Dumating si Brett at masama na agad ang tingin nito sa mga lalake.
Pilit namang binawi ng lalake ang kaniyang kamay saka tumingin kay Thyra.
"Get your sh*t out of my face," may awtoridad na sambit ni Brett saka tumabi kay Thyra.
Hindi naman nila ito matignan. Ilang sandali pa ay nagmadali na silang umalis doon.
Masama naman ang tingin ni Thyra sa kanila habang palayo ang mga ito.
"Let's go home," aya ni Brett sa kaniya. Tumingin pa muna saglit si Thyra sa papalayong sasakyan ng mga lalake saka sumunod sa kaniya.
Agad na nagtanggal ng facemask at shades si Brett nang makasakay sila sa sasakyan niya.
Hindi pa rin umiimik si Thyra habang nagmamaneho si Brett. Nakatingin lamang ito sa labas ng bintana at nakakunot-noo.
Napatingin sa kaniya si Brett at napansin niyang wala siya sa mood.
"We'll take out some food," wika niya.
Lumingon naman agad si Thyra sa kaniya.
"Sige po."
Dumaan sila sa isang fastfood chain at nag-drive-thru.
Nang makauwi sila ay agad na niyaya ni Brett si Thyra upang kumain.
"Eat," wika niya saka iniusog sa harapan ni Thyra ang fries at burger.
"Thank you po," malumanay na sagot nito saka kumain.
Habang kumakain ay napatingin si Brett sa kaniya ngunit abala siyang kumakain.
Magsasalita pa lang sana si Brett, ngunit nagpaalam na si Thyra na umakyat muna sa kaniyang kuwarto upang magpalit ng suot.
Ilang beses na huminga nang malalim si Thyra nang makapagpalit siya ng damit saka naupo sa kaniyang kama bago bumaba.
"Bakit naman sinabi pang wala si Mama—"
Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang gumaralgal ang kaniyang boses at sumakit ang kaniyang dibdib.
"A-Ang hirap naman ng ganito. Pati ina mo ay idadamay nila, may masabi lang," mahinang saad niya at tumingala siya para pigilan ang pagpatak ng kaniyang luha, ngunit tumulo pa rin iyon.
Mas lalo siyang napaiyak nang maalalang hindi man lang nila alam kung saan nakalibing ang kaniyang ina dahil ayaw itong sabihin ng kamag-anak ng Mama niya.
Kumuha siya ng tissue saka pinunasan ang kaniyang mga mata.
"K-Kaya ko 'to. Kaya naman ni Papa," pagpapalakas niya sa kaniyang kalooban.
Tumango-tango siya saka huminga nang malalim bago bumaba.
"What did they say?" Tanong ni Brett habang kumakain sila.
Napatigil naman siya sa pagnguya at napatingin sa kaniya.
"Po?"
Uminom siya ng tubig at binigyan ng atensyon si Brett.
"What did they say to make you slap them?" Tanong ni Brett saka pinunasan ang kaniyang bibig.
Napalunok naman siya.
"S-Sinabihan po kasi nila akong iniwan ako ni Mama," mahinang wika niya.
Napatigil naman si Brett.
"Pero p-patay na po siya. Nawala po siya noong 7 years old pa lang po ako," pagpapatuloy ni Thyra.
Napakunot-noo si Brett nang malaman iyon.
"That's how immature teenagers nowadays?"
Hindi naman umimik si Thyra at pilit na inaalis sa isip ang sinabi ng mga lalake.
"Do they always do that?"
Umiling si Thyra.
"Hindi naman po ako masyadong nakikipag-usap sa kanila."
Tumayo na siya at inayos ang pinagkainan nilang dalawa.
"You know, we need to protect our peace," sambit ni Brett at tumayo na rin.
Napatingin naman si Thyra sa kaniya bago ito lumabas mula roon.
‘Tahimik naman ang buhay ko.’
Naglakad-lakad siya sa balcony ng kaniyang kuwarto at naalala ang kaniyang ama kaya niya ito tinawagan.
"Malungkot ka ba? Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ng kaniyang ama.
"Hindi naman po. Ako pa ba?" Natatawang saad nito ngunit agad din siyang nalungkot.
"Sa bagay, ikaw si Thyra. May gusto ka bang sabihin, anak?"
Umayos naman siya ng pagkakaupo.
"Wala pa rin po bang balita kung nasaan ang puntod ni Mama, 'Pa?"
Napabuntong-hininga naman ang kaniyang ama mula sa kabilang linya.
"Wala pa, 'nak. Hindi bale, kapag may oras ako—"
"Papa, huwag mo silang pilitin. Baka kung ano na naman ang sabihin nila sa'yo. Darating din tayo riyan," wika ni Thyra.
Hindi naman ito umimik.
"Pasensya na po kung makulit ako," sambit ni Thyra saka nagpunas ng kaniyang tumulong luha.
"Hindi ka naman umiiyak, Thyra?" Nag-aalalang tanong ni Thyrone.
"Hindi po. Sinisipon lang ako kasi malakas ang aircon dito," pagsisinungaling niya.
"Okay ka naman ba riyan?"
"Opo. Basta, 'Pa, hanapin na lang po natin ang puntod ni Mama kapag graduate na po ako. Para kahit papaano ay may maipagmalaki ako sa kaniya."
Kahit 7 years old lang siya noong mawala ang kaniyang ina ay wala itong maalala tungkol sa kaniya sa paglipas ng panahon.
Napapikit si Thyra at pilit na namang inalala ang kahit ano'ng alaala niya tungkol sa ina.
Kinabukasan ay seryosong naglilinis si Thyra sa balustrade sa second floor.
Ginanahan siyang maglinis dahil pa rin sa nangyari kahapon. Kunot-noo niya pinupunasan nang madiin ang balustrade habang bumubulong at hindi napansing naluha siya sa inis.
"Maid!"
Napakunot-noo siya nang marinig ang boses ni Brett mula sa baba.
"Lagi na lang 'maid'. May pangalan naman ako," sambit niya saka bumuntong-hininga.
Nagpunas siya ng kaniyang luha saka humarap upang puntahan si Brett.
"Thyra Haze."
Napatalon siya nang bahagya nang pagharap niya ay nandoon na si Brett.
Napalunok naman siya at napahawak sa balustrade.
"Clean my office," utos nito saka umatras habang nakapamulsa.
"S-Sige po," wika ni Thyra saka umayos ng tayo.
"You're the only person I know with that name," komento ni Brett saka inayos ang halaman sa lamesa.
Napangiti naman si Thyra.
"Unique po kasi ako," natatawang saad niya saka inayos ang kaniyang panlinis.
"Oh, stop it," wika naman ni Brett saka tumingin sa kaniya na parang napupuno na ito sa kaniya.
"Luh? Palibhasa napaka-common ng Brett Leo," tumatawa pa ring sabi ni Thyra.
"Don't say my name like that," awat naman nito.
Lumabi naman si Thyra.
"Sorry po."
Nang tumalikod na si Brett ay hindi niya napigilang ngumiti dahil sa mukha nito kapag napipikon.
Agad siyang nagpunta sa office nito upang magsimulang maglinis.
Namangha siya nang mapansin ang marami nitong certificates at trophies sa gilid ng pintuan. Hindi niya iyon napapansin dati dahil hindi siya basta-basta pumapasok kapag walang inuutos si Brett.
May mga litrato rin si Brett sa iba't ibang pinuntahan nito na nakadikit sa pader, at tinignan iyon isa-isa ni Thyra.
May picture din siyang naglalaro ng billiard at basketball.
"Ay. May appeal siya lalo rito," saad niya nang makita ang litratong nakasuot ito ng jersey shorts at shirt.
Tumango-tango siya nang makita ang malaking katawan nito.
"Sporty rin pala siya. Halata naman sa katawan niya," komento niya.
Napangiti siya nang makita ang baby picture nito sa itaas ng maliit na cabinet at kinuha iyon.
"Hindi siya leon dito. Isa pa lang siyang kuting. Ang cute naman ng baby Brett na 'yan," nakangiting saad niya.
Inilabas niya ang kaniyang cellphone at kinuhanan iyon ng litrato.
"Magagamit ko 'to kapag inaway niya ako," natatawang sambit niya.
Agad niya rin iyong ibinalik at tinignan muli ang mga pictures.
"Huwag kang tumandang binata, sayang ang itsura mo. Itsura lang, huwag na ang kasungitan mo," bulong niya.
Nagsimula na siyang maglinis at iningatan ang bawat gamit ni Brett sa loob.
Mag-aalas syete na ng gabi nang matapos siya, kaya nahiga siya saglit sa sofa at hinawakan ang likod.
"Mabuti na lang at may aircon," wika niya saka tinignan ang kabuuan ng office.
Napaupo siya nang biglang namatay ang ilaw doon.
Kinapa niya ang kaniyang cellphone at binuksan ang flashlight nito.
Inayos niya muna ang mga ginamit niya saka tumayo ulit sa harapan ng mga litrato ni Brett habang hinihintay na bumukas ang ilaw.
"Hey."
Napatingin agad si Thyra nang magsalita si Brett sa may pintuan.
Lumayo naman agad siya roon at bahagyang lumapit kay Brett.
"There is no electricity, and the generator's not working," sambit nito habang nakahawak sa kaniyang cellphone na may flashlight din.
"Hindi pa po ako nakakapagluto," wika naman ni Thyra.
"Bumaba na tayo at magluto ka na. Cook a dish na mabilis lang maluto."
Nauna naman itong lumabas kaya agad na sumunod si Thyra.
Nailang siya habang nagluluto nang mapansing nakatayo si Brett sa gilid niya habang nakakrus ang mga braso. Tanging ang nakapatong na emergency light sa counter ang ilaw nila kaya mas lalo siyang nailang sa presensya nito.
"How did you learn to cook?" Tanong ni Brett.
"Magaling pong magluto si Papa, kaya nagpaturo po ako," sagot niya saka isinalin ang niluto niya sa lalagyan.
Napatingin siya kay Brett nang makitang siya ang nagsandok ng kanin sa kaldero.
"I ordered some solar panel. Sayang lang ang oras kapag walang kuryente," wika ni Brett nang umupo si Thyra sa kaniyang harapan.
Inayos na lang niya ang inilagay niyang emergency light sa pagitan nila.
Habang kumakain ay napatingin siya kay Brett.
‘Mukhang kaya ko nang magtrabaho rito nang hindi kinakabahan.’
"Napapadalas na ang pagsulyap mo sa'kin."
Nabilaukan naman si Thyra nang biglang mag-angat ng tingin si Brett sa kaniya.
"H-Hindi ko po sinasadyang mapatingin sa inyo."
"I'm used to it. Sometimes I have to cover my face so they don't recognize me," saad ni Brett saka uminom.
Napatingin naman si Thyra sa kaniya na parang hindi naniniwala at pinigilan ang pagtawa.
‘Ang hangin naman nito.’
"That's a con for being me."
Tumango-tango naman si Thyra saka tinakpan ang kaniyang bibig nang mapangiti siya.
"It's okay if hindi ka naniniwala. Hindi kita pinipilit," sambit ni Brett.
Natawa naman si Thyra sa pagpapaliwanag nito.
Tumango-tango na lang siya saka tinapos ang pagkain.
Nang matapos silang kumain ay nauna nang umakyat si Brett at naiwan naman si Thyra na naghuhugas.
Napatingin siya sa bintana at nakitang umuulan kaya binilisan niya ang paghuhugas.
"Ngayon pa talaga umulan," sambit niya saka napakunot-noo at pilit na nag-fofocus sa ginagawa niya.
Bigla siyang napatili nang kumidlat at malakas na kulog ang kasunod nito.
Pinatay niya agad ang ilaw nang matapos siya at ginamit ang kaniyang cellphone paakyat sa kaniyang kuwarto.
Mabilis niyang isinara ang pintuan patungo sa balcony ng kaniyang kuwarto.
Kahit malamig ay naramdaman niyang pinagpapawisan siya.
Napahawak siya sa lamesa saka siya napapikit.
"H-Hindi."
Napahawak siya sa kaniyang dibdib nang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Sumakit ang kaniyang ulo nang may lumitaw sa kaniyang isip na isang malabong alaala.
"M-Mama," d*ing niya.
Nanuyo ang kaniyang lalamunan kaya nagmadali siyang lumabas muli sa kaniyang kuwarto.
Napatili siya nang kumulog nang malakas at napatakip sa kaniyang mga tainga.
"What the hell! Why are you rushing?" Tanong ni Brett nang magkabanggaan sila habang tumatakbo si Thyra sa hallway.
"H-Hindi lang po ako makatulog, Sir," pagsisinungaling niya.
"You're sweating," komento ni Brett nang maaninag niya itong tumatagaktak ang pawis.
Tanging ang ilaw mula sa cellphone ni Brett ang nagbibigay liwanag upang makita nila ang isa't isa, sapagka't nakababa ang cellphone ni Thyra sa gulat.
Nanginginig naman si Thyra at mabilis ang kaniyang paghinga.
"What's happening? Are you afraid of lightning and thunder?" Kunot-noong tanong ni Brett.
Napalunok naman siya at dahan-dahang tumango.
Sinuri naman siya ng tingin ni Brett.
"Sleep in my room tonight."
"P-Po?" Hindi makapaniwalang sambit ni Thyra.
Nanlaki ang mga mata ni Thyra na napatingin kay Brett. Naisip niya na dahil nahawakan na siya ni Brett at nahalikan nang hindi sinasadya ay may gagawin ito sa kaniya.Tinakpan niya ang kaniyang katawan at napalunok."I will not do anything stupid. But if you're not okay with it—""S-Sa kuwarto ko na lang po ako, Sir," mabilis na sagot ni Thyra.Tumango naman ito."Okay."Biglang kumidlat at nakakabinging kulog ang kasunod nito kaya napapikit si Thyra."W-Wait lang po," pagpipigil niya nang tumalikod na si Brett."Why?" Kunot-noong tanong nito saka lumingon sa kaniya."K-Kukunin ko lang po 'yong unan ko," nahihiyang wika ni Thyra."Faster."Tumakbo si Thyra pabalik sa kaniyang kuwarto at mabilis niyang kinuha ang mga unan niya habang naghihintay si Brett sa labas.Nagugulat pa siya sa mga kidlat habang papasok sila sa kuwarto ni Brett.Bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib nang makitang naunang humiga si Brett sa kama.Dahan-dahan siyang nagpunta sa kabilang parte ng kama habang hawak a
Napakunot-noo si Brett na nakatingin kay Thyra.Hindi makuha ni Thyra ang sasabihin."Ano'ng ibig sabihin nito, Thyra?" Tanong ni Felip.Napatingin naman si Brett sa kaniya."Who are you?""I'm Felip Dela Vega, Sir," pagpapakilala ni Felip."Son of the owners of Dela Vega Fashion," komento ni Brett"Yes, Sir. And she's my friend, longtime friend," turo ni Felip kay Thyra."Is that true?" Tanong ni Brett.Napalunok naman si Thyra."O-Opo, Sir.""I didn't know na magkaibigan kayo—""Sa kaniya ako nagtatrabaho," pamumutol ni Thyra sa sasabihin ni Felip.Napakunot-noo si Brett at napatingin sa kaniya na parang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi.Tumango-tango naman si Felip."Nice to meet you, Felip. But we need to go," saad ni Brett."Sige po, Sir. Nice to meet you also," nakangiting wika ni Felip saka tumingin kay Thyra.Nauna nang naglakad si Brett."F-Felip," kinakabahan pa ring paalam ni Thyra."Text me," sabi ni Felip.Tumango naman siya."You're not afraid that he's gonna tell a
Nagising si Thyra na hindi nakapagpalit ng kaniyang suot at napahawak sa kaniyang ulo nang sumakit iyon."P-Paano ako nakauwi?" Sambit niya at napatingin sa loob ng kaniyang kuwarto.Nanlaki ang kaniyang mga mata at kinapa ang kaniyang sarili.Napapikit siya at pilit na inalala ang nangyari ngunit nabigo siya."Bwisit na alak," bulong niya.Naligo na siya at agad na bumaba dahil maliwanag na sa labas.Tatanungin niya sana si Brett kung paano siya nakauwi, pero hindi pa niya ito nakikita simula kaninang umaga."Hindi pa ba siya bumababa? Alas-nuwebe na ah."Umiling-iling siya habang naghuhugas ng pinagkainan niya.Napahawak siya sa kaniyang bibig nang maramdamang mahapdi iyon.Napakunot-noo siya nang nahawakan ang sugat doon."Paano ako nagkaroon ng sugat?"Abala siya sa paghuhugas nang biglang pumasok si Brett at uminom ito ng tubig. Hindi ito nag-abalang kausapin si Thyra."Sir," tawag ni Thyra sa kaniya.Nasamid naman ito.Ibinaba niya ang baso at humarap kay Thyra."W-What?""P-Paa
Lumabas si Brett upang kumain ng dinner nang matapos niya ang presentation para sa meeting niya kinabukasan.Nameke siya ng ubo nang makapasok siya sa kusina at sumeryoso upang malaman ni Thyra na papasok na siya.Ngunit napakunot-noo siya nang makitang wala siya ro'n.Isang plato lang ang nasa lamesa at naka-set-up na ang kakainin niya.Tinignan niya ang pagkain kung kumain na si Thyra, ngunit hindi pa iyon nababawasan.Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ito, pero hindi siya sumasagot.Umiling-iling siya saka nagsimulang kumain at sadyang binagalan niya.Ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin si Thyra.Hindi na niya tinapos ang pagkain at kunot-noong nagtungo sa harapan ng kuwarto nito."Hey. Wash the dishes," utos niya habang nasa pintuan.Wala namang sumagot."May ipapagawa pa ako sa'yo. Don't sleep early," dagdag niya pa.Tahimik pa rin sa loob kaya pumasok na siya. Wala siyang nakita roon."Where are you?" Sinubukan niya ulit na tawagan ngunit napalingon siya
"I'm her boss," pagpapakilala ni Brett."I'm Nadia Natividad, Sir," nakangiting wika ni Nadia saka lumingon kay Felip."I already know Sir Brett. We've met.""What?" Hindi makapaniwalang sambit naman nito at tumingin kay Thyra."Sorry, Nads.""It's okay. At least, nakilala ko na siya," nakangiting sagot nito."Let's eat together. Thyra will not come with you if I am left alone."Nanlaki naman ang mga mata ni Thyra."S-Sumama na lang po tayo sa mga kasama niyo, Sir.""Follow me," sambit ni Brett na parang hindi siya narinig at naglakad na."Pero, Sir—""Don't you want to be with us, Thyra?" Tanong ni Felip kaya napatigil sila."Hindi sa ganoon.""Ah. You're ashamed Sir Brett will see our behavior," komento ni Nadia saka ito natawa.Hindi naman masabi ni Thyra na ayaw niyang makasama ito at makilala siya nang lubusan."I don't mind," saad ni Brett.Wala namang nagawa si Thyra kaya tumango-tango na lang siya.Nagpunta sila sa isang restaurant malapit sa dagat at pumuwesto sa garden nito.
"You know how much I hate people. I don't just give kisses, and you—"Napatigil ito at napahawak sa kaniyang ulo saka umiwas ng tingin habang nagpipigil ng inis.Hindi agad nakaimik si Thyra dahil sa nalaman niya."What? Say something." Tumingin ulit sa kaniya si Brett."S-Sir, ano...ano...wala po talaga akong maalala. Sorry po," wika niya at napalunok."P-Pero sana po ay hindi maapektuhan ang trabaho ko dahil sa nangyari, Sir," nagmamakaawang dagdag pa niya.Mariing bumuntong-hininga si Brett."Really? Your work? You think more about your work, than how I feel? I'm your boss, Thyra."Pilit na kumalma si Brett ngunit sinamaan niya si Thyra ng tingin kaya napalunok ito."I hate how picky I am with girls, and you just k*ssed me effortlessly? A French Kiss actually. And that's how you got your wound on your lips."Napahawak naman si Thyra sa kaniyang bibig at napapikit sa hiya."Now, you're shy? Pero hindi ka nahiya noong sinabi mong gusto mo akong h*likan nang ilang beses."Nanlaki nama
"N-No, Tito."Sumeryoso naman si Brett ngunit halatang may pagbabanta ang titig nito."Leave her alone.""O-Opo," mabilis na sagot ni Zane."That's why she doesn't like you, you're crazy."Hindi naman ito nakaimik. Tumabi naman si Thyra kay Brett."Go home. And don't you dare mess with Thyra again," kunot-noong sambit niya."S-Sorry, Thyra—""Leave!" Sigaw ni Brett.Agad namang umalis si Zane.Ilang minuto pa ay lumapit ang parents ni Brett sa kanila."Have you seen Zane?" Tanong ni Leandra."He already left. He's in a hurry," sagot ni Brett. Napasulyap naman si Thyra sa kaniya.Nagpaalam na sila sa isa't isa kaya umalis na rin sina Brett doon.Habang pauwi sila ay hindi pa rin umiimik si Thyra."May ginawa pa ba siyang iba sa'yo?"Napalingon naman ito kay Brett."W-Wala na po. Thank you po, Sir.""That jerk.""Sir, baka po magalit siya sa inyo," saad ni Thyra.Tumingin naman ito sa daan."I don't f*cking care. Wala rin naman akong pakialam sa kaniya. I don't recognize him as a nephew
Nagulat sina Benjamin nang si Thyra ang masampal."I-I'm sorry," wika ni Benjamin at hindi pa rin makapaniwala."Go home, Dad."Seryosong nakatingin si Brett sa kaniyang ama at mas lumapit sa tabi ni Thyra."I didn't mean to—""I said, go home," matigas na sambit ni Brett.Tumingin naman si Benjamin kay Thyra na parang nagsisisi sa nagawa niya."A-Ayos lang po ako," sabi ni Thyra at tumalikod saglit upang punasan ang luha."Stop being nice," kunot-noong saad ni Brett."Brett—""Let's talk next time, Dad."Huminga naman ito nang malalim saka umalis.Hinawakan ni Brett si Thyra sa kaniyang braso at pinaupo sa sofa."Let me check."Hinawakan niya ang pisngi nito at nakitang namumula na ang kaliwang pisngi ni Thyra.Napad*ing siya nang hawakan ni Brett ang ibaba ng kaniyang mata."I know it hurts."Hindi naman siya umimik."Why did you do that?" Tanong nito saka binitawan ang mukha ni Thyra.Ilang segundong natahimik si Thyra at tumingin sa kaniya."Natakot po akong lumala ang away niyo k
"So, 'yon nga, nagkita kami ni Sir Anthony sa event. And he invited me to their family event, he also said you were coming, so I agreed," kuwento ni Nadia habang umiinom sila ng juice sa garden nina Thyra.Hindi naman umimik si Thyra at pinapaikot lang ang straw sa kaniyang baso.Napakunot-noo si Nadia habang nakatingin sa kaniya."Nakikinig ka ba?" Tanong niya.Napatingin naman siya."H-Huh?"Huminga nang malalim si Nadia saka uminom."Tell me what happened.""Huh? W-Wala namang nangyari," saad ni Thyra."Alam kong mayroon. Now, tell me. Hindi ka naman tutunganga nang ganiyan kung wala," sambit nito.Napakagat-labi siya at hindi mapakali ang kaniyang mga daliri. Ilang beses siyang napalunok at huminga nang malalim upang ihanda ang sarili."S-Si Brett," panimula niya saka siya tumingin sa kaibigan."Bakit siya? What did he do again?" Kunot-noong tanong ni Nadia.Umiling naman siya."W-Wala siyang ginawa.""Eh, ano?""S-Sana hindi ka magalit," wika niya.Seryoso naman si Nadia na nakiki
Tumayo agad si Brett at lumapit kay Thyra. Siya naman ay nakatingin pa rin sa mga kasama ni Brett.Natahimik ang mga ito habang nakatingin sa kaniya.Alam niyang mukha rin siyang belong sa kanila dahil sa suot niyang pang-opisina.Tumabi si Brett sa kaniya at hinawakan ang kaniyang baywang."I'm Thyra. Brett's girlfriend," pagpapakilala niya saka siya ngumiti."Fuck," mahinang sambit ni Brett kaya napalingon siya. Nakangiti ito at parang nagpipigil. Nginitian naman niya ito."Mag-usap tayo mamaya," bulong niya.Napalunok naman ito."Did you eat?""Not yet. Kanina ka pa namin hinahanap," sagot niya."Eat first. Excuse us," saad nito at iginiya sa buffet.Iniwan nila ang kanilang mga kasama ro'n habang nakatingin sila sa kanilang dalawa."Bakit hindi ka tumitingin sa cellphone mo?" Tanong ni Thyra habang kumukuha ng pagkain."I don't know where I put it," sagot ni Brett saka kinuha ang plato ni Thyra at pinaupo siya sa bakanteng table."Kanina ka pa namin hinahanap. Tinawagan ako ni Anth
Si Thyra ang naglantad ng pagkatao ni Bettina sa lahat. Nagbayad siya ng tao, at alam niyang hindi nila ito mapapaamin.Nalaman niyang ampon si Bettina nang marinig niya ang pag-uusap nina Leandra at Benjamin tungkol sa mga ipapamana nila.Nagulat din siya sa kaniyang nalaman, at hindi naisip na kakailanganin niya ang impormasyong iyon. Matapos ang pananahimik niya sa mga ginawa nito sa kanila ay doon siya naglakas-loob na ibunyag ang katotohanan sa pagkatao ni Bettina.Sa kabilang banda, ilang beses namang huminga nang malalim si Brett habang nasa opisina siya sa kanilang building.Nakapamewang siya at kunot-noong paikot-ikot na naglalakad sa harapan ng kaniyang table.Hindi pa dapat siya papasok, ngunit marami siyang kailangang tapusin, at madami rin siyang natatanggap na email.Ilang text messages din at mga tawag ang hindi niya sinasagot dahil tinatanong siya ng mga ito kung maaari siyang magpa-interview. Alam niyang tungkol iyon sa kaniyang kapatid.Nakakaramdam siya ng pressure,
Hindi pa rin umiimik si Thyra habang nakatingin sa TV."Magbabago na ang tingin sa kaniya ng mga tao," komento ng kaniyang ama saka nagbuntong-hininga.Magsasalita na sana siya nang mag-ring ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa.Si Brett ang tumatawag."Hello?""Hi. Come here to our building, we have a meeting with my parents. I'll pick you up," wika ni Brett."Hindi na. Pupunta na lang akong mag-isa."Bumuntong-hininga naman si Brett mula sa kabilang linya."Okay. Just be careful," paalala nito.Nang maibaba ni Thyra ang tawag ay muli niyang nilingon ang kaniyang ama."Pupunta po ako sa mga Forteluna, Papa. Kayo na po muna ang bahala kay Thrina. At huwag po kayong mag-alala, may mga nagbabantay po sa labas," sambit niya.Tumango naman ito."Mag-ingat ka, anak.""Opo."Huminga nang malalim si Thyra nang magbukas ang elevator sa floor ng office ni Benjamin. Habang naglalakad siya patungo roon ay hindi niya maiwasang isipin kung ano'ng gagawin at pag-uusapan nila."You're here. I h
Nagmadaling umalis doon si Thyra at agad na nagpunta sa school ni Thrina.Naabutan niyang makapal pa rin ang usok doon at nasa harapan ng school ang mga estudyante at mga teachers.Nanghina siya sa kaniyang nakita habang papalapit doon."T-Thyra!"Napalingon siya at nakita sina Nadia at Anthony na palapit sa kaniya."N-Nasaan si Thrina?" Agad niyang tanong."H-Hindi namin alam. Pagpunta namin dito ay malaki na ang apoy. And her teacher didn't see her," nag-aalalang sagot ni Nadia.Napatakip naman si Thyra sa kaniyang bibig at napaluha.Niyakap naman siya ni Nadia"N-Nasaan ang anak ko? Kailangan natin siyang hanapin," paulit-ulit na saad niya habang umiiyak at nakatingin sa classroom ni Thrina.Nasa ganoon silang sitwasyon nang mag-ring ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa.Nanginginig niya iyong tinignan at nakitang si Brett ang tumatawag.Napatingin siya kina Anthony at naisip kung paano niya ipapaliwanag na nasusunog ang school ni Thrina at nawawala ang anak nila."H-Hello?
"M-Mama?" Mahinang sambit ni Thyra.Napahawak siya sa kaniyang ulo at napapikit. Agad siyang hinawakan ng kaniyang ama nang unti-unti siyang dumausdos habang dumada*ng sa sakit ng kaniyang ulo."A-Anak? Anak, ano'ng nangyayari?"Yumuko ang kaniyang ama upang hawakan siya sa kaniyang balikat habang nakahiga siya sa sahig."M-Mama... Aah!" Sigaw ni Thyra.Lumuluha siya, lalo na nang maalala niya ang mukha ng kaniyang ina noong bata siya.Wala pang limang beses niya itong nakita noong bata siya. Ang huli ay ang malabong alaala na laging nagpapakita sa isipan niya. Nakatayo ang kaniyang ina sa pintuan nila habang umuulan at may tao sa likod nito, ngunit hindi ito maaninag ni Thyra dahil malabo pa rin ito.Naluluha namang nakatingin si Thyrone sa kaniya habang hinihintay siyang matapos.Nang magmulat siya ng kaniyang mga mata ay nakita niyang lumuluha ang kaniyang ama kaya agad niya itong niyakap."S-Si Mama," wika niya.Hindi naman ito umimik at patuloy lang din sa pagyakap sa kaniya haba
Ilang sentimetro na lang ang layo ng mukha ni Thyra sa mukha ni Brett.Biglang nagmulat ng mga mata si Brett."What are you doing?"Nanlaki naman ang mga mata ni Thyra saka inilayo ang kaniyang mukha at napatayo."M-May dumi lang sa mukha mo, tinanggal ko," pagpapalusot niya.Nakatingin lang ito sa kaniya kaya nailang siya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya.‘Ano ba ang ginagawa mo, Thyra?’"My left arm suddenly hurt because I slept on my side," wika ni Brett saka hinaplos ang kaniyang braso.Napalunok naman si Thyra saka naupo ulit."Saang banda? Imamasahe ko na lang," prisinta niya.Napangiti si Brett saka inilahad ang kaniyang braso.Huminga naman nang malalim si Thyra saka hinawakan iyon at minasahe."I wish I always had accidents so you could be here," malumanay na sambit nito.Hindi naman siya tinapunan ng tingin ni Thyra."Don't say that. Kasi hindi naman ako pupunta lagi."Lumabi si Brett saka tumingin sa nga kamay ni Thyra na nakahawak sa kaniya."Malambot pa rin ang
"Mommy! Si Daddy?" Agad na tanong ni Thrina habang tumatakbo palapit kay Thyra. Naghihintay naman siya sa labas ng operating room. Kasama nito sina Nadia, Anthony, at ang kaniyang ama. Nauna niyang tinawagan ang mga ito bago ang pamilya ni Brett.Nanginginig naman si Thyra na yumakap sa kaniyang anak. Umiiyak na ito."N-Nasa loob pa ang Daddy mo, baby," saad niya habang hinahaplos ang likod ng kaniyang anak."W-Who did this to Daddy, Mommy?" Umiiyak na tanong ni Thrina sa kaniya at nag-angat ng tingin.Napalunok naman siya."H-Hindi ko pa alam, anak."Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak, habang si Thyra ay hindi mapakali dahil sa kaba."Ano ba kasi ang nangyari, anak?" Tanong ng kaniyang ama habang nakaupo sa kaniyang tabi."Nagpunta po kami sa shop para magpa-sculpt. T-Tapos napansin ni Brett ang isang lalakeng nakatingin sa amin. Umalis kami agad doon. Hindi ko naman inakalang susundan pala niya kami," sagot ni Thyra at hindi makatingin sa kanila."A-Ako nga dapat ang nasaksak, eh. Kaso
"What? Tell me! Why are you doing all this?" Tanong ni Brett at hindi naiwasang magtaas siya ng boses.Napakuyom naman ang mga palad ni Thyra."Maraming ginawang masama si Bettina sa akin. Hindi mo ako masisisi kung bakit ko ginagawa 'to!" Kunot-noong sagot niya.Napalunok naman si Nadia at hindi alam kung paano sila aawatin."Pero humantong ka sa gagamitin mo si Thrina para maghiganti? Why? Because you know we will be happy with her? Will you use us too?" Kunot-noong tanong ni Brett at itinuro pa ang kaniyang sarili.Hindi naman nakaimik si Thyra at unti-unting namumuo ang kaniyang luha."Itigil mo na 'to, Thyra. I know we did a lot of bad things to you, but don't use Thrina. And you can talk to my sister—""Pinatay niya si Felip! Paano ako makikipag-usap nang maayos sa pumatay sa boyfriend ko?" Pamumutol ni Thyra sa sasabihin nito.Napatigil naman si Brett at tila nagulat sa narinig."Siya ang pumatay kay Felip. Felip did nothing wrong to her. Maybe Bettina just found out about what