"Can't she wait?" Tanong ng lalakeng naka-side view at nakakunot-noong nakaharap sa kaniyang laptop. May awtoridad at mababa ang boses nito.
‘Si Sir Brett nga talaga ito.’ Huminga nang malalim si Thyra. Katabi nito ang ina ni Brett na si Leandra habang nakatayo sa balcony ng office nito. "I'll just tour her around then," wika naman ng Mommy ni Brett. Hindi naman siya umimik. Umalis na roon sina Thyra at ipinakita ni Leandra ang mga parte ng bahay ni Brett. "Here's your room," sambit ni Leandra. Pumasok sila sa isang maluwag na kuwarto at kulay krema ang pintura nito sa loob. Mayroon din iyong balcony kung saan makikita ang pool sa ibaba at ang malawak na garden. Ibinaba ni Thyra ang kaniyang gamit bago sila lumabas doon. "You should be quiet when walking here sa hallway. Iisang room lang ang pagitan ng room niyo ni Brett. Heto ang room niya," turo ni Leandra sa isang malaking pintuan. Nasa pinakaunahan iyon, at nasa dulo naman ang kuwarto ni Thyra. "Yes, Ma'am." Tumango-tango naman si Leandra. Pabalik na sila sa office ni Brett nang ilahad ni Leandra ang isang papel, nakasulat doon ang house rules at ang duties ni Thyra. "You need to memorize all of these. He doesn't want anyone making mistakes." Kinuha iyon ni Thyra. "Sige po," nakangiting sagot niya. "Now, I'll let you formally meet him," wika ni Leandra saka sila bumalik sa gawi ni Brett. Muntik nang mabitawan ni Thyra ang hawak niyang papel nang marinig na may sinisigawan si Brett sa kaniyang cellphone. Napalunok siya nang lumapit sila sa kaniya. "Take care of our son. He's having a hard time," bulong ni Leandra habang nakatingin sa kaniyang anak. "O-Opo." Naalala ni Thyra na nalugi ang negosyo ni Brett last year kaya malayo sa sentro ng siyudad ito nakatira, at nag-eskandalo ito sa isang restaurant matapos mapahiya, kaya umiiwas siya sa mga tao. Umubo si Leandra upang kunin ang atensyon ni Brett matapos ibaba ang kaniyang cellphone, ngunit hindi man lang ito tumingin sa kanila. "Brett, we'll leave now. I want you to meet Miss Thyra—" "I'll just read her biodata. Did you teach her everything? I don't want a stupid maid," pamumutol ni Brett sa sasabihin ni Leandra. Nabigla naman si Thyra sa sinabi nito. "I told her everything. Kung may kailangan ka, just tell her." "Good," tipid na sagot ni Brett. Bumuntong-hininga si Leandra saka humarap kay Thyra. "Aalis na kami. Remember what I told you. Send me a message if you need anything," paalam nito. "Sige po, Ma'am. Thank you po," nakangiting sagot ni Thyra. Nagpaalam muna ito kay Brett bago umalis. Umayos naman si Thyra sa pagkakatayo at ngumiti kahit hindi nakatingin si Brett sa kaniya. "Kung may kailangan po kayo, Sir, sabihan niyo lang po ako," wika niya. Hindi naman sumagot si Brett at hindi man lang lumingon sa kaniya. Napahawak siya sa ibaba ng kaniyang damit at dahan-dahang lumabas doon at nagtungo sa kaniyang kuwarto. Binasa niya ang house rules at ang mga gagawin niya habang nasa balcony. Nasa ganoong sitwasyon siya nang magbasag ng beer mug si Brett sa poolside kaya napatingin siya. Napakunot-noo siya habang nakatingin sa kaniyang boss. "Grabe naman itong si Mr. Anger. Mukhang mauuna pa akong aatakihin sa puso bago magsimula," iiling-iling niyang sambit. Nakapagluto na siya ng dinner nilang dalawa nang alas-siyete na ng gabi. Nakahinga siya nang maluwag nang magpunta na sa dining area si Brett dahil hindi niya alam kung tatawagin niya ito. Bago magsimula si Brett ay napatingin siya sa gawi ni Thyra. "What are you doing?" Tanong nito. "P-Po?' Napalunok si Thyra nang kumunot-noo si Brett. "I don't want anyone watching me eat. Sit." Agad namang naupo si Thyra dahil sa kaba. Habang kumakain sila ay hindi makatingin si Thyra kay Brett. "From now on, kumain ka kapag kumakain ako. I don't want to seem ruthless," sambit ni Brett habang kumakain si Thyra. "Sige po, Sir." "And don't let me repeat what I said," dagdag pa nito saka uminom ng tubig. Sasagot pa lang sana si Thyra nang magsalita ulit ito. "You must follow all my orders." Pinilit naman ni Thyra ang ngumiti. "Yes, Sir." Kinabukasan ay maagang nagising si Thyra at nagluto na agad siya ng breakfast. Napatalon siya nang makita si Brett na papalapit sa gawi niya. "Breakfast po, Sir," saad niya. Napalunok siya nang napakunot-noo si Brett. "You did not read the form. You can't even do your job right!" Seryosong sambit nito. "P-Po?" "I don't eat breakfast, I only drink coffee," sagot ni Brett at hindi nagbago ang ekspresyon nito. Napaawang naman ang bibig ni Thyra. "S-Sorry po, Sir—" "Eat all of that. This is your first warning. Isang araw ka pa lang, pero hindi mo magawa nang maayos ang trabaho mo," pamumutol ni Brett sa sasabihin niya. "O-Opo," natatarantang sambit ni Thyra at kumuha ng plato. "And cover yourself, you're too revealing. I can see it in my peripheral vision." Nanlaki ang mga mata ni Thyra at agad na tinakpan ang kaniyang hinaharap. Nakasuot siya ng t-shirt na hapit sa kaniyang katawan kaya kitang-kita ang hugis niya. "E-Excuse me po, Sir," nagmamadaling wika niya saka tumakbo paakyat sa kaniyang kuwarto. Napapikit siya sa hiya at napa-facepalm dahil sa sinabi ni Brett. "Hindi ako 'to. Hindi ako sanay na ipinapahiya. Pero nakakahiya nga," sabi niya sa kaniyang sarili bago nagpalit ng damit. Agad din siyang bumaba at pinilit na inubos ang kaniyang niluto. Habang naglilinis siya sa hallway ay narinig niyang may sinisigawan si Brett sa balcony. Umiling-iling naman siya. "Maid!" Nanlaki ang mga mata niya kaya agad siyang pumasok sa office nito at natisod pa siya kaya hindi maayos ang pagtayo niya sa likod ni Brett. "Water!" Nagulat siya sa biglang pagsigaw ni Brett kaya nagmadali siyang kumuha ng tubig sa baba. Pagkabalik niya ay muntik pang matapon ang tubig sa lamesa, ngunit hindi iyon napansin ni Brett dahil abala siya sa pagbubulyaw sa kaniyang cellphone. "Do your work! What? Then do better!" Sigaw nito saka galit na pinatay ang tawag. Nakatayo naman si Thyra sa likuran niya at naghihintay ng utos. Napapikit si Brett at hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang cellphone. Pagkaharap niya ay nakangiti si Thyra sa kaniya ngunit hindi niya pinansin ito dahil sa galit. "Stupid!" Umiigting ang pangang sambit ni Brett at ibinato ang baso na may tubig. Napad*ing si Thyra nang tumalsik ang bubog at tinamaan ang kaniyang kanang paa. Tumalikod naman agad si Brett at humawak sa balustrade habang nakakunot-noo. Kumuha ng tissue si Thyra at pinulot ang mga bubog. "Magluto ka na. I still have a lot to do," wika ni Brett nang humarap siya. Nagbago ang itsura niya nang makitang tumutulo ang dugo sa paa ni Thyra habang nagmamadaling pinupulot ang mga bubog. "Yes po, Sir," sagot ni Thyra at agad na lumabas nang matapos siya. Sinundan naman siya ng tingin ni Brett. Inabala ni Thyra ang sarili sa paghuhugas ng mga nagamit niya habang nakaupo si Brett. ‘Mas gusto ko pang mag-present at gumawa ng papers, kaysa sa mag-alaga ng tigre. Kung hindi ko lang kailangan ng pera, magtatarayan kaming dalawa.’ "Wash quickly, and eat now," may awtoridad na saad ni Brett. ‘Tapos hindi pa makakain nang mag-isa.’ Nagpunas ng kamay si Thyra saka naupo sa harapan ni Brett. Habang kumakain si Brett ay hindi naiwasang pagmasdan ni Thyra ang kamay nito. Maugat at mahahaba ang mga daliri. Napakunot-noo si Thyra nang mapansing may sugat ang isang daliri nito. Iniangat niya ang paningin sa mukha ni Brett. ‘Ano ba ang ginagawa mo?’ Gabi na nang maisipan ni Thyra na magpunta sa balcony. Naupo siya at napatingala sa mga bituin. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at bumuntong-hininga. "Hindi naman masamang maging katulong. Mas masama kung hindi ako ga-graduate ngayon. Kawawa si Papa," mahinang sambit niya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa lamesa at tinawagan ang kaniyang ama. "Kumusta, anak?" Tanong ng kaniyang ama na si Thyrone mula sa kabilang linya. Ini-relax niya ang kaniyang likod sa upuan at napapikit. "Okay lang po ako. Hindi po madali rito. Sobrang laki ng bahay, at mag-isa lang po ako. Kayo po?" "Okay lang naman ako. Eh, kumusta ang boss mo?" Napangisi naman si Thyra. "Masyado siyang masungit, 'Pa. Para sa isang 28 years old, hindi na bagay sa itsura niya." Natawa naman si Thyrone. "Mas masungit pa sa'yo?" Napangiti naman siya saka umiling-iling. "Magaling po siyang sumigaw kahit magkalapit lang naman kami," saad ni Thyra. "Alam kong nahihirapan ka kasi hindi ka naman sanay na sinisigawan ka. Baka masungit lang siya kasi kailangan niya ng taong uunawa sa kaniya?" Napaisip naman si Thyra saka huminga nang malalim. "Paano ba mapapaamo ang isang leon?" Tanong ng kaniyang ama. "Pakakainin ng karne," walang ganang sagot ni Thyra kaya natawa si Thyrone. "Alam mo, 'Pa, bagay sa kaniya ang pangalan niya. Brett Leo. Leon siya." Mas lalo namang natawa ang kaniyang ama. "Intindihin mo na lang siya, anak. Alam mo naman ang nangyari sa kaniya noong nakaraang taon. Paniguradong masakit pa rin ang loob niya." "Opo. Magtatagal po ako rito. Alam niyo naman po ang dahilan kung bakit ako nandito. Kaya kahit ano'ng mangyari, magpapasensya po ako," wika ni Thyra saka umayos sa pagkakaupo. "Tama. Kahit maikli lang ang pasensya mo." Natawa naman si Thyra. Alas-dos ng madaling-araw ay biglang nagising si Thyra nang makaramdam siya ng pagkaihi. Napatigil siya sa pagpunta sa CR nang may marinig siyang kumalabog. Nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa pintuan. Napatakip siya sa kaniyang bibig nang magpatuloy pa rin ang ingay mula sa baba. "Pinasok ba kami? May nakapasok bang magnanakaw?" Kinakabahang sambit niya. "Imposible," dagdag niya pa. Dahan-dahan siyang lumabas mula sa kaniyang kuwarto at bumaba. Napalunok siya habang patungo siya sa kusina kung saan nanggagaling ang ingay. Nanginginig ang kaniyang kamay na inabot ang doorknob ngunit agad niya rin iyong binawi nang marinig ang pagsigaw ni Brett mula sa loob. Napaatras siya at napatakip sa kaniyang bibig. "A-Ano'ng nangyayari? Sino'ng kaaway niya?" Binuksan niya ang pintuan at bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Nanginginig siyang tumingin sa loob nang maiwasan niya ang lumipad na baso."F*ck this life!"Napalunok si Thyra nang makitang nagkalat ang mga sirang gamit sa loob ng kusina at may sugat na rin ang mga kamay ni Brett. Wala itong kasama sa loob.Nang makita niyang napayuko si Brett ay agad niya ring isinara ang pintuan.Hinayaan niyang ilabas nito ang nararamdaman niya saka siya bumalik sa kaniyang kuwarto.Bumuntong-hininga si Thyra saka siya natulog.Alas-singko ng madaling-araw ay nagising siya kaya dahan-dahan siyang lumabas upang tignan kung tulog na si Brett.Bumaba siya at nakitang wala na ito sa kusina. Tumayo siya sa pintuan at pinagmasdan ang kalat na iniwan ni Brett."Leon nga talaga," wika niya saka huminga nang malalim at nagsimulang linisin ang mga nandoon.Habang naglilinis ay naalala niya ang sinabi ng kaniyang ama na kailangan ni Brett ng uunawa sa kaniya.Nang matapos siya ay nakita niyang malapit nang mag-alas-siyete ng umaga.Naupo muna siya at itinungo ang ulo sa lamesa saka pumikit.Pupungay-pungay ang mga mata niya nang marinig ang yab
"Sir!"Niyugyog ni Thyra si Brett at ipinatong ang ulo nito sa kaniyang mga hita. Naramdaman niyang mainit ito."Nilalagnat ka na rin," mahinang sambit ni Thyra.Unti-unting nagmulat ng mga mata si Brett at hindi maipaliwanag ang istura nito dahil sa sakit ng ulo.Napatingin ito kay Thyra kaya napalunok naman ito."Tumayo na po kayo," saad niya saka siya inalalayan."Bakit kasi alak ang iniinom mo, Sir? Bakit hindi gamot?" Dagdag niya pa saka ipinatong ang kaliwang braso nito sa kaniyang balikat.Natahimik din agad siya nang mapansin niyang seryoso si Brett habang tumatayo.Ilang minuto silang umakyat sa hagdanan dahil malaki ang katawan ni Brett.Tinulungan siya ni Thyra na ihiga sa kaniyang kama nang makapasok sila."S-Sir, kung may kailangan po kayo, puwede niyo po akong tawagan," turo ni Thyra sa telepono.Bahagya naman itong tumango at kinumutan siya ni Thyra.Kinuha niya ang oras na iyon para lagyan ng bandaid ang mga sugat ni Brett sa kaniyang mga daliri.Hindi naman ito umimik
Napakunot-noo si Thyra habang iminumulat ang kaniyang mga mata at napahawak sa kaniyang ulo.Ilang beses siyang napapikit at inalala ang nangyari.Nagbitaw siya ng masamang salita at pinilit na maupo."Lintik lang ang walang ganti. Babasagin ko rin—"Natahimik siya nang makita si Brett na nakatayo sa kanang bahagi ng kaniyang kama.Umubo-ubo siya at hindi makatingin sa kaniyang amo."N-Nahuli niyo po ba ang mga hold-uppers, Sir?""Yeah. They are in jail," sagot ni Brett habang nakakrus ang mga braso.Napakagat naman si Thyra sa loob ng kaniyang bibig."Ang sakit ng ulo ko.""The doctor said, you need to rest. You're safe, pero kailangan mo pa rin mag-take ng medicine," saad ni Brett saka naupo sa sofa.Tumingin naman si Thyra sa kaniya."Sige po. Wala naman pong epekto sa utak ko 'yong pagkakapalo ko?""Fortunately, wala naman, sabi ng doctor. Makakaranas ka lang ng sakit sa ulo."Napabuntong-hininga naman si Thyra saka umiwas ng tingin.Napakagat siya sa ibaba ng kaniyang labi at nai
Nagulat si Thyra sa paggalaw ni Brett kaya lakas-loob niyang itinulak ito.Pupungay-pungay naman ang mga mata nitong napaupo saka siya dahan-dahang tumayo. Nanginginig naman ang mga kamay at tuhod ni Thyra habang tumatayo.Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang tumingin si Brett sa kaniya kaya napaatras siya."Your head, napalo kahapon," lasing na sambit nito.Napalunok naman si Thyra."I need to sleep," mahinang wika ni Brett saka tumalikod at umalis na sa harapan niya.Nakatayo pa rin doon si Thyra at nakatingin sa likod ni Brett habang nakahawak sa kaniyang bibig."Sh*t. Ako lang ba ang nakaramdam?"Napapikit siya saka umiling-iling. Humawak siya sa kaniyang dibdib upang pakalmahin ang kaniyang puso dahil nabibingi na siya sa lakas ng kabog nito."Nahalikan ako ni Sir."Kinabukasan ay ilang beses na napahikab si Thyra habang nag-aayos ng lunch nila. Kinusot niya ang kaniyang mga mata saka hinugasan ang mga nagamit niya.Napatigil siya at napalunok nang marinig ang yabag na
"Why are you here?" Nagtatakang tanong ni Zane at itinuro pa ang bahay ni Brett.Napatingala si Thyra sa kaniya dahil mas matangkad ito. Maputi ito at unat ang buhok na may kahabaan gaya ng buhok ng mga Korean, at may kaunting bangs."Hey?" Iwinagayway ni Zane ang kaniyang kamay sa mukha ni Thyra."P-Pumasok ka muna."Nauna siyang pumasok at hindi mapakali habang sumusunod si Zane sa kaniya."Now, you need to tell me what's going on," saad nito saka sila naupo sa sofa.Huminga naman siya nang malalim."Dito ako nagtatrabaho," seryosong sagot niya."What? Don't tell me, you're my Tito's personal maid?"Napakunot-noo si Thyra na tumingin sa kaniya."Ikaw 'yong pamangkin ni Sir Brett?"Tumango naman si Zane at nahagip ng paningin niya ang ulo ni Thyra."Wait. What happened to your head?" Tanong nito nang makita ang inilagay niyang gasa."Naaksidente lang," walang ganang sagot niya."Are you okay?"Naupo si Zane sa tabi niya at akmang hahawakan ang ulo ni Thyra, ngunit umusog siya."Bakit
Dumating si Brett at masama na agad ang tingin nito sa mga lalake.Pilit namang binawi ng lalake ang kaniyang kamay saka tumingin kay Thyra."Get your sh*t out of my face," may awtoridad na sambit ni Brett saka tumabi kay Thyra.Hindi naman nila ito matignan. Ilang sandali pa ay nagmadali na silang umalis doon.Masama naman ang tingin ni Thyra sa kanila habang palayo ang mga ito."Let's go home," aya ni Brett sa kaniya. Tumingin pa muna saglit si Thyra sa papalayong sasakyan ng mga lalake saka sumunod sa kaniya.Agad na nagtanggal ng facemask at shades si Brett nang makasakay sila sa sasakyan niya.Hindi pa rin umiimik si Thyra habang nagmamaneho si Brett. Nakatingin lamang ito sa labas ng bintana at nakakunot-noo.Napatingin sa kaniya si Brett at napansin niyang wala siya sa mood."We'll take out some food," wika niya.Lumingon naman agad si Thyra sa kaniya."Sige po."Dumaan sila sa isang fastfood chain at nag-drive-thru.Nang makauwi sila ay agad na niyaya ni Brett si Thyra upang k
Nanlaki ang mga mata ni Thyra na napatingin kay Brett. Naisip niya na dahil nahawakan na siya ni Brett at nahalikan nang hindi sinasadya ay may gagawin ito sa kaniya.Tinakpan niya ang kaniyang katawan at napalunok."I will not do anything stupid. But if you're not okay with it—""S-Sa kuwarto ko na lang po ako, Sir," mabilis na sagot ni Thyra.Tumango naman ito."Okay."Biglang kumidlat at nakakabinging kulog ang kasunod nito kaya napapikit si Thyra."W-Wait lang po," pagpipigil niya nang tumalikod na si Brett."Why?" Kunot-noong tanong nito saka lumingon sa kaniya."K-Kukunin ko lang po 'yong unan ko," nahihiyang wika ni Thyra."Faster."Tumakbo si Thyra pabalik sa kaniyang kuwarto at mabilis niyang kinuha ang mga unan niya habang naghihintay si Brett sa labas.Nagugulat pa siya sa mga kidlat habang papasok sila sa kuwarto ni Brett.Bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib nang makitang naunang humiga si Brett sa kama.Dahan-dahan siyang nagpunta sa kabilang parte ng kama habang hawak a
Napakunot-noo si Brett na nakatingin kay Thyra.Hindi makuha ni Thyra ang sasabihin."Ano'ng ibig sabihin nito, Thyra?" Tanong ni Felip.Napatingin naman si Brett sa kaniya."Who are you?""I'm Felip Dela Vega, Sir," pagpapakilala ni Felip."Son of the owners of Dela Vega Fashion," komento ni Brett"Yes, Sir. And she's my friend, longtime friend," turo ni Felip kay Thyra."Is that true?" Tanong ni Brett.Napalunok naman si Thyra."O-Opo, Sir.""I didn't know na magkaibigan kayo—""Sa kaniya ako nagtatrabaho," pamumutol ni Thyra sa sasabihin ni Felip.Napakunot-noo si Brett at napatingin sa kaniya na parang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi.Tumango-tango naman si Felip."Nice to meet you, Felip. But we need to go," saad ni Brett."Sige po, Sir. Nice to meet you also," nakangiting wika ni Felip saka tumingin kay Thyra.Nauna nang naglakad si Brett."F-Felip," kinakabahan pa ring paalam ni Thyra."Text me," sabi ni Felip.Tumango naman siya."You're not afraid that he's gonna tell a
Napakuyom ang mga palad ni Brett at hindi mapigilang mamuo ang kaniyang luha.Tumingin siya kina Thyra at marahas na binuksan ang kaniyang sasakyan saka siya bumaba."W-What did you say?" Agad niyang sambit.Nanlaki ang mga mata nina Thyra at napatakip pa si Nadia sa kaniyang bibig dahil sa pagkagulat."T-Tara na, Nads," aya ni Thyra saka bumaling kay Nadia at agad siyang tumayo."No! You stay here!" Wika ni Brett at hinawakan ang kaliwang braso ni Thyra.Napatingin naman si Thyra at marahas na binawi ang kaniyang kamay."Huwag mo akong hawakan," may diin niyang sabi.Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Nadia sa kanilang dalawa."Tell me the truth. I want you to tell me now in front of me what I heard earlier," seryosong wika ni Brett na parang nagmamakaawa.Hindi naman umimik si Thyra at nakatingin lang sa kaniya."Tell me, please," sinserong dagdag pa nito habang naluluha."Wala ka nang dapat malaman," mahinang sabi ni Thyra."But I heard you say Thrina is my daughter," saad nito.
Nakasuot ng shades si Brett habang nakatingin kay Thrina na naglalaro sa park. Kasama nito ang kaniyang lolo."Sir, may ipapagawa pa po ba kayo ngayong nahanap na natin ang bata?" Tanong ng tauhan niya habang nakaupo sila sa hindi kalayuan."Nothing. You can leave now.""Paano po kayo, Sir?""I can handle myself. I'll just talk to the kid later," sagot niya saka inayos ang kaniyang suot na facemask at shades.Tumango naman ito saka umalis doon.Biglang nag-ring ang cellphone ng lolo ni Thrina at masayang kinausap si Thyra sa tawag.Tumayo naman si Brett at hindi inalis ang paningin kay Thrina na naglalaro sa slide. Nakatalikod naman ang kaniyang lolo habang kausap ang kaniyang ina at may ilang hakbang ang layo.Maingay din ang mga batang naglalaro doon.Nang masigurado ni Brett na busy si Thyrone ay nilapitan niya si Thrina. Ang bata naman ay nag-explore sa mga swings doon."Hi!" Masiglang bati niya.Napakunot-noo naman si Thrina at nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi ito sumagot."I
Bumalik si Brett sa kaniyang sasakyan at kunot-noong nakaupo roon.Tinawagan niya ang may-ari ng mall at nagsinungaling siyang may emergency siya kaya hindi na siya matutuloy na pumunta roon.Mabilis ang tibok ng kaniyang puso at naisip na tawagan ang isa niyang tauhan."I will order something," sambit ni Brett."Find out where Thyra Haze Del Fuego is. Also find out when she gave birth, and who Felip Dela Vega was in her life," utos niya.Umiigting pa rin ang panga niya at hindi mapakali.Napapikit siya nang maalala ang mukha ng batang nakausap niya. Kanina pa nakaalis sina Felip, ngunit hindi maalis sa isipan niya ang tagpong iyon."That's why she looks like someone. But I have to be sure," mahinang wika ni Brett.Huminga siya nang malalim at umalis na ro'n. Nagtungo muna siya sa kaniyang bahay upang magpakalma."I'll just pass the 30 minutes, I've already spent 30 minutes. Sayang naman ang isang oras na overtime," nakangiting saad ni Thyra sa kanilang dining supervisor."Sige. Kailan
"Nadia, pakibantayan naman si Thrina. Kukunin ko lang 'yong mga ibang pagkain sa loob," sambit ni Thyra.Agad namang lumapit si Nadia kay Thrina at nakipaglaro sa kaniya.Nakasalubong naman niya sa loob si Felip."Nakuha ko na lahat ng food, babe," saad nito."Sige, babe. Nakapag-set up na rin naman ako."Naglabas ng panyo si Felip at pinunasan ang pawis na namumuo sa noo ni Thyra.Napangiti naman siya."Thank you, babe."Nagtungo sila sa garden ng kanilang bahay kung saan nandoon ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan.Kasama nila sa iisang bahay ang ama ni Thyra, at umuuwi naman si Felip tuwing weekends sa family house nila upang samahan ang kaniyang ina.Nakapagpundar sila ni Thyra ng sarili nilang bahay.Naabutan nilang pinapanuod ng lahat si Thrina habang sumasayaw sa gitna kasama si Nadia."Papagurin mo ang Tita Nadia mo, anak. Mahina na ang mga tuhod niyan," komento ni Felip.Natawa naman sila.Nag-make face naman si Nadia at tumigil sa pagsasayaw."Hello? You are one year ol
"A-Ano?"Hindi naalis ang paningin niya kay Felip at dahan-dahang binawi ang kaniyang kamay."F-Felip, seryoso ka ba?" Kunot-noong tanong niya.Tumango naman ito habang nakangiti."Yes, Thyra, I'm serious.""P-Pero nakakahiya. Hindi mo naman anak ang baby ko. Ayokong ipaako sa'yo ang responsibilidad bilang ama sa hindi mo naman kaanu-ano. A-At isa pa, unfair 'yon sa'yo," wika ni Thyra."Why would that be unfair to me? Kaya nga ako nagpriprisinta dahil paninindigan ko," sagot ni Felip.Umiling naman siya."P-Paano ka? Paano ang mga pangarap mo para sa sarili mo kung magkakaroon ka ng responsibilidad sa akin? Ni hindi ka pa nga nagkakaroon ng girlfriend," nahihiyang sabi niya.Tila nakuryente na naman si Thyra nang hawakan ulit ni Felip ang kaniyang kamay."I hid it for a long time. I hid it from you for several years. At ayoko nang ilihim pa ang nararamdaman ko," panimula nito.Napalunok si Thyra."Matagal na kitang mahal, Thyra. Sobrang tagal na. Mahal na mahal kita, that even if I get
Bumalik sa isipan ni Thyra ang sinabi ni Brett na gusto niyang magkaroon ng pamilya kasama siya. Ngunit hindi niya naisip na maaari siya nitong palitan dahil mahal niya ito.Sa kaniyang narinig, naisip niyang hindi na niya sasabihing buntis siya at wala na ring mababago pa. Na hindi nila kailangang malamang dinadala niya ang isang parte ng pagkatao ni Brett na isang Forteluna.Parang nawalan siya ng hangin at hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang lahat. Na buntis siya, ngunit wala na rin si Brett."Ilang buwan rin namin iyong pinag-usapan, but he only recently agreed," saad ni Leandra.Hindi naman makaimik si Thyra."Of course, dahil sikat doon ang mapapangasawa niya. Who would refuse such an influential person?" Komento ni Bettina saka tumingin kay Thyra.Napalunok naman siya nang mapansin iyon."Despite everything, he still followed what we wanted for him," wika ni Mrs. Forteluna.Hindi na alam ni Thyra ang kaniyang uunahing isipin. Ngunit alam niyang may gagawin ang mga ito kapa
Napaupo si Thyra at hindi mapigilan ang nararamdaman.Tumulo ang kaniyang luha at napatakip sa kaniyang bibig habang nanginginig siya.Naupo si Nadia sa kaniyang tabi at hinaplos ang kaniyang likod."H-Hindi. P-Paano... Paano ko sasabihin kay Brett? Hiniwalayan niya na a-ako," umiiyak na sambit ni Thyra."Tell him. Alam kong marami ka pang pangarap, pero nandiyan na. You can't change it, and I hope you don't do anything bad to have your baby taken away from you," malumanay na wika ni Nadia.Napatingin naman si Thyra sa kaniya."N-Natatakot ako. Paano kung hindi ko kaya? Paano kung hindi ako magiging mabuting ina?"Umiling naman ito."Sa pagkakakilala namin sa'yo, kaya mo 'yan. We know it's early, but you can probably raise a child.""Nasa legal age naman na ako, p-pero natatakot pa rin ako."Niyakap siya ni Nadia."Kailangan mong sabihin kay Sir Brett. May karapatan pa rin siyang malaman. And I hope your baby will be the way for your relationship to be good again."Hindi naman nakaimi
Tila nanlambot ang buong katawan ni Thyra at hindi alam kung paano titingin kay Brett nang hindi umiiyak."B-Baka puwede pa nating pag-usapan? Sinabi kasi ni Laureen—""No. Please. Umalis ka na, Thyra," tila nagpipigil ng galit na sambit ni Brett.Umiling-iling naman si Thyra saka lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay nito."Please, B-Brett? B-Baka... Baka kapag nalaman mo ang lahat ay maiintindihan mo ako," saad niya. Halos magmakaawa na siya.Umiling ito saka binawi ang kaniyang kamay at hindi makatingin kay Thyra."I know you are hurting, at nasasaktan din ako. Kaya please, leave now," mahinang wika ni Brett."P-Pero, love—""Huwag kang mawalan ng respeto para sa sarili mo," sabi ni Brett saka tumingin sa kaniya.Napalunok naman siya at mas lalong naiyak."B-Babalikan mo naman ako, 'di ba?"Napalunok si Brett at hindi sumagot.Ilang segundo siyang nakatingin kay Brett saka siya tumango.Hindi na siya nagsalita pa saka siya tumalikod. Bawat hakbang niya ay siyang lalong lumalakas
Habang kumakain sina Felip kasama ang kaniyang mga kaibigan at ang ama ni Thyra ay hindi niya mapigilang tignan sila isa-isa."Salamat sa pagsama niyo sa amin ni Mommy. Alam kong magiging maayos din kami, hindi pa sa ngayon, pero balang araw," wika ni Felip saka siya ngumiti.Napangiti naman sila."Ang pamilya mo rin ang naging sandalan namin ni Papa kasi kami na lang dalawa. Kaya hindi rin namin kayo iiwan," saad ni Thyra saka hinawakan ang kamay ni Felip sa ilalim ng lamesa."Oo nga, hijo. Alam mo, puwede mo pa rin naman akong maging tatay," sabi naman ng ama ni Thyra."Oo nga. Tsaka binibiro mo nga si Thyra na ikaw ang manugang ni Tito," pang-aasar ni Nadia. Pinandilatan naman siya ni Felip.Natawa na lang sina Thyra."Thank you for coming. We are happy and our house is open for you all," komento naman ng ina ni Felip."Ano na po ang plano niyo, Tita?" Tanong naman ni Thyra saka binitawan ang kamay ni Felip."Babalik na ako sa opisina bukas. So that I can see what is happening ther