels owned by your family, Sir," komento naman ng kanilang dean.Nakahinga naman nang maluwag si Thyra saka tumango kay Felip nang tapikin siya nito sa balikat."Okay lang ako," bulong niya. Tu
Ilang segundong nakatingin sa kaniya si Anthony at napakunot-noo ito na parang iniisip na nakita niya na dati si Thyra."Sir, maybe you want to say something to these students," saad ng HR manager.Inalis naman nito ang paningin mula kay Thyra."It's okay if you make a mistake here, there's a room for improvement. The important thing is that you learn from it. Just don't mix your bad attitude with being professional. I don't like people who are told over and over but still don't learn," pangaral niya.Tumango-tango naman ang mga estudyante.Hindi naman makapag-concentrate si Thyra sa sinasabi nito.‘Muntik ka nang maging kr*minal kanina, pero may guts ka pang mangaral dito.’"Kung may kailangan kayo, just tell me. I am ready to help you," nakangiting dagdag ni Anthony.May mga sinabi pa ang HR manager bago ibinigay ang schedule nila."Okay ka lang?" Tanong ni Felip nang mapansin niyang nakakunot-noo si Thyra habang binabasa ang handout na ibinigay ng hotel."Ang akala ko ay iba ang ma
Malakas ang lalakeng humatak sa kaniya paalis doon at ibinalik siya sa harapan ng hotel.Nang inalis nito ang pagkakahawak sa kaniya ay agad siyang lumingon.Habol-hininga siyang tumingin kay Felip."Are you okay?" Tanong nito.Tumango naman siya."Bumalik tayo ro'n. Baka kung ano pa ang gawin ni Sir Anthony kay Zane," kabadong sambit niya."Let him. Para wala na siyang gawing masama sa'yo," sagot ni Felip.Hindi naman siya nakaimik."I will call a taxi to take you home. Huwag na huwag ka na ulit sasama kay Zane."Tumango naman siya."Thank you.""Text me kapag nakauwi ka. I'll make a way para hindi ka na mag-isa sa duty mo," saad ni Felip saka hinawakan ang kaniyang braso habang naghihintay ng taxi.Napatingin si Thyra na kinakabahan pa rin."I'm here, okay?" Paalala ni Felip at hinawakan nito ang kaniyang ulo."Salamat."Nang makauwi ay tulala pa rin si Thyra habang nagluluto ng dinner."Kanina pa kita tinatawag."Nahulog ni Thyra ang hawak niyang pamunas sa countertop nang lumapit
"What are you doing to her?"Kumuyom ang mga palad ni Brett habang papalapit sa kanilang dalawa.Napakunot-noo naman si Anthony at tumingin kay Thyra, na hindi naman makapagsalita dahil sa kaba."What the hell are you talking about?" Sambit nito.Lumapit si Brett kaya agad na pumagitna si Thyra sa kanilang dalawa."Thyra, what's the meaning of this?" Baling ni Anthony sa kaniya."K-Kasi, Sir—""What are you planning, huh?" Sabat ni Brett. Iniharang naman ni Thyra ang kaniyang kaliwang kamay sa harapan ni Brett habang nakatingala sa kanilang dalawa."What? What are you saying?" Walang kaalam-alam na tanong ni Anthony."Kumalma po kayo, Sir," awat ni Thyra kay Brett at bahagyang itinulak ito para makalayo nang kaunti kay Anthony."Sir?" Takang tanong ni Anthony.Napalunok si Thyra."I'm...I'm his maid po.""She's my friend," dagdag naman ni Brett."That's why you look familiar. You already know me?""Hindi naman po gaano—""Stay away from her," pagbabanta ni Brett at dinuro pa ito."Thy
Pilit na hinatak ni Thyra ang kaniyang kamay ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Zane sa kaniya. Ang isang kamay nito ay marahas na hinahatak ang pang-itaas ni Thyra kaya ito napunit.Nagtagumpay siyang ipasok si Thyra sa loob.Itinulak siya nito sa isang sofa kaya mas lalo siyang nanghina."I told you several times not to be too hard on me. You pushed me to do this to you," sambit ni Zane habang nakahiga si Thyra at pilit niyang pinupunit ang damit nito.Nagpupumiglas naman si Thyra habang tinatakpan ang kaniyang hinaharap."Huwag ka nang pumalag—Arghh!"Nang makatyempo si Thyra ay tinadyakan niya ang a*i ni Zane. Sa lakas ng pagkakatadyak niya ay napahiga ito sa sahig habang hawak ang kaniyang a*i at dumad*ing sa sakit.Nagmadali siyang lumabas mula roon at inayos ang kaniyang sarili.Iika-ika siyang tumakbo sa kalsada at sakto namang may dumaang taxi roon.Pinara niya iyon at agad na sumakay.Habang pauwi siya ay hindi pa rin niya mapigilan ang panginginig at ang pagtulo ng kaniyan